Kahit anong perfume pa ang gamitin ng isang tao kung may hindi siya magandang ugali ay hindi pa rin siya magiging mabango para sa nakakakilala sa kanya.
PABANGO
Ni: Arvin U. de la Peña
Huwag gamitin ang pabango
Upang bumango uli ang pangalan mo
Kailan pa man ay mabaho ka na
Hindi na lilinis pa ang imahe mo.
Pabango pa man ang iligo mo
Ganun pa rin ang tingin sa iyo
Akala mo lang ikaw ay mabango
Ngunit sa mata ng tumitingin nakakasuka.
Mga ngiti mo ay wala ng saysay
Karisma mo hindi na katulad ng dati
Bawat makursunadahan mo di mo na basta makukuha
Pagkat sila ay takot matulad sa iba.
Halimuyak mo noon malabo ng makamit ngayon
Kaya huwag ng ipagpilitan ang sarili
Huwag kapalan pa ang mukha
Upang lalong hindi ka pagtawanan.
Kababuyan mo hindi na mabubura
Nakatatak na iyon sa isipan
Habang pinagpipiyestahan ang ginawa mo
Lalo kang kinamumuhian ng nakararami.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
32 comments:
Tama ka Arvs, ang nde kanais-nais na pag-uugali ay maihahalintulad sa isang nabubulok na bagay, anumang linis at buhos ng pabango ang gawin, mabaho at mabaho pa rin. Maligayang pasko at masaganang bagong taon sa iyo at sa iyong pamilya Arvin.
hi arvin Merry christmas and a happy new year. Its been a great year for all of us. Happy blogging =)
parang mgay pinanggagalingan :) pero cheer up pa din dahil ngayon ay pasko!
Ay..i-merry Christmas na lang yan hehe.. ^^ Merry Christmas arvs!
Tama ka jan, Kuya Arvs. Merry Christmas po.
pogi points pa rin ang pabango. :)
galing, sabagay tama lahat kahit pogi at ganda factor ang dulot ng pabango kung mabaho at panget impression ng tao kulang na ipaligo ang pabango!
korek ka jan, Arvs! mamahalin nga ang pabango ng iba, nabubulok naman at umaalingasaw ang pagkatao..
you may want to check THIS out..
@Talinggaw............kasi walang silbi ang pabango kung masama naman ang ugali.....kahit pa gumawa ng sariling pabango ay ganun pa rin....
@chino...........ganun din sa iyo.....merry christmas and a happy new year....
@McRICH..............hehe.....siguro alam mo ang pinaghugutan ko nito kung bakit ko ito naisulat......
@Sendo.........minsan ang nireregalo kung pasko ay pabango....ganun ang iba kung magbigay.....
@Rence.............salamat....ganun din sa iyo....
@Spiky............tama ka....nakaka attract nga ang pabango........pero kung kilala ang isang tao na may hindi magandang ugali kahit ano pang pabango gamitin niya ay walang halimuyak sa nakakakilala sa kanya....
@palakanton........kung ang isang tao ay maganda na ang ugali at gumagamit pa lagi ng pabango ay tiyak makaka attract talaga siya sa tao....
@simply kim..........hehe.....marami ang ganyan lalo na sa showbiz world...
Tama ka hindi maitatago ng pabango ang mabahong kalooban. Pero meron pa rin namanng paraan para maging mabango sa tingin ng iba. Ang lubusang pagbabago at sinserong paggawa ng mabuti. Pero kung pabango lang ng pabango at hindi naman binabago ang kalooban, eh wala ring saysay sa huli.
Musta? Merry Christmas Arvin. :)
ganda ng tula!
Merry Christmas Arvs. :) Pamasko ko.
Mabuti na lang di ako mahilig magpabango kya di ako itong binabanggit mo. hahaha.
@mayen.........maganda ang sinabi mo....sang ayon ako.....ang pagbabago ng ugali ang magpapabango sa isang tao kung siya man ay may kanais nais na hindi magandang ugali....siya ay magiging mabango kahit hindi pa gumamit ng pabango para sa ibang tao....
@reese...........salamat....kumusta ka na...
@Yen...........ows.....ang bango mo nga ng magkita tayo,hehe.....
Visiting you back, Arvs! Happy New Year!
Korek kahit maglagay ka pa nang the most expensive perfume in the world kung ang ugali ay hinde maganda huwag na!! LOL!
Merry Christmas and Happy New Year to your family!
Thanks for the visit and the comment.
Kim, USA
Yan ang weakness ko, pabango hehehe.. Hapy new year Arvie!
@eden........thanks for visiting again my blog......
@Kim,USA..........tama ka diyan.....sa showbiz may mga ganyan na tao naglalagay ng pabango lagi pero may masamang ugali....
@chubskulit..........ganun ba.....siguro ikaw ay iba iba ang gamit na pabango.....hehe......
I like the post very much! :)
ayay! ang galing mo naman Arvin...ang dali mo talagang makahanap nang idea...:)
parang may ganyan akong pabango ah...Paris Hilton...ehehehe!
salamat pala sa link na binigay mo about sa blog pricing...weeee!
happy new year!
ayay! ang galing mo naman Arvin...ang dali mo talagang makahanap nang idea...:)
parang may ganyan akong pabango ah...Paris Hilton...ehehehe!
salamat pala sa link na binigay mo about sa blog pricing...weeee!
happy new year!
correct! like yung mga taong nagpapaka-banal.. kahit lumuhod ka pang lumakad sa quiapo 7 days a week kung masama naman ugali mo wala din saysay yan...
Post a Comment