Sunday, February 6, 2011

War Is Business

"The tragedy of war is that it uses man's best to do man's worst."
WAR IS BUSINESS
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang mga rebelde kung tutuusin ay kayang lipulin. Magiging madugo nga lang ang mangyayari. Pero hindi iyon ginagawa kasi mawawalan ng mapagkakakitaan ang mga corrupt na mataas ang ranggo kagaya ng General o ano pa. Isawalang bahala na lang ang buhay kasi ang mga rebelde ay buhay din naman ang inuutas nila. Kasi kung mawawala ang mga rebelde ay hindi na maaari pang pondohan ang mga sundalo. Isa pa kung wala ng kalaban ang mga sundalo ay ano pa ang halaga nila.

Maraming pagkakataon ng nangyari na habang nagbabarilan ang mga sundalo at mga rebelde ay bigla magdedeklara ng ceasefire ang lider nila. Kahit nga sa pelikula ay ginagawa din ang ganun. Na kung hindi sana nagdeklara ng ceasefire ay puwede ng mapatay o mahuli ang iba na mga rebelde ng buhay. Kung bakit nagdeklara ng ceasefire sa opinyon ko kasi mawawalan na sila ng kalaban. Sa ganun na pangyayari ang masasabi ko ay parang laro-laro lang ang barilan na naganap pero may buhay na nasasawi.

Kung inyo pang naaalala o kaya napanood niyo ito sa tv. Ilang taon na rin ang lumipas ay may pangyayari po na ang isang simbahan sa mindanao ay nilusob ng mga rebelde. Sumaklolo ang mga militar tapos may back up pang helicopter pero nakatakas pa rin ang mga rebelde. Sa video ay nakita pa ang mga rebelde. Sa insidente na iyon wala yatang nabaril o napatay o di kaya nahuli na rebelde. Nang mangyari iyon at makita ko sa tv nasabi ko nga sa sarili na parang sinadya na patakasin ang mga rebelde.

Business o negosyo na matatawag ang isang digmaan. Kapag may digmaan o barilan ay natutuwa ang mga binibilhan ng mga bala ng baril, granada, o kung ano pa na gamit pandigma. Silang dalawang grupo na magkalaban ay bibili ng kagamitan para sa pakikipagdigma kapag humupa na ang barilan at nakaluwag-luwag na. Sa kalakaran ng pagbili siyempre gusto ng bibili na may kick back siyang makukuha mula sa pera na gagamitin pagbili.

Sa kontrobersya ngayon na kinasasangkutan ng ilang General ng AFP kung totoo nga iyon ay nakakadismaya talaga. Biruin mo silang matataas ang ranggo ay tumatanggap ng ilang milyon na pera gayung kung may barilan man laban sa mga rebelde ay hindi na sila kasali. Ang pakikipaglaban sa mga rebelde na maaari nilang ikamatay ay konti lang ang natatanggap na pera bawat buwan. Kung mag retire naman sila ay ilang buwan muna ang lilipas bago makuha ang retirement. Pero ang mga mataas ang ranggo sa kanila kahit hindi pa magretire ay makakatanggap na ng napakalaking halaga ng pera. Maging ito man ay bawat buwan o iyong tinatawag na "pabaon".

Kung ang isang militar na mababa ang ranggo ay magkasala sa batas ay malaki ang posibilidad na siya ay mawala sa serbisyo o kung hindi man ay ma suspended. Kung wala pang suwerte ay baka makulong pa. Ngunit kung mataas ang ranggo kagaya ng General ay malabo yata na maparusahan ng naaayon talaga. Ganun ka hindi pantay ang hustisya sa kanila kung kasalanan ang pag-uusapan.

Para sa bayan!, ganun ang nasa isip ng mga militar na mababa ang ranggo kapag nakikipaglaban sila sa mga rebelde. Pero ang iba na matataas ang ranggo kagaya ng General ay pakikipaglaban para sa bulsa ang nasa isip.

41 comments:

Jag said...

hays! another sad thing...bakit b kailangang mngyari ang ganitong katiwalian? hays!

uno said...

sir... sabi ni kuya ang solusyon lng daw s acorruption ay patayin mo lahat ng pinoy sa pinas hahaha para mawala ang problema natin sa lipunan... hahaha

joke...

well wala n tayo magagwa jan eh haaaaay salot tlga yan s alipunan

Chubskulit Rose said...

Very thought provoking post Arvin. It's true though, Corrupt politicians are the roots to evil and wickedness in our country.

Kamila said...

ngayon ko lang narinig tong idea na toh.. ang sama sa pakiramdam.. yung pakiramdam na wala ng solusyon.

Gayon pa man.. ayuko lubusang mawalan ng pag-asa para sa tin.

Unknown said...

Ganun talaga. Wala na tayong magawa dyan, We should do the right way nalang.

chino said...

sabi ng nanay ko totoo daw talaga , pag walang giyera , walang business

Mel Avila Alarilla said...

Nakakasulasok talaga yung mga anumalyang nabubulgar sa Senate hearing. Lahat nang Chiefs of Staff na naglingkod nung regimeng PGMA ay lahat nabulgar na tumanggap nang payola at pabaon. Samantalang ang mga pobreng sundalong lumalaban sa front ay namamatay sa mga balang galing din sa AFP. Parang nabigyan nang pagkakataon si Trillanes na patunayan ang mga issues na ibinulgar niya nuong sila ay nagalsa laban sa gobyerno ni PGMA. Saludo ako sa katapangan nina Heidi Mendoza at Col. Rebusa na naghayag nang mga anumalya sa AFP. Thanks for the post. God bless you always.

riZa d' hoLic said...

grabe noh? parang conspiracy theory lang...pero totoo na pala...nkklungkot namang isipin ang katotohanan...

pusangkalye said...

tama.....at the expense of the interest of the country!!!kaurat lang.

Lhuloy said...

halaka! pti gera meganun!
kala ko hanggng putukan lang..meron pa plng nagaganap n kbabalghan..tsk-tsk!

Nene said...

msakit icpin pero gnyan tlga ang nggwa kpg pera n ang pinag uusapan...

Arvin U. de la Peña said...

@Jag................nakakalungkot nga kasi ang pera na sana para sa mga sundalo pambili ng mga kagamitan o ano pa ay napupunta lang sa iilang tao..nangyayari ito dahil kailangan ng maraming pera,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@uno................puwede pero mahirap na mangyari iyon..hanggang may taong corrupt na matanda ay susunod ang mga mas bata pa..wala na ngang magagawa kasi ang batas natin ay hindi pantay pantay at hindi nagpaparusa agad..kahit nabulgar na ay idadaan pa sa batas na may kinikilingan naman..alam mo naman dito sa atin ang hustisya ay nababayaran..

Arvin U. de la Peña said...

@chubskulit.............thanks po..kasi naman sa halalan ay malaki ang nagagasto nila kaya dinadaan nila sa pangungurakot para mabawi ang nagasto..

Arvin U. de la Peña said...

@Kamila.............ganun ba..mayroon pa naman solusyon sa mga problema na nangyayari sa ating bansa..pero ang tanong ay kailan mangyayari?....sa ngayon malabo po na ang mga matataas ang posisyon sa gobyerno ay makulong kung sila man ay nagkasala sa batas..

Arvin U. de la Peña said...

@tim...............kahit pa gumawa tayo ng tama ay hindi pa rin tayo pamamarisan ng iba na mga tao..kasi may mga tao na sa kasamaan nabubuhay at doon sila lumiligaya..

Arvin U. de la Peña said...

@chino a.k.a chinchan.........totoo po talaga iyon..kasi sa giyera hindi naman bato na nakukuha lang sa kung saan ang ginagamit para sa kalaban..ang ginagamit ay binibili kaya negosyo..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.........maraming salamat sa mga sinabi mo..now ay napatunayan talaga na tama lang ang ginawa ni Sen. Trillanes noon na mag aklas kasi may anomalya talaga sa hanay ng AFP..nakapagtataka nga kung saan galing ang matatas na kalibre ng baril ng mga rebelde..siguro totoo talaga na ang iba ay galing din sa mga militar..war is business kasi,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@riZa d'hoLic...........parang conspiracy po talaga..kasi hindi thrill kapag walang kalaban..at ang giyera parang puwede na pag usapan ng lider ng magkabilang panig kung hanggang saan lang hahantong..pinapaikot lang ang ulo ng mga tao......ang nasusunod kasi ay ang lider nila..kaya sila na mga tauhan ay puwede na utusan ng kung ano..kahit pa ikamatay nila sa putukan..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang kalye..............lalabanan ang mga rebelde..tapos magbabalita na natalo at nalipol na ng sa gayun ay bumango ang imahe ng bansa..pero pagtagal ay susulpot din ang mga rebelde.....

Arvin U. de la Peña said...

@Lhuloy...............mayroon po..kahit itanong mo pa sa kakilala mong sundalo..kapag barilan na talaga ang lider nila ay bigla magdedeklara ng ceasefire dahilan para makatakas ang mga kalaban..ang masakit lang sa ganun ay iyong mga tinatamaan ng bala o kaya nasasawi..hindi exciting ang pagiging militar kung wala kang kalaban..

Arvin U. de la Peña said...

@Nene.............yah, malaki talaga ang nagagawa ng pera para sa tao..kahit maayos na ang kabuhayan ay hindi pa nakukuntento..maraming tao na hindi kuntento sa kung gaano kalaking pera mayroon siya..kahit sandamakmak ng pera ay gugustuhin pa na madagdagan..

David said...

Humanity was always the greatest crisis, everyone knows it. I don't think it's the increasing desperation that weapons and any other destructive things exist are reasons why we are at war. But it's us! just saying.

Happy monday folk.

follow my blog here:
http://arandomshit.blogspot.com/

Nanaybelen said...

ganon na nga ang nagyayari. kinikilabutan nga ako pag nanunuod ako ng tv. Ang kakapal talaga ang mga mukha yung mga generals na yan pati mga misis nila!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Dhemz said...

oh my...mahirap talaga ang buhay...lalo na pag sabit ang gobyerno...very provoking post indeed.

Nanaybelen said...

Arvin , nagpakamatay na ang isang corrupt!!! siguro hindi nakayanan ng kanyang kunsyensya. Sana magpakamatay na silang lahat na corrupt para may pagbabago na..

eden said...

Well, said, Arvs.
This is so sad. Corruption is a big problem sa atin. Kailan pa kaya ito mahinto.

Thanks for your visit. Sorry for the late visit. Medyo busy lang ang beauty ko..heheh

anney said...

Unfair diba? mas marami pang natatangap na pera ang mga matatas ang rank pero yung mabababang rank ang lumalaban.

Nikki said...

mm, nakakalungkot man ? over man. tss.

Arvin U. de la Peña said...

@DENASE..................korek ka..sige follow ko ang blog mo..puntahan blog mo ngayon..

Arvin U. de la Peña said...

@Nanaybelen.............talagang nakakakilabot..minsan nga nakakasawa ng manood ng mga news kasi ganun pa rin ang mga balita..siyempre naman na kung ano ang natatanggap na pera ng generals ay nararapat lang na ang misis nila ay mabigyan din..asawa kasi nila,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..................mahirap nga ang buhay ngayon..pero sila ay hindi kasi may malaking pera ang nakukulimbat nila sa gobyerno..

Arvin U. de la Peña said...

@Nanaybelen..............nag suicide nga po siya.....malaki siguro ang kinakaharap na problema......pero dapat naging matatag siya kasi isa siyang General..

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............malaking problema nga ang korupsyon sa ating bansa..ang tanong na iyan ay wala yatang kalutasan..mahirap pong mahinto ang korupsyon sa ating bansa......dahil nakasanayan na iyon at padami ng padami ang sumusunod sa yapak ng mga naunang corrupt officials..

Arvin U. de la Peña said...

@anney...............super unfair po.....maliit lang ang suweldo ng mga sundalo na nakikipaglaban..pero ang mga matataas ang ranggo kagaya ng general ay malaki ang suweldo na higit pa sa inaasahan talaga..dapat ang mga sundalo na nakikipaglaban talaga sa mga rebelde ay malaki ang suweldo..

Arvin U. de la Peña said...

@CHEEN...............huwag ka na lang manood ng news o magbasa ng mga newspaper kasi mababadtrip ka lang tungkol sa mga corrupt na tao..

eden said...

Thanks sa visit, Arvs.

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........walang anuman iyon..salamat din sa pagbisita sa aking blog..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu...............naiintindihan ko ang opinyon mo..pero kung sakali man na mawala na ang mga rebelde ay medyo mababawasan na ang tungkuling ng mga sundalo..

Ishmael F. Ahab said...

Ay...alam ko yan. Kawawa ang mga low ranking soldiers, buhay nila ang nakataya sa gyera tapos yung mga heneral nila, busy sa pangungupit sa kaban ng AFP.

Tsk tsk...kailangan linisin na ang hanay ng AFP. Sayang yung pera natin.

mike said...

discovered your web site via Google while looking for a related subject, lucky for me your web site came up, its a great website. I have bookmarked it in my Google bookmarks. You really are a phenomenal person with a brilliant mind! maryland retirement community