Thursday, October 9, 2008

Lihim Na Ambisyon

LIHIM NA AMBISYON
Ni: Arvin U. de la Peña

Nalungkot ako bigla ng magsabi ka na lalayo pansamantala. Kasi paano na ako? Hindi ko yata makakaya na ika'y wala sa akin. Dahil noon pa man ikaw na ang inspirasyon ko. Sa iyo ako kumukuha ng lakas. Kapag mayroon akong problema ikaw ang nasasandalan ko. Kahit kailan ay di mo ako binigo. Oo, alam ko may ambisyon ka. At sa iyong pupuntahan nakakasiguro ka na matutupad ang minimithi mo. (Kahit walang kasiguraduhan).

Simple lang naman ang mga pangarap nating dalawa noong mga bata pa tayo. Ang makapagtapos ng pag-aaral ng sa ganoon ay makahanap ng magandang trabaho. Nang matuto na tayong umibig tayo pang dalawa ang nagkaibigan. Nagmahalan tayo sa isa't isa.Akala ko talaga ganoon na ang pangarap mo katulad ko. Simpleng pangarap para sa simpleng buhay. Hindi pala dahil may inilihim kang ambisyon na ngayon mo lang sinabi sa akin. Ngayong tapos na tayo sa pag-aaral.

Kaya pala mahilig ka na mag-isa dahil may iniisip ka na script. At sa pag-uwi mo ng bahay doon ay tinatapos mo at tinatago lang. Kahit pala tayo ay magkasama ang isip mo sa paggawa ng script nakatuon dahil balang araw sa palagay mo magagamit iyon. Gustong-gusto mo pala na maging scriptwriter ng sa gayon ay sumikat ka. Simple ka palang tao ngunit may kahanga-hangang talento sa pagsulat.Okey, tinatanggap ko na lalayo ka na. Babalik ka rin naman dahil iyon ang pangako mo. Magtagumpay ka bilang scriptwriter o hindi ay di mo ako bibiguin. Hindi mo ako hahayaan na maging malungkot. Dahil mahal natin ang isa't isa.

Gusto natin lagi tayong masaya.Kung tatanungin mo naman ako kung mamimiss kita kung lalayo ka na. Siyempre ay oo ang isasagot ko. Mamimiss kita ng sobra. Sadyang ganoon naman talaga ang ikot ng buhay. Minsan ay masaya, minsan naman ay malungkot. At kung may pagsubok na darating dapat ay harapin ng buong tapang. Pagsubok lang naman iyon na may kalutasan, di ba?

Kaya sa iyo Mr. Ronald San Pedro sana ay mapansin talaga ang mga script mong sinulat sa iyong pupuntahan. Para naman matupad ang inilihim mong ambisyon sa akin na nais mong maging scriptwriter.

No comments: