Saturday, August 29, 2009

Kokak Ng Kamatayan

"Bihira lang ang tao na gumagawa ng kabutihan o kabayanihan sa buhay na hindi ipinagmamalaki o ipinagyayabang sa kapwa ang kanyang ginawa."


KOKAK NG KAMATAYAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Kokak...kokak...kokak...kokak...palakas ng palakas ang tinig na iyon at parami ng parami. Tila nagbabadya na may mangyayaring di maganda. Kinakabahan ako ng gabing iyon. Sa isang bahay na kami lang dalawa ni Inay.

Kinabukasan nagising ako sa ingay ng mga tao na nagdaraan. Nang tingnan ko si Inay sa higaan niya ay wala. Agad ay bumaba ako para siya ay hanapin.Nalaman ko sa mga tao na nagdaraan na pupunta sila sa tabi ng ilog para kumita sa taong napatay. Warak daw ang dibdib at kinain ang puso ng tao. Sa pagpunta ko doon nagulat ako sa aking nakita. Totoo yata na may aswang. Doon ko rin nakita si Inay. Nakiusyoso din pala siya sa nangyari.

Nang araw na iyon naging usap-usapan agad ang nangyari. Pati sa kabilang baryo ay umabot ang usapan. Wala silang alam na suspek kahit isa. Mag-iingat na lamang daw at kung maaari ay huwag ng lumabas ng bahay kapag hating-gabi na.Kumakain kami ni Inay ng tanungin ko siya kung nakarinig din ba siya ng kokak ng mga palaka kagabi. Nagulat ako sa naging sagot niya dahil wala raw siyang narinig. Eh! sa palagay ko sigurado ako na kahit tulog ay magigising dahil sa masyado talagang malakas at maraming kokak ang naririnig ko.

Isang linggo ang lumipas muli nakarinig na naman ako ng kokak ng mga palaka sa hating-gabi. Katulad rin noong una kong marinig ang mga iyon. Palakas ng palakas at parami ng parami. Nasa isip ko sana di mangyari ang hinala ko na may papatayin na naman.Muli pagkabukas nagising na naman ako sa ingay ng mga tao. Nang tingnan ko naman si Inay sa higaan niya ay wala. Usap-usapan ng mga tao ang taong pinatay sa may puno ng akasya. Ang pagkakapatay ay katulad din daw sa taong pinatay sa tabi ng ilog. Aswang daw ang may kagagawan.

Sa pagpunta ko sa may puno ng akasya. Muli ay nakita ko na katulad talaga ang pagkakapatay isang linggo na ang nakakaraan. Warak ang dibdib at wala ng puso ang tao. At si Inay nakita ko na naroon din.

Naglilinis ako ng bahay ng si Inay ay tanungin ko rin tungkol sa kokak ng mga palaka. Tulad din ng dati ang naging sagot niya. Wala siyang naririnig na mga kokak ng palaka.Naulit pa ng naulit iyon. Na sa bawat pakakarinig ko ng kokak ng mga palaka pagkabukas ay may patay na tao na warak ang dibdib at wala ng puso. Gusto kong ikuwento sa mga tao na kapag ako ay nakakarinig sa hating-gabi ng mga kokak ng palaka ay may patay pagkabukas. Ngunit hindi ko magawa dahil baka pagtawanan lang nila ako.

Minsan isang hating-gabi nakarinig na naman ako ng kokak ng mga palaka. Kinakabahan ako ng gabing iyon at di mapakali. Naisipan kong tingnan si Inay sa kanyang higaan. Nagulat ako dahil wala siya roon. Hinalugad ko ang buong bahay wala talaga si Inay. Gusto kong lumabas ng bahay para siya hanapin ngunit naghari ang takot sa akin. Nagdasal na lamang ako na sana walang masama na mangyari sa kanya.Muli, nagising na naman ako sa ingay ng mga tao. Agad pumasok sa isip ko si Inay dahil wala siya kagabi ng marinig ko ang mga kokak ng palaka. Habang papunta ako sa pinangyarihan ay kinakabahan ako. Lalo na ng makarinig ako na ang pinatay na babae ay halos magkasing-edad lang ni Inay.

Laking pasasalamat ko na lang ng hindi si Inay ang pinatay ng aswang. Ngunit ng makita ko si Inay ay di katulad noong dati ko siyang nakikita kapag may pinapatay ang sinasabi nilang aswang. Dahil si Inay ng makita ko ay may mga kaunting sugat sa katawan. Lalo na sa kanyang mga kamay. Para siyang nakipaglaban. Gusto kong lapitan si Inay sa oras na iyon para alamin kung bakit nagkaganun siya. Pero di ko na lang ginawa. Hanggang sa pag-uwi ng bahay hindi ko na siya tinanong. Naging palaisipan na lang sa akin kung bakit nagkaroon siya ng mga kaunting sugat.

Kokak...kokak...kokak...kokak..."Huh!", ito na naman ang kokak ng mga palaka. Sana bukas ay walang tao na patay na warak ang dibdib at wala ng puso.

Saturday, August 22, 2009

Peace

Sa bawat digmaan na nangyayari ay may katapusan. At kapag natapos na iyon ay bumabalik na ang kapayapaan. May kasabihan pa nga na "if there is no war, there is no love". Mga ilang araw din dito sa mundo ng blog na may giyera kami ni Lordcm na marami nga ang nakaalam. Kanina po ay nag-usap kami sa tag-board ko at inayos na namin ang gulo. Tinawagan pa nga niya ako sa cellphone ko. Mayroon na kaming pagpapatawad sa isa't-isa sa mga nangyari.

Mabuti ang ganun napag isip-isip ko kasi walang saysay lang naman ang away na ganito hindi naman nagkikita ng harap-harapan. At isa pa kung ipagpapatuloy ko pa ang away ay masisira ang main goal ko kung bakit ako nag blog. Kasi magpopost din ako ng mga sinulat na parang komentaryo lang na hindi ko iyon gusto. Dahil gaya ng sabi ko kuwento, tula, at poems lang ang post ko dito na sinulat ko. Kasi ang blog ay hindi mawawala. Kasi kung sa papel lang lahat nakasulat ang mga sinulat ko ay puwede pa itong mawala. Nakasave naman ito sa e-mail ko sa draft. Pero iba pa rin pag sa blog ko inilagay kasi madaling mahanap.

Sa iyo Lordcm kung anuman ang nasabi ko sa iyo ay pagpasensyahan mo na ako. Di ko lang mapigilan ang emosyon ko dahil sa mga message sa tag-board ko na ikina buwesit ko. Salamat sa iyo na kahit paano pinatawad mo ako. Ako din pinapatawad na kita sa kung anuman ang mga nasabi mo sa akin.

Bilang panghuli ay nais kong ipaalam na nakipag ayos ako hindi dahil natatakot ako sa asunto. Di po ako takot sa ganun. Dahil iyong mga nagbabalita nga sa diaryo o may column sila sa diaryo at lantaran pa ang pagsasabi ng di maganda sa nais nilang banatan pero hindi nakukulong dahil nasa malaya tayong pamamahayag. May karapatan ang bawat isa sabihin anuman ang nais niya sabihin. Pagtatawanan lang siguro ng hukom na dahil lang sa ganun ay magkakaso. Mababasura lang. May nabasa kasi ako na comment na parang magsasampa daw ng case. Well kung itutuloy man iyon ay narito lang ako nakahanda ako. Kung hindi naman eh di mabuti kasi aksaya lang iyon ng panahon. Ang iba pa nga na nakakabaril ay di nakukulong kahit malakas na ang ebidensya na siya ang bumaril. Dito pa kaya sa mundo ng blog.

Lordcm salamat at ayos na tayo. At sa lahat po na nadamay sa gulo na nangyari sana ay magkapatawaran na rin tayo. Humihingi po ako ng tawad sa inyo at pag-unawa. Peace na po sa inyo lalo na sa buong KABLOGS.

Wednesday, August 19, 2009

Patalastas

Patalastas muna. Ayoko sana mag post ng mga ganito kasi wala sa vocabulary ng gawin ko ang blog na ito pero kailangan. Ang blog ko na ito ay para lang kasi sa mga kuwento, tula, at poems kong isusulat. At umaasa ako na di na ako uulit ng katulad ng post kong ito. Lately lang ay may mga bloggers na bumibisita sa blog ko at nagsasabi ng di maganda sa sinulat ko. Ewan kung ano ang motibo nila. Para po sa inyong kaalaman kung sino man kayo ay hindi kayo ang magiging dahilan ng pagtigil ko sa pag blog. Ako ang makapagdedesiyon kung titigil na ako. Nagreact talaga ako kung bakit niyo kinukutya ang inihandog ko na sinulat ko para sa blogger din. Para sa akin ay hindi kayo marunong magsulat ng kagaya ng mga sinusulat ko. Kasi kung marunong kayo ay gagawa kayo ng ganun at ipost niyo sa blog niyo o kaya maghandug din. Gusto ko rin malaman na kung ang pakay niyo ng pagsasabi ng di maganda sa shout box ko ay para ko tanggalin iyon ay nagkakamali kayo. Hinding-hindi ko iyon tatangalin kahit ano pa ang sabihin niyo dahil kapag may nag message ng bago ay maiilalim rin naman ang ginawa niyong messages. Ang mga bumibisita sa blog ko ay di naman binabasa ang mga nakasulat sa shout box kundi iyong post ko.

Katuwaan lang ang ginawa kong paghandog sa mga bloggers ng sinulat ko. Na kahit paano ay maalala nila na may isang Arvin na nakilala lang sa mundo ng blog na humahandog ng isang sinulat. Iyon po ang purpose ko. Sa mga nanlalait din ay sana bago niyo gawin iyon ay subukan niyo munang magsulat at ipadala sa isang column ng diaryo kung mapipili ang sinulat niyo. Hindi biro ang mga pinagdaanan kong pagpapadala ng mga sinulat ko para lang magnais na mapublish. Iyong sa bagong sibol na column sa Pilipino Star Ngayon na diaryo ay bawat linggo o kaya lunes lang iyon. Exclusive iyon para sa mga mag-aaral na may talento ng pagsulat ng kuwento o tula.

Mula lunes hanggang sa sabado ay marami ang nagpapadala na mga estudyante at nagbabakasakali na mapublish ang sinulat nila. Kasi may bayad rin iyon pag mapublish. Pupunta lang sa opisina at ipakikita ang school ID at ang newspaper na andun ang sinulat. Kung di ako nagkakamali ay almost 50 na o kaya lampas pa ang naisulat kong kuwento para isubmit at lahat ng iyon ay nandito na sa blog ko post na matagal na. At ang napublish ko lang na kuwento ay 3 lang. So sad sa akin ang ganun. Ganun kahirap ang higpit ng kompetisyon sa pagpadala ng sinulat kasi kung alin ang karapat-dapat para sa editor ng diaryo ay iyon ang pipiliin niya. Iba't ibang kurso ng mga estudyante na nagpapadala. May mga kumukuha ng journalism, mass communication at iba pa. Pero sa isang linggo sa rami ng nagpadala ay isa lang ang pipiliin. Masuwerte ka talaga kung ang ipinasa mo ang napili. Masaya ako kapag nalalaman ko na ang sinulat ko ay nandoon at naipagmamalaki ko iyon sa mga nakakakilala sa akin. Kapag nag-iinuman kami ay ipinapakita ko iyon sa kanila minsan. Ang sa tula ay marami akong napublish. Lahat ng iyon na newspaper clip ay narito sa blog ko post na matagal na.

Sa mga bumibisita sa blog ko siguro ay ang pagkakaalam niyo ay tula lang ang alam kong gawin dahil iyon ang mga na popost ko lately. Nagkakamali kayo kung iyon ang nasa isip niyo. At para rin po sa inyong kaalaman ay dalawa na lang ang paghahandugan ko ng tula na blogger. Pagkatapos niyan ay hindi na ako maghahandug kasi madami ang naiinggit na kapwa blogger din. Madami ang kumukontra pag nag popost ako ng para sa blogger. Sa side ko never akong nainggit sa mga achievements ng mga blogger na pinapakita o sinasabi nila sa blog nila. I have my own life. May sarili akong mundo. Sana di na maulit ang mga panlalait sa sinulat ko at kung may manlalait man ay tatanggapin ko dahil iyon ang kagustuhan niyo pero konsensya na lang ang sa akin.

Dalawa na lang po ang paghahandugan ko ng sinulat ko. Kasi nakapangako na ako sa kanila. Mahirap naman kung di ko iyon tuparin. May isa kasi akong salita. Dalawang blogger at pagkatapos niyan ay hindi na ako maghahandog sa mga blogger. Kasi marami ang kumukontra pag naghahandog ako ng sinulat ko lalo kapag para sa blogger din. Mula ng maghandog ako ng para sa blogger at di ko na sabihin sila sino sila ay marami ng di magagandang mensahe sa shout box ko. Natatawa ako bakit kinaiinggitan ako pag naghahandog ng para sa blogger din. Di naman masama ang ginagawa ko. Kasi bago ko sila handugan ng sinulat ko at ipost sa blog kasama ang picture nila ay pinapaalam ko muna sila. At pumapayag naman sila. Kung di sila pumayag ay okey lang sa akin. Pero pumapayag sila. Dapat pa nga silang maging proud kasi sinulatan ko sila at nalaman na blogger din sila. Pero hindi talaga naging maganda ang mga paghahandog ko para sa blogger. Parang sayang lang ang ballpen at papel na nagamit ko. Pero wala akong pinagsisisihan at nagawa ko iyon. Naghandog pala ako ng mga sinulat ko sa mga blogger din na may mga nakapaligid sa kanila na gusto ang atensyon ay sa kanila lang. Di lang pala ang daigdig ang magulo. Pati rin pala sa blog world ay magulo.

Salamat uli sa mga nagpanggap na nagmessage sa shout box ko na di maganda ang sinasabi. Welcome na kayo ngayon magsabi ng kung ano kasi nakalimutan ko na ng maglagay ako ng shout box ay sinabi ko doon na tatanggapin ko anuman ang sabihin sa akin, maganda man o hindi. At kung may magrequest man na sulatan ko ay di na ako papayag. Pag umabot na po ng 5,000 ang naisulat kong kuwento, tula, at poems ay titigil na ako sa pag blog kasi ipalimbag ko iyon para maging libro. At ang mga tao na malapit sa puso ko ay bibigyan ko ng libro ng mga sinulat ko para mayroon silang alaala sa akin. Iyon po ang isa kong pangarap. Ang mailagay sa isang libro ang mga sinulat ko. Matagal pa bago mag 5,000. Marami pang ballpen ang mauubos at papel na magagamit. At ang libro ko ang pamagat ay WRITTEN FEELINGS.

Maraming salamat.

Tuesday, August 18, 2009

Wagas Na Pag-ibig

Hindi ko muna ipost ang Love Card at ang Kanta Ko. Unahin ko muna ang para sa mga bloggers na nang sabihan ko sila na kung puwede ay sulatan ko ng tula at post ko kasama ang picture nila ay pumayag sila. Marami po sila at isa-isa lang muna.

"Kung ang pag-iibigan ng bawat nagmamahalan ay wagas ay wala sanang maghihiwalay at masasaktan. Ang tula na ito ay handog ko para sa blogger na ang blog niya ay www.akosipatola.blogspot.com

Font size
WAGAS NA PAG-IBIG
Ni: Arvin U. de la Peña

Pinagtagpo tayo ng panahon
Sa di inaasahan nagkita tayo
Magkapareho ang hangarin at kagustuhan
Dahilan para tayo ay magmahalan.

Hinarap natin ang mga pagsubok
Kinaya natin ang mga problema sa buhay
Hindi tayo nagpatangay sa mga suliranin
Kapit-kamay nating ginawa iyon.

Lumipas man ang ilang taon
Marami pa mang bagyo at unos ang dumapo
Sana ay di matinag
Itong wagas na ating pag-iibigan.

Tuparin natin ang ating pangako sa isa't isa
Na tayo ay magsasama
Sa hirap at ginhawa
Kahit ano pa ang mangyari.

Wednesday, August 12, 2009

Barko Ng Buhay

Ang tula pong ito ay handog ko kay Chikletz na blogger din. Ito ang ikatlo kong sinulat na tula para sa kanya. Chikletz nais kong malaman mo na marami pa akong paghahandugan ng mga sinulat ko. Pero sa lahat ay ikaw ang pinakagusto ko. Ang pinakaespesyal at pinakapaborito ko. Kaya kong isakripisyo ang pagiging muslim ko. Kakayanin ko na hindi na magmahal ng marami. Isa na lang at ikaw iyon. Ang hirap pala kapag maraming minamahal. Sa ngayon ay nakaplano na ang buhay ko na kasama ka. Kapag nawala ka ay hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. Hindi man tayo magkita nais kong ipaalam sa iyo na hindi ko ikaw makakalimutan. At kung sakali man dumating ang panahon na malungkot ka at nalaman mo na masaya ako ay pagsabihan mo lang ako. Dahil handa kong iwan ang kasiyahan sa mundo upang samahan ka sa iyong kalungkutan.

(ang blog niya po ay http://www.myorangevest.blogspot.com/)















BARKO NG BUHAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa patuloy mo pa na pakikipagsapalaran
Marami ka pang dadaanan na pagsubok
Mga pangyayari na puweding magpatibay sa iyo
At puwede rin na magpahina.

Anuman ang dumating sa iyo
Hatid man nito ay lungkot at saya
Hindi sana magbago ang ugali mo
Para walang magtampo sa iyo.

Magmamahal ka, iibig ka
Sana ang mapili mo iyong karapat-dapat
Walang pagsisisi sa iyo pagtagal
Kung bakit siya pa ang napili mong pakisamahan.

Kung maging matagumpay ka na
Sa pipiliin mong propesyon
Huwag mong ipagyayabang
Dahil maganda kapag simple lang.

Higit sa lahat huwag kang maiinggit sa iba
Tanggapin mo kung ano ang mayroon ka
Dahil sa barko ng buhay kapag nakasakay ka na
Iba't iba ang pagkatao ng mga pasahero.

Saturday, August 8, 2009

Paalam

Nang bisitahin ko ang blog ng mahal kong blogger na tatlong tula na ang naihandog ko para sa kanya ay nalungkot talaga ako. Kasi dahil sa magkasunod niyang post tungkol sa kanyang naging boyfriend. Ang una niyang post na A LOVE THAT FADES AWAY at ang I CAN SMILE WITHOUT YOU na apat ang naging comment ko na talagang nasaktan ako. Pinakita pa ang picture with her ex boyfriend. Masyado akong nagselos sa post na iyon. Dahil sa ganun ay nag-isip ako na tumigil na lang siguro sa pag blog. Isa siya sa mga naging inspirasyon ko sa pagsulat mula ng makilala ko siya. Kapag naiisip ko ang kagandahan niya ay ganadong-ganado ako magsulat. Bisitahin niyo po ang blog niya at basahin niyo ang mga comments doon sa post niya na I Can Smile Without You na kahit ang ibang bloggers sa comment ay nagsabi na talagang apektado ako. Talagang nasaktan ang puso ko sa dalawa niyang post. Masyado ko kasi itong mahal. Hiwalay na raw sila pero sa isip ko ang tulad niya na napakaganda ay iiwanan. Parang di ako makapaniwala na hiwalay na talaga sila. Pero kung talagang hiwalay na nga ay mabuti. Pero nasugatan na ang puso ko at naisip ko baka tumigil na sa pag blog para unti-unti ay makalimutan ko siya. Hanggang tatlong post na lang siguro ako. May nakalinya na kasi akong ipost. Ang Barko Ng Buhay, Love Card, at ang Kanta Ko. Pag matapos kong ipost ang tatlo na iyon as i said ay baka huminto na ako sa pag post pa. Tingnan niyo po ang blog niya at basahin ang mga comment. Ang blog niya po ay http://www.dollxhie09.blogspot/


PAALAM
Ni: Arvin U. de la Peña

Paalam na sa inyo mga kaibigan
Alam ko masakit sa inyo ang pag-alis ko
Pero kailangan ko itong gawin
Dahil ito ang ikasasaya ko.

Masakit rin naman sa akin
Ang hindi ko na kayo makakasama
Makakasama sa iisang mundo
Sa daigdig ng mga bloggers.

Nang makilala ko kayo
Marami akong natutunan at nalaman
Sa iba't-ibang istorya ng buhay
Na ibinabahagi sa blog.

Marami rin akong nabasa
Na mga kuwento, tula, at poems
Na mga sinulat niyo
Na nagbigay din inspirasyon sa akin na magsulat pa.

Ngayon na iiwan ko na kayo
Hindi ko alam kung babalik pa ako
Sana hindi niyo makalimutan ang tulad ko
Dahil kayo ay laging nasa isip ko.

Tuesday, August 4, 2009

Ikaw

"Ang tula pong ito na sinulat ko ay handog ko para sa isang blogger. Ang dami niyang picture sa friendster pero ito ang napili kong ipost. Ang masabi ko lang ay maganda siya. Parang nanalo ng lotto ang lalaki na makakaangkin ng kanyang pagmamahal. Ang blog niya po ay http://www.kornchops02.blogspot.com/


IKAW
Ni: Arvin U. de la Peña

Sumaya ako ng makilala ko ikaw
Dahil nabigyan mo ng kulay ang buhay ko
Kung dati ay malungkutin ako
Ngayon ay hindi na.

Ikaw na ang naging ilaw ko
Sa iyo ay nagkaroon ako ng tiwala sa sarili
Lahat ay pinapahalagahan ko na
Hindi katulad ng dati na lahat balewala lang.

Napakalaki talaga ng naitulong mo sa akin
Lahat ng kilala ko ay hinahangaan na ako
Sa bilis ng pagbabago ng buhay ko
Marami ang nagtataka.

Araw-araw ay masigla ako
Inspirado sa bawat ginagawa
Hindi ako pinanghihinaan ng loob
Dahil ikaw ay nasa aking alaala.

At alam ko naman hanggang dito lang tayo
Hanggang sa magkakilala lang
Dahil sa ng makilala ko ikaw
Mayroon ka ng minamahal.