Thursday, October 9, 2008

Sa Gitna Ng Kadiliman

SA GITNA NG KADILIMAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa gitna ng kadiliman
Mata'y walang maaninag
Panganib ang nasa isip
Kung ikaw ay makakabalik.

Sa gitna ng kadiliman
Isip mo'y walang direksyon
Nasa isip mo ang krimen
Araw-araw na nangyayari.

Sa gitna ng kadiliman
Iniisip mga mahal
Puso mo'y pipintig-pintig
Sila ay makapiling pa.

Sa gitna ng kadiliman
Isipan di mapakali
Naiisip mga salot
Na di takot sa pagpatay.

No comments: