Wednesday, March 31, 2010

Mata

"Sa kahit saan ay masakit kung sa bawat galaw mo ay may nakatingin sa iyo. Higit na masakit ay kung ang di magandang nakikita sa iyo ay ipinagsasabi sa mga kakilala na tao."

MATA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kailan kaya mabubulag ang mata
Na kapag may nakikita ay nag-aalburuto
Parang bulkan na gustong sumabog
Ipinapaalam ang hindi magandang nakita.

Hindi naman siya pinapakialaman
Pero ganun na lang ang ugali niya
Mahilig pumuna sa kapwa
Samantalang siya ay marumi naman.

Marami ng galit sa kanya na mata
Ngunit hindi niya lang pansin
Kasi siya lang ang inaasahan
Nang mga mata ring kapit-tuko sa kanya.

Kung titingnan mo ang mata
Disente naman ang dating
Pero sa likod pala ay masamang budhi
Ewan kung kanino nagmana ang mata.

Sa paglakad-lakad niyo
Dapat ay malinis kayo
Kasi ay baka makasalubong niyo ang mata
Ipagsabi sa iba hindi maganda sa iyo.

Monday, March 29, 2010

Yaman

"Money is kind of a base subject. Like water, food, air and housing, it affects everything yet for some reason the world of academics thinks it's a subject."

Likas na sa mga tao na kalalakihan na kapag nagkaroon ng maraming pera ay nagpapakita ng kayabangan sa pamamagitan ng pera. Halimbawa na lang ay magpapainom, magpapakain, pupunta sa mga bar, magsusugal, at kung ano pa na noong wala pang pera ay hindi iyon ginagawa. Ang pera nga naman minsan nagdudulot ng malaking pagbabago para sa ugali ng isang tao.
YAMAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Simula pa man noon
Napakarami ko ng nakilala
Mga tao na mula sa mahirap
Yumaman paglipas ng ilang taon.

Pero sila ay naging mapagkumbaba
Hindi nila pinapangalandakan ang yamang nakamit
Kung ano sila noong mahirap pa
Ganun pa rin ng yumaman.

Hindi katulad mo na yumabang
Isinisiwalat mo ang iyong karangyaan
Pinapainggit mo ang mga tao
Sa napakarami mo ng pera ngayon.

Kung may interes ka man
Gawin mo sa tahimik na pamamaraan
Huwag ang dahil sa pera ang ipadama
Dahil ang yaman di nadadala sa kamatayan.

Magbago ka na sana
Itigil na ang pagyayabang sa kayamanan
Sapagkat may mga nagdududa pa rin
Kung bakit mo iyon nakamit.

Thursday, March 25, 2010

Samahang Walang Kapantay (by request)

"Time may change our looks and experience may change our thinking. But I want you to know you will always be my friend."

Nakakailang beses na rin nag rerequest ang kaibigan ko ring blogger na ito para sa isang tula. At hindi ko muna napagbibigyan kasi may mga inuuna pa ako o kaya nakalinya para ipost. Pero sa post kong Pinuno at Pagsamantala sa pag comment niya ay nagpasya ako na pagbigyan na talaga ang request niya para siya ay sulatan ko ng tula. Kasi ng mabasa ko ang comment niya ay napatawa ako, hehe.



Yen said...

Ramdam ko ang bitterness sa tula mo ah. Yari ka pag may nakabasang politiko jan sa tula mo, pag pina kidnap ka halaka buong buo pa mandin ang panagalan mo ang dali mo hanapin,hahaha oh no.. mamimis kita friend saka panu na ko, di mo pa ko nagagawan ng tula.hehe.

March 22, 2010 6:05 AM

Delete


SAMAHANG WALANG KAPANTAY
Ni: Arvin U. de la Peña

Ikaw ay aking nakilala
At tayong dalawa ay naging magkaibigan
Anuman ang mangyari
Mananatili kang kaibigan ko.

Hindi ako mag-iiba sa iyo
At lalong hindi magbabago
Pahahalagahan talaga kita
Dahil ikaw ay mabuting kaibigan.

Tumanda man tayong dalawa
Ganun pa rin ako sa iyo
Sana ganun ka rin sa akin
Para hanggang kamatayan pagkakaibigan natin.

May magtangka mang sumira
Matibay natin na pagkakaibigan
Huwag na lang natin pansinin
Dahil naiinggit lang iyon sa atin.

Pundasyon ng ating pagkakaibigan
Alagaan natin na hindi matinag
Huwag hayaan na masira ito
Pagkat masarap ang samahang walang kapantay.

Sunday, March 21, 2010

Pinuno at Pagsamantala

Sa facebook ko ay may nag message po na isang tao ng tungkol sa mga sinulat ko para ilagay niya sa video kasi nakita niya ang blog ko mula sa facebook. Nagpalitan pa kami ng message at doon napagpasyahan na may kaugnayan sa politika ang isulat ko. Kaya nag send po ako sa kanya ng 5 na tula na may kaugnayan sa politika. At ang nilagay niya sa video ay dalawa lang na tula. Narito po ang message niya sa facebook ko.



Melvin Riel January 19 at 4:39pm
just want to ask kung pwede kung magamit sa video ko yong mga nagawa mong poem? oks lang ba sayo, parang nagustohan ko kasi..
gawa ka ng ng poem na yong TEMA ay comparison sa panahon noon at sa panahon ngayon. thanks!





PINUNO
Ni: Arvin U. de la Peña

Nahalal ka lang na pinuno ng bayan
Akala mo na kung sino ka
Lahat na kumontra sa iyo ginigipit mo
Hindi ka naaawa sa kanila.

Gusto nilang magkaroon ng hanap buhay
Pero hindi mo binibigyan
Ayaw mo silang bigyan ng permiso
Ngunit kung kakampi mo iyong pinagkakalooban.

Anong klase kang tao
Bakit ganyan ka sa ibang tao
Dapat magsilbi kang magandang halimbawa
Dahil ikaw ay punong bayan.

Ngunit hindi ka ganun
Dahil para kang buwaya
Nananakmal ka ng tao
Pero sa ibang pamamaraan.

Kung alam mo lang
Lagi kang pinag-uusapan
Dahil hindi ka lang ganun
Pati pera ng bayan kinakamkam mo.


PAGSAMANTALA
Ni: Arvin U. de la Peña

Habang ikaw ay nasa posisyon pa
Samantalahin mo ang pagkakataon
Magnakaw at mangurakot ka sa bayan
Para ikaw ay lalo pang yumaman.

Huwag mong intindihin ang iyong mga kababayan
Dahil halos lahat sila ay mga tanga
Ibinoto ka nila sa halalan
Kahit hindi ka karapat-dapat na manalo.

Hindi ka naman nila masisisi
Kung hindi mo gawing maganda
Ang iyong serbisyo sa publiko
Dahil lahat sila halos ay binayaran mo.

Kahit ano ang gawin mo
Wala silang karapatan na magreklamo
Kaya gawin mo ang lahat
Maging ito man ay labag sa mata ng taumbayan.

Pagkat kung ikaw ay mawala na sa posisyon
Hindi ka na lilungunin ng mga tao
Nararapat lang talaga habang nakaupo pa
Gamitin ang kapangyarihan sa pansariling interes.

Tuesday, March 16, 2010

Kay Patola

Umaasa ako na sa post kong ito ay hindi kayo makaramdam ng lungkot. Isa sa mga naging kaibigan ko talaga dito sa mundo ng blog ay walang iba kundi si Patola. Nang makilala ko siya ay agad nagtanong ako sa kanya kung puwede ko siyang handugan ng tula. Pumayag naman po siya at iyon ay ang post ko noong August 18, 2009 kasama ng picture niya na ang pamagat ay WAGAS NA PAG-IBIG. Nakakatext ko rin siya at minsan nakakachat pa. Tapos minsan ng magkatext kami ay sinabihan niya ako kung puwede daw na magpost ako ng tula na gawa naming pareho. Ibig sabihin ay mag e-mail ako sa kanya ng tula tapos edit niya at may ibang baguhin na mga salita sa original kung sinulat. Pumayag naman po ako at iyon ay ang post ko noong October 22, 2009 na ang pamagat ay KAGUBATAN, ILOG, AT DAGAT. Sa pag edit niya doon ay nasabi ko na magaling talaga siya magsulat. Kasi para sa akin ay mas maganda ang ginawa niyang pag edit kaysa sa original kong sinulat. Tapos pagtagal ay hindi na siya nag post sa blog niya. Magkaganun pa man ay patuloy ko pa rin binibisita ang blog niya. Hanggang isang araw ng bisitahin ko ang blog niya ay blog not found na. Binalewala ko lang muna iyon pero pagkalipas ng ilang araw na ganun pa rin ay doon nakaramdam na ako ng lungkot. Tinawagan ko siya sa cellphone at inamin niya na close na niya ang kanyang blog kasi di na raw niya maasikaso. Wala na raw panahon para doon sa blog. At ng tanungin ko siya kung ibabalik pa niya ang kanyang blog ay sabi niya hindi niya raw alam. Malungkot sa akin ang ganun kasi puwede naman na hindi na siya mag post para lang manatili ang blog niya. Pero iba ang ginawa niya. Close niya talaga ang blog niya para wala ng makakita at makabasa kung anuman ang mga post niya doon. Siya pala ay magtatapos na ngayong marso sa kursong Accountancy at baka raw hindi siya magreview kasi mag proceed siya sa kursong Law. Sa iyo Patola hangad ko ang tagumpay mo sa buhay. Di ko ikaw makakalimutan kahit na ako ay nalungkot ng iclose mo ang iyong blog.

http://www.akosipatola.blogspot.com/

"Treasure everything that is special to you. Make as many memories as you can. Because remember, life is not measured by the breaths we take. But by what takes our breath away."

KAY PATOLA
Ni: Arvin U. de la Peña

Akala ko hanggang sa pagtanda natin
Tayong dalawa ay magsasama
Dito sa mundo ng mga sulatin
Sa daigdig na kung tawagin ay blog.

Malungkot man na ikaw ay namaalam
Ang tangi ko na lang magagawa
Tanggapin na ayaw mo na dito
Marahil mas gusto mo ang sa totoong mundo talaga.

Magkaganun pa man kaibigan ko
Nais ko pa rin na ikaw ay pasalamatan
Na sa sandaling nagtatagpo tayo
Sa mundo ko ngayon ay sumasaya ako.

Nagbibigay sigla ka sa buhay ko
Kahit na magkalayo tayo
Wala ka naman sa ngayon
Ang iyong alaala di ko malilimutan.

Patola, isang blogger na nakilala ko
Gulay kong tawagin ng iba
Hangad ko lagi ang iyong kabutihan
Maraming pong salamat sa lahat.

Friday, March 12, 2010

Paglisan (by request)

Sa tagboard ko ay may nabasa akong message na nagrerequest na magsulat ako ng tula para sa kanya. Nang mabasa ko iyon ay nasabi ko sa sarili na challenging sa aking isip kasi ang request niya ay iyong something inspiring na tula. Ito po ang sinabi niya sa aking tagboard.

mar: Sulat ka nga ng tula sa akin. Yung something inspiring..... hehehe

http://mpr-spicesofmylife.blogspot.com/



PAGLISAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Darating ang araw sa atin
Na tayo ay mamamaalam
Iiwan natin ang mundo
At hindi na tayo makikita pa.

Sa paningin ng tao ay mawawala tayo
Alaala na lang ang maiiwan sa kanila
Kaya habang tayo ay nabubuhay pa
Tayo ay magpakabuti sa ating kapwa.

Huwag tayong manloko sa tao
Lalong huwag na mang-api
Dahil ang gawain na ganun
Ay masama at hindi maganda.

Masarap kung tayo ay lilisan
Na may magandang naiwan sa kapwa
Para tayo ay lagi nilang maaalala
Kahit tayo ay wala na.

Maging ikaw man ay anong klaseng tao
Mayaman man o mahirap
Kapag malinis ka sa iyong kapwa
Ikaw ay mabango sa kanila.


(Ngayon ko lang ito gagawin na ang next post ay isabi ko. Ang next post ko ay isang tula na para sa isang blogger na naging malapit sa akin. Nakatext ko siya at nakaka chat din minsan last year. Ang malungkot nga lang ay close na niya ang kanyang blog. Nang isulat ko nga ang tula na iyon ay nag-iinuman kami ng mga kaibigan ko. Kunwari ay nagtetext ako pero ang totoo ay nagsusulat ng tula at save sa draft. Ganun kasi ang madalas kong ginagawa sa cellphone ko na lang ako nagsusulat ng tula. Madami na rin akong nagawang tula na post na dito sa blog ko na sa cellphone ko lang sinulat. At ang sinulat ko pong tula na para sa kanya ay para sa akin iyon ang maganda kong naisulat ngayong taon,hehe. Abangan niyo ang next post ko kasi may malaman pa kayo ng tungkol sa aming dalawa. )

Sunday, March 7, 2010

Panahon

Mabibili na po sa mga major bookstores ang libro ng blogger na si ellaganda. Di ko alam kung pang ilan na niyang libro ito. Pero sa pagkakaalam ko ay hindi ito ang una niyang libro. Ako pag makapunta ako ng National Bookstores ay hanapin ko ang book niya at bibili ako kasi gaya ng sinabi ko dati ng magrequest siya na sulatan ko ng tula ay naging controversial siya kasi kinasuhan siya ng libel dahil sa isa niyang sinulat. Para po malaman niyo ang lahat ay punta po kayo sa site niya na http://www.ellaganda.com/ at i hope kung makapunta kayo ng bookstores at may natitira pa kayong pera ay bumili kayo ng libro niya.

"Sometimes you have to run away, not just to create distance. But to see who really cares enough to run behind and pull you back"





















PANAHON
Ni: Arvin U. de la Peña

Hindi man tayo nagkita
Hindi ibig sabihin na ayaw ko sa iyo
Sa buhay ng tao ay may bagay-bagay
Na minsan kailangan muna natin iwasan.

Tayong dalawa ay mayroon pa naman komunikasyon
Siguro ay sapat na muna iyon
Huwag ka lang sana magtampo
Dahil balang araw ay magtatagpo rin tayo.

Magkakausap rin tayo ng harapan
Personal tayong magkakakuwentuhan
Baka magtawanan pa nga tayo na nagkita
Ang nagkakilala lang sa makabagong teknolihiya.

Basta lagi mo lang iisipin
Di ka nawawala sa isipan ko
Dahil kahit paano ang isang tulad mo
Nagbibigay din ng kasiyahan sa akin.

At kung kailan magtatagpo ang ating mga mata
Iyon ay wala pang katiyakan
Wala pa talagang kasiguraduhan
Panahon lang siguro ang makapagsasabi.

Wednesday, March 3, 2010

Tama ba

Kung may mali man sa sinulat kong ito ay kayo na lamang po ang bahalang magtuwid. Marami pong salamat.

"You can fool the people some of the time, but not all the time"
TAMA BA
Ni: Arvin U. de la Peña

Tama bang sabihin na nakamit na natin ang kalayaan. Kung karamihan sa atin ay hindi magawa ang gusto. Parang nakakulong pa rin. Hindi magawa ang nais dahil sa napakaraming hadlang. May batas nga tayo pero ay para lang sa mayroong pera. Napakarami ng nakulong ng walang kasalanan. Napagbintangan lang sila. Hindi makalaya dahil hindi makapagpiyansa. Kapag ang isang mayaman ay makabaril o may nagawang labag sa batas ay madaling makalabas ng kulungan dahil may pangpiyansa. Hindi agad makukulong dahil magkakaroon pa ng asunto. Dahil mabagal ang hustisya ay matatagalan pa bago madesisyunan. Bumibilang pa ng taon. Minsan bulag pa ang hustisya. Kahit may kasalanan ay hindi nakukulong. Lalo na kapag maimpluwensiyang tao. May kapit sa gobyerno. Kahit halata na siya ang utak sa ginawang krimen ay hindi agad mapaparusahan. Ang kalayaan ay masasabing nakamit kung tayong lahat ay nagagawa anuman ang naisin ng walang takot at pag-aalinlangan.

Tama bang sabihin na ang mga padalang pera mula ibang bansa ang nagsasalba sa ating ekonomiya. Para sa akin ay hindi. Tayong mga pilipino o karamihan sa atin ay mahilig sa mga imported na bagay. Tinatangkilik natin ang gawang banyaga. Araw-araw ay napakaraming importation. Sa pag import ng mga produkto ang binabayad ay dolyar o kaya ay pera ng kung anong bansa galing ang import na produkto. Halimbawa na lang ang mula sa Amerika. Araw-araw ay napakaraming pera ang pinapadala mula Amerika papunta sa ating bansa na Pilipinas. Pero araw-araw din ay napakaraming dolyar ang naibabalik papunta sa Amerika. Dahil araw-araw ay nag iimport tayo ng produkto mula sa Amerika kaya natural na ang ibayad ay dolyar. Oo araw-araw ay may umuuwing pilipino mula Amerika at may dalang dolyar. Ngunit araw-araw din ay may pumupunta ng Amerika at nagdadala rin ng dolyar. Baka nga araw-araw ay mas maraming dolyar ang nailalabas mula sa ating bansa kaysa dumarating. Para masalba ang ekonomiya ng ating bansa dapat nating tangkilikin ang produktong pinoy. Ang original bag na katulad ng louis vuitton o di kaya ang hermes kelly bag ay napakalaking halaga. Kung di ako nagkakamali ay hindi bababa sa 10,000 dollar ang presyo. Pero may mga pilipino pa rin na bumibili ng bag na ganun. Samantalang puwede na makabili ng bag na gawang pinoy na nagkakahalaga lang ng 500 pesos. Isang dahilan para sa akin kung bakit bagsak ang ating ekonomiya ay dahil sa pagiging sosyal ng ibang mga pilipino. Ang perang padala mula ibang bansa ay masasabi kong nagsasalba sa ekonomiya ng ating bansa kung hindi na iyon naibabalik sa bansang pinanggalingan. O di kaya kung may bumalik man ay kaunti lang.

Tama bang sabihin na ikaw ang magsisimula para sa pagbabago. Kung mismo sa iyong sarili ay may dapat na baguhin. Napakaraming pilipino ngayon ang nais na magkaroon ng pagbabago. Paano magkakaroon ng pagbabago kung ang naghahangad ay may dapat ring baguhin sa kanyang sarili. Bago maghangad ng ganun dapat ay malinis mo muna ang iyong pagkatao. Kung may bahid ng dumi ang sarili mo ay linisin mo muna para hindi ka mangamoy sa ibang tao na naghahangad rin ng pagbabago. Huwag sumakay sa isang hakbangin para lang makilala ka ng mga tao. Simulan mong baguhin ang dapat na baguhin sa iyong sarili bago ka maghangad ng pagbabago para sa lahat. At kung di mo alam ano ang dapat baguhin sa iyong sarili ay itanong mo sa mga nakakakilala sa iyo dahil tiyak alam nila iyon.