Wednesday, December 7, 2011

Hiling Na Pag-amin ( kay Gloria Macapagal Arroyo )

"Sa buhay ay nakakagawa tayo ng mga pagkakamali. At sa bawat mali na ating nagawa minsan nagsisisi tayo, higit sa lahat ay may natututunan."

HILING NA PAG-AMIN ( kay Gloria Macapagal Arroyo )
Ni: Arvin U. de la Peña

Mga katiwalian mong ginawa aminin mo
Huwag kang mahihiya sa kapwa mo pilipino
Kung patuloy kang di magsisiwalat sa mga mali
Lalong magdududa ang maraming tao.

Masarap ang pakiramdam ng walang tinatago
Magaan ang loob dahil walang pinag-aalala
Kahit saan pa pumunta hindi mahihiya
Maituturing pang isang bayani.

Huwag matatakot sa mga madadamay na malapit sa iyo
May kasalanan rin sila kaya dapat pagbayaran nila
Huwag hayaan na ikaw lang ang madiin sa kaso
Hindi iyon patas lalo at ikaw ay dating pangulo.

Matuto na magpakatotoo dito sa mundo
Upang ikaw maging magandang ehemplo
Ang nabubuhay sa kasinungalingan na isang tao
Walang kapayapaan para sa kanyang sarili.

Habang may lihim kang di nabubunyag sa publiko
Sambayanan ay hindi matutuwa
Ang pag-amin sa mga kasalanan ay hindi masama
Ang pagtanggap sa magiging parusa ay pagpapakita ng katapangan sa sarili.

43 comments:

Anonymous said...

VERY NICE! angkop na angkop kay CGMA.. hehe!

farjah said...

Ang galing talaga ng aking Kuya Arvin taas noo ako sa mga na ilathala mong tula, para kay Congresswoman GMA talagang ganyan ika nga ni Matang Lawin weather weather lang yan. "Sa bayan kong sinilangan at ang aking Lupang hinirang sa kasalukuyan marami may kasalanan na hindi pa na paparusahan, ang mga taong nasa rehas ng kulungan yaong mga tao walang kamumuang muang".

Rence said...

Bilib din ako sa iyo, Kuya Arvs, sa paggawa ng mga tula. Dati mahilig din ako, bigla nawala. Baka ma-inspire mo ako. hahaha

Steph Degamo said...

tama. sana umamin nalang siya. harapin niya ang parusa--kung meron man. para naman matahimik na ang sambayanan!

Tal said...

Wish ko lang umamin na si GMA, kung ano man ang ginawa nya para makapag-move-on na tayong lahat, kakaumay na mga balita sa tv tungkol sa kanya eh!

Rence said...

http://rencelee.blogspot.com/2011/12/sumbong-isa-pang-naguguluhan.html

Umma said...

bullseye si GMA sa tula mo Arvs..

Sendo said...

isa lang ang masasabi ko....aminin mo na kasi GEE-EM-EY! hehe

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz............salamat sa sinabi mo....talagang habang sinusulat ko ito ay siya talaga ang nasa isip ko.....

Arvin U. de la Peña said...

@farjah............thanks.....para sa kanya ito at siguro malabo ito na mabasa niya kasi hindi siya puwede na gumamit ng laptop kung makulong na,hehe......

Arvin U. de la Peña said...

@Rence............noon kinalimutan ko na rin ang paggawa ng tula......ng magkaroon ako ng blog ay muli nagsulat ako ng nagsulat para may maipost......

Arvin U. de la Peña said...

@Ester Yaje..........sana nga umamin na lang siya kasi may kasalanan naman talaga siya.......kung wala siyang kasalanan ay hindi siya ngayon nagkakaganyan.......kung walang kasalanan ang isang tao na malaki ay hindi hahabulin......siya ay hinabol sa kasalanan ng kasalukuyan na administrasyon at nagtagumpay naman.....

Arvin U. de la Peña said...

@Talinggaw...........marami ang nagnanais na umamin siya.....pero ewan kung aamin siya......oo nga eh, pati sa diaryo halos araw araw laman siya ng pahayagan.....

Arvin U. de la Peña said...

@Umma...........haha......tatamaan nga siya nito.....

Arvin U. de la Peña said...

@Sendo............kung kailan siya aamin ay walang nakakaalam.....nasa kanya na lang iyon kung ililihim niya talaga sa mga tao ang mga kasalanan niyang gawa....

Vintot said...

Magandang obra kaibigan.

Tungkol sa blog mo iwas ka sa mga untrusted site lalo na sa porn site then naka open blogger mo pwede kasi mahack ka sa mga ganon.

Ishmael F. Ahab said...

Tingnan na lang natin ang mga susunod na eksena sa teledrama na ito ni Congresswoman GMA.

Angie said...

Hello Kmusta na? :)
Maraming Salamat sa pagvisit sa blog ko. :)

Ano palang nangyari sa blog mo? :)

eden said...

Buti nalang at naayos mo pa ang blog mo. Na experience ko yon biglang nag stop and counter ko for about a month. Pinabayaan ko lang kasi di ko alam kung paano ayusin at buti nalang bumalik uli.

nice poem !ganda ng pagka sulat. sana mabasa niya ito.

Andrea said...

hindi ko alam kung ano mararamdaman ko kay GMA kung maaawa ba ko sa kanya or maaasar sa mga kalokohan nya kase ginagawa nyang tanga ang buong Pilipinas. Paumanhin kung may fans dito ni GMA..

Sam D. said...

Saludo talaga ako saiyo Arvs. Wala akong masabi gaano about diyan kay Gloria kasi kahit nung umpisa pa lang ayaw ko na siya. Tsaka sa totoo lang once lang ako nag vote diyan sa atin. Kasi ayaw kong marinig sarili ko na kagaya ng karamihan diyan sa atin na sa huli nagsisi na nagkapag vote sila sa hindi naman pala karapat-dapat hehehe. Pero dito alam ko na no choice ako kapag citizen na need ko talaga mag-vote :-)

rickroller said...

Ayooos!

Napadaan ulit!



-rick
http://www.florathemostawesomegoddess.com/

Arvin U. de la Peña said...

@Vintot...........maraming salamat kung ganun.....ganun.....parang imposible naman yata ang ganun kasi nasa isang computer ako at paano mahahack.....ibig palang sabihin kung nasa porn site ako ay hindi ako puwede mag log in ng blog ko,hehe......

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab........mahaba pa ang tatalakayin tungkol sa kanya......maraming kaso at mahihirapan siyang makalusot lahat kahit pa magaling ang mga abogado niya..........ang mahalaga sa lahat ang tibay ng ebidensya......

Arvin U. de la Peña said...

@Angie............ok lang po ako.....ang flag counter ng blog ko.....daig pa ang dagdag bawas......nabawasan lahat ang bilang ng kung anong blog.....badtrip talaga...

kimmyschemy said...

sad yan, Arvin..

AKO lang..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.................ang nangyari sa flag counter mo ng bumalik ay iyong dati ba na madami ang bilang ng mga flag....ang sa akin ewan kung babalik pa iyon.....baka nga tanggalin ko ang flag counter kasi pag dumadami ang bilang ay binabawasan.....

Arvin U. de la Peña said...

@Andrea............kung ganun ay parang nagtatalo ang isip mo kung maaawa ka o maaasar......maasar ka na lang kasi di siya umaamin.....hahabulin ba siya sa mga kasalanan kung wala talaga siyang ginawa.....

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D.............marami naman talaga ang sa umpisa pa lang na pag upo niya bilang pangulo ay galit kasi ang naging posisyon niya ay inagaw niya lang kay Erap......tapos noong 2004 na eleksyon nagkaroon ng malawakang dayaan para siya manalo.....

Arvin U. de la Peña said...

@rickroller...........ah ok.....balik ka uli.......

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim.........sad para sa mga kakampi niya......

Unknown said...

ang panget nman ng ngyari sau tpos sa post mo ok yun tula ah! buti nrecover mo pa yun blog mo at di totally binaboy!

Rence said...

Kuya Arvs, palit ka na lang ng password. Huwag ka susuko. Parte ka na ng blogging life ng marami. Tuluy-tuloy lang tayo.

At yung tungkol kay GMA, kahit di na siya umamin. Explain niya ang kung saan galing yung kanyang limpak limpak na salapi. kung noong 2008 ay umabot na sa 144M, ngayon kaya magkano na ang net worth niya?

eden said...

Salamat sa dalaw, Arvs. Have a great week!

Dhemz said...

waaaaa...baka na hacked yung account mo arvin...try to change the password...hope natanggap mo yung reply ko....:)

eden said...

Visiting you back, Arvs!

Arvin U. de la Peña said...

@palakanton.............sa ngayon ay ok na po ang flag counter ng blog ko.....naibalik na kasi nag message ako sa admin ng flag counter.....

Arvin U. de la Peña said...

@Rence.............ang pagpalit ng password sa blogger hindi ko pa nasusubukan.....di ko pa nga nakikita saan ang pag change.....galing sa mga project gaya ng nbn zte deal ang ibang pera niya....galing sa pangungurakot.....

Arvin U. de la Peña said...

@eden...............walang anuman iyon.....basta ako mag blog hop ay mapupuntahan ka talaga.....

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..............hindi naman siguro....baka sa blogger lang talaga......di ko alam saan makita ang pag change ng password sa blog....di ko pa kasi nasusubukan kaya di ko hinahanap.....nabasa ko na po.....

Tal said...

gawan mo na rin ng tula si corona Arvin, hehe! at dahil dito sa blog mo at sa mga tula mo, eto ang para sa 'yo: one lovely blog award, keep on blogging! :)

J.E.H. said...

sapul mo pre... keep it up!

Rence said...

Kuya Arvs, kung magpapalit ka po ng password, punta ka po sa My Account. Nandoon po yung change password.