Thursday, October 9, 2008

Macho Dancer

MACHO DANCER
Ni: Arvin U. de la Peña

Hindi ko ito ninanais
Sumasayaw sa entablado
Habang ako ay tinitilian
At pinapalakpakan
Lalo na kung ang paggiling ay nakakaakit.

Tulad din naman ako ng iba
Kailangan na kumayod
para may ibuhay sa aking sarili
at sa aking pamilya.

Sa mga nagsasabi
Na di maganda ang trabaho ko
at nakakahiya pa
Di ko na lang pansin
Kahit na masakit pakinggan
Balewala na lang sa akin.

Kaya kasalanan ko ba
Kung ito ang pagkakitaan ko
Kasalanan ko ba?
Kung maging malaswa ako sa iba
Kasalanan ko ba?
Kung ako'y isang macho dancer.

No comments: