"The easy part of life is finding someone to love. The hard part is finding someone to love you back."
SINE
Ni: Arvin U. de la Peña
Hilig ko noon ang manood ng sine. Sabado o kaya Linggo ako nanonood. Minsan sa SM, sa Country Mall, o kaya sa Ayala. Minsan ng manood ako sa Ayala ng Harry Potter ay puno talaga sa loob. Kaya ang ginawa ko tumayo na lang ako katulad ng ibang mga manonood.
Lumilipas na ang mahigit 20 minutes na panonood ko ng bigla may babaeng umiiyak, papalabas ng sinehan. Malakas ang hagulgol niya na nakaagaw pansin sa mga manonood. Iyak siya ng iyak. Tapos sa tinatayuan ko siya dumaan. Ang ginawa ko ay sinundan ko siya kahit na hindi ko kilala. Nakakahiya man pero dahil nasa loob pa ng sinehan pero papalabas na ay hinawakan ko ang kanyang kamay, sabay tanong " miss bakit ka umiiyak"? "Wala", sabi niya. "Anong wala, eh hindi ordinaryo ang pag-iyak mo", sabi ko sa kanya. "Nakipaghiwalay ang boyfriend ko ngayon lang doon mismo sa inuupuan namin", sagot niya". "Ganun ba, o sige huwag ka ng umiyak kasi nakakahiya", sabi ko sa kanya. Hawak ko pa ang kamay niya ng sabihin ko na lumabas kami ng sinehan. Sabi ko sa kanya pumunta ng SM at nag ok naman siya. Nakipagkilala ako sa kanya at doon nalaman ko na siya si Julie Valencia.
Habang sakay kami ng jeep papuntang SM ang nasa isip ko ay parang naka jackpot yata ako kasi hindi na ako mahihirapan pa masyado na ligawan si Julie kasi broken hearted. Pagpunta sa SM dahil pasado 3:00pm na ay agad niyaya ko siya na mag Jollibee muna kami. Nagkuwentuhan kami tungkol sa buhay namin, sa pag-aaral, at doon nalaman ko na pareho pala kaming 4th year college. Magkaiba nga lang ng paaralan. Pagkatapos naming kumain muli ay itinuloy namin ang panonood ng Harry Potter.
Pagkatapos naming manood ng sine at lumabas na ay doon hiningi ko ang cellphone number niya. Binigay naman niya at binigay ko rin ang cellphone number ko sa kanya. Tinanong ko siya kung saang boarding house siya nakatira at ng sabihin niya ay sinabi ko sa kanya na ihahatid ko siya. Hindi naman siya tumutol. Hinatid ko siya sa boarding house niya at doon kita ko sa mga mata niya na may saya at iyon ang nagbigay sa akin ng inspirasyon.
Kinabukasn paggising ko agad ay tinext ko siya ng "good morning", nagreply naman agad siya ng "good morning din". Nagpalitan pa kami ng text hanggang sa magpasya ako na maghanda na para sa pagpasok sa paaralan. Kinagabihan paglabas ng last subject ko na 7:30pm agad ay text ko siya kung nasaan siya. Sinabi niya na nasa paaralan pa dahil 8:30 pm pa daw ang labas niya. Doon ay sinabi ko sa kanya na hintayin ko siya sa labas ng paaralan sa University of San Carlos. Muli ay pumayag siya.
Paglabas niya agad ay kinumusta ko siya at niyaya na kumain. Pagkatapos naming kumain muli ay inihatid ko siya sa boarding house niya. Naulit pa ng naulit ang ganun na pangyayari sa amin ni Julie pati pamamasyal tuwing Sabado o kaya Linggo.
February at malapit na ang Valentine's Day ng magtapat ako ng pag-ibig sa kanya. Hindi muna siya sumagot at pag-iisipan pa raw niya kasi sa ngayon daw ay masaya siya na ako ay kaibigan. Naunawaan ko siya at itinuloy ko pa rin ang magandang ipinapakita sa kanya. Hindi ako nagbago sa kabila ng sinabi niya.
February 13, 2005 gabi ay balisa ako. Di ko alam kung bakit. Hindi ako makatulog masyado. Pasado alas dose ng bigla may natanggap akong text. Nang tingnan ko ay mula kay Julie. Nang basahin ko ang text ay halos mapasigaw ako. Kasi ang laman ng text niya ay sinasagot na niya. Agad ay nag text ako sa kanya ng pasasalamat at sinabi ko na magiging mabuti ako na kasintahan niya.
Pagkita namin kinabukasan ng gabi paglabas niya ng paaralan agad ay niyakap ko siya. Tapos kumain na kami. Paglipas ng araw ay naging abala na sa pag-aaral at isa pa ma graduate na kaya medyo busy na. Ganun din naman siya. Hindi ko na siya natetext lagi. Pero kung gabi ay sinusundo ko pa rin siya sa paaralan niya. Tapos kumakain at inihahatid sa boarding house niya.
Sinabi ko sa kanya na ang graduation namin ay March 25, 2005. Nagpaasa siya na manonood siya at nangako naman ako na manonood sa graduation nila na March 27, 2005.
Akala ko talaga ay kami na. Sa isip ko nakaplano na ang lahat para sa amin. Para sa aming pagsasama pagdating ng panahon na kapwa handa na.
March 24, 2005 ay nakahanda na ang lahat para sa susuotin ko para sa graduation. Excited ako kasi matatapos na rin ang pag-aaral ko sa kolehiyo ng apat na taon. Maaga akong natulog. Pagkagising ko kinabukasan na araw na ng graduation ng tingnan ko ang cellphone ay mga mga tawag mula kay Julie. Hindi ko nasagot. Nang basahin ko ang text agad ay nanghina ako. "Sorry nakikipag break na ako sa iyo. Nakipagbalikan na sa akin ang una kong boyfriend na una kong minahal at tinanggap ko naman kasi mahal ko pa rin siya. Hindi ako makakapanood ng graduation mo. Good luck na lang sa iyo."
Nang matapos kong basahin ang text niya agad ay tinawagan ko siya. Ring lang ng ring ang cellphone niya. Ayaw sagutin ang tawag ko. Text ko siya kung bakit ganun. Wala rin siyang reply.
Nasa loob na ako ng Cebu Coliseum kasama ng mga kaklase ko at iba pa na ma graduate ay ako lang yata ang malungkot. Kita ko sa ibang mga graduating na masaya talaga. Minsan tinitingnan ko ang mga tao na nasa taas na nanonood ng graduation at nagbabakasakali na makita ko si Julie, pero wala.
Hanggang sa mag umpisa na ang graduation. Pagbanggit ng pangalan at pagtanggap ng diploma.
Umakyat ako ng stage para tanggapin ang diploma na walang sigla sa katawan. Bumaba ako ng stage na may lungkot sa mga mata.
Saturday, November 19, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
39 comments:
psinsiya na nag focus ako doon sa quote. Kaya nga may nagsabi sa akin pakasalan daw natin ang babaeng nagmamahal sa atin di yong mahal mo.kasi madali lang pagaralan mahalin ang taong mahal ka. Parang ang gulo yata. pero parang ganon.
Masakit pala ang naging karanasan mo nuon graduation mo sa college. Nataon pang nag break kayo nang girl friend mo. Pero matagal na yun at alaala na lang ang tanging naiwan sa iyo nang eksperiensyang iyun. Salamat sa madamdaming lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
ang ganda nga ng mesahe ng quote.
sadyang masalimuot ang laro ng pag-ibig, ngunit ang pinakamahalaga sa larangang iyan ay di ka natakot kailanman na ipahayag ang iyong damdamin.
http://www.clarizzatomacruz.com/2011/11/17/that-was-my-dad/
nakakalungkot naman tol arvin...
Ouch! That really hurts.
Pero sadyang ganun minsan ang pag ibig...hays!
But I know u are happy now sa family mo bosing :)
Ang ganda ng intro ng "Maalala Mo Kaya" kuya Arvin parang kwento ng pag-ibig ko din yan ahhh sayang yung panghuli ang lupit ng tadhana para sa iyo sa panahong yaon pero dibale malay natin baka makipagbreak ulit yung dati nya BF at napag isipan nya ulit na ikaw pala yaong karapat dapat niyang mahalin ng lubusan, "who knows" ang pag-ibig naman ay minsan mapag biro ika nga nila.
Ano ba ang masasabe ko, Wrong timing ka yata bakit naman kasi sinamantala mo ang pagiging broken hearted niya, hehe. Malamang gusto pa rin niya talaga ang bf nya. Di naman iiyak yun ng ganun kung hindi.
Mabuti graduation yun nangyari, mas okay kesa final exam mangyari ang ganun, bka walang pumasok sa utak mo habang nag eexam. haha.
Nice heading " sine tlaga ha" at si harry potter pa ang naging tulay ng lahat. :)
ang lungkot naman ng kwento mo, at kung kelan pa galing ka sa sakit ha...emo! hehe...
pero nakakatuwa naman at nagbalik ka na ulit at mukhang gumaling na sa 'yong karamdamang pisikal, sana maging ganon din sa emosyonal. :) be safe Arvin!
napakasakit naman nga kinahihinatnan ng love story natu arvin, yan ang hirap pag nakikipag relasyon sa mga kaka break lng kasi ikaw ang magiging panakip butas, tapos pag nagbalikan sila ikaw ang naiitsapwera. sana nakigmagkaibigan nlng kayo apar hind ka masasaktan. ang pag ibig talaga napakahirap pakibagayan ano. well that was part of the past and it looks like you have moved on kung ito mn ay storya ng buhay mo or kakilala or kathang isip. thanks for sharing
Kaya pala umiyak yun galing sinehan at inindyan nang bf ^_^
@Diamond R..............ganun ba..magulo nga talaga pag dating sa pag ibig..kasi mahirap maghanap ng babae na mamahalin ka rin, hindi iyong ikaw lang ang magmamahal..
@Mel Avila Alarilla........yah, kasi hindi ko talaga inakala na makikipagbalikan pa siya sa dati niyang boyfriend......ilang buwan din na maganda ang samahan namin tapos bigla matitigil dahil nakipagbalikan ang dati niyang mahal at tinanggap naman niya..so sad pero wala akong magagawa kasi di ko naman hawak ang buhay niya..tama ka...ang lahat tungkol sa amin ay isang alaala na lang.....siguro ngayon ay masaya rin siya sa buhay niya..
@imriz............ang masakit lang kung sa kabila na nagpapahayag ka ng damdamin para sa taong mahal mo ay balewala lang sa kanya..
@jedpogi............malungkot nga pero matagal na rin na nangyari at naka move on na ako..
@Jag............tinanggap ko ang sakit na naibigay niya kasi naunawaan ko siya......hindi naman kasi ako ang una niyang minahal at siguro doon sa una niyang boyfriend at naroon talaga ang kaligayahan niya.....
@farjah...........kahit pa siguro makipag break ang una niyang boyfriend hindi na siguro magiging kami kasi wala na kaming komunikasyon.....wala na akong cellphone number niya.....at isa pa nasa leyte na ako....matagal na rin kasi nangyari ang ganun.....noong nasa cebu pa ako nag aaral....
@Yen............hehe.....eh kasi pag broken hearted ay parang madali na mapaibig.....tama ka..sa loob pa siya ng sinehan umiyak talaga na maraming tao....kung final exam siya nakipag break baka na zero ako kasi mablanko ang utak ko..
@Talinggaw...........ako po ay magaling na.....ilang linggo rin na ako ay pinahirapan sa lagnat na pabalik balik....hindi kasi ako nagpa check up sa doktor.....bili lang ako ng bili ng kung anong gamot kaya ayun natagalan bago ako gumaling....napakarami ding gamot ang na take ko....halos maubos nga ang budget ko pang computer at pang inom dahil sa kabibili ng gamot,hehe..
@Shydub...........naging panakip butas nga lang ako mula sa pakikipag break ng una niyang boyfriend....malabo ng maging kaibigan kami kasi wala na kaming komunikasyon...hindi ko nga alam kung nasaan siya ngayon..
@Kim,USA.........sakali na ako ay manood uli ng sine at may umiyak uli na babae dahil sa boyfriend ay hindi na talaga ako maglalakas loob na lapitan at makipagkilala at tanungin bakit umiyak kasi baka mahulog ang loob ko tapos pag naging kami na ay iwan din ako.....
Hi maganda ang kwento mo aral rin ito sa iba.
Talagang naka pang hinayang ang minsan lang sa buhay ay dumarating. pagkatapos ay biglang lang mawala. At hindi rin pala madali para sa isang ang pang yayari na minsan lang sa ating buhay na maaaring hindi na ito babalik pa.
www.chatwing.com ay live na po ngayon maganda po itong ilagay sa ating mga blogs site or sa ating website dahil and chatwing.com ay isa ring paraan ng communication sa ating mahal sa buhay kaya kung gusto nyo tong gamitin ang tanging lamang ninyong gawin ay mag sign up sa www.chatwing.com at pwede mo nang makuha ng libre ang HTML at maaari mo rin itong ipublished sa iyong widget, libre po ito walang bayad, enjoy this chat box guys.
Sincerely
Jimdel Cordova
for more info just send me a message
cordovajimdel@gmail.com
Ang sakit naman but bilib ako sa iyo kahit wala siya sa graduation mo, nakaya mo kahit masakit ang kalooban mo. Ikaw kasi bakit mo siya niligawan na kakabreak up pa lang niya sa bf niya. Nice quote too.
I definitely agree sa post na to.
Natutuwa ako at magaling ka na Arvs. Sa love story mo ang natutunan ko wag kang maging involve sa taong kakabreak lang kasi magiging panakip butas lang talaga ang magiging labas mo. :-) Salamat po ng marami at lagi mong naalalang dalawin blogs ko. Take care always and God bless :-)
awwww...this is a sad experience
where do broken hearts go? hahaha!
bakit feeling ko naranasan ko na to (not exactly ung sine thingy), un nga lang, ang guy ang nagkaroon ng girlfriend, na-deadma ang beauty ko. hay naku!
@Jimdel R. Cordova.......salamat sa sinabi mo......salamat sa pagbisita mo sa blog ko....nakakapanghihinayang nga kasi kahit paano napamahal ka tapos makikipag break lang pala..
@eden............siyempre kinaya ko kasi minsan rin lang ang graduation.....eh kasi ang kabrebreak lang sa boyfriend ay medyo madali na mapaibig,hehe..
@tim............thanks....
@Sam D...........lumayas na rin sa katawan ko ang nagpapahirap na sakit na pabalik balik na lagnat.....nagustuhan ko kasi siya at hindi ko alam na magiging panakip butas lang ako kasi ilang buwan din naman na maganda ang naging samahan namin..
@reese..........ano kaya kung maranasan mo ang nasa kuwento.....hehe...
@Mai Yang...........ganun....sa ganda mo na iyan ipagpapalit ka pa sa iba.....para sa akin sa iyo wala ng hahanapin pa.....
nalungkot ako dun ha..ngayon pano ko ibibigay ang sa tingin ko nararapat sa iyo eh pinalungkot mo ko.lol..
ganunpman para sayo pa rin un
@kha...........hindi ko sinasadya na ikaw ay maging malungkot dahil sa sinulat kong ito.....dapat hindi ka nagpadala sa nabasa mo.....
I like the quote Arvin....:) wala akong ma ishare na experience kasi I've never been in a relationship before...nag-asa kasi kaagad...hehhee...thanks for sharing your story.
...sad, but im sure it made you stronger! =]
Post a Comment