Some joys are better expressed in silence because a smile holds more meaning than laughter. I was asked if I enjoyed meeting you in my life. Know what? I just smiled.
TUNAY NA GANDA
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang tunay na ganda hindi kumukupas
Mula pagkabata hanggang lumaki ganun pa din
Angking ganda walang pagbabago
Nakakapahanga para sa tumitingin.
Kung sa kalsada dumadaan
Kalalakihan hindi mapigilan ang di sumulyap
Ang iba nangangarap at nagnanais
Sa nakita siya ang kasama sa pupuntahan.
Lumayo man at mangibang bayan
Ibang klima ang mararamdaman
Masarap na pagkain laging matitikman
Taglay na kagandahan nananatili pa rin.
Makapag asawa man at magkaroon ng anak
Maging marami man ang gawain
Walang pagkupas na masisilayan
Sa kagandahan na mula pa noon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
45 comments:
Ang tunay na ganda ay nakikita sa pag uugali and not only sa panlabas na anyo. beauty is useless kung masama naman ang ugali.Ang ganda naman ng nasa photo. nice poem
Kuya arvs, ano niyo po yung nasa piktyur?
Hi Kuya Arvin ako'y napadaan na naman ulit dito sa tinaguriang kong tambayan na blog. Ang kagandahan ay tila hindi naman nasusukat sa kapanglabasan na anyo ng isang tao at ang isang ngiti ng isang nilalalang ay mahirap sukatin ng kagandahang loob. Pero "infairness" ha naka swerte ka yata maganda siya at nakakalesbi sana ako naman maipost dito sa blog mo hehehe. yung pic ko lang, joke!
tama ka sa tula mo, pero ang tunay na kagandahan ay ang kabaitan ng isang tao dahil hnd un mawawala kailan man, ang kagandahan panlabas ay kumukupas din pagdating ng panahon.. hehe
Ganda ng tula at ganda ng binibini.
-rick
inspired ka sa tula mong ito ah! sino ang nasa pic?
iyong kurakot ng mga pulitiko ay iyong lump sum appropriation, walang detalye iyon kung ano ang pagkakagastusan, and that is around P153B
and she has a very nice smile
salamat sa pagbisita Arvin. kung ang nasa pic ang mag-aya sa'yo, nood ka na ng breaking dawn...:)
Lalong lumalabas ang ganda ng isang tao kapag maganda rin ang kanyang sinasabi at pag-uugali.. :)
wow chick! san mo naman nakuha ang piktyur ng maganda mong modelo. :)
ang tunay na ganda nararamdaman at nakikita. hahaha, joke lang.
nakadaan din sa wakas, pasensya na now lang nakapangapit bahay, busy ang lola mo.:)
@tatess............ang kaibigan ko na nasa picture siya din ay may ugali na maganda.......wala kang masasabi sa kanya........
@Rence..............kaibigan ko po ang nasa picture......siguro nagagandahan ka rin sa kanya ano......hehe..
@farjah.............tama ka diyan...walang saysay ang ganda kong masama naman ang ugali.....kahit maganda ay iiwasan....palagay ko mas maganda ka sa kanya kaya hindi ka dapat magpaka lesbian para sa kanya.......pagbibigyan ko ang gusto mo na maipost ko ang picture mo sa blog ko bilang modelo para sa isa kong sinulat.....
@mommy-razz...........salamat sa sinabi mo.....may ganda na hindi kumukupas katulad ng kay madam imelda marcos.....mula noon hanggang ngayon ang hitsura niya ay ganun pa rin.....inaalagaan niya talaga ang sarili at kagandahan para mapanatili.....
@Mai Yang.........thanks.....maganda nga siya.....madami ang may gusto sa kanya....available pa nga iyan hanggang ngayon.....ewan ko kung anong gusto ng kaibigan ko para sa isang lalaki....
@reese..........isa ko pong kaibigan ang nasa picture.....ginawa kong model.....doon ang mga politiko kumukuha ng pondo para igagasto at ipambibili ng boto para sa susunod na halalan......
@Shydub...........yup, ang ngiti niya ay lalong nagpapaganda sa kanya....suwerte ng lalaki na makakakuha ng pag ibig niya.....
@Talinggaw..........haha.....di ko pa napapanood ang palabas na iyon.....nasa ibang bansa ang kaibigan ko na iyan....
@iamzennia..........tama ka sa sinabi mo....kung maganda nga rin lang pero sinungaling naman ay hindi paniniwalaan at baka walang makipag usap sa kanya kasi sinungaling.....ang ugali ng isang tao ay nagbibigay nga sa kanya ng paghanga....kahit hindi maganda o guwapo basta ba mabuti ang ugali ay marami ang kaibigan......
@Yen...............kaibigan ko iyan....nasa facebook ko siya.....ano ngayon ang pinagkakaabalahan mo....
Ang tunay na kagandahan ay hindi lamang sa labas na kaanyuan dahil ito ay lumilipas sa pagdaan nang panahon. Ang tunay na kagandahan ay nakikita sa kalooban na busilak ang puso at walang sinasagasaan. Maraming salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
nice poem, very true!
Ang ganda ng model mo Arvs! hehehe.. and nice poem too.
ang mababait talaga ang tunay na beautiful!!!! ^_^ nice poem! ganda ng chic ah! hehe
ang tunay na ganda ay nasa puso, wala sa mukha, hehe..
by the way, do you mind checking out on The Millionaire?
@Mel Avila Alarilla.....salamat sa mga sinabi mo.....may maganda nga pero pagtagala ay hindi na nagiging maganda..iba pa rin kung maganda na maganda pa ang ugali.....
@michi..........thanks....bihira lang ang maganda sa dalaga pa tapos hanggang makapag asawa at magkaedad ay maganda pa rin.....
@eden.........maganda nga siya na kaibigan ko......salamat at muli nagustuhan mo ang sinulat ko.....
@hana banana..........may hindi naman mabait pero maganda........katulad ng mga suplada na babae pero kaakit akit,hehe.....
@simply_kim..........may punto rin ang sinabi mo..........pero ang panloob na ugali ay hindi agad nakikita.....pero sa mukha ay nakikita.......at doon kung maganda ay nakakaakit at nagkakagusto......
close-up smile. parang modelo lang ng toothpaste.
Very pretty young lady! Nice poem!
thanks for the visit, arvs. have a great week always
naks! ang ganda nang mukha nya Arvin...am sure maganda din attitude nya...ehehe!
for me, beauty is skin deep!
Sya ba ang bago mo girl? Ang tunay na ganda nakikita hndi lang sa panlabas kundi yn ugali mo pero sad to say yn ganda ng labas ang nakikita minsan.
hello,please support
http://uberjessicalopez.blogspot.com/2011/12/please-support.html
thanks for commenting on my post: http://mr837.blogspot.com/2011/11/awards-and-awards.html. as a gift, i recognized your deed. arvin..
@My Nomadic Habits...hehe.....palagay ko walang binatbat ang ibang naging modelo sa kanya.....
@anney..........tama ka....maganda talaga siya.......kahit ang ibang mga nag comment ay ganun din ang sabi.....ang dami talagang maganda sa Leyte,hehe..........
@eden..........walang anuman...
@Dhemz..........tama ka....hindi lang mukha ang maganda sa kanya kundi pati ang ugali....kaya nga nagustuhan ko siya.....
@wOrkingAthOmE........hindi po....kaibigan ko lang siya....eh kasi madami ang lalaki ang mahilig sa maganda.....kaya ang mukha ang nakikita....kung nagsasama na o kaya magkasintahan na doon minsan kahit maganda ay masama ang ugali.....
@Jessica..........puntahan ko iyan....ok...
@Albert Eintein.........salamat sa awards.....
hahaha...ayaw mo pala ng rally!
pasensya na po...
we just exercise our right to express our sentiments sa government
Post a Comment