PAGBULUSOK
Ni: Arvin U. de la Peña
Kapangyarihan na mataas nakamit
Ginawa ay pang-aabuso sa bayan
Di man lang inisip mga mamamayan
Sariling kapakanan lamang ang nais.
Pamilya at kaalyado ay nabusog
Nagpasarap sa buhay at nagpayaman
Kung sino sa kanya ang bumabatikos
Tinatakot para hindi na umulit.
Halos bawat nagreretirong heneral
Posisyong maganda ang kinalalagyan
Simbahang katoliko ay binibigyan
Upang hindi pagsalitaan ng pangit.
Hainan man para siya mapatalsik
Walang pagkabahalang nararamdaman
Mga kongresistang kampi nariyan lang
Sagana sa bigay na milyong pork barrel.
Mula sa itaas ngayon ay bumagsak
Walang naaawa sa kanyang sinapit
Pagkat siya di dapat na kaawaan
Ang dapat ay makulong sa kasalanan.
56 comments:
I think what they did to her is unfair. I mean, according to them she was corrupt or whatever, but it's undeniable, she wasn't that bad either. somehow, she was able to bring improvements to the country etc. a lot of people did worst than her and yet, I dunno. I am not pro Gloria or anti either, I believe the politics here in the Philippines is very personal. ugh! what can I say? haha! whatever!
for Pete's sake, she was a president. maybe a little courtesy should be observe despite of what happened? whatever! hahaha..affected much.
naawa ko kay CGMA, may kasalanan man o wala, she deserves to be treated well, former pres. pa rin siya.
Ang problema ko sa current issue ngayon kay GMA ay yung walang pakundangan pagsuway ng DOJ sa utos ng Supreme Court. Mali ang ginawang iyon ni Leila de Lima kasi mas mataas ang Kataas-taasang Hukuman sa kanya na isa lamang hamak na Kalihim.
Ang nangyayari ngayon ay nagdudulot ng krisis sa atin dahil mawawalan ng saysay ang pagiging co-equal ng Kataas-taasang Hukuman sa Executive Branch.
napaka gandang tula para kay CGMA.. ang bilis ng karma
Nkakalungkot ang politics dito sa pilipinas, sana matigil na ang corruption at pagmamahal nlang sa bayan ang isaisip at isagawa
Not updated na sa Phils news, but I was surprised to read about GMA today.
Kahit may kasalanan man siya meron naman dyang hukuman na mag bigay sa kanya nang kung anong punishment na dapat sa kanya. But for the fact, na minsan siya ang presidente dyan dapat bigyan siya nang karapatdapat na RESPETO! Kung tutuusin halos lahat naman dyan na mga politiko eh mga corrupt at balimbing. ^_^ PEace!!!
@Mai Yang.............eh ang ginagawa niya noong Presidente pa siya unfair naman para sa iba..pero siya ang nasusunod.....kakasuhan ba siya kung walang kasalanan.....nariya ang mga tao na handang tumestigo laban sa kanya..kung may nagawa man siya na mabuti para sa bansa pero sa ibang tao marami siyang nagawa na hindi mabuti dahil ginamit niya ang impluwensiya bilang isang Pangulo ng bansa..
@michi............sa ibang bansa kapag ang dating Pangulo o Pangulo pa ng bansa kapag may kasalanan na nagawa ay pinaparusahan talaga.....kung sila ay itrato ng mabuti dahil naging Pangulo ng bansa baka sila ay pamarisan ng ibang maging pangulo ng bansa.....kaya dapat parusahan talaga para hindi tularan ng ibang tao na maging pinuno ng isang bansa..
@Ishmael Fischer Ahab......natural lang na suwayin ang utos ng Korte Suprema dahil ang Korte Suprema noon pa man ay pabor talaga kay GMA dahil halos silang lahat ay appointee.....inilagay sila sa puwesto ni GMA noong Pangulo pa siya.....kaya kung may kaso man sa kanya ay hindi sila sasang ayon.....kung mapapansin mo may mga tao na gusto na ma impeach ang mga bumoto para makaalis sana si GMA ng bansa....ang korte suprema lahat ay pabor kay GMA kahit mali ang ginawa..
@mommy-razz........salamat sa sinabi mo.....akala siguro niya lagi siyang Pangulo ng bansa......hindi niya alam na darating ang araw na mawawalan siya ng kapangyarihan..
@Keatodrunk...........sana nga pero mahirap pong mangyari ang ganun.....nakasanayan na at ang mga corrupt na tao ang papalit sa kanila ay ang kanilang mga anak......
@Umma...........ganun ba.....wala ka bang tv diyan na may filipino channel,hehe.......dapat kahit paano maging updated ka rin sa nangyayari sa ating bansa kahit nasa ibang bansa ka na kasi bansang sinilangan mo iyan eh.....
@ayu.........kung ganun ikaw ay anti GMA.......matalino ka.....aminin mo.....hehe..
@Kim,USA............may hukuman nga pero ang korte suprema halos lahat ng mahistrado doon ay nilagay sa posisyon ni GMA noong Pangulo pa siya kaya kung ang hatol ay ipapaasa sa korte suprema baka hindi siya maparusahan.....kung siya ay ay bibigyan ng respeto dahil dating Pangulo sa kabila na may kasalanan baka siya ay tularan ng ibang mga tao na mag Presidente ng bansa.....gumawa din ng hindi maganda.....kaya mabuti na hindi siya bigyan ng respeto para walang tumulad sa kanya ng Pangulo ng bansa.....tama ka diyan lahat ng politiko ay corrupt at balimbing.....
Isang salita lang ang masasabi ko; MALUNGKOT. :(
(i miss being her, Arvin. kelan ka gala sa cebu?)
Naka karma si Gloria sa mga kasalanang ginawa niya sa Diyos at taong bayan na dapat pinaglingkuran niya nang buong katapatan. Ang una niyang naging kasalanan ay nung ninakaw niya ang eleksyon kay FPJ. Laging lumulusot nuon si Gloria maski sumabog na yung Hello Garci case. Nag sorry man siya sa sambayanang Pilipino ay punong puno naman ito nang kaplastikan at walang naniwala sa kanyang sinseridad. Si Mike Arroyo naman ay wala nang ipinagmalaki kundi ang pagiging abugado niya at ang pagkakalusot niya sa lahat nang kasong ipinukol sa kanya. Ngayon Diyos na ang sumisingil sa kanila sa lahat nang kasalanan nila sa bansang Pilipinas. Sabi nga ni Erap nuon ay weder weder laang iyan. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
oo nga no? Wala man lang nag rally for her. Ang ibig sabihin lang peke ang mga taga suporta nya noon.
Ang mga nangyayari ngayon kay GMArroyo ay bunga lamang ng mga nagdaang aksyon niya. KARMA, ika nga nila. Ako man ay hindi rin makaramdam ng awa bagkus ay pagkainis pa sa drama at paawa kuno nyo. Harapin nya ang mga kaso nya at tanggapin ang kung anumang kahinatnan nito, wag nyang daanin sa laging pagkwestyon sa legalidad ng mga aksyong ginagawa ng gobyerno dahil sa aking palagay, patunay lamang ito ng pagiging may sala niya.
Nice poem for her.
Kailangan paparusahan ang may kasalanan.If proven na may kasalanan siya, she should go to jail the rest of her life.But I wonder if she is really sick.. hehehe
tamang-tama ang iyong tula kay GMA. siguro kaya hindi na nagpapakita ang mga loyalista niya before kasi natauhan na sila siguro. ang taong dapat kaawaan ay iyong taong may-awa rin sa kapwa niya di ba? :-) Hindi ako sure if dapat bang kaawaan si GMA.
tama ka sa analysis mo na ang SC decision on Hacienda Luisita was a fight back to the Cojuangco-Aquino; the victory was just initial, dami problems sa SC decision na kailangan harapin ng mga magsasaka at manggagawang bukid
hahaha...magaling ka talaga sumulat ng tula, but i think di lang kay GMA applicable ang tula...it is also appropriate sa lahat ng naging pangulo ng 'pinas -
pare-parehas sila kurakot, violators of human rights, nagpahirap sa sambayanana etc, etc
@Hi! I'm Grace...........parang sa sinabi mo ay Pro GMA ka kasi nalulungkot ka sa sinapit niya,hehe......hindi ko alam kung kailan ako pupunta ng Cebu.....kailan ka pa diyan.....
@Mel Avila Alarilla.........tama ka.....kinakarma na siya sa mga kasalanan niya.....halos lahat yata ng tao ay natutuwa sa sinapit niya.....panalo naman talaga si FPJ kaso dinaya kaya natalo.....imposible na manalo siya kay FPJ sa halalan kasi sa panahon na iyon marami na ang galit sa kanya.........sa bawat lugar na pinupuntahan ni FPJ para mangampanya ay puno ang gymnasium, madaming tao sa kalsada....pero kay GMA ay kakaunti lang......lahat na sangkot sa dayaan sa halalan dapat na managot talaga..masyadong umabusp so ang asawa ni GMA dahil may impluwensiya....katulad ng sa helicopter........pinakinabangan na ay ibinenta pa ng mahal na presyo......makipera talaga..
@mayen.............ang mga supporter niya noon ngayon ay naiinis na kaya hindi nag rarally na pagpakita ng pagkaawa sa kanya......pati nga mga kaalyado noon hindi man lang makita sa tv na nagsasalita para kay GMA......takot talaga baka sila ay buweltahan kasi alam nila na sila ay naging masama habang pangulo pa si GMA o kaya naging corrupt..
i think i would just let the fate decide..
visit from neighbor!
@Talinggaw...........talagang karma ang nangyayari sa kanya ngayon.......kung ano ang ginawa niya noon na hindi maganda ngayon ay bumabalik na sa kanya.....kahit ano pang pag kuwestiyon sa legalidad ay wala na siyang magagawa kasi hindi niya hawak ang Presidenta na siyang maimpluwensya sa ngayon at talagang gusto na siya ay maparusahan..
@eden...........tama......ang nagkasala sa batas dapat na maparusahan maging ito man ay dating Pangulo ng bansa.....may sakit siya pero ang pagpunta sa airport ay pa awa epek lang.....walang make up na pumunta, naka duster lang....mabuti at naharang.....ok naman siya sabi ng doktor....magaling na.....
@Sam D............hindi na naging makapal ang mukha ang mga loyalista niya noon....nahiya na siguro sila sa sarili kaya wala silang aksyon.....at saka mahirap na baka malaman pa kung sino ang nag finance para mag rally na magpapakita ng pagka awa kay GMA at malaman ay kasuhan pa......alam naman ng lahat na mahigpit ngayon ang administrasyon,hehe..
@reese...........gumanti lang ang supreme court......matagal na rin na nakabinbin ang kaso na iyon at bigla ay nadesisyunan.......sinulat ko ito na ang nasa isip ko ay si GMA....siguro puwede din ito sa ibang tao na nasa politika at mapang abuso....
@simply_kim..........magkakaroon ng kabuluhan ang kasong kinakaharap ng dating Pangulo.....
sana magsilbing aral na lang ito para sa ibang leader ng ating bansa. Hindi lagi tayong nasa taas. at kung nasa taas man tayo umayos tayo dahil ang karma lagi lang andyan.
sana magsilbing aral na lang ito para sa ibang leader ng ating bansa. Hindi lagi tayong nasa taas. at kung nasa taas man tayo umayos tayo dahil ang karma lagi lang andyan.
daang matuwid is one of PNoy's rhetorics - wala siyang pinagkaiba sa ibang pangulo ng Pilipinas
Salamat Arvs sa information tungkol sa politics diyan. Kung hindi dahil sainyo ng kaibigan nating si Mel Avila Alarilla ay wala talaga akong balita about diyan sa atin :-) Kumusta naman ba ang bagong presidente natin ngayon?
thank you for the visit, Arvs!
Kuya Arvin, kumusta ang araw mo? May award ka ba ngayon? Sa tingin ko meron. =) http://rencelee.blogspot.com/2011/11/sunshine-blogger-award.html
The fall of gloria Arroyo sa inglis.. tama ba? lol.. yan kasi pag gumawa ka ng kasalanan sa sangkatauhan.. sangkatutak din yung parusa mu.....
Sundot lang kai Mai yang.. politics ever since it was invented has always been personal...
@wOrkingAthOmE...........siguro naman ang mga susunod at kasalukuyan na pinuno ng ating bansa ay matatauhan mula kay dating pangulong GMA na hindi dapat na gumawa ng masama habang nakaupo sa posisyon kasi kung ang pumalit na pangulo ay hindi kaalyado ay baka buweltahan......
@reese..............kahit sino pa siguro ang maging pangulo walang masyadong pag asenso ang ating bansa.....kung mapapansin mo ngayon ay halos puro mga pagkakamali ng nakaraang administrasyon ang paksa at hinahalungkat......bakit hindi gumawa ng hakbang kung paano makakaahon sa hirap ang bansa.....pero hindi nila ginagawa.....
@Sam D.............walang anuman iyon.....ito ang ating pangulo ngayon ay pinahahalungkat sa mga kaalyado ang mga pagkakamali ng nakaraang administrasyon at kinakasuhan katulad ng kay GMA.....
@eden.............walang anuman iyon.....
@Rence............okey lang po ako....salamat sa award mong bigay sa akin.....kinagagalak ko iyon na muli may nagbigay ng award sa akin....
@Vernz............kaya dapat kung ikaw ay isang pangulo ng bansa huwag mapang abuso kasi may pagbagsak din......wala naman tao na permamente ay presidente ng isang bansa..
bakit nagkaganon bakit?
I saw it on the news..kung tutuosin mas masama pa si former marcos kay sa kanya.
Magandang araw Kuya Arvin,
Ako'y hindi naman Pro o Anti kay GMA sa nakita ko ngayon sa ating "Lupang Hinirang" medyo umusad na din kahit konti at sa palaisipan ko lamang ang Pulitika sa bansa ay may halong personal. Ika nga sa mga kasabihan at sa awitin ng Aegis "sana'y nasa ibabaw naman" ang ganda ng paggawa ng iyong tula saludo ako. Sana ang ating katarungan sa "bayan kong sinilangan" maipautpad ng tama at walang pag alinlangan kahit sino pa ang matapakan.
thanks Arvs for the visit.
this such a sad story of a Filipino president and remember we are filipino so kung ano man ang ngyayari sa knya is a reflection of our own country..to sad:(
big info..thanks
@Diamond R...........maraming ginawang kasalanan habang siya ay pangulo pa ng bansa......kaya ngayon siya ay hinahabol sa mga ginawa niya noon..
@Dhemz..........ganun ba.....pero si Marcos kahit ginanun siya marami pa rin sa kanya ang loyal.....pero kay GMA wala.....kung mayroon man ay mabibilang......hindi biro ang ginawa ni GMA kasi sakim siya sa politika.....ayaw na bumaba sa puwesto....mantakin mo mula sa Presidente ay tumakbo pa pagka congresswomen.....gusto talaga nasa politika siya..
@farjah........ganun ba....maraming salamat sa mga sinabi mo.....kapag inaawit na talaga ang Lupang Hinirang sa paaralan ang mga sasakyan ay tumitigil talaga....iyon ang maganda kasi noon pa iyon at hanggang ngayon pinapraktis pa rin.....
@eden........walang anuman iyon....kumusta po kayo.....
@Sunny Toast........may kasalanan siya kaya dapat niyang panagutan iyon.....kahit na siya ay dati pang pangulo ng bansa.......sa ginawa niya marami ang naapi at nasaktan.....
@ryan mika........okey....
Post a Comment