Friday, October 10, 2008

Sawi

SAWI
Ni: Arvin U. de la Peña

Madalas ikaw ang naiisip ko
Mula sa umaga pagkagising
Hanggang sa gabi ay matutulog
Kahit ako ay di mo pansin.

Oo aaminin ko gusto kita
Noon pa man una kitang nakita
Dahil ginising mo talaga
Ang puso kong natutulog.

Dati ay sinabi ko sa sarili
Hindi na ako iibig
Ngunit ng masilayan kita
Nagbago ang isip ko.

Masakit nga lamang sa dibdib
Para lang akong hangin
Na nagdaraan sa iyo
hinding-hindi mo talaga napapansin.

Hinihiling ko na lamang
Sana maging masaya ka lagi sa buhay
Walang problema na kakaharapin
Para ako ay maligaya rin.

No comments: