Friday, April 15, 2011

Bawal Na Gamot

"Sinulat ko ito hindi dahil sa ako ay gumagamit ng bawal na gamot. Kundi upang ipaalam na ang paggamit ng bawal na gamot ay hindi masama basta ba tamang daan ang tinatahak mo. Hanggat wala kang nasasaktan o sinasaktan na tao ay walang masama sa paggamit ng bawal na gamot."

BAWAL NA GAMOT
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung ako ang tatanungin ay ayos lang ang gumamit ng bawal na gamot. Ang pagtikim ng bawal na gamot ng isang tao ay nagbibigay kasiyahan sa kanya. Hindi lang basta ligaya kundi kakaibang ligaya pa na hindi nararanasan sa ibang tinitikim. Walang sinabi ang sarap ng mga alak o kaya mga pagkain sa pagtikim ng bawal na gamot. Pagbabawalan mo ba na ang isang tao ay lumigaya? Sa paggamit din ng bawal na gamot ang isang tao kung may problema man ay nawawala. Nawawala ang dinaramdam niyang problema. Pagbabawalan mo din ba na ang isang tao ay mabagabag ang isipan dahil sa problema?

Kaya lang naman minamasama ang paggamit ng bawal na gamot ay dahil minsan masama ang ginagawa ng isang taong gumagamit ng bawal na gamot. Iyong hindi nila nakokontrol ang kanilang sarili sa epekto ng bawal na gamot. Dahil lulong na sa bawal na gamot ay kung anu-ano na ang ginagawa na minsan nakakaperwisyo pa ng kapwa. Nariyan ang magnakaw para lang may pambili ng bawal na gamot. Higit sa lahat nariyan din ang pagpatay ng dahil sa bawal na gamot. Minsan hindi pa nakakatapos ng pag-aaral dahil sa bawal na gamot.

Kung ang lahat ng gumagamit ng bawal na gamot hindi nakakapinsala sa ibang tao ay walang problema iyon. Puwede iyon na ipagpatuloy niya hanggang kaya ng katawan niya at higit sa lahat hanggang kaya ng bulsa niya. Problema niya na lang iyon kung hindi niya tapusin ang kanyang pag-aaral. Kasi siya lang naman ang kawawa.

Hindi maganda na pagbawalan ang isang tao na gumamit ng bawal na gamot kung maganda naman ang ginagawa para sa kanyang sarili at sa ibang tao. Kasi kung gagawin, iyon ay pakikialam sa buhay ng isang tao. Bawat tao dapat mayroon kalayaan para sa kanyang sarili. Hindi maganda na manghimasok lalo na kung ang kalayaan na lang ang natitira para sa isang tao.

Kung sa paggamit ng bawal na gamot nagkakaroon ng kulay ang damdamin ng isang tao ay hayaan siya. Lalo na kung wala naman siyang inaapakan na tao. At lalong-lalo na kung hindi naman siya nanghihingi ng pera para pambili ng bawal na gamot.

Akin itong isinulat hindi para mag encourage na gumamit ng bawal na gamot. Nasa inyo na lang iyon.

56 comments:

w0rkingAth0mE said...

Ako against ako dito .. para sa akin kasi once na gumamit ka hindi mo na makontrol ang sarili mo eh .. Anyway, kanya kanya naman tayo opinion.. :)

Anonymous said...

aKO...ayaw ko talaga sumubok ng bawal na gamot :)

musingan said...

ako. hindi ako sang-ayaon sa bawal na gamot... kahit saang angolo mo pa ito tingnan... walang maidudulot na mabuti.. ang lahat ng kasiyahang matatamo sa bawal na gamot ay may kapalit... pero kung tunay na ligaya ang hanap mo.. wala ng tatalo pa sa natural ... like ako.. bisyo ko ang magtravel.. super napapasaya ako nito.. at kahit sino pa ang magsabi sa akin.. na masmaganda ang gumamit na lang ng bawal na gamiot kesa magtravel.. aba.. eh . hindi ako papipigill... travel pa rin ako.. anyway.. kanya kanya yan eh....

Akoni said...

Siguro naman e alam natin lahat na may mali at tama...kahit sabihin pang nagpapaligaya yan sa isang tao, bawal parin sa diyos. Kung ganun, ayos lang na mangaliwa dahil nagpapasaya yan sa isang tao? kaso hindi pinahintulotan ng diyos dahil hindi tama.

TAMBAY said...

magandang araw sayo sir arvin...

tulad ng mga naunang komento, hindi rin ako sangayon... unang una, hndi tatawagaing bawal na gamot ang drogang sinasabi natin kung hindi ito bawal. Kaya tinawag na bawal ay dahil na din sa epekto nito, hindi sa katawan ng isang tao kundi sa isip.

Nauumpisa ang pagkahumaling ng isang tao sa sa drogang ito o sa ibang bagay sa pagtikim tikim lang. Sa umpisa balewala hanggang sa maglumaon eh hanapin na ng katawan.

Marami ang nasisirang pamilya dahil dito. Napatunayan ng buong mundo. Ung makitang may dala ka ay huhulihin ka, un pa kayang gumagamit ka nito? Kahit saang anggulo nating tingnan, walang kabutihang maidudulot ito sa ating katawan.

Ganon pa man sir, ang sulating ito ay naayon lang naman sa iyong opinyon. May mga sarili tayong pananaw ukol sa ganitong maselang usapin...

magandang araw sa inyo sir arvin :)

Mel Avila Alarilla said...

Sa lahat nang tula mo, isa na yata ito sa pinaka kontrobersyal, hehehe. Kaya nga tinawag na bawal na gamot kasi bawal. Yung sa umpisang magandang epekto sa pakiramdam ay sa umpisa lang. Kung baga, patikim ito para malulong ang tao sa paggamit nang bawal na gamot. Kung meron mang isang mabisang sandata si Satanas para ibulid ang tao sa daang kapahamakan, isa na yata ito sa pinakamabisa niyang sandata. Alalahanin mo, nabitay yung tatlo nating kababayan dahil sa pagdadala nang bawal na gamot sa China. Wala yatang bansa sa buong mundo na pinapayagan ang lantarang paggamit nang bawal na gamot sa kanilang mamamayan. Nirerespeto ko ang opinyon mo tungkol dito pero para sa akin, hindi kailanman mainam ang bawal na gamot. Salamat sa lathalain. Pag palain ka nang Diyos sa tuwina.

Anonymous said...

di ako sang ayon jan, kaya nga bawal kasi hindi pwede, kahit hindi pa makapaminsala bawal pa rin matatawag ang pag gamit niyan.. may ibang bisyo na hindi bawal don na lang yong iba..

Kamila said...

naisip ko na baka pag nakatikim ako ng drugs, baka magustuhan ko na.. hahaha..pero di pa naman.. di pa.. pero dito sa states.. parang madame..sobrang dame... yung iba nga lang nakukulong dahil nga sa sobra na..nasisira na ang buhay and watsoever.. pero anyway.. marami pa namang ibang bagay na safe gawin para maging masaya.. malaya ang tao na maging masaya.. pero mas safe na na wag na lang lumake ang culture nating mga pinoy sa idea na pwede kahit konti.

Arvin U. de la Peña said...

@wOrkingAthomE............nauunawaan ko ikaw..opinyon ko lang naman po ito tungkol sa bawal na gamot..may mga tao pong gumagamit ng droga na nakokontrol ang sarili nila..ang hindi makontrol ang sarili na gumagamit ng droga iyon ang sanhi bakit masama ang paggamit ng bawal na gamot..dahil doon ang tingin ng mga tao ay masama talaga ang gumamit ng bawal na gamot..

Arvin U. de la Peña said...

@JaY RuLEZ.............nasa iyo na lang iyan.....buhay mo iyan at ikaw ang masusunod......isa pa baka pag sumubok ka ay hanap hanapin mo na..hindi mo makontrol ang sarili mo..

Arvin U. de la Peña said...

@musingan...........tama ka na kanya kanya ang diskarte ng bawat tao....ang tungkol naman sa bawal na gamot ay nagiging mabuti ito basta ba hindi nakakaperwisyo sa kapwa..hayaan ang tao na gumamit basta ba wala siyang inaapakan na kapwa..magkakaroon ng kapalit ang pagka adik sa bawal na gamot kung magpatalo ka sa epekto..

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni...........gaya ng nasabi ko ang paggamit ng bawal na gamot ay nagiging masama kung ang tao na gumagamit ay may nasasaktan na siya..dahil lulong na ay may ginagawa ng hindi maganda sa buhay..at iyon ang nakakasama..

iya_khin said...

advice ko...don't try this ever...

Arvin U. de la Peña said...

@ISTAMBAY..............maraming salamat sa mga sinabi mo.....ito ay opinyon ko lang naman na para sa akin walang masama sa paggamit ng bawal na gamot basta ba nasa tamang lugar ka lagi..walang inaapi o sinasaktan dahil nalulong..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla........walang duda na sa unang tikim pa lang ng bawal na gamot ay parang hinahanap hanap mo na..doon ay may masasaktan kang tao lalo na kung walang sapat na perang pambili.....dahil sa magnanakaw o kaya magbebenta ng kung ano na bagay.....kung ang mga iyon ay hindi ginagawa ng isang tao na gumagamit ng bawal na gamot ay wala namang masama doon......sa madaling salita kung sariling pera ang ginagasto sa paggamit ng bawal na gamot ay ayos lang iyon..pero kung manghihingi na o magnanakaw ay hindi na maganda iyon...iyon ang nagiging dahilan para kamuhian ang bawal na gamot..

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz...........may mga bisyo pa nga na iba..pero ang bawal na gamot kung titikman at magkaroon na ng epekto ay walang panama ang ibang bisyo..iba kasi ang epekto ng bawal na gamot sa tao......

Arvin U. de la Peña said...

@Kamila.........ganun ba..huwag ka tumikim kasi baka hanap hanapin mo na.....ang nararapat lang na gumamit ng bawal na gamot ay iyong mga tao na may kontrol sa kanilang sarili..hindi nagpapadala sa epekto ng bawal na gamot..

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin..............salamat sa pag advice mo.....minsan may mga tao na tumitikim ng bawal na gamot just for experience kung ano ang epekto na sa katawan..

eden said...

I am against you in this post.Sa akin di yan ang solusyon pag may problema ang tao. Mawawala at magpapaligaya ka man pag gumamit, but babalik din yong problema mo...pero anyway, may kanya kanya tayong opinion and I respect everyone's opinion.

Yen said...

Hi Arvs, Kung pinag babawal ng batas natin na wag gumamit ng bawal na gamot, I believe the law makers has a very very good and valid reasons why they implement that. And besides, marami na tayong mga cases nang karumal dumal na krimen na causes is because of drugs. (Remember the visconde case?) I guess the issue here is not about ones own happiness,if we are always to consider personal happiness over majorities safety, security plus the fact that it is not good for the health when over use. Sana hindi na pinagbawal ang ganitong uri ng pag gamit ng bawal na gamot. Friend, in my own opinion, it was studied , tried, observed and experimented if I may say,Before they've come up making law for prohibited drugs.
-In the cases were you say naman na " ok lang gumamit ng bawal na gamot basta wag lang sobra" para na din natin sinabe na ok lang mag steal basta wag lang lilimasin lahat. Paunti unti lang.Malaki o maliit It still against the law. Kaya nga di ba madaming addict" kasi sa umpisa tikim tikim lang hanggang sa pinagsama sama na ang paunti unting tikim,sum up to become an addict". Which some users don't admit themselves na addicted na sila. I have known some drug users na in denial na adik sila because their reason is that they can still control themselves,at wala naman silang inaagrabyadong iba. "YEAH RIGHT" kaya pla they would sell their jeans and other stuff when they feel the urge to use it.Di nga ba nila pinerwisyo ang ibang tao? Like their family? their finances? their job?. Hmmm..
We should take note that the law was implemented not to deprive the users right to themselves, but is implemented to protect ones health,ones safety,physically,mentally, emotionally and financial. And to promote peace and harmony.
Peace :-)

Ishmael F. Ahab said...

Kahit nagpapaligaya sa tao ang bawal na gamot ay hindi pa rin ako pabor dito.

Kahit sabihin pa natin na hindi manakit ng ibang tao ang illegal drug user ay may sinasaktan din niya ang kanyang sarili. Maraming negatibong epekto sa katawan ang droga. Ang sobrang paggamit nito ay nakakasama. In the long run, maapektuhan din ang mga taong nakapaligid sa kanya na mag-aalala sa sakit na maidudulot sa kanya ng droga.

kimmyschemy said...

minsan na akong nabigyan ng pagkakataon na gumamit ng bawal na gamot, noong ako ay kolehiyo, pero hindi ko ginawa. una, dahil nga ito ay bawal, at pangalawa, hindi ko rin naman gusto ang anila ay epekto nito. at kung mabibigyan ulit ako ng pagkakataon na sumubok ay hindi ko pa rin ito gagawin, hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.................ok lang kung against ka sa sinulat kong ito......ang ano ko lang naman dito ay kung ang tao ay wala naman siyang ginagawa na masama sa kapwa kahit siya ay isang adik ay ayos lang iyon..huwag tayong makialam para sa buhay ng ibang tao..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen....................kaya ang bawal na gamot ay naging bawal ay dahil sa mga taong hindi makontrol ang sarili..dahil sa kagagamit ay kung anu ano ang ginagawa sa sarili at sa kapwa..kaya ayun ipinagbawal iyon..pero kung sa umpisa pa lang ay wala naman na ginawa na masama ay tiyak hindi iyon ipagbabawal..ang mga nagbebenta ng pantalon na gumagamit ng bawal na gamot ay dahil hindi niya nakontrol ang sarili dahil sa bawal na gamot..iyon ang ikinasama..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu..............panandalian nga lang ang ligaya sa paggamit ng bawal na gamot pero buhay ng isang tao iyon..kahit ano pang gamitin niya as long as wala siyang sinasaktan o hindi nanghihingi ay hayaan natin siya..huwag pakialam..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab.........salamat sa sinabi mo..tama ka....maaapektuhan nga ang sarili ng isang tao dahil sa bawal na gamot..malilipasan siya ng gutom...pero ganun pa man kung wala naman naaagrabyado sa bisyo niya ay ayos lang iyon..huwag gumamit ng bawal na gamot kung walang pambili para hindi magnakaw..

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim..............sa college nga doon ay madami talaga ang tukso..kahit saang lugar may mga estudyante talaga sa kolehiyo na gumagamit ng bawal na gamot..mabuti naman at naiwasan mo ang tukso sa paggamit ng bawal na gamot..hindi ka nagpadaig sa tukso..

jedpogi said...

basta ako tol... say no to drugs... yes to ice cream hehehehe.. cheers pareng arvin!

John Bueno said...

Anlalim (-_-)"

eden said...

Salamat sa dalaw Arvs. Tc always

Dhemz said...

nako, korek si Mona! hehhee...akala ko yung song na "bawat yugto nang sandali...." nako, walang magandang maidudulot ang drugo.

salamat sa birthday greetings Arvin.

Chubskulit Rose said...

That's a No-No for me, illegal is illegal no matter how you look at it. Trying it won't help anyone but led to addiction. So why try it if it will ruin your future? Better not! Sowi Arvin, just sharing my throughts.

uno said...

alam mo ba kung bkit bawal na gamot?

kasi inaabuso...alam mo ang sinasabi natin na marijuana shabu ecstasy ay pawang mga gamot iyan... nagiging bawal lamang sila dahil nga inaabuso...

in a studies or research, sinama ang shabu, ecstasy or other components to search for new drugs against cancer and other diseases...

PB Woot Woot said...

hi arvin! i made a blog post about you and your blog as a thank u for all the support. check it out here:

http://crazyandcreamy.blogspot.com/2011/04/written-feelings-by-arvin.html

Arvin U. de la Peña said...

@jedpogi.............ganun ba..kahit sino siguro mas uunahin ang ice cream kung halimbawa alin ang mas uunahin na tikman..

Arvin U. de la Peña said...

@KUMAGCOW..............sa lalim siguro mahihirapan sisirin hanggang sa kaibuturan.....tiyak matutuwa nito ang mga taong adik sa sinulat kong ito..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..........walang anuman iyon.....isa ka rin talaga sa mga pinupuntahan ko kapag nag iikot ikot ako sa mga blog..di ko ikaw nakakalimutan na puntahan..salamat rin sa pagpunta lagi sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz............kaya walang naidudulot na mabuti ang droga kasi may inaabuso ang nasosobrahan sa kagagamit..sila iyong mga tao na hindi na makontrol ang sarili.....dahil sila ay adik na ay hinahanap hanap na..at minsan pa kung walang pambili ay nagbebenta pa ng kung ano..kaya iyon ang masamang epekto sa kanila..pero kung wala naman silang ginagawa na nakakasama talaga at sila ay gumagamit ng bawal na gamot ay okey lang iyon..buhay kasi nila iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@chubskulit............nauunawaan ko ang sinabi mo..kung bakit tinawag ng bawal na gamot dahil ang mga gumamit ay nang abuso sa kapwa..kaya ayun ipinagbawal na ang ganun kasi nakakasakit ng tao..

Arvin U. de la Peña said...

@uno............tama ka..maganda ang sinabi mo..sa madaling salita ay agree ka sa sinulat kong ito..inabuso nga talaga ng mga taong natutong gumamit..at dahil masama ang epekto ayun may hindi magandang nagagawa para sa kapwa at sa kanyang sarili..

Arvin U. de la Peña said...

@Patricia Ashika...........maraming maraming salamat po.....pinuntahan ko na po ang blog mo at masaya ako para doon..lagi pa rin kitang pupuntahan..

Unknown said...

ayos din entry mo arvin hehe walang problema gumamait ng bawal na gamot but you have to be prepared with the consequences. so para walang problema better yet not to use or even try one

Ruby said...

hmm...parang may kulang sa intro mo...sabi mo walang masama sa paggamit ng bawal na gamot kung wala kang nasasaktan o sinasaktan...pero sabihin nating wala kang nasasaktan o sinasaktan na tao pero ang talagang pahamak jan ay sinasaktan nung gumagamit ng bawal na gamot ung sarili niya...masasabi mo pa kayang walang masama sa paggamit ng bawal na gamot? Para din hedonistic ung approach mo sa artikulo mo dahil naka centro sa kasiyahan o ligaya...para bang masama ba kung ginagawa ko to para lumigaya kahit mali? masama bah kung ginagawa ko to para mawala ng kahit madaling oras lang ang mga problema ko kahit mali? eh pero sino ako para sabihin kung ano ang mali o hindi...may kanya kanya tayong perception kung ano ang tama at ano ang mali..pero sa aking opinyon, naniniwala pa rin ako sa universal truth...ung nasa loob natin...ung atin konsyensya na nagsasabi sa atin na mali na ito or tama...pero iba iba ang tao eh...meron talagang mga sociopath kung saan hindi sila dinidiktahan ng kanilang konsensya...

Ruby said...

hehehe...paxenxa kana kung parang hindi ako sang ayon sa artikulo mo...pero maganda din kasi na-ipamulat mo ung saloobin mo tungkol sa bawal na gamot at ano ang tingin mo nito..heheh...just my opinion too..no offense XD

Silvergirl said...

Sabi nila ung marijuana daw gamot sa asthma. im not sure ha kasi di ko pa natikman, at talagal against ako sa bawal na gamot, masama ang dulot sa mga tao lalo na sa mga bata.

Azumi's Mom ★ said...

Agree ako sa yo :) Kaya lang talaga minasama dahil sa mga lulong na nagagawang makapanasakit para lamang makakuha nito. Sa atin, hindi pa rin tanggap ang pag-take ng bawal na gamot dahil marami nasira buhay dahil dito. Ok nga lang siguro bastat wala ka nasasaktan na tao kaya lang mas ok kung yung natural na herb na lang ang gamitin (gaya ng mga ginagamit nung mga tao nuong unang panahon). Sa Amsterdam or sa ibang panig ng Europe ay legal ang marijuana. Kaya sabi nung mga nakapunta na duon ay masayahin mga tao ;) Kailangan talaga may disiplina muna mga tao bago nila payagang makagamit ng natural na drugs..

anney said...

Nakakapagbigay nga ng kakaibangh kasiyahan o kaligayahan ang sinumang gumamit nito. Ang resulta e na hu- hook ang gumamit at nagiging adik hanggang sa sirain na ng bawal na gamot ang pag iisip. Dun na magsisimula ang problema kaya better say no to drugs.

eden said...

Visiting you back, Arvs.

Happy Easter.

Arvin U. de la Peña said...

@Shydub...............opo..gaya ng sabi ko ay kung nakokontrol naman ng tao ang paggamit ng bawal na gamot ay walang masama doon....kasi wala naman siyang masasaktan na tao..

Arvin U. de la Peña said...

@Ruby...............salamat sa mga sinabi mo.....walang anuman iyon sa akin..nirerespeto ko ang opinyon mo......para sa buhay ng isang tao na gumagamit ng bawal na gamot ay huwag natin siyang pakialam kasi buhay niya iyan at lalo na kung hindi naman siya nanghihingi sa iyo ng pera.....bihira lang ang tao na susunod talaga sa sabi ng isang tao na itigil ang paggamit ng bawal na gamot..

Arvin U. de la Peña said...

@Silvergurl.............ang marijuana ay isang uri ng halamang gamot.....nakakagamot ang marijuana kasi gamot ito noon ng mga matatanda..kaya lang ng may makadiskubre na puwede itong pagkakitaan ng malaki ay naging bawal na..kasi ang idinulot ay hindi maganda..hindi maganda kasi may mga sinaktan silang tao dahil lang sa paggamit ng marijuana.

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear...............salamat sa pag agree mo.....may mga lugar nga na ang marijuana ay legal..kasi sila ay nakokontrol naman nila ang kanilang sarili kahit gumagamit sila ng marijuana..dito sa atin ay hindi kasi hindi kuntento sa isang stick lang.....gusto madami para solve siya..

Arvin U. de la Peña said...

@anney..............korek ka..iyon ang mga tao na hindi nakontrol ang sarili sa paggamit ng bawal na gamot kaya ayun nasiraan ng bait...

Arvin U. de la Peña said...

@eden................salamat sa muli mong pagbisita sa blog ko..thank you uli..

Roy said...

I've tried it but I can control myself.

But others can't control their behavior.

I can't say nothing at all.

Unknown said...

@ Arvin U. de la Peña - kahit saang anggulo mo pa tingnan.. BAWAL pa rin yun. Isa pa, paano mo nasasabi na nagagawa mong kontrolin ang epekto ng "bawal na gamot" sayo? Paano mo nasasabi na maganda ang epekto sayo nito? Oo, maaaring hindi mo nagagawa yung mga masasamang nagagawa ng iba pero hanggang kailan? Stop making blogs that will push the youth to continue using that illegal drugs. Matanda ka na.. dapat alam mo na po yan. Sa ginagawa mo halatang dinidepensahan mo lang ang paggamit mo ng bawal ng gamot. ^_^Y