Saturday, December 17, 2011

Pag-ibig Mula Sa Gasolinahan

Ang sinulat kong ito na kuwento ay gawa-gawa ko lang at ito ang entry ko para sa 4th Blogversary ng blogger na si The Gasoline Dude's na ang site ay http://www.gasolinedude.com dahil gusto kong manalo ng kahit ano sa tatlong prizes na ang first prize ay 1 Western Digital 1TB Portable Hard Drive with Singapore Shirt, second prize 16GB USB Flash Memory Drive with Singapore Shirt, at 3rd prize ay 1 8GB USB Flash Memory with Singapore Shirt.

To the Teacher: Be proud you are a teacher the future depends on you.
To the Student: Learn us much us you can from your teacher. A bright future is waiting for you.

PAG-IBIG MULA SA GASOLINAHAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Pagkatapos kong maggraduate ng high school ay ako ang nagpasya na hindi muna ako mag-aaral ng kolehiyo. Kahit na pinipilit ako ng aking mga magulang na mag-aral. Kahit lang daw mahirap kami at may iba pang kapatid na pinapaaral ay gagawin ang lahat mapag-aral lang ako. Pero ako ang nagmatigas at umayaw talaga ako. Sinabi ko sa kanila na sa susunod na lang ako na pasukan. Wala na silang nagawa.

Sa kapitbahay naming si Mang Nestor na may pampasaherong jeep ay nakiusap ako na sa kanya kung puwede na maging konduktor ako. Mabuti siya ay pumayag. Tinuruan ako kung ilang pera ang singil sa kung saan sasakay at bababa.

Naging konduktor ako ng pampasaherong jeep. Sa una ay kinakabahan pa ako kasi baka magkamali ako sa pagsingil. Ngunit kalaunan ay nasanay na ako. Minsan ang ibang nakasabay ko pa sa pag-aaral sa high school ang sumasakay at ang iba nakikita ko na naka uniporme sa kung saang paaralan sila nag-aaral. Ang bayad sa akin bilang konduktor ay halos iniipon ko lahat para gamitin kung ako ay mag-aral na sa kolehiyo.

Minsan isang araw ay umaga pa lang ay namasada na kami. May sumakay na mag-asawa at kasama ang anak nila na siguro mga limang taon. Sila palang ang pasahero. Habang sakay na sila ay nagsalita ako ng "barya lang sa umaga." Nang masabi ko iyon ay nagsalita ang babae na P500 raw ang pera nila. Wala silang barya. Sinabi ko kay Mang Nestor na P500 ang pera. Sumagot naman siya na "walang problema malapit na ang gasoline station, doon tayo magpapabarya."

Nang huminto ang jeep agad ay bumaba ako at pumunta sa cashier para magpabarya. Nang makita ko ang cashier na halos kasing edad ko lang bigla ay tumibok ang puso ko sa kanya. Nakaramdam ako ng pag-big. Nang iaabot na niya sa akin ang pera ay sinadya kong hawakan ang kamay niya na agad niya namang inalis. Sa araw na iyon ay masaya ako sa aming pamamasada. Para bang nagkaroon ako ng inspirasyon sa buhay. Kapag mapapadaan na kami sa pinagtratrabahuan ng nagustuhan kong babae ay minsan sinasabi ko kay Mang Nestor na huminto muna kasi magpapabarya ako. Kapag nagpapabarya na ako ay titig na titig talaga ako sa kanya.

Minsan isang araw pagpabarya ko ay hindi ang nagustuhan ko ang nasa cashier. Badtrip agad ako. Tinanong ko ang nasa cashier kung nasaan ang dating cashier at ano ang pangalan. Sinabi niya na pang gabi na ang trabaho at Patricia daw ang pangalan. Matamlay ako ng araw na iyon kasi naging pang gabi si Patricia sa pag cashier at hindi ko siya makikita.

Lumipas ang araw, buwan at nakaisang taon na ako bilang konduktor. Sinabi ko kay Mang Nestor na titigil na ako sa pag konduktor kasi gusto ko ng mag-aral sa kolehiyo. Ayos lang naman sa kanya kasi hahanap na lang siya ng iba. Sinabi pa niya sa akin na good luck daw sa nalalapit kong pag-aaral.

Sinabihan ko ang mga magulang ko na mag-aaral na ako sa kolehiyo at natuwa naman sila. Nakiusap ako sa kaibigan ko na nag-aaral sa kolehiyo na ako ay samahan sa pagpa enroll. Pumayag naman siya.

Habang nasa paaralan na kami at ako ay naglilista ng mga subject para sa kurso na Bachelor of Science in Education ay may tumabi sa akin na babae. Pagtingin ko ay para agad akong lumulutang kasi si Patricia ang tumabi sa akin. Hindi na ako nahiya at agad ay kinumusta ko siya kahit di pa kami magkilala. Sinabi ko sa kanya na ako ang konduktor ng jeep na madalas magpabarya na noong una ay hinawakan ko ang kanyang kamay ng iiabot na ang pera. Sinabi naman niya na "naaalala ko na." Nang tanungin ko siya kung Education din ba ang kukunin niya ay sinabi niya na "oo". At dahil magkapareho pala kami ng kurso na kukunin ay sinabi ko sa kanya na maging classmate na lang kami sa lahat ng subject na hindi naman siya tumutol. Nang araw na iyon ay kumain kami sa labas. Kinuwento ko ang buhay ko sa kanya at ganun din siya. Nagtrabaho daw muna siya para may maipon at maigasto sa pag-aaral dahil mahirap lang din daw sila.

Sabay kaming nag-aral ni Patricia sa kolehiyo. Sabay naming inaabot ang pangarap para makapagturo sa paaralan. Sa kasalukuyan ay nasa 4th year college na kami. At sa darating na graduation namin ay sasagutin na niya ako.

43 comments:

Anonymous said...

Good Luck sau arvin, magandang kwento din yan..:)

Rence said...

good luck, arvs.

hana said...

hay naku, sila na! sila na olreydi ang mag soulmates!!!

---gOod luck sayO aRviN!!!

merrY xmAs!!!!

Unknown said...

yeah, Arv's the one you said na writing contest anu yun?

jhengpot said...

gudluck kuya arvs :) nice to be back here :)

kimmyschemy said...

aaww! sweet.. thanks for the invitation, Arvs. I'll check it out!

you may want to check THIS out..

Akoni said...

Happy ending pre.

Unknown said...

gudluck pre at happy ending

Arvin U. de la Peña said...

@mommy- razz.......salamat.....marami ang kasali pero nasa judge na lang iyon alin ang gusto nila....

Arvin U. de la Peña said...

@Rence..........salamat din sa sinabi mo.....

Arvin U. de la Peña said...

@hana banana......haha.....gawa-gawa ko lang ang kuwento na nabasa mo.....walang halong katotohanan para sa buhay ko....

Arvin U. de la Peña said...

@Tim Smithson........magsulat ng isang kuwento, poem o ano pa na may salitang "gasoline" na dapat sa sinulat ay makakaisa lang babanggitin.....puntahan mo ang blog ng nagpacontest at makita mo sa mga older post niya.....

Arvin U. de la Peña said...

@jhengpot.........thanks.....kumusta ka na....

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim............ok.....para masaya kasi kung madami ang sumali talaga.....pero madami na, pero para sa akin kulang pa,hehe...

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni............sa graduation ay tiyak super saya kasi sasagutin na....

Arvin U. de la Peña said...

@palakanton.........salamat....sumalika rin kaya.....

Tal said...

ang dami nyo na...hehe! good luck sa entry mo arvin. :)

Unknown said...

goodluck arvin, hope you win!
hahaha...nakakatawa naman ang mga comments mo - one day nga lang ang zero remittance protest inaccuse na ng government ng economic sabotage ang migrante, eh paano pa kung 8-10 years, hahaha!
OFW remittance ang bumubuhay sa 'pinas arvin, di pwede gawin iyon and nakadepende rin iyon sa political maturity ng mga OFW

Yen said...

Sana manalo ka. PAg ibig sa gasolinahan talaga ang title, ayos a. :)

Michi said...

galing, nasingit talaga ang gasoline. good luck!

Mel Avila Alarilla said...

Napakaganda nang kwento mo. Sana ikaw ang manalo nang 1st prize. Hindi ba pinagbobotohan ang contest na sinalihan mo? Kung botohan ay siguradong panalo ka na dahil marami kang tagahanga. Salamat sa magandang istorya. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

eden said...

Good luck, Arvs. I hope you win.

Unknown said...

haha.. nanakaloka, tagal naman ng ligawan buong college life. conservative ito si Patricia ah? hehe.. natuwa naman ako sa kwento mo. Good luck sana manalo ka. Salamat din dito kay Gasoline dude ang daming libreng love story sa blogsphere ngayon. hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Talinggaw.........talagang madami kasi madaming nag fofollow sa blog na iyon ni The Gasoline Dude....pero nasa judge ang pagpapasya.....

Arvin U. de la Peña said...

@reese.......salamat.....dapat lang na akusahan kasi mali ang ginawa nila.....maraming source ng dollar ang Pilipinas.....halimbawa na lang ang mga umuuwi ng bansa....

Arvin U. de la Peña said...

@Yen........thanks.....oo kasi ang pag ibig ko sa kanya nagmula sa gasolinahan,hehe....

Arvin U. de la Peña said...

@michi.......opo.....dapat makaisa lang banggitin ang gasoline sa post.....

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla......salamat din sa iyo.....narito po ang para sa contest

CRITERIA FOR JUDGING:

Creativity 30%
Relevance to Theme 30%
Originality 20%
Overall Impact 20%

Arvin U. de la Peña said...

@eden............thanks.....sana nga.....

Arvin U. de la Peña said...

@mayen..........eh kasi gusto muna na makatapos ng pag aaral.....kasi kung sagutin baka may mangyari na maging dahilan para hindi muna tapusin ang pag aaral......tama ka....madami ang nagsulat ng kuwento na medyo love story ang datin.....

Jyppe A. Quidores said...

Congratulations for the 4 successful years and good luck. ^_^
____
The Creativity Window

Sendo said...

wow...ito ang kauna unahang nabasa kong entry sa pakontest ni gasoline dude.^^ ayos ah...cheeessyyy .

anney said...

Goodluck sa yo! I'm sure you can't wait na dumating ang graduation mo dahil magiging special ang araw na yun. Merry Christmas!

eden said...

Visiting you back, Arvs. have a nice day always.

Arvin U. de la Peña said...

@Jyppee A. Quidores.........nakaapat na taon na nga siya sa pag blog.....nauna siya sa akin.....

Arvin U. de la Peña said...

@Sendo..........ganun ba.....sa comment ng post niya tungkol sa pakontes doon ay makita ang mga sumali.....sa pag comment kung sumali ay ibigay kasi ang link.....

Arvin U. de la Peña said...

@Philosopher.......ah ok.....i will check it......

Arvin U. de la Peña said...

@anney........salamat.....kumusta ka na....

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........thanks for visiting again....

eden said...

Merry Christmas, Arvs.

Dhemz said...

naks ang galing! good luck Arvin...inspired ka atang mag sulat...super hava...:)

Merry Christmas po sa inyo!

Rah said...

napaka hopeful ng story. Goodluck po. :)

Anonymous said...

After more than a month of reading and putting scores on each entry, FINALLY! Check my blog for the list of winners. Salamat sa paglahok at pagsuporta sa aking munting patimpalak. :)