Saturday, June 4, 2016

Pag-asa at Kinabukasan (tula para kay President Rodrigo Duterte)

"Sa bawat halalan dapat may tiwala tayo sa ating binoboto."


PAG-ASA AT KINABUKASAN
(tula para kay President Rodrigo Duterte)
Ni: Arvin U. de la Peña

Ikaw ang ginusto na maging pangulo
Bansa ay iyong pamunuan
Pag-asa at kinabukasan ng sambayanan
Umaasa na sa iyong liderato makamtan.

Kamay na bakal man ang pairalin
Sa pagpatupad mo ng batas
Karamihan ay hindi tututol
Dahil mas marami ang mabuti kaysa masama.

Lupang sinilangan mo lugmok na sa kahirapan
Korapsyon, droga, at krimen ay laganap
Ang lahat ng iyon nasa iyo ang kasagutan
Magandang bukas sa iyo nakasalalay.

Anim na taong pagserbisyo
Tuluyang pagbabago sana ay makamtan
Pagkakaisa ng bawat pilipino
Magkaroon na ng katuparan.

2 comments:

Gin Hansson said...

I congratulate my fellow filipinos for chosing the president whom they hopes could "FIX" the country. Personally, if i could vote, i would surely vote for him... Kasi sa kanya lang ang sa tingin ko, magagawa ang mga gusto at hopes ko para sa pinas...:).

Did you vote for him Alvin?

Arvin U. de la Peña said...

@Gin Hansson....opo, si Duterte ang binotosan ko kasi kapag ang ibang kandidato ang nanalo pagka presidente palagay ko wala pa ring pag iiba na mangyayari sa gobyerno.