Tuesday, February 1, 2011

Mara Clara

"Nagpasya akong isulat ito kasi malapit ng magwakas ang pangalawang yugto ng Mara Clara. Ang unang yugto ng Mara Clara ay inabot ng halos limang taon at kalahati. Mula August 17, 1992 to February 14, 1997. Kahit ganun katagal ay marami ang sumubaybay. Hindi pinapalampas ang bawat araw para panoorin. Patunay talaga na maganda ang kuwento ng Mara Clara."














Mara Clara
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa inyo ay marami ang nagkagusto
Maging bata man o kaya matanda
Isang naiibang palabas sa telebisyon
Tungkol sa dalawang sanggol na ipinagpalit ng isilang.

Mara Clara hinangaan kayo ng marami
Bawat makapanood naaantig ang puso
Ang iba naman ay nalulungkot
Lalo na sa mga eksenang madamdamin.

Tunay na kayo ang reyna ng teleserye
Wala ng makakatalo pa sa inyo
Pagkat mula sa makaluma hanggang makabagong panahon
Napakarami pa rin sa inyo ang sumubaybay.

Sa pambihirang kabaitan at kakaibang kasamaan na pinapakita
Kaabang-abang ang bawat araw para kayo panoorin
Itinitigil ng iba ang kanilang ginagawa
Ganyan kasabik ang ibang mga tao sa inyo.

Hindi naman kayo muli mapanood pa
Nasa puso na kayo ng bawat kapamilya
Hihintayin pa rin ang muli niyong pagsulpot
Katulad ng paghintay mahigit labing tatlong taon.

53 comments:

EngrMoks said...

maganda nga ang storya nyan pare, pero hindi ako nanonood ng teleserye, sa dami kasi ng nanonood sang ayon ako na maganda talaga ang kwento...

Rocky Batara said...

Nice poem Arvin! Love it! Ganda din ng background song! =)

Thanks also for avidly visiting my website! More power to your blog!

Nene said...

sana ndi p matapos ang Mara Clara... wla n kong aabangan..

JoboFlores said...

ako si jobo....ang clara nang future....jejejeje

iya_khin said...

salamat sa pagdaan...
Mara Clara? tagal na nun ha! sorry kapuso ako eh di ko alam meron ganyan ulit..di ko lang malimutan yung theme song nila kasi lahat yata ng bata dati sa kanto namin yan kinakanta.

anney said...

Mas gusto ko yung version ni juday at Gladys

Kim, USA said...

Ha? May Mara Clara na iba? Teleserye is part of Filipino culture kaya lang medyo may objection din ako sa mga ganitong palabas. For me it looks like sometimes they glorify the bad side, or their is always a villain in our life but on the other side it also shows how to be hopeful and prayerful. And with this two sides that is portrayed sa mga telerserye, it affects the psyche in peoples mind. Lalo na pag may halong violence..like barilan, kidnapping or kung ano ano pang twist and turn sa buhay. Eh it's not true naman. Siguro may mga 1 or 2% na ganun ang nangyari sa buhay but it's not all. But then life is a choice nasa mga parents yan if they allow their kids to watch telenovela diba?

Unknown said...

Hindi ko alam may dalawang yugto pala sa mara clara, daming nag away at may namatay or inataki sa puso sa sobrang galit sa first part sa mara clara,. i still like the first one though

Ang Babaeng Lakwatsera said...

gusto ko yung mara clara ngayon.. pero mag gusto ko padin yun original.. the best umarte si gladys reyes at panalo yung pagka kontrabida ni gary as in takot na takot ako sa kanya dati.. madadala ka talaga sa eksena.. until now idol ko si gladys..

emmanuelmateo said...

maganda yang mara clara..im watching.pero mas masarap makasama si dwarfina hehe

Sam D. said...

meron pa rin pala yang mara clara. anyway, my friend as always magaling ka talagang gumawa ng tula. pwede compose mo ulit ako?

Mel Avila Alarilla said...

Maganda nga ang Mara Clara lalo na yung original version ni Judy Ann Santos at Gladys Guevarra. Hindi ko man napapanuod ang bagong version nito sa ABS CBN ay sigurado akong maganda rin ito katulad nuong nauna. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Kamila said...

Shet? Di nga? 1992 hanggang 1997? Kaya naman pala hindi ako masyado pamilyar sa maria clara..... hahahahhaha 2 yrs old pa lang ako nung nagsimula yan

Verna Luga said...

hilig mu talaga sa pop culture ha... pero dito sumikat si Juday at si gladys..hahah.. salamat sa pasyal kaibigan... miss kita...

eden said...

Yes, I remember this one at gusto ko yong version nila Juday at Gladys kahit di ko napanood yong isang version. Salamat sa dalaw.

Nikki said...

5 years ? grabe ang haba aa.
always ko talag pinapanuod yan :) promise XD haha. i really love this drama.

Arvin U. de la Peña said...

@MOKS..................maganda po talaga..number one po iyon sa ratings..talo po ang sa kabilang istasyon kung viewers ang pag uusapan.......ganun ba..wala ka palang hilig manood ng teleserye..

Arvin U. de la Peña said...

@Rocky.........thanks at nagustuhan mo ito....tinugma ko talaga ang nakapost para sa background music..walang anuman iyon..muli ay babalikan ko din ang blog mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Nene.............hindi na siguro iyon ma extend pa....wala ng makakapigil para sa pagwawakas ng mara clara..ibig palang sabihin ay sa abs cbn ka na channel nanonood..

Arvin U. de la Peña said...

@jobologist.........hehe..ganun ba..siguro mas malupit ka pa kaysa kay clara na napapanood sa ngayon..

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin.........last year pa po ang mara clara sa pangalawang yugto..sa GMA 7 ka pala loyal,hehe.....yes, kahit dito din sa amin noon ay laging inaaawit ang theme song ng mara clara..maganda naman kasi ang pagka compose ng kanta..

Arvin U. de la Peña said...

@anney...........ganun ba..mas malupit nga noon ang ginagawa ni gladys reyes..kasi kitang kita talaga sa mukha niya ang pagkagalit at pagtataray..pero ang sa ngayon ay magaling din naman siya na artista..tiyak magiging big star sila balang araw sa showbiz..

Arvin U. de la Peña said...

@Kim,USA.....opo may Mara Clara na i ba.......bawat palabas ay minsan hinahaluan talaga ng ganun na mga eksena kasi nakaka excite iyon sa palabas..kaya nga minsan may mga palabas na para lang sa bata..like PG 13.....minsan naman ay PG 18..depende lang iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Shydub............ganun ba..talagang dami ang nagagalit sa unang Mara Clara kay clara..kasi naman masyado talaga niyang inaalipusta si Mara..ang sa ngayon ay ganun din naman pero sa mga eksena ay medyo high tech na rin..may cellphone na,hehe..noon kasi wala pa..

Arvin U. de la Peña said...

@Ang Babaeng Lakwatsera.........ang gumaganap na Clara ngayon ay ayos din naman siya kung umarte..yah, madami talaga ang naiinis sa dating Gary sa Mara Clara..ang sa ngayon ay magaling din naman siya..di ba siya iyong kapartner ni cesar montano sa palabas na Muro Ami....si jhong hilario..

Arvin U. de la Peña said...

@emmanuelmateo...........hehe..... eh paano sexy si dwarfina..dalawa palang istasyon ang pinapanood mo..lipat lipat ka pala ng channel kapag nanonood..

Arvin U. de la Peña said...

@Sam............opo mayroon po..siguro di ka nanonood ng filipino channel diyan.........tingnan ko lang..pagsabihan na lang kita kung may maisulat na ako para sa request mo..pero tiyak magagawa ko iyon..request lang naman at kahit anong title,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla..........maganda din po kasi nangunguna sa rating..talo po ang palabas sa kapuso na kasabay ng Mara Clara......hindi ka nga makakapanood kasi sa GMA ka nanonood..pero sa sinabi mo ay parang ang unang Mara Clara noon ay nanonood ka..

Arvin U. de la Peña said...

@Kamila...........bata ka pa nga kung ganun..pero ang sa ngayon na version siguro nanonood ka..ngayon tiyak pamilyar mo na ang Mara Clara..kasi naman sumikat masyado ang gumanap lalo na si Judy Ann Santos..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz..............medyo lang,hehe.....ang palabas po na Mara Clara ang naging stepping stone para lubos silang makilala..minsan noon kapag nanonood ako nagkaka crush talaga ako kay judy ann santos,hehe..cute siya..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........halos lahat ng tao na buhay habang napapanood iyon sa tv ay alam talaga ang tungkol sa Mara Clara.....kasi sa bawat kalye ay tiyak may nanonood niyon....mas malakas kasi ang signal ng abs cbn sa tv..at ang mga bata ay paborito iyon na awitin..

Arvin U. de la Peña said...

@CHEEN...........opo.....ganun po katagal ang unang version ng Mara Clara.......mula sa tanghali na napapanood ay nalipat pagtagal sa gabi..mabuti at ikaw ay sa abs cbn nakatutok sa mga palabas..

Pretsel Maker said...

Cute sila mara at clara ngayon kesa date kaya mas gusto ko ngayon hehe

Dhemz said...

sa totoo lang...mas like ko ang original na mara Clara k sa latest version...iba kasi yung acting...eehhehe!

Unknown said...

sana madami ako oras para nasabuaybayan ko sana ito, kayganda naman ng handog mong tula para sa pagwawakas ng teleseryeng ito:)

rose said...

Hello, tnx for visiting my blog...
Pinoy classic ang Mara Clara kaya naman maganda... Marami nga lang mga binago pero maganda pa rin naman... Kahit siguro ibalik pa 'to sa TV after 10 years, papatok na papatok pa rin...

jenifaa said...

gusto ko ang maria clara ! kaso simula na nung kinuha ang tv sa boarding house e hindi na ako nakakapanuod :(( syang nga ee . hindi ko na nasusubaybayan . hindi ko ri naman mapanuod online dahil hindi ako lage ol :((

- http://lofty-thoughts.info

Arvin U. de la Peña said...

@Pretsel Maker.........sa sinabi baka magalit sina judy ann santos at gladys reyes,hehe..cute din naman kasi sila noong mga bata pa lalo na ang gumaganap na Mara..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.................iba nga ang acting noon lalo na si Clara..kasi kung magalit siya ay galit na galit talaga..ang ngayon medyo may pagkamalamya ang acting pero siguro utos na rin iyon ng director..malayo pa ang mararating ng dalawang bida..bata pa sila at pagtagal sa showbiz ay mahahasa din ang acting nila..

Arvin U. de la Peña said...

@imriz............ang mahalaga pa rin ay kahit paano nakasubaybay ka nito kahit konti lang na episode ang napanood mo..salamat sa sinabi mo..na aapreciate ko iyon..nakakabigay ng inspirasyon sa akin para magsulat pa..

Arvin U. de la Peña said...

@Babbie Dee...............walang anuman..salamat din sa pagbisita mo sa blog ko.......talagang maganda ang kuwento..at nakakatiyak ako na paglipas ng maraming taon ay ibabalik uli iyon sa tv.....ewan ko lang kung magkaroon uli ng Mara Clara the movie..

Arvin U. de la Peña said...

@jenni.............sa katabi ng boarding house mowala ba tv na puwede mo panoorin ang Mara Clara,hehe..ang hirap lang kung hindi sa abs cbn nanonood ang sa katabi ng boarding house mo..pero kung nanonood din sila ng Mara Clara ay puwede iyon na makikipanood ka..

Ishmael F. Ahab said...

Hello boss Arvs!

Mahilig ka pala sa Mara Clara a.

Naalala ko tuloy yung mag-bestfriend kong kapitbahay.

Paborito nila yung unang palabas ng Mara Clara (yung sina Judy Ann pa ang bida) kaya yung isang anak ay tinawag na Mara at yung anak ng isa pa ay Clara naman. Buti at hindi sila nagtuos tulad ng ginawa ni Mara at Clara sa TV.

Armored Lady said...

i love mara clara ♥

kimmyschemy said...

sinubaybayan ko yung unang Mara Clara na nagpasikat kay Judy Ann Santos, kaso di ko napapanood yung bagokaya di ko mai-compare, hehe..o

Yen said...

Nanonood ako niyan ngayon, hehe kaya di ako maka pag blog madalas dahil dyan. haha. jologs !

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab.........hindi naman masyado,hehe..medyo nanonood lang kapag may time para manood..ganun ba..hanep din pala ang kapit bahay niyo....ang pangalan ng anak ay kinuha mula sa palabas..siguro ngayon ay malaki na sila..

Arvin U. de la Peña said...

@cLai.............mabuti naman at sa abs cbn ka nakatutok na mga palabas..dahil bago sa Mara Clara ay maganda din ang teleserye, ang Mutya..

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim.............ganun ba.....sobra limang taon iyon......sumubaybay din ako nun pero nanonood ako kapag walang klase lang,hehe..sayang naman kung hindi ka nakasubaybay sa bagong Mara Clara kasi maganda din..high tech na..may mga cellphone ng makikita ang ibang mga character..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen..............kaya pala..naging adik ka rin pala sa Mara Clara,hehe..

Ishmael F. Ahab said...

Ay oo boss,

College na yung dalawang bata. Sobrang fanatic yung mga parents nila sa lumang Mara Clara eh.

w0rkingAth0mE said...

first time ko dito sa blog mo ... we love mara clara hindi ko masyado nasubaybayan yon first version so eto yon latest version hindi namin pinapalampas lalo na ng mother ko .. nice poem you have here very inspiring mga posts mo.

mike said...

This topic has always fascinated me. Thank you for writing an article that has great content and is well written. Well I am inspired by your writing style. new york retirement community