Monday, April 26, 2010

Kasawian

Ang pinakamasakit na kabiguan na aking naranasan ay noong second year college ako. Akala ko talaga ay magiging kami na. Siya na ang aking for life. Hindi rin pala. Kapag sumasakay ako noon ng barko papunta Cebu mula Leyte o kaya Cebu pabalik ng Leyte habang ayaw ko pang mahiga o matulog ay sa may gilid ng barko muna ako pumupuwesto. Tinitingnan ko ang karagatan. At minsan naiisip ko na tumalon na lang. Bakit kailangan pa na ikaw ay pagsabihan ng " i love you too" kung iiwan ka rin lang naman.

"When I was a child I wanted to grow up and fall inlove. Now that I've grown up and fallin. How I wish I was a child. Because it is easier to heal a broken knee than a broken heart."


KASAWIAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Marahil hindi talaga tayo para sa isa't isa
Dahil kung tayo ang nakatadhana
Nagmamahalan pa sana tayo
Masaya na pinagsasaluhan ang pag-ibig.

Napakarami ng pagsubok nilampasan natin
Ang iba muntik ko pang ikamatay
Pero nauwi pa rin sa wala
Ang naging pag-iibigan natin.

Pinilit kong ayusin ang lahat
Pinilit na magkabalikan tayo
Dahil ikaw lang ang mahal ko
Pero wala pa ring nangyari.

Iniwan mo ako at nagpakalayo ka
Kinalimutan mo sumpaan natin
Na kahit anong mangyari
Hindi tayo maghihiwalay.

Pinakamamahal ko sa buhay
Kung naroon ka man sa mas higit sa akin
Gusto ko na malaman mo
Mahirap sa akin ang wala ka.

Saturday, April 24, 2010

Agua Bendita (by request)

"Ang tulang ito na sinulat ko ay pagbibigay sa request ng isa ring kaibigan na blogger. Nagrequest siya sa akin sa sinulat kong PAGSUBOK at muli inulit niya ang request niya sa akin sa post kong KUNG TAYO'Y MAGKAKALAYO. Nakapagsulat ako nito kasi ang palabas na ito ay maganda rin. Katulad ng May Bukas Pa na nakapagsulat din ako na nakakapanood ako minsan ay nainspire rin akong magsulat ng Agua Bendita kasi nanonood din ako ng palabas na ito minsan."

Blogger Sam said...

salamat sa pagbisita mo sa site ko ulit. galing mo naman magsulat ng tula. sana balang araw magawan mo rin ako :)

February 4, 2010 6:33 PM

Blogger Sam said...

hello! arvin, wow! isa na naman magandang tula ang nagawa mo. Ako nagrequest din saiyo ah! bakit wala pa rin hehehe joke lang. Salamat lagi ka nakakaalala na mag-visit sa blog ko. Have a nice weekend ahead.

February 18, 2010 4:59 P

http://www.freddysamsc.com/

AGUA BENDITA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kayong dalawa ay magkambal
Magkaiba man ang inyong hitsura
Iisang dugo pa rin ang pinagmulan
Kaya dapat magmahalan talaga kayo.

Kahit ano pa ang uri ng pagkatao ng isa
Dapat na ito ay tanggapin
Hindi dapat na kamuhian
Dahil ganun na ng siya ay isilang.

Huwag kayong mag-aaway
Dahil hindi iyon maganda
Iwasan ang pagkainggit sa isa't isa
Pagkat iyon ang makakasira sa inyo.

Agua Bendita dalawang nilalang
Isa ay normal na tao
Ang isa ay taong tubig
Kakaiba talaga kayong magkambal.

Magwakas naman kayong dalawa
Hindi na mapanood sa telebisyon
Ang inyong alaala ay hindi malilimutan
Dahil kayo ay sinubaybayan mula pagkabata.

Thursday, April 22, 2010

Bistado

"Minsan ang pagtulong sa kapwa ay dinadaan pa sa politika. May mga tao na matulungin talaga.Pero para makatulong pa lalo ay gustong pumasok sa politika. Gayong alam nilang magulo ang mundo ng politika. Siguro may ibang pakay kaya nais na pumasok sa politika."
BISTADO
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung tutuusin puwede ka naman tumulong
Dahil ang pagtulong walang pinipili
Kahit sino ay may karapatan dumamay
Para sa isang nangangailangan.

Ngunit ikaw ay kakaiba
Ang lakas ng loob mong magsabi
Na kaya ka tatakbo sa halalan
Para makatulong sa iyong kababayan.

Ang sabihin mo kaya ka kakandidato
Para kung ikaw ay manalo man
Pera ng bayan ang itutulong mo
Hindi ang nasa sariling bulsa.

Dahil ayaw mo na mapunta lang sa iba
Ang pera na pinaghirapan mo
Hindi mabuti ang ganun para sa katulad mo
Lalo at may kakayahan ka talagang makatulong.

Huwag ka ng maging ganun
Huwag ipagsigawan ang iyong hangarin sa pangangampanya
Pagkat bistado na ang iyong layunin
Halata na ang motibo mo sa pagtakbo.

Tuesday, April 20, 2010

Hustisya

"Minsan ang hustisya ay mahirap talagang makamtan lalo na kung ang nagbibigay ng hustisya ay panig sa isa. Nabubulag talaga ang batas lalo na kung kasangkot ang maimpluwensyang tao. Kaya minsan maganda na rin iyong gantihan na lang."

HUSTISYA
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang hustisya ay huwag niyo ng hangarin
Na ito ay makamit
Dahil hindi niyo iyan makukuha
Lalo lang mag-iinit ang ulo niyo.

Ang nagbibigay ng hustisya
Kakampi ng kalaban niyo
Kaya wala kayong panalo
Gumanti na lang kayo.

Kung ano ang ginawa nila sa inyo
Ganun din ang gawin sa kanila
Kung kailangan mag ubusan ng lahi
Gawin ng walang pag-aalinlangan.

Huwag kayong matakot na mamatay
Dahil lahat tayo sa kamatayan rin mapupunta
Idaan sa kamay ang hustisya
Iyon lang ang tanging paraan.

Dahil sa kasalukuyang pangyayari
Ang hustisya ay binubulag ng pera
Kapag wala kang pera
Hustisya ay malabo mong makamtan.

Saturday, April 17, 2010

Pagkakamali

"May mga tao na nahalal sa isang posisyon. Tapos pagtagal ay hindi na siya nailulok uli dahil sa may nagawang mali o kaya ayaw na ng mga tao sa kanya. At doon tatakbo pa rin siya kasi nagbabakasakali na manalo pa sa halalan. Kung matalo naman ang gagawin na lang ay susuporta na lang sa ibang kandidato kapag halalan."

PAGKAKAMALI
Ni: Arvin U. de la Peña

Dapat kumakandidato ka na lang uli
Para talaga nalaman ng mga tao
Na ikaw ay walanghiya
Nagpupumilit pang manalo kahit ayaw na sa iyo.

Ang ganda ng imahe mo noon
Naging mabuti ang bayan dahil sa iyo
Tiningala ka dahil sa maganda mong pamamalakad
Ngunit ikaw rin mismo ang sumira.

May ginawa kang hindi kanais-nais
Ang bayan mong pinaganda
Para mong inilako sa isang politiko
Na ngayon ay hindi mo na mababawi pa.

Kahit ano pa ang gawin mo
Wala ka ng magagawa pa
Kundi ang magsisi na lang
Sa napakalaki mong pagkakamali.

Mga magaganda mong salita
Hindi na iyan pakikinggan
Huwag ka na lang sumuporta
Sa ibang kandidato dahil basang-basa ka na.

Thursday, April 15, 2010

Mamang Pulis

"May mga alagad ng batas na ang batas ay nilalagay nila sa sariling kamay. Ang paghingi ng pera para sa isang tao ay minsan dinadaan na lang sa pag text. Sila iyong mga alagad ng batas na marami ang pinaggagastuhan."
MAMANG PULIS
Ni: Arvin U. de la Peña

Hoy mamang pulis bakit ganyan ka
Ginagamit mo ang iyong uniporme
Para perahan ang ibang tao
Mahiya ka naman sa iba.

Hindi ba sapat ang sahod mo
Para gumanun ka mangotong
Nakakahiya ka na pulis
Hindi ka magandang ehemplo.

Dahil sa iyo nadadamay ang ibang kapulisan
Nadudungisan ang departamento
Dahil sa isang katulad mo
Kasi ginagaya ka rin ng iba.

Itigil mo na sana ang ganyan
Dahil hindi iyan ang iyong sinumpaang tungkulin
Alagad ka ng batas
Kaya dapat hindi ka nang-aapi.

Hindi maganda na mula sa pangongotong
Ang pinapakain mo sa iyong pamilya
Ito ay payo ko lamang
Para sa isang katulad mo.

Tuesday, April 13, 2010

Botante

"Ang pamimili ng boto ay ginagawa talaga minsan ng isang politiko para lang siya ay manalo. Kasi kapag nanalo siya ay mababawi niya naman ang perang nagasto sa pagbili ng boto. Baka nga ang nagasto niya sa pagbili ng boto ay maging double o lampas pa ang maibalik sa kanya."

BOTANTE
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang mga botante sa isang bayan ay tuwang-tuwa
Kasi ay maghahalalan na
Binibigyan kasi sila ng pera ng mga kandidato
Para sila ang iboto.

Silang mga botante ay ayos lang
Kung maghirap man ang kanilang bayan
Dulot ng mga politikong ibinoto nila
Kasi binayaran naman sila.

Ang kawawa lang ay ang mga anak nila
Mga anak na hindi pa bumuboto
Dahil sila ang tunay na naaapektuhan
Sa bilihan ng boto sa halalan.

Kung hanggang kailan ang ganun
Kapag nagkakaroon ng halalan
Iyon ang mahirap alamin
Sapagkat nakasanayan na ang pamimili ng boto.

Sunday, April 11, 2010

Masahol

"Nakakalungkot isipin na dahil sa politika minsan may mga tao na pinapatay."

MASAHOL
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung may tao man na napakasama
Siguro ay walang iba
Kundi ang isang tulad mo
Isang gahaman na politiko.

Sa kagustuhan lang ng isa
Na ikaw ay kalabanin
Sa posisyon mong kinatatayuan
Pinapatay mo mga kakampi ng makakalaban.

Hindi ka naawa sa mga biktima
Wala kang konsensya na tao
Mas masahol ka pa sa hayop
Para kang wala rin pamilya.

Nakukuha mo pang ngumiti
Sa kabila ng karumal-dumal na krimen
Na ikaw ang nag utos
Para iyon ay gawin.

Ang dapat sa iyo ay patayin
Pagpira-pirasuhin ang katawan
Kung ilan ang bilang ng mga biktima
Ganun din ang bilang ng ipiraso sa iyo.

Thursday, April 8, 2010

Papel (by request)

"Marami po ang nagkagusto sa sinulat kong tula na ang pamagat ay Ballpen na dapat talaga ay bigyan din ng halaga. Dahil doon ay nagpasya ako na magsulat naman sa kapares ng ballpen at ito nga ang papel. Pagbibigay din po ito para sa request ng kaibigan din dito sa blog. Nagrequest siya sa akin sa pamamagitan ng tagboard ko."

Mary Ann: Galing mo palang poet! Gawan mo naman ako ng tula para ma share ko sa aking mga guro lalo na sa filipino subject at ma share din nila sa kanilang mga students. Bigatin ano? Tanx in advanz.

http://mareyann-myblogs.blogspot.com/
PAPEL
Ni: Arvin U. de la Peña

Ikaw ay manipis lang na bagay
Ngunit napakalaki ng iyong halaga
Dahil ikaw ang sinusulatan
Nang kung anuman ang nais isulat.

Papel maraming salamat sa iyo
Isa kang malaking dahilan
Kung bakit ang mga tao
Natutong magbasa at magsulat.

Anuman ang isinusulat sa iyo
Maging ito man ay nakakasakit sa kapwa
Ayos lang talaga sa iyo
Wala kang pakialam anuman basahin sa iyo.

At ako bilang isang gumagamit rin sa iyo
Hindi naman kita masulatan
Ang hugis mo ay di ko makakalimutan
Lagi pa rin kitang maaalala.

Dahil ikaw na papel
Marami rin akong pinasayang tao
Pagkat pinapabasa ko sa iba
Sinulat mula sa iyo katulad ngayon.

Sunday, April 4, 2010

Tunay

"Minsan malaki talaga ang naidudulot na pagbabago sa buhay ng tao ang politika. Kasi kapag siya ay may balak na tumakbo sa halalan o kaya ay nag file na para sa kanyang kandidatora ay asahan na ang kanyang pagiging matulungin o di kaya kung noon ay di siya mahilig mamansin ay ngayon mamamansin na sa ibang tao."


TUNAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung tunay kang may malasakit sa mahirap
Dapat noon pa tumutulong ka palagi
Para sa mga nangangailangan
Na wala masyadong pera at makain.

Sa araw-araw ay makikita mo sila
Kailangan talaga na sila ay tulungan
Dahil ang buhay nila ay ibang-iba
Kaysa sa mga taong nakakasalamuha mo.

Ngunit iba ang ginagawa mo
Kung kailan ka kandidato sa halalan
Diyan ka tumutulong masyado
Para sakali ikaw ay iboto.

Hindi iyon mabuti para sa katulad mo
Napagtatawanan ka lang tuloy
Pumasok sana sa isip mo
Na ang pagtulong dapat taos puso.

Huwag mong gawin instrumento ang halalan
Para ikaw ay makilala ng taumbayan
Dahil ang halalan ay hindi palagi
Ngunit palaging mayroon gustong damayan.

Friday, April 2, 2010

Mabuti

"Dito sa Pilipinas ang taong nahalal na sa posisyon at sila ay pinalitan na pagtagal ay minsan tumatakbo pa uli sa halalan nagbabakasakali na manalo uli. At iyon ay panggulo na lang talaga siya kasi ayaw na ng mga tao sa kanya."

MABUTI
Ni: Arvin U. de la Peña

Mabuti hindi ka tumakbo ngayong halalan
Nakakagulo ka lang kasi
Kapag tumatakbo ka nalilito tuloy ang mga botante
Kung sino ang iboboto.

Mabuti iyo ng naunawaan
Kapag kasali ka sa halalan
Nahahati ang mga boto
Dahilan para manalo pa rin ang nais patalsikin.

Mabuti hindi mo na kinapalan ang mukha mo
Kasi noon nakukuha mo pang mangampanya
Makihalubilo sa mga tao
Samantalang ikaw ay kinamumuhian na.

Mabuti nanahimik ka ngayong paparating na halalan
Sana lagi mo ng gawin iyon
Dahil malabo ng ikaw ay manalo pa
Pagkat hindi ka naging mabuting pinuno.

Mabuti bang ibenta mo ang sariling bayan
Para sa ibang politiko
Sa kagustuhan mong manatili pa rin sa posisyon
Pero ikaw ay nagkamali at nagsisisi na.