Wednesday, October 8, 2008

Safe Sex Daw

Safe Sex Daw
Ni: Arvin U. de la Peña

Second year college ako ng sa di inaasahan ay may nakiusap sa guro namin na may ipapaliwanag sila. Dalawa silang babae at taga ibang paaralan sila nag-aaral. Kung sa ganda ang pag-uusapan ay maganda sila pareho. Pagpasok nila ay di maiwasan na di magkantiyawan ang iba sa aming klase. Ang katabi kong lalaki ay nagsabi agad na "guwapa" o sa tagalog ay "maganda."

Bigla ng magsalita na ang isa ay napatawa ang iba sa amin at nagkatinginan. Kasi ang sinabi niya ay "kami ay 2nd year college din katulad niyo at kami ay narito para ipaalam sa inyo na naaalarma na ang gobyerno dahil sa paglobo ng populasyon dahil sa karamihan ay di marunong ng safe sex. Kahit mga estudyante pa lang ay napapatigil na sa pag-aaral dahil nabubuntis."

Habang nagsasalita pa siya ang isa niyang kasama ay namimigay ng papel na may mga sulat at graph ng populasyon sa noon at ngayon. Kung totoo nga talaga ang nasa graph ay masasabi talaga na madami ang nanganganak sa kasalukuyan kaysa noon. May mga picture din ng mga sanggol na pinalalaglag. Concerned lang talaga sila kaya sila ay nagpapaliwanag at kailangan iyon sa kanilang pag-aaral.

Nagsalita pa siya ng "sa mga magkarelasyon ay di maiiwasan ang gumawa ng ganun. Kaya ang payo namin sa inyo at ng pamahalaan ay safe sex lalo na kapag hindi pa handa na magkaroon ng pamilya. Lalo na kung ikaw ay estudyante pa lang. Para din po maiwasan ang abortion kasi talamak na talaga iyon." Habang nagsasalita pa siya ay nasabi ko na " malayo ang mararating nga babaing ito pati na rin ang kasama niya".

Kalaunan ay nagpaalam na sila at umaasa na maliliwanagan kami sa sinabi nila.Madaling lumipas ang panahon at ang mga sinabi na iyon ay nawala na lang sa isipan, lalo at abala sa pag-aaral. Nasa 4th year college na kami 2nd semester ng maisipan naming magbabarkada sa klase na pumunta ng SM para mamasyal. Tatlo kami na pumunta doon.

Habang tumitingin ako sa mga bagong labas na modelo ng sapatos ng kalabitin ako ng isa kong kaibigan at sabihin sa akin na " di ba ang babae na iyon ang nagpaliwanag sa atin noon about safe sex?". Agad ay nasabi ko na " oo nga siya, pero bakit buntis siya at sino ang kasama niyang babae?". Ewan ang naging sagot ng kaibigan ko. Sa isip ko ay nasabi ko na lang na kaygaling niyang magpaliwanag about safe sex pero sa sarili nya ay di niya pala kayang magawa. Hanga pa naman ako sa kanya.

Nasabi ko rin na kung di ako nagkakamali ay 4th year college na din siya katulad ko at sigurado na aakyat siya sa entablado para kumuha ng diploma na isa siyang buntis.Safe sex daw, oh. Ha ha ha.

No comments: