"Ang mababasa ay obserbasyon ko lamang. Walang intensyon na makasakit ng mga nagrarally kasi paraan nila iyon ng pagpapahayag ng kanilang mga saloobin."
RALLY
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa mga pagrarally para tumaas ang sahod ng mga manggagawa ay wala talagang naidudulot na mabuti. Lalo lang nagdudulot ng kahirapan para sa mga Pilipino. Dahil sa mga pagrarally para taasan ang suweldo ng mga manggagawa lalong dumadami ang hindi makakain ng sapat. Lalong dumadami ang nagugutom.
Sa pagtaas ng suweldo, kasabay din ng pagtaas ng mga bilihin. Ang mga negosyante hindi sila papayag na malugi. Kung magtaas sila ng suweldo para sa kanilang manggagawa ay siyempre tataasan din nila ang presyo ng kanilang mga produkto. Kasi kung hindi nila tataasan ang presyo ng mga produkto nila ay malulugi sila. Sa ganun na pangyayari sino ang kawawa? Hindi ba ang mga Pilipino na wala masyadong mapagkitaan o kahit pa kumikita naman pero dahil mahal ang mga bilihin kaya hindi pa rin sapat ang kita sa isang araw.
Kung ang isang bilihin ay tumaas halimbawa ng dalawang piso. Palagay mo ba ay babalik pa iyon sa dating presyo. Kung bumaba man ay hindi aabot ng 25 centavo. Eh, paano kung hindi lang dalawang piso ang itaas ng bilihin. Ang mga bilihin kapag tumaas ang presyo ay tataas na ng tataas iyon. Hindi na bababa kagaya ng sa inaasahan.
Salot sa lansangan ganun kayo na mga militanteng grupo na nagrarally para taasan ang suweldo. Masahol pa kayo sa mga mamamatay tao. Kasi ang mga tao na pumapatay sa lansangan ang pinapatay nila ay may kasalanan naman. Kung inutusan man sila para patayin ang isang tao iyon ay dahil may atraso sa nag-utos. Pero kayo na mga militanteng grupo na nagrarally para tumaas ang suweldo ay kahit walang kasalanan puwedeng mamatay dahil sa inyo. Iyon ay dahil sa pagtaas ng mga bilihin.
Ang pagrarally na nagaganap para tumaas ang suweldo ay sa Manila lang. Mabuti kung sa Manila lang din ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Pero hindi eh. Lahat ng lugar dito sa Pilipinas ay tataas din ang presyo ng mga bilihin. Lahat ng tao dito sa Pilipinas ay apektado na dulot ng pagrarally para taasan ang suweldo.
Ang mga taong nagrarally para sa pagtaas ng suweldo ay iilan lang. Pero napakadaming tao ang naaapektuhan. Bata, matanda, sanggol, at kahit hindi pa isinisilang ay apektado rin dahil sa bilihin na hindi na abot kaya.
Sa huli masasabi ko na ang mga militanteng grupo na nagrarally para tumaas ang suweldo ay hindi tunay na pinoy. Iyo ay dahil ang tunay na pinoy ay may pag-unawa at malasakit sa kapwa. Pero sila ay wala. Kapakanan at sariling interes lang ang kanilang iniisip. Na kapag tumaas na ang suweldo ang iba sa kanila ay mayroon ng pang good time.
Tuesday, February 15, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
46 comments:
di ko makakalimutan ang minsang magrally sa mendiola... nanduon ako.. ehheheh... dumaan...
I agree, wala talagang maidudulot na kabutihan , pero sana lang para maiwasan ang ganyand ma actibidades, kailangan din makinig sa hinaing nga mga manggagawa ang mga companyang iyan.
Thanks for the post arvin
basta ako ayaw ko ng gulo...
Tama ka sa sinulat mo Arvin. Karamihan naman sa mga militanteng nagra rally na ito ay makakaliwa o leftists na ang tanging hangad ay mapabagsak ang sinumang nakaluklok na gobyerno at sila ang luluklok at maghahari sa bansa. Matagal nang namatay ang adhikaing komunismo sa mundo pero sa ating bansa ay nagniningas pa rin na nauwi na lamang sa mithiing power grab at pangingikil sa lehitimong mga negosyante. Walang madudulot na kabutihn ang mga rally na iyan wika nga ni Shy. Ang tunay na rally katulad nang nangyari sa Egypt at nuong dekadang ochenta sa Pinas ang tunay na mga rally dahil suportado nang buong mamamayan. Salamat sa makabuluhang lathalain. Pagpalain ka nnag Diyos sa tuwina.
never pa ko sumama sa mga nag rarally.. i have nothing against them.. pansin ko lang kase.. after ng rally.. ang kalat kalat ng daan.. sayang ang mga papel na ginamit nila..mag tarpaulins.. mga karton na imahe ng presidente.. mahal din yan.. imbis na ipang kain nila.. nagagastos pa sa mga ganyan..tapos ikakalat lang at mapuunta sa basurahan..
Sometimes ang rally ay may magandang patutunguhan sometimes wala naman. Ang gusto kung malaman binabayaran ba ito sila? Sino ang nagpapakain sa kanila? ^_^
nagkakaron ng rally dahil sa nagoorganisa nito. kung iisispin, hindi naman papasok ang isang mangagagawa kung hindi sa panghihikayat ng ibang nakatataas. Karapatan ng bawat tao ang ipahayag ang kanilang nararamadaman sa kahit anong paraan basta ito ay mabuti. Isa na jan ang rally, wala din ako againts sa kanila, pero sa oras na i dispers na sila, dapat lang na umalis at wag ng makipagsaplitan pa. wag maging sagabal sa daan, wag ng manghikayat pa ng iba para sila ay dumadmi..
obserbasyon ko din lang, ang bawat hinihingi sa rally ay pinagaaralan. hindi instant. may proseso.. sanay maghintay na lang ang manggagawa na matapos ang prosesong iyan.
@musingan...........akala ko kasama ka sa nagrally sa mendiola..tiyak mababasa ka ng tubig dahil ipinagtatabuyan ng mga firemen,hehe..
@Shydub.............salamat sa pag agree mo....oo nga eh..pagod pagod lang sila..lalo na kung mainit talaga ang sikat ng araw..magtataas nga ng sahod ang kompanya pero ilang buwan lang ay ito na naman sasabihin na kulang pa dahil sa tumaas ang mga bilihin..eh kung hindi na lang sila nagpataas ng sahod hindi sana magmamahal ang mga bilihin..
@iya_khin..........mabuti ang pasya..manahimik na lang at hayaan ang iba na siyang magrally..
@Mel Avila Alarilla......thank you din sa iyo Sir Mel.....sa mga nagrarally ay tiyak may na suporta din sa kanila..ang iba ay binabayaran para lang sumama sa pagrally at may pakain pa..tama na iyong sa Egypt ang tunay na rally kasi buong mamamayan ay pumunta talaga sa kalsada para mapatalsik ang kanilang pangulo..dito sa atin ang pagrarally ay sa Manila lang naman..pero apektado ang buong bansa.....ang mga lider ng bawat rally ay ganun pa rin kahit iba na ang presidente ng bansa..
@Ang Babaeng Lakwatsera.........ako din ay hindi pa sumama sa mga pagrally.....medyo mahal nga ang tarpaulin na ginagamit sa pagrally pero hindi naman nila iyon pera..sa sumusuporta para magrally ang pera na iyon..tapos ang nagawa nilang mga kalat sa kalsada ay hindi naman sila ang naglilinis..perwisyo lang sila..
@Kim,USA.......case to case basis naman iyan..may rally na maganda ang kinahihinatnan..may rally naman na negatibo ang epekto..ang sa akin na hindi maganda ang epekto ay iyong pagrally na taasan ang suweldo kasi gaya ng sabi ko dito sa sinulat ko ay tataas din ang mga bilihin kapag nagpataas ng sahod ang mga kompanya..kasi iyon ang paraan para mabawi nila ang pera na nagasto sa pasuweldo..
@Kim,USA..........may iba na pagrarally na binabayaran ang mga tao.....siyempre may sumusuporta sa kanila......may mga pagkain para sa mga nagrarally..mayroon tao na na finance sa pagrarally..popularity rating din iyon lalo na sa mga tao na may hangad sa politika..
@ISTAMBAY.......maganda ang sinabi mo..kaya nagkakaroon ng rally dahil sa panghihikayat ng tao..kung isa lang ang gagawa sa ay hindi iyon matatawag na rally..pagtatawanan lang siya kung isa lang siya na tao na kokontra sa kung anuman na hindi nais para sa kanya....dahil sa pangungumbinsi ng tao ay doon may mga nahihikayat para mag alsa..lalo na kung magpapangako pa na may bayad ang sasama sa pagrally..iyon ang hindi maganda kung habang pinagtatabuyan sila ay lumaban dahil tiyak masasaktan lang sila..kasi militar ang makakalaban nila..ang masaklap pa ay iyong nagkakaroon ng sakitan dahil sa pagrally..nagbabatuhan at kung anu pa...
ako opinion ko? Alam ko na may pinaglalaban nila, pero hindi lahat na dadaan sa pag-sigaw.
Katulad ng batang pinapagalitan, hindi naman nakikinig ang bata... di ba? May pagkakamali siya ang bata na yun, pero di niya aaminin dahil bata siya.. labas sa kaliwang tenga pasok sa kanan.
Ayun..
Sa ganang sa akin naman ay may mabuti namang naidudulot ang pag-ra-rally kasi isa itong paraan para maihayag ng mga tao ang kanilang saloobin.
Yun nga lang, sa tingin ko ay nagagamit na ang mga rally at nag-ra-rally para sa isang political agenda na minsan ay nakakasama sa bansa.
naalala ko yung palabas sa maalaala mo kaya.
Tungkol sa isang estudyanteng aktibista.
Ayon sa kanya, kahit hindi sila pinakikinggan ng eskwelahan ay mas minamabuti nilang magingay para kahit papaano ay marinig ang kanilang hinaing.
kaibigan, kailangan din nilang gawin yan para makakuha ng pundo sa labas.. dahil kung walang rally walang pera....
ayay! ako rin...ayaw ko nang gulo...gusto ko kapayapaan at katahimikan.
hmmm...may point ka din...
di ako nakakarelate medjo kasi di aq aktibo sa mga ganun...cguro kanya2xng diskarte un...di naman cguro masama kung magdemand ng increase ng sweldo...kaya lang dapat nasa tamang lugar...
mm, i somewhat agree with you kuya. parang mga salot ung nagarally. tss. and ang useless lang din talag kung tataasan ang sweldo tas tataas din ang mga bilihin, parang wala din nanyaring pagbabago.
naransan ko na din yan uso sa skul namin ang rally.. i studied in polytechnic univ of the phil.. and as in araw araw meron nyan.. pero kawawa din sila kasi ung iba nabablitaan namin na may pinanadukot at pinapapatay cguro masaydo lang talaga silang apektado sa mga nangyayari kaya nila pinaglalaban un.. at isa sila sa rason kung bakit ang skul nmin eh hanggang ngaun ay nananatiling state univ ng pilipinas :)
Tama ka Arvs, pag may increase sa suweldo, increase din ang mga bilihin.
Ayaw ko ng mga rally kaya ng nasa Pinas pa ako I never attended one.
@Kamila.................oo naman..lahat na may nirereklamo ay may ipinaglalaban..hindi sila kuntento kaya ayun nag uudyok na magrally sila para mapakinggan..pero mas maganda pa rin na idaan na lang sa usapin na mapayapa ang hinaing hindi iyong ipagsisigawan pa..
@Ishmael Fischer Ahab...........naiihahayag nga nila ang kanilang saloobin..pero gaya ng nasabi ko ay iilan lang sila na nagrarally pero madami ang maaapektuhan.....sakali na pagbigyan nga sila sa hinihingi nila ay unti unti magtataasan na ang presyo..isa pa sa kalsada ay nakakaperwisyo sila sa mga dumaraan..may mga pagrarally talaga na ang lider nila ay tumatakbo sa halalan..
@MiDniGHt DriVer...........nakapanood din ako ng palabas na iyon..sandali nga lang..ang starring na babae ay si bea alonzo..napanood ko ang pagrally nila..pinatakbo si bea alonzo sa school tapos nanalo..iyon ang masakit kung rally lang ng rally pero hindi nakikinig sa kanila ang nais maparinggan..
@Vernz.............ibig pa lang sabihin ay pinagkakakitaan na ang pagrarally..puwede din kasi iyong financier ng rally halimbawa ang ibigay sa lider na pera para panggasto ay 5,000 ang gastuhin lang ay 2,000..hehe..malaki rin ang makickback niya..
@Dhemz................ganun ba..lahat tayo ay naghahanap ng kapayapaan..pero parang magulo talaga ang mundo..ang kaguluhan ay mahirap ng matapos,hehe..
@Ruby............eh paano iyong mga nagrarally para tumaas ang suweldo ay minsan hindi talaga nasa tamang lugar..magrarally sila tapos kung pagbigyan naman ay ilang linggo lang ay magrereklamo na ulit kasi sasabihin hindi pa rin sapat kahit nag umento na ang sahod nila..sa ganun na pangyayari sino ang apektado..hindi ba ang mamamayan ng ating bansa kasi tataas ang presyo ng mga bilihin na ang may kagagawan ay ang mga nagrarally lang sa Manila na lugar..
@CHEEN...............thanks sa pag agree mo....para talagang walang silbi ang pagtaas kung ang mga bilihin sa pang araw araw ay mataas na ang presyo..
@ayu................ic.....yah.... bago ko pa ito isulat ay ramdam ko na na may iba na hindi ma agree dito..
@carmie go.............salamat sa pag share mo sa iyong nakaraan sa school mo..maingay pala madalas ang school na iyan,hehe..buti hindi nagsasawa ang mga aktibista diyan sa school..kawawa nga ang mga tao na dinudukot dahil sa may ipinaglalaban..
@eden..............yah, kasi kung hindi mag increase ay malulugi sila..kaya parang wala rin saysay ang pag increase ng suweldo..
kung walang gahaman, walang rally un lng po opinyon ko hehe... Salamat Arvin at dumaan k page ko.. uu nmn pwedeng pwede mong gamitin ung "birds" hehe!!
May nakilala akong tao diyan sa Pinas, ang raket nya ay ang tumanggap ng kontrata mula sa taong gustong magsimula ng rally. May mga tao din siya at suportado ang lahat ng kailangan nila.
In short, they rally for money, not for justice. Nakakalungkot isipin. :(
hindi ako sasali sa mga rally
gagawa nlang ako ng iba pang paraan
pra kumita...
mejo nakakainis nga ang pagtaas ng presyo..dati makakapamalengke ka ng 100 para sa maghapong pagkain para sa 3tao...ngayon..ewan ko..bigas nlang at asin..maswerte parin tlga ako
rally ng rally wala naman nangyayari. immuned na kaya ang mga politico..
Ako makikirally , hehe . para wag itaas ang pasahe sa mrt!!! waaahhh!!!
Anyway tungkol naman sa rally ng pagtaas ng sahod, pakiramdam ko nakakaawa lang lalo yung mga nag rarally, kasi di naman nakukuha ang gusto ng mga manggagawa. But atleast they tried to voice out there status, mas mahirap ang puro nalang tayo tango nalang ng tango sa gusto ng gobyerno natin. As long as nag rarally ka for a good cause, for not just your own benefit, Suporta ako. ang importante alam ng mga nasa gobyerno na may mga tao silang nasasagasaan , at pag nag bingi bingihan sila , I believe sa bandang huli lahat tayo mag sa suffer , anf bansa din natin.
@Nene..........tama ka..salamat po sa pagpayag mo na magamit ko ang pictures ng birds na nasa blog mo..gagamitin ko talaga iyon..
@Hi! I'm Grace.......oh talaga..parang kontraktor din pala kung ganun....siguro ang tao na iyon nag aalam alam ng mga tao kung sila ba ay kuntento sa kompanya na pinapasukan nila..at kapag hindi ay doon tatanungin kung gusto na pagralihan ang kompanya..dapat ang tao na iyon biniro mo kung kaya ba nila ang magrally sa harap ng malakanyang,hehe..tiyak gamit na gamit ang tao na iyon ng mga politiko..pinagkakakitaan talaga ang pagrarally..
@cLai...........iyon ang magandang desisyon kung sakali man na ang mga katrabaho mo ay magrarally..hahayaan mo na lang sila..ang 100 pesos ngayon ay konti nalang talaga ang nabibili..sobrang mahal na talaga..
@Nanaybelen............may nangyayari po sa pagrarally..iyon ay pinagtatabuyan sila ng mga pulis..minsan pa nga nagkakasakitan dahil nagbabatuhan..
@Yen...........may mga pagrarally po na hindi dinadaan sa tamang lugar..ang mga nagrarally para taasan ang suweldo ng mga manggagawa kung pinagbibigyan naman ay ilang buwan lang andiyan na naman magrereklamo..ang sasabihin ay parang kulang din ang umento dahil nagmahal ang mga bilihin..kung hindi naman sila nagrally para tumaas ang suweldo ay hindi naman magtataas ang mga bilihin..
Hindi ko naintindihan ang post mo. Yun leng.
Ayan binasa ko ulit. Brad, have you tried joining a rally? When you say 'rally' depende yan sa grupo or organization. Kasi may mga groups na nagpapanggap na pro-people sila pero hindi pala katulad nung mga kulay yellow. hehe
At ilang rally na rin ba ang napuntahan mo?
At alam mo ba ang ibig sabihin ng kapitalismpo since binanggit mo dito ang tungko lsa mga negosyo, etc.
Brad, ang isang manunulat ay nagsusuri,. Ang mga opinyon ayibinabatay sa tama at knokretong teorya at kaganapan. Ang Maynila ay hindi Pilipinas dahil sa kanayunan at mga probinsya, mas maraming rally ang nangyayari.
Mahilig ka pa namang magsulat, paghusayan mo dahil bawat salitang naka-type dito, may accountability ka sa mundo at sa sarili mo.
Post a Comment