Sunday, September 18, 2011

Isang Linggong Pag-ibig

Again, I thank Sam of http://www.freddysamsc.com for giving me 15 dollars thru paypal account for the badge of her blog There's No Place That Far that I put in my blog. She is also the owner behind the badge Snap Shots And Tips. Please visit her, visit all My Advertiser. Thank You.

Ang larawan ng lalaki at babae na makita ay mga kaibigan ko. Ang lalaki ay naging modelo ko para sa sinulat kong PAGHIHINTAY noong May 4, 2009. Kapag umuuwi iyan mula ibang bansa ay nagpapainom iyan sa amin na mga kaibigan niya palagi ng san miguel beer o red horse. At ang babae naman ay siya ang kasama ko sa post kong PAIN noong May 25, 2011 at ako ang nagpapainom ng san miguel beer o red horse sa kanya, hehe. Joke lang. Ang kuwento po na mabasa ay gawa-gawa ko lang at walang katotohanan.

"You don't realize how much you care about someone until they don't care about you."





















ISANG LINGGONG PAG-IBIG
Ni: Arvin U. de la Peña

Lunes nasa isang tindahan si Sheryl may binibili bago pumasok sa paaralan ng may pumaradang kotse. Pagbaba ng lalaki ay nagtanong agad sa tindera kung may load daw. Oo , naman ang sagot ng tindera. Dahil nagkatabi sina Sheryl at ng lalaki ay hindi naiwasan ng lalaki na hindi tanungin ang pangalan ng katabi niyang magandang babae. "Puwede ko bang malaman ang pangalan mo", tanong ng lalaki." Sheryl Reyes po", sabi ni Sheryl. "Ako naman si Alexis Negado", sabi naman ng lalaki. "Nice to meet you", tugon uli ng lalaki at nakipag shake hands kay Sheryl. Bago umalis ang lalaki na si Alexis ay hiningi niya ang cellphone number ni Sheryl. Ibinigay din ni Sheryl ang cellphone number niya. Pagkatapos magpaload ni Alexis at sumakay na siya sa kanyang kotse. Kinawayan pa niya si Sheryl bago nagpaandar ng kotse at may ngiti sa kanyang labi.

Martes sakay ng jeep si Sheryl ng bigla ay nag ring ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya ang kanyang cellphone kung sino ang tumatawag ay si Alexis. Ayaw sana niyang sagutin kasi baka hablutin ang cellphone niya ng snatcher pero sinagot niya pa rin. At sila ay nag-usap ng masinsinan.

Miyerkules paglabas ng paaralan ni Sheryl ng laking gulat niya ng makita sa kabilang linya ng kalsada ang nakaparadang kotse ni Alexis. At si Alexis ay nasa may pinto at kinakaway siya. Walang nagawa si Sheryl kundi ang lapitan si Alexis. Hindi na nakatanggi si Sheryl ng siya ay yayain ni Alexis na mamasyal. Maraming magandang pasyalan ang pinuntahan nila. Ipinakita ni Alexis kay Sheryl ang kanyang pagiging mabait, maginoo, at galante.

Huwebes naguguluhan si Sheryl. Balisa ang kanyang isipan. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba si Alexis sa panliligaw na nagpapakita naman sa kanya ng magandang loob. Inaalala niya ang kanyang pag-aaral. Dahil baka makasagabal kung magiging boyfriend niya si Alexis. Hanggang sa makatulugan niya na lang iyon.

Biyernes habang sila ay kumakain sa isang restaurant ng sagutin na ni Sheryl si Alexis. Tuwang-tuwa si Alexis ng marinig sa bibig ni Sheryl na siya ay sinasagot na. Paglabas nila ng restaurant ay agad dinala ni Alexis si Sheryl sa isang jewelry shop. Bumili si Alexis ng isang pares ng singsing tanda ng kanilang pagmamahalan.

Sabado ng isama ni Alexis si Sheryl para sa birthday ng barkada niyang lalaki. Noong una ay ayaw ni Sheryl kasi nahihiya siya. Pero siya ay napapayag din ni Alexis. Sa party ay nakita ni Sheryl na sosyal ang mga kaibigan ni Alexis. Madami ang bisita. Lahat na lalaki na kabarkada ni Alexis na naroon sa birthday ay kasama din ang kanilang girlfriend. Napansin ni Sheryl na ang mga babae na naroon ay umiinom lahat. Kaya siya ay uminom na rin sa kagustuhan ni Alexis kasi san miguel beer lang naman ang iniinom. Gabi na ng makiuwi na si Sheryl kay Alexis. Pagtayo niya ay nahilo siya. Muntik ng matumba dahil madami ang kanyang nainom. Inalalayan siya ni Alexis papunta sa kotse.

Linggo ng madaling araw na ng maalimpungatanan si Sheryl sa pagkakatulog. Pagtingin niya sa kanyang sarili ay wala na siyang saplot. Nagtaka siya bakit ganun. Nang pagmasdan niya ang kabuuan ng kuwarto ay nalaman niya na hindi siya nasa kanila. Hinanap niya kung nasaan si Alexis. Tiningnan niya sa banyo baka naliligo, pero wala. Pagtingin niya sa mesa ay mayroon papel. "Sorry ayaw ko na sa iyo. Break na tayo. Laro lang ang lahat." Napahagulgol agad ng iyak si Sheryl. Hindi niya akalain na ganun pala si Alexis. Akala pa naman nya ay sila na ang magkakatuluyan. Pinagsamantalahan lang siya ni Alexis. Lumabas si Sheryl sa kuwarto ng motel na may lungkot sa sarili. At sinabi niya na hindi na siya basta magtitiwala sa isang lalaki.

64 comments:

Umma said...

wawa naman si Sheryl..though the story is fictitious, but it describes an event or an experience which is truly based on facts.. daming ganoon mga lalaki ngayon.

Josh said...

I would have to agree with the first commentor. There are a lot of guys na mapagsamantala talaga. Buti na lang ako hindi. (nagmalinis? lol)

Steph Degamo said...

yah. nakakaawa yung girl. ba't ganun ang circumstances no? tsk nakakalungkot tuloy!

stormy said...

yap... khit p nga gno m man kakilala ang isang guy, d p rin maiwasan n mging gnun cla, o sadyang mpglaro lng tlga... tsk!

eden said...

Napasakit talaga pag makatagpo tayo ng lalaki na ganoon. Kawawa naman si Sheryl. Kaya huwag magtitiwala agad para di masaktan.

Thanks for always visiting my blog, Arvs. Really appreciate it.

Ishmael F. Ahab said...

Bigla kong naalala ang kantang pang juke box: "O kay bilis ng iyong pagdating. Pag-alis mo ay sadyang kaybilis din. Natulog ako ikaw ang kapiling..."

^_^

Arvin U. de la Peña said...

@Umma..............kawawa nga siya kasi parang tinikman lang siya ni Alexis.....ang bagay sa tao na iyo ay magkasakit ng aids para niya maunawaan na ang ginagawa niya na pagkatapos mapasagot ang babae ay titikman lang at pag makuha na ang gusto ay iiwanan na..

Arvin U. de la Peña said...

@Josh...........madami nga ang ganun....ang iba pa nga hindi na inaabot ng isang linggo ay nakukuha agad ng isang lalaki ang gusto sa babae.....baka naman isa ka rin na mapagsamantala,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Ester............walang magagawa kundi ang magsisi na sinagot ang isang lalaki na sasamantalahan lang pala siya......mabuti kung alam ang magiging sitwasyon kaso hindi.....kaya nasa huli ang pagsisisi.....

Arvin U. de la Peña said...

@stormy..........ang tunay na ugali kasi ng isang tao ay nalalaman na kung nagsasama na sila ng minamahal niya....sa kuwento ay hindi alam ng babae na gaganunin siya kasi maganda naman ang pinapakita ng lalaki....minsan ang pagpapakita ng magandang kalooban ay baka pagkukunwari lang.....kaya iyon ang dapat na ingatan..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........talagang masaki para sa part ng babae..sa lalaki ay ayos lang o natutuwa pa kasi nakuha ang gusto..ang iba pa nga na lalaki ay nagbibilang ng gf,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab........ang kuwento ngang ito ay parang ang sa kanta na iyon nangyari.....isang linggo rin lang iyon na pagmamahalan.....sikat ang kanta na iyon...

Yen said...

kakalungkot naman tong kwento mo.Hay, kaya ang lesson: wag uminom ng sobra at hindi sigurado sa mga kasama, better yet wag nalang tlgang uminom just because gusto makisama at maki in. No way!. Affected daw ako? hahaha.

anney said...

How sad naman! Pero may mga instances na nagyayari talaga yan. Such is life.

Mai Yang said...

that guy is an *ss! nakakainis naman ang story mo..d naman sya isang linggong pag ibig kc in the first place, walang love..lol. (nag react pa..)

Unknown said...

Ouch! Dapat talaga ay hindi kaagad tayo nagtitiwala... Kilatis muna... er! (based on experienced? Haha) Ah, basta naka-relate ako! Yun na!

Whang said...

bakit nalungkot ako pagkatapos ko basahin? ... lels

Wanderer Tolentino said...

nakakaawa naman yung babae :{

masakit man aminin talagang nangyayari ito sa totoong buhay.

Arvin U. de la Peña said...

@Yen...........malungkot nga kasi hindi maganda ang sinapit ng babae sa kamay ng lalaki.....kapag yayain ka ay minsan hindi ka makahindi......ang tao na sandali lang nakilala ay hindi talaga dapat na pagkatiwalaan agad..

Arvin U. de la Peña said...

@anney.........gingawa ang ganun para sa isang tsikboy na lalaki katulad ng nasa kuwento na si Alexis.....may lalaki talaga na sex lang ang habol para sa isang babae,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Mai Yang..........dapat ngang kamuhian ang lalaki sa kuwento kasi hindi maganda ang naging layunin niya sa babae....isang linggong pag ibig iyon kasi mula lunes ay nagpakita ng pagkagusto ang lalaki na si Alexis kay Sheryl....

Arvin U. de la Peña said...

@Mharliz..........dapat lang kasi hindi talaga natin alam kung ang ipinapakita na maganda sa atin ay may kapalit talaga na sa masama...hindi kasi natin nababasa ang isip ng isang tao kaya ayun ang napagkatiwalaan ay manloloko talaga....nangyari na siguro ito sa iyo,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Whang..........siguro may kaibigan ka o kaya sa iyo ay nangyari ang kung ano sa kuwento,hehe.....tama ba ako..

Arvin U. de la Peña said...

@Wanderer Tolentino.........marami ng nangyari ang ganito..minsan hindi nga lang isang linggo....ang madalas ay isang araw lang..halimbawa iyong nakikilala sa mga disco bar o gimikan.....pagkakilala ay nauuwi agad sa pag punta sa lodge,hehe.....after mangyari ay wala na.....trip trip lang..

TAMBAY said...

hmmm lumalabas kasi na easy to get si Sheryl.. biruin mo na halos iisang araw pa lang na nanliligaw si lalaki eh sinagot na agad..

wawa si sheryl.. pero aminin din nya sa sarili na meron din syang pagkakamali

sa mga kababaihan, isang magandang aral ang inyong nakuha dito.

maraming salamat dito sir

magandang araw :)

Ka-Swak said...

lesson din yan sa mga girls na madaling bumigay, yong tipong singsing lang eh nagtiwala na kaagad...

mikexplorer said...

hello there.. how are you? first visit here..

eden said...

Thanks for dropping by, Arvs

SunnyToast said...

I love the story....factual:)

Arvin U. de la Peña said...

@ISTAMBAY..............siguro, kasi parang nadala siya sa mga ipinakitang maganda ng manliligaw niya....at saka hindi niya naman alam na gaganunin siya....kasi kung alam niya na ganun ang sasapitin niya ay nakakatiyak akong hindi niya sasagutin at hindi agad magtitiwala kay Alexis na isa pa lang manloloko....

Arvin U. de la Peña said...

@Ka-Swak..............yah, tiyak ang mga lalaki na ganun ay isusumpa talaga ng babae..........baka nga maghangad na magkasakit talaga ng aids,hehe....minsan nga ay beer lang ay bumibigay na ang babae.....like iyong mga nakikilala sa club,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............it is okay.....thanks for visiting also my blog..

Arvin U. de la Peña said...

@mikexplorer.............i am fine..i hope you come back again..thanks for coming in my blog...........

Arvin U. de la Peña said...

@Marvin.............marami na ngang ganito na nangyari......iyon bang parang tumikim lang ng ice cream tapos hindi na uli tikman dahil hindi na nalasahan,hehe...what i mean ay pagkatapos makuha ang gusto ay iiwan na....kawawa talaga ang babae pag ginanun siya..minsan nga dahil ginanun siya ay sa susunod na magmahal siya ng lalaki ay siya naman ang mang iiwan kapag alam niyang mahal na mahal na siya..gaganti siya..

Arvin U. de la Peña said...

@Sunny Toast.............thanks at you like the story.....

hana said...

packing sheets! pasintabi sa mga lalakeng katulad ni Alexis but they're all such a big bull of a shit!
errrr...!!!

hehehe..senxa na..nadala ako sa story..haha..ang galing!

Bandar Jangkrik said...

Nice Share ...
By the way , i already follow to your blog , please follow back too ...

Kim, USA said...

Aba loko ang mokong na ito!! Sana magkita sila ulit at sabihin ni Sheryl....hinde ako nag enjoy!! Hahahaha!!
Hi Arvin, wala lang gusto ko lang mag taray galit lang ako sa mga lalaking ganito ang ugali lol!! Peace!

Kim, USA said...

Had to come back because naloka ako sa word verfication ko DESIZE hahahaha!! Hinde ako nag biro talagang totoo!

eden said...

visiting you back, Arvs! Have a great weekend.

Arvin U. de la Peña said...

@hana banana..............dapat nga ang talaga na ang tulad nila ay kasuklaman at kamuhian kasi pinaglalaruan lang nila ang isang babae.....ang babae ay minamahal hindi sinasaktan......pero si Alexis ay iba siya.....laro lang sa kanya ang pag ibig..

Arvin U. de la Peña said...

@Kiyanda Kurniawan...........thank you...i will..

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA............haha....hindi nga mag eenjoy ang babae kasi hindi alam na siya ay pinagsamantalahan lang.....ang tulad ni Alexis ay hindi dapat pamarisan kasi masama siyang tao.....hindi niya inaalam na may damdamin din ang babae...

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............thanks for visiting again my blog..

Dhemz said...

waaaaaaa...not a happy ending for her...but a lesson to learn...kawawa naman...thanks for sharing Arvin...galing mo talaga....:)

buti kapa may advertiser...hehehe....:)

Mel Avila Alarilla said...

Parang kanta ito ni Imelda Papin na Isang Linggong Pagibig. Nakapaghatid ka na naman nag isang makabuluhang artikulo para sa iyong mambabasa. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Diamond R said...

ang galing mo talaga humabi ngkwento.

Unknown said...

@arvin Parang ganun na nga kuya... haha ... Pinarang ko pa... Oh, siya, nagyari na kung nangyari... and at least I learned my lesson... ^^

emmanuelmateo said...

haay naku pag ibig nga naman teh..uhmm oh siya

musta na kuya

www.angbuhayayhindibitin.blogspot.com

Maria Cristina Falls said...

Hindi ba yun pwede ireklamo ng rape?

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.............opo....may aral ngang kapupulutang ang kuwentong ito na sinulat ko na dapat hindi agad magtiwala sa taong nakilala lalo na kung yayayain sa isang party na may inuman.....kung lasing na kasi ang isang lalaki may kung anong kahayupan ang pumupasok sa isipan para sa babae,hehe.....may advertiser po ako kasi ang blog po nila ay nagpropromote naman ng isang produkto....naghahanap pa nga ako ng advertiser,hehe.....

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla......ang pamagat ngang ito ay pamagat din ng kanta na iyon na sumikat talaga......sad ang tungkol sa kanta at ganun din sa kuwento kong ito na sinulat..salamat sa sinabi mo.....

Arvin U. de la Peña said...

@Diamond R........salamat..minsan lang ako magsulat ng kuwento kasi masyadong naglalakbay ang isipan ko kung nagsusulat ako nito.....

Arvin U. de la Peña said...

@Mharliz........ibig bang sabihin nito ay nangyari sa iyo ang tungkol sa kuwento........sinong tao na iyon..kung sa akin ka hindi kita gaganunin,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@emmanuelmateo..........ok lang po ako....sana ikaw din ok lang...iyon ang masakit minsan sa pag ibig....hindi lahat kasiyahan,hehe....may kalungkutan din..

Arvin U. de la Peña said...

@Maria Cristina Falls.........puwede naman kaso baka matagalan ang kaso....kung magaling ang abogado ng lalaki ay tiyak maaabsuwelto kasi naging magkasintahan naman sila....at isa pa sasabihin ng abogado na sumama ang babae sa motel......mag aaksaya lang ng panahon para sa kaso....

eden said...

Hi Arvs!

Dropping by to say thank you for always visiting my blog. Have a great week.

Dhemz said...

nakikidalaw ulit Arvin...salamat sa visits and comments....:)

stormy said...

ang pagbig minsan sadyang mpglaro.. d m alam kung klan mgiging totoo... khit sabihin pang ngiingat k n wag masaktan at hangad m lng ay ang lumigaya.ang sakit nito ay ngiiwan ng hapdi, sugat,kwalan ng katinuan at pgkitil s buhay. mging mtatag lmang lgi s anuman pgsubok s buhay at pagtanggap s anumang kabiguan.. tnx, more power arvin!

Unknown said...

Hello Dear,
Really your blog is very interesting.... it contains great and unique information. I enjoyed to visiting your blog. It's just amazing.... Thanks very much for the share & keep posting such an informative articles. I'm looking forward to your blog. Thanks!
href="http://www.ishoppharmacy.com/buy/generic-
viagra-online.php"

Unknown said...

kundiman ba ang isang lingong pag ibig?? bee[ me

Unknown said...

kundiman ba ang isang lingong pag ibig??

Unknown said...

kundiman ba ang isang lingong pag ibig?? bee[ me

Unknown said...

kundiman ba ang isang lingong pag ibig?? bee[ me