Wednesday, October 8, 2008

Kahilingan Ng Ina

KAHILINGAN NG INA
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa iyong paglaki sana makaasa ako
Na makakayanan mo anak ko
Mga pagsubok na darating sa’yo
Kahit na ito ay mahirap pa.

Ang mga payo ko sa’yo
Sana ito ay sundin mo
Dahil lahat ng iyon
Para naman sa iyong ikabubuti.

Mangyari man na nasasaktan ka
Tawagin mo lamang ako
Handa agad kitang tulungan
Dahil ikaw ang bunga ng aking pag-ibig.

Pangarap na nais mo
Pilitin mo na maabot
Kung kailangan na magsikap ka
Gawin mo para matupad.

Hindi man ako mayaman
Katulad ng ibang ina
Lahat ng gusto mo
Pipilitin kong maibigay ng buong puso.

Tangi ko lang hiling
Sana magkaroon ng kabuluhan
Mga pagod at hirap ko para sa’yo
Upang ako ay maging masaya habang buhay.

No comments: