Thursday, October 9, 2008

Sana Magbago Ka Na Mahal Ko

SANA MAGBAGO KA NAMAHAL KO
Ni: Arvin U. de la Peña


Noong una
pangarap lamang kita
Sa bawat sandali
ikaw ay hinahangad ko
na sana ay makapiling.

At ngayon nga
ikaw ay kapiling ko na
Lubos ang aking pasasalamat
Na kahit paano
Nagtagumpay ako sa panliligaw.

Ngunit bakit?
Sa paglipas ng panahon
Na tayo ay nagmamahalan
Para akong nasasakal
Sa iyong mga bisig.

Ayaw mo akong nakikita
Na sa iba ay nakikipag-usap
Kahit pa sa pagpunta
sa mga barkada ko
Pinipigilan mo rin ako.

Noong una pa man
Akala ko magiging masaya
Ako sa piling mo habang-buhay
Nagkamali pala ako
Sana magbago ka na mahal ko.

1 comment:

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/