Friday, October 10, 2008

Sana Maalala Pa ( napublished ito )

SANA MAALALA PA
Kay: Haide Hanopol
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa bawat araw na tayo ay nagkikita
Laging mayroong ngiti
At laging mayroong pag-uusap
Tungkol sa buhay natin at iba pa.

Ngunit ngayong nahiwalay ako sa'yo
Malayo na sa piling mo
Ang ating pagiging magkaibigan
Hindi na magiging kasing-saya tulad ng dati.

Hiling ko lamang sa'yo
Huwag mo sana akong kalimutan
Sa iyong isipan
Sana maalala mo pa rin ako.

Kahit ba minsan
Tayong dalawa ay nagkakagalit
Dahil sa hindi pagkakaunawaan
Huwag 'yun idahilan para ako ay limutin.

Dahil ako lagi kitang maaalala
Dahil naging parte ka ng buhay ko
Sa mga panahong tayo ay nagkikita at nag-uusap
Marami akong natutunan sa buhay.

Kaya magpakailan man
Lagi kong isasaisip
Na ikaw ay tunay kong kaibigan
Ingatan mo lagi ang iyong sarili.

No comments: