Tuesday, April 5, 2011

Mukhang Kayganda

Kung hindi dahil sa kanya siguro hindi ako nag blog. Kung hindi dahil sa kanya nakatitiyak akong ikaw na nagbabasa nito hindi ko kaibigan o kakilala sa mundo ng blog. Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Maria Cristina Falls na nakilala ko sa diaryo dahil may mga sinulat din siyang napublish. Nang sabihin niya sa akin na mayroon siyang blog at ng tingnan ko ayun nagkagusto ako na gumawa din kasi iyon naman talaga ang gusto ko, ang maipakita at maipabasa sa iba ang mga sinulat ko. Ang blog niya po ay http://www.mariacristinafalls.blogspot.com at sad to say hindi na siya aktibo sa pag blog. Naroon din sa blog niya ang mga newspaper clip ng mga napublish niya sa diaryo. Mula ng hindi na siya maging aktibo sa pag blog ang pinagkakaabalahan niya na lang ay ang kanyang online store. Opo, may dalawa po siyang online store na nasa side bar ng blog ko. Ang isa ay nag-umpisa noong July 04, 2007 at ang isa ay noong September 05, 2007. Napakarami na rin po mula noon pa ang bumili sa online store niya. Kung bakit ko ito sinabi kasi noong isang araw ko lang nilagay ang link ng dalawang online store niya sa blog ko.

"Sa bakuran ngayon ng abs-cbn ang pinakamaganda na artista para sa akin ay walang iba kundi si Melissa Ricks."











Mukhang Kayganda

Kay: Melissa Ricks
Ni: Arvin U. de la Peña

Kagandahan mo ay kakaiba
Naiiba sa lahat ng babae
Sa bawat pagtingin sa iyo
Nabibighani mo talaga ako.

Isang sulyap lang sa telebisyon
Labis-labis na ang paghanga
Sa rami ng katulad mong artista
Ikaw lang ang maganda sa akin.

Walang hanggan ako'y hahanga sa ganda mo
Araw at gabi ikaw ay maiisip
Sa puso ko lagi kang mananatili
Patuloy ko ikaw susubaybayan sa showbiz.

Maabot mo pa man lalo
Pangarap mo sa buhay
Sana walang mag-iba sa iyo
Manatili ka kung ano ka ng mag umpisa.

Huwag mong bibiguin mga nagmamahal
Lalo na ang isang tulad ko
Hangad na mahaplos sa aking kamay
Mukha mo na kay ganda.

52 comments:

uno said...

ako si juday pa rin ang pinakamaganda s aabs hehehe

inspire ka ata ah?

Akoni said...

astig ang tula mo para kay melissa..galing...sobrang ganda talaga ni melissa, natulala ako noong makita ko siya ng personal, as in 4 na dangkal lang ang layo ko sa kanya, hindi pa siya noon gaano ka-sikat, kakatapos lang noon ng SCQ ba yun? nakita ko siya sa timezone ng greenhills, hayy ang ganda niya...hehehe..

KUMAGCOW said...

pwedeng pwede arvin... syotain mo na hahah jowk

salamat sa pagbisita din ah!

Umma said...

Wow.. inspired si Kuya Arvin ah..hanap ka na din nang katulad nya :)

Kim, USA said...

Aba inspired ka ata hehe! I agree lalong gumanda si Melissa habang nag dadalaga siya. Mas lalo kasing gumanda ang isang babae paglalampas nang 20 years old. Meron kasing maganda sa teen-ager pa sila pag dumating na sa young adult parang lumaos na di mo mawari, hehe!! Salamat sa bisita!!

Kamila said...

hehehe makatula kay Melissa Ricks..hahahha :)

cLai ♥ said...

NAKS!!!!!!

Hi! I'm Grace said...

Galing. Sana mabasa ni Melissa ang tula mo, at mag-comment... Tiyak Heaven na yan para sa iyo. :)

eden said...

Nice poem. Parang in love ka na naman hehehe.. She is so pretty.

mommy-razz said...

ang ganda ni melissa, sana mabasa niya ang tula na alay mo sa kanya.

tim said...

Wow, maganda naman talaga sya,aking si Erich at si Angel Locsin.Supah hot!

CaptainRunner said...

Welcome back! Ngayon lang ulit ako nabisita, nakabalik ka na pala. Musta ang pagbabakasyon mo?

Ako, ang sinisinta ko ang aking naging inspirasyon para mag-blog.

Arvin U. de la Peña said...

@uno................ganun ba.....maganda rin naman si Judy Ann Santos.....simple lang siya..pero para sa akin ay si Melissa Ricks po talaga........pinanood ko talaga hanggang sa matapos ang sa Maalala Mo Kaya episode na School ID.....maganda siya sa akin..di ko alam kung sa iyo din,hehe..beauty is in the eye of the beholder kasi..haha..

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni............salamat sa sinabi mo..mabuti ka pa nakita mo na siya sa personal..ako hindi pa.....matagal na rin pala kung ganun na hindi mo na siya nakikita pa..ngayon po sobrang ganda na niya..pansin talaga sa tv..ako din tiyak matutulala kapag nakita siya..

Arvin U. de la Peña said...

@KUMAGCOW..............kung puwede nga lang,hehe....walang anuman.....salamat din sa pagbisita mo uli sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma............hindi naman masyado..nagandahan lang ako sa kanya kung kaya naisulat ko ito.....i hope makita ko siya ng personal,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Kim,USA...............may mga babae din na hindi pa umaabot ng 18 ay maganda na talaga.....paglampas ng 20 medyo pumapangit ng konti kasi nagkaka pimples,hehe....iyon din kasi minsan ang dahilan ng pag iba ng hitsura ng babae ang pimples..i hope pumili siya ng isang lalaki na hindi lang katawan ang hanap......madami na rin kasing artistang babae na maganda pero parang nalolosyang agad,hehe.....alam mo naman ang mga artista..tikiman lang ng tikiman ang iba..hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Kamila...........handog ko po sa kanya ang tulang ito na sinulat ko.....para sa kanya na nasa bakuran ng paborito kong istasyon..

Arvin U. de la Peña said...

@cLai............salamat sa pagbasa at muling pagbisita sa blog ko.......idol mo rin ba si Melissa Ricks.......tiyak kilala mo siya na artista..

Arvin U. de la Peña said...

@Hi! I'm Grace...........sana nga mabasa niya ang tulang ito.....iyon din ang nais ko..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............thanks at nagustuhan mo rin ang sinulat kong ito....yup super maganda siya.....siya lang talaga para sa akin ang maganda sa abs cbn..wala ng iba..

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz...............sana nga po.....kung hindi naman ay ayos lang..hehe..talagang maganda siya..

Arvin U. de la Peña said...

@tim..................ganun ba.....mas sikat lang si Angel Locsin kaysa kay Melissa Ricks.....pero kung sa ganda ang pag uusapan talo si Angel Locsin..

Arvin U. de la Peña said...

@CaptainRunner...............ah ok..nung january ay bumalik ako sa pag post..naging busy lang kasi ako,hehe......salamat naman at hindi mo ako nakalimutan na bisitahin..ganun ba..ok iyon..

Mel Avila Alarilla said...

Lover of beauty ka talaga. Sabagay maganda talaga si Melissa Ricks although hindi ko siya napapanuod kasi sa kapuso channel kami sa bahay. Maganda yung tula mong inialay sa kanya, mula sa isang tagahanga. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

haha..infariness maganda nga si melissa..hmm..hindi na ksi ako masyadon nakaknuod ng TV ngayun e..hehe.


about dun sa contest? malayo naman sa katotohanang manalo ako..yung iba kasi libu libo na ang likes hahaha..pero salamat pa rin sa mga sumuporta :D

Dhemz said...

I admire her...she is very talented at makikita mo talaga na she's a down to earth person...ang ganda naman tong tula na ito...ehhehehe...blogger din pala sya dati...:)

Maria Cristina Falls said...

uy, si melissa ricks naman pala ngayon vin ha :)...napanood ko din yung school id episode na yun.

iya_khin said...

nice poem! kita mo nga naman nakakagawa talaga ng tula pag inspired!

Ishmael Fischer Ahab said...

Hmmm...sino nga ba yung maganda sa ABS? Hindi ko na alam eh. Matagal na akong hindi nanonood ng ABS-CBN. Tinatamad kasi ako manood ng TV.

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla...........medyo tama ka diyan na lover of beauty ako,hehe....sa kapuso channel talagay kayo.....di niyo pala nakikita o napapanood ang mga ibang palabas sa kapamilya,hehe......sa GMA ang maganda sa akin diyan ay si Marian Rivera.......

Arvin U. de la Peña said...

@ayu...............bakit naman hindi ka na gaano nakakapanood ng tv.....anong dahilan......oh, ganun ba..malayo pala ang agwat nila sa iyo sa pag likes.....next time na lang bawi ka,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.................korek ka diyan....simple lang po talaga siya..kahit sa tv ay halata na ang tulad niya ay hindi maarte..hindi katulad ng ibang mga artista.....ano kaya ang blog site niya dati.......try ko tingnan sa google..

Arvin U. de la Peña said...

@Maria Cristina Falls............opo kasi gusto ko ang kagandahang taglay ni Melissa Ricks.....nagagandahan talaga ako sa kanya....pareho pala tayo na pinanood ang episode na iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin..............salamat at nagustuhan mo ang sinulat kong ito.......tama ka diyan..kahit naman sino siguro ay ganun din......lalo na sa pagsusulat..ganado tayo magsulat kapag may inspirasyon.....gumagana ang isip..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab.......si Melissa Ricks po..pero madami din naman ang maganda sa abs cbn..pero para sa akin ay siya lang..wala ng iba..

Aitangabriel said...

wanna exchange links?let me know pls.tnx just incase here's mine
http://aitangabriel.blogspot.com/ wait for u

eden said...

Have a good weekend, Arvs. Tc always.

Umi said...

Hangkyot. Inspired much!

Yen said...

Wow, dami mo naman inspirasyon friend. Tama yan, keep the inspiration to inspire you. :-)

anney said...

Maganda namn talaga si Melissa Ricks. What a nice poem na inalay mo para sa kanya!

Jag said...

Truly beautiful. Ang tula at ang pinag alayan mo ng tula hehe...

Sam said...

Arvs baka bigla ka na naman magpaalam dito pansandali kasi mukhang inlove ka na naman eh. Kasi naalala ko nung inlove ka bigla ka na lang nagpahinga from blogging pansamantala hehehe. By the way okay naman po ako pero still coping :-D God bless and take care always my friend

Arvin U. de la Peña said...

@Aitangabriel...........ok.....makikipag exchange link po ako sa iyo..add kita sa blog list ko..at sana add mo rin ang blog ko sa blog list mo..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............same to you..kumusta naman..puntahan kita mamaya..

Arvin U. de la Peña said...

@Umi.........hindi lang cute..maganda pa..medyo nagbibigay nga siya ng inspirasyon sa akin,hehe......nagagandahan lang po talaga ako sa kanya..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen...........sa mga iyon na inspirasyon ko ay kasama ka na..baka ikaw nga ang nangunguna na inspirasyon ko,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@anney..............yup, maganda siya......simple lang po ang kagandahan niya pero nakakabighani....

Arvin U. de la Peña said...

@Jag.............salamat sa sinabi mo......nakita mo na ba siya ng personal diyan..

Arvin U. de la Peña said...

@Sam............hindi pa po ako magpapaalam o maglalast post ngayong taon.....matagal pa.....kaunti pa lang ang napopost ko ngayong taon kaya hindi muna me mag stop pag blog this year..

Glenn Kun said...

hindi ako naggnadahn kay melisa. :D

w0rkingAth0mE said...

Well, agree naman ako maganda naman talaga si Melissa Ricks, sila pa ba ni Jake hehe nang intriga!