Wednesday, October 8, 2008

Water Love

WATER LOVE
Kay: Stefanie Joan Villarin
Ni : Arvin U. de la Peña

Lagi akong masaya
Kapag ikaw ay naaalala ko
Ang mga problema sa buhay
Bigla ay nakakalimutan.

Tandang-tanda ko pa
Nang makipagkita ako sa iyo
Akala ko di mo ako papansinin
Kasi lumingon ka lang muna ng tinawag kita.

Oo inaamin ko naman
Walang pagkukunwari kong inaamin
Wala talaga akong sinabi sa iyo
Kasi maganda ka at mabuti pa ang kalagayan.

Minsan naiisip ko tuloy
"Bakit nahihibang ako sa'yo?"
"Bakit gustong-gusto kita?"
"At bakit umiibig ako sa'yo?"

Kung bakit ikaw pa
Mahirap po na ipaliwanag
Basta ang alam ko
Masayang-masaya ako sa'yo.

Kahit di ka maging akin
Kahit maging pangarap lang kita
Pagtingin ko sa'yo ay di mag-iiba
Sa puso at isip ay ikaw pa rin.

Sa iyo ay iisa lang ang hiling ko
Kahit na masakit sa akin
Kahit na mapaluha pa ako
Sana pagbigyan mo ako.

"Sa iyong kasal sana imbitahin mo ako
dahil iyon po ang huli
at tangingparaan upang
maisip ko na ikaway aking asawa."

No comments: