First of all I want to thank Umma for sending me in paypal account some amount of dollars for one year for putting ad banner of her two blog "Spices of Life" and "I Love Geeks". That ad banner renewable every year. Anyone who want to put ad banner of their blog in my blog just email me at arvin9595@yahoo.com
Nang makita ko at mabasa ang mga nakasulat tungkol sa mga nasa pictures na dalawang ibon ay nakaramdam ako ng awa. Kaya ayun naisipan ko ang magsulat na ang pamagat ay Ibon. Salamat kay Nene ng http://kimmysdailydigest.blogspot.com sa pagpayag niya na gamitin ko para sa post ng sinulat kong ito ang pictures ng dalawang ibon. Sa blog niya po nakita at nabasa ko ang tungkol sa dalawang ibon. Kung anuman ang tungkol sa dalawang ibon na iyan ay puntahan niyo na lang po ang blog niya.
IBON
Ni: Arvin U. de la Peña
Katulad ng ibon mahalin ang kauri
Bigyan ng tulong ang nangangailangan
Pag-ibig sa kapwa ang ipakita
Tayo ay iisang lahi lamang.
Katulad ng ibon magkaisa tayong lahat
Magandang mithiin ang ipatupad
Sama-sama nating isulong mabuting programa
Bansa natin ay uunlad.
Katulad ng ibon huwag sumuko sa problema
Maghanap ng magiging solusyon
Bawat pasakit ay may kalutasan
Nariyan ang ating Diyos na handang gumabay.
Katulad ng ibon huwag umasa lang sa magulang
Matuto tayong itaguyod ang sarili
Maghanap ng paraan para may makain
Masarap ang nakakamit na may pinagpaguran.
Katulad ng ibon ituring kapantay ang lahat ng tao
Isinilang tayong walang anuman sa buhay
Kung anuman ang mayroon tayo ngayon
Hindi madadala sa ating kamatayan.
Saturday, February 19, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
53 comments:
hehehe katulad ng ibon...
sana matayog na rin ang ating lipad kung tayo nagkakaisa!
may nakita akong ganito. kaso a small video clip siya tapos pusa. nkakatouch nga nun ee. this is nice :) a birds tale ^^
--http://www.lofty-thoughts.info
cute naman ng ibon...
Hello Kuya Arvin :) Musta na? Sensha na ha, lam mo naman, medyo busybusyhan. Na miss ko mga tula mo.
Nakakaawa naman ang pics na yan. Pero tama, kahit ano pagsubok ang darating, wag na wag susuko :9
happy weekend
Great post Arvin.. Thank you so much for mentioning and linking to my blog in your post! I really appreciate it! :)
Nakaka-sakit nang damdamin to. Happy weekend!!
nasa inbox ko din ang story na ito...nakakatats..oo nga pala, akoni!
Maganda ang tula mo na hinango mo sa buhay nang ibon. Tunay ngang ang mga hayop tulad nang ibon ay maraming maituturo sa tao na ipinanganak na yatang watak watak at walang pagkakaisa. Ang mga langgam, putakte, mga ibon na sama sama at buong gandang lumilipad sa perfect formation at iba pang hayop na nagpapakita nang cooperation at pagmamahal sa kanilang mga supling ay maraming maituturong magandang halimbawa sa mga tao. Lalaban nang patayan ang isang inang hayop maprotektahan lang ang kanyang mga supling subalit ang tao kung minsan ay itinatapon na lang ang kanilang bagong panganak o inabort na supling sa basurahan na animo'y wala itong buhay at kaluluwa. Nakaka inspire ang mga ibang hayop na naglalakbay nang milya milya sa lugar kung saan sila isinilang para mangitlog lamang at pagkatapos ay mamatay katulad nang mga salmon. Marami pang mga nakagigilalas na ehemplo nang mga hayop na itinataguyod at pinoprotektahan ang kanilang mga supling mangahulugan mang ibuwis nila ang sarili nilang buhay. Sadya nga bang mas mainam pa ang mga ibang hayop sa tao? Salamat sa madamdamin mong tula na umaantig sa damdamin nang mambabasa mo. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
twit twit ang sabi ng pipit... :)
nice birdy story...twit twit.. ;)
ng cute nan dalawang ibon :D
super like ko ang post na to :) hahayx XD
nakita ko na yan dati, yung bird na yan.kakaiyak nga eh!
So touching naman!
Nice poem. have a great day always
@uno..............oo nga..kaso wala tayong pagkakaisa....ang mga politiko na sana siyang magbubuklod sa atin para maging isa ay siya pang dahilan para magkawatak watak..
@jenni.............ganun ba..baka ibang kuwento iyon ng may ibon at pusa..ito kasi ay tungkol lang sa ibon na kuwento..puntahan mo ang blog ni Nene at mabasa mo ang istorya niyan..
@musingan.........oo nga eh..ang ganda ng kulay..mahal siguro ang halaga niyan..
@Bambie dear............ok lang po ako..walang anuman iyon.....nauunawaan ikaw kung minsan hindi ka nakakapag blog hop..salamat naman kung ganun na namiss mo ang mga tula kong sinulat..ang pagsubok ay hindi tinatakasan..bagkus ay hinaharap..
@Nene............kung hindi ko nakita ang dalawang ibon na iyan sa blog mo siguro ay hindi ako makakasulat ng ganito..kaya maraming salamat sa iyo at na post mo ang tungkol sa ibon.....thank you so much din sa iyo..
@Kim, USA..........madami ang naantig ang puso ng ma publish sa newspaper ang tungkol sa ibon..na sold out agad..amerika at europe..magaling ang pagkakakuha ng pictures ng photographer..
@Akoni................ganun ba..siguro ang tungkol sa ibon na ito ay send sa mga email....sa email ko ay hindi dumating ang tungkol sa ibon na iyan,hehe..sa blog ko lang nabasa..salamat sa pagbisita mo sa blog ko..
@Mel Avila Alarilla...........napakaganda ng mga sinabi mo..tama ka na ipagtatanggol talaga ng hayop ang kanilang anak..kagaya ng manok..ang inahin ay ipagtatanggol talaga ang sisiw..kung bagong anak at akma mong huhulihin ang sisiw ay tiyak tutukain ka at syapolan..pati na rin ang ahas..delikado pag ginalaw ang pugad ng ahas na may isinilang kasi tiyak tutuklaw talaga..lalo na kung cobra..ang mga hayop talaga ay may pagkakaisa sila..mga tao bihira lang..hanggang lumaki ay inaalagaan talaga ng hayop ang anak nila..sa tao naman minsan itinatapon sa hindi malamang kadahilanan..nakakasakit ang ganun..
@supergulaman...........thanks po at nagustuhan mo ang tungkol sa ibon na sinulat ko..
@CHEEN..............cute nga ang ibon..maganda din ang kulay..thank you so much na super like mo ang post kong ito..
@iya_khin...............ganun ba..mag asawa ang dalawang ibon na iyan...iyon kasi ang nakasulat sa blog ni Nene..hehe..siguro sa newspaper niyo diyan nabasa mo..
@eden............nakaka touch nga po talaga ang kuwento tungkol sa ibon..kung ano ang nangyari at kinahinatnan..
galing mo tlaga inspiring mga sinusulat mo thanks sa follow :)
tulad ng isang ibon.. tao din ay namamatay...
naalala ko ang isang awit.. di ko alamg kung anong pamagat..
Amen!
Tama ang tula mo dito. Sana magising ang mga tao, specifically ang lahat ng Pilipino sa katotohanan. Sa katotohanan na kung hindi tayo magtutulungan ay wala tayong maasahang pag-asenso. Kung hindi tayo mananalig sa Diyos, wala tayong maasahang magandang kapupuntahan.
wow ibon....
kapag madameng problema.. dun mo pa lang makikita kung sino ba talaga yung mga totoong kaibigan at hindi..
wow, marami talagang pgkakatulad ang sitwasyon ng tao sa sitwasyon ng dalawang ibon na iyon . o_O
ang cute nga ng ibon! :))
@wOrkingAthOmE.........salamat sa sinabi mo..nakaka inspire ang mga ganun na salita..walang anuman iyon..
@ISTAMBAY............maganda ang awitin na iyon..ang pamagat ay Himig Ng Pag ibig na inawit ni Lolita Carbon..pinoy folk song iyon..
@Ishmael Fischer Ahab.......sana nga magising ang mga tao sa matagal na pagkakatulog na hindi nagkakaisa..pero parang malabo na yatang mangyari iyon..ang mga tao ngayon karamihan talaga ay pansariling interes ang hangad..lalo na iyong mga politiko at mga maimpluwensyang tao..nangungurakot din ang mga tao na may koneksyon sa kapwa mataas ang posisyon..walang takot ngayon ang mga tao na gumawa ng hindi mabuti..
@Kamila..............oo naman..kapag may dumamay sa iyo kung ikaw ay may problema ay ibig sabihin iyon ang tapat sa iyo..pero ang mga umiwas ay hindi sila mabuting kaibigan..kaibigan ka nila hanggat may nakukuha sila sa iyo..
@nice............opo dahil ang makikita sa ibon ang isang ibon ay nangangailangan ng tulong..ganun din sa tao na may mga nangangailangan talaga ng tulong..hindi lang isa kundi marami pa..
this is such a good inspiration bosing!
salamat!
ayay! ang galing naman nito....:) nice one Arvin....sensya at huling huli sa pila.
saludo ako lagi sa tula mo arvs. tama ka masarap talagang magkamit ng kung anong meron ka kapag pinaghirapan mo.
Magugulat na lang yang mga tao na iyan sa Second Coming ni Jesus Christ.
Thanks for the visit Arvin. Yung aso ko mixed shepherd and husky sya pero in person mukha syang wolf.
Hi, Arvs! thank you for the visit and nice comments.
@Jag................salamat sa sinabi mo.....mag inspire sana sa ibang tao ang sinulat kong ito..
@ayu............nag like na ako..pati sa facebook..sa next post ko sa blog ko ay sabihin ko ang tungkol dito..
@Dhemz..............thanks.....okey lang iyon......ako nga din minsan nahuhuli pagpunta sa blog mo kapag may bago kang post..
@Sam.................salamat kung ganun na lagi kang saludo sa sinulat ko....naaapreciate ko iyon..oo nga..masarap kumain kapag galing sa pinagpawisan..
@Ishmael Fischer Ahab................ganun ba..kailan naman kaya iyon mangyayari..totoo ba iyon..panahon lang ang makapagsasabi..
@Sutil Princess.............walang anuman..salamat din sa pagbisita..ganun ba..tiyak matapang ang aso mo na iyon..
@eden..............walang anuman..salamat din sa muli mong pagbisita sa blog ko..
Very nice poem! galing mo talaga mag compose!
kaka-touch..
sa akin mas masarap pakinggan yung awit dito kaysa tignan yung mg ibon
eric
http://www.blogdemanila.com/
@anney............salamat sa iyong sinabi..very inspiring iyon sa akin.....
@simply_kim.............marami nga ang na touch sa pictures..iyon ang nakasulat sa blog na pinagkunan ko ng pictures..naroon kasi ang istorya ng tungkol sa dalawang ibon na iyon..tingnan mo kaya ang blog na iyon..
@eric.............ganun ba..kung ganun ay salamat sa pakikinig mo ng mga awitin sa blog ko..salamat rin sa pagbisita mo sa blog ko..
Post a Comment