"First year college ako na makaboardmate ko ito. Apple of the eye siya namin noon na mga lalaki kasi maganda, 17 years old din siya that time. Hanggang sa lumipat siya sa kaharap na boarding house ay ganun pa rin ang tingin sa kanya. Dalawang taon din ang itinagal ko sa boarding house na iyon. Nang lumipat na ako ng boarding house ay minsan ko na lang ito makita. Nakikita ko na lang siya kung pumupunta ako sa dati kong boarding house kasi may mga kaibigan pa ako doon. Nang matapos na ang pag-aaral ko ay hindi ko na siya nakita pa. Salamat sa facebook at pag search ko ng pangalan niya ay nakita ko siya. Agad ay nag message ako sa kanya at doon sinabi ko din na gusto ko siyang ilagay sa blog ko kasama ng isang sinulat ko. Mabuti naman at pumayag siya. Kahit paano sa ganitong paraan ay masaya ako na nakita ko uli siya kahit sa larawan na lang."
LARAWAN
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa munting sulyap sa iyo nagpapasaya
Kahit paano naiibsan ang lungkot
Kupas naman ang larawan mong bigay
Alaala mo sa akin buhay na buhay pa.
Hanggang ngayon taglay mo pa rin
Kasimplehan kung bakit nagkagusto ako sa iyo
Nariyan pa rin ang kagandahan mo
Hindi lang ako ang naghangad.
Kung kaya lang ibalik ang nakaraan
Pagsuyo sa iyo pagbubutihin ko
Lahat ng ikasasaya mo gagawin
Pag-ibig mo at pag-ibig ko magkatugma.
Hindi man ako ang minahal mo
Larawan mo sa akin malaking bagay
Ito ang nag-uugnay sa ating dalawa
Sa pagbabalik tanaw sa nakaraan natin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
50 comments:
ay ako hindi ko na matandaan ung mga name ng mga roomate ko b4 nais ko din silang hanapin eh...
naremember ko tuloy ang college dormmate ko noon na patay na patay ako..
hay buti ka pa..ako hinahanap ko din yung mga ka-dormate ko dati.. pero di ko na mahanap huuhuhu
atleast ngayon meron na ulit kayo communication :)
touched ako pare..cheesy mo ah...nagsi-cheesy ka ba? baka pwedi pa...?
musingan lahat nalang mayroon ka..:))
naks...sweet poem... :)
Ako din hinde ko na maalala mga ka dorm mate ko noon eh puro kami mga babae and for sure lahat yun kung hinde na tigok may mga asawa na yun at iba na ang mga apilido.
At saka anong year pa yun?? At hinde yun college dorm mate ha, ka dorm mate ko sa pag take nang board exam...at mga 25 years ago lang naman yun hahahahaha!! Huwag mo nang kwentahin ang AGENESS ko hahahaha!!
wow, heart's desire mu pala ito kaibigan.. ehehhehe.. oo nga saan na ba yung mga boardmates ko din nuun... heheeh .. salamat sa pasyal...
Hay naku Arvin mahilig ka talagang mag cry over spilt milk, hehehe. Kasi naman naruon na yung babae sa may boarding house mo dati eh hindi mo pa rin pinormahan. Malay mo baka sinagot ka niya nuon. Ngayon napapabuntung hininga ka na lang. Sabi nga sa ingles, it is better to love and have lost than never to have love at all. Kaya ikaw Arvin kung magkakagusto ka ay magtatapat ka, hehehe, hindi yung ligaw tingin _____, sori censored na yung susunod eh, hehehe. Nagpapatawa lang kaibigan para mabawasan naman yumng pagbubuntung hininga mo diyan, hehehe. Sige salamat sa nanghihinayang na tula, hehehe. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
wow! ang ganda naman niya, hang puti niya.. hehe
kuya Arvin, ngbibinata na awww!!
never akong nakapag-boarding haus! oo laki nga ng tulong ng FB!
Salamat din sa FB kasi marami akong nakita mga klasmit ko sa HS at college.
Nice poem. She is really pretty.
NICE NICE!
@uno..........ako may naaalala pa naman..hindi nga lang halos lahat sila..ang iba pati apelyedo natatandaan ko pa..ang iba naman name na lang..tungkol naman sa babae na ito ay siyempre pangalan at apelyedo natandaan ko..mahirap kasi siyang makalimutan..
@musingan.........oh talaga..sino naman kaya siya..siguro hanggang ngayon alam mo pa ang name niya at apelyedo..search mo sa facebook..
@Kamila...........ibig mo bang sabihin kahit sa facebook o friendster hindi mo na mahanap..kung alam mo ang name at apelyedo ay subukan mo lang ang mag search kasi may aappear naman..malay mo baka isa doon..
@wOrkingAthome.........opo..mayroon na o ulit kami communication..malaki talaga ang naitulong ng facebook..
@Akoni............ganun ba..ako nga din na touch sa sinulat mo.....medyo cheessy lang,hehe..baka naman totoo ang sinasabi ni musingan..lahat naman nagkaroon ng pagkagusto talaga sa isang tao ng sobra..
@supergulaman...........salamat..i hope mabasa na niya ito..nag message na kasi ako na mabasa niya..
@Kim,USA..............nakakamiss ang time na iyon na mga nakilala at nakaibigan sa isang boarding house..kasi apat na taon lang kayo doon kung sakali na magpirmi sa pagtira..minsan ang iba lumilipat ng boarding house..makikilala mo tapos bigla ay hindi mo naman uli makikita pa kasi lumipat nga ng boarding house..sa case mo naman kahit ba isa wala ka na maalala na name at apelyedo..tiyak iba na nga ang apelyedo nila ngayon kasi baka nag asawa na..alam ko na ang age mo..hehe..
@Vernz............yes..hindi lang naman ako kundi marami pa..madami kami na naghangad sa puso at pag ibig niya,hehe..medyo mestisa kasi siya..maputi siya..ang pic mo na makita ay iyong kasalukuyan kasi nakita ko sa facebook..wala kasi pic na noong 17 years old pa lang siya..para siyang artista noon..
@Mel Avila Alarilla.............haha..napakadami ng pumoporma sa kanya..pero alam mo miss ko na siyang makita ng personal..at alam mo ba na may mga naisulat akong kanta na siya ang nasa isip ko habang nag uumpisa magsulat..alam mo naman di ba na mahilig din ako magsulat ng kanta..
@Ronster..............opo..isa pong magandang babae na for sure lahat na nakaboardmate ko na lalaki hanggang ngayon ay hindi siya makakalimutan..
@mommy-razz...............maganda nga siya at maputi..medyo mistesa siya..
@eden...............talagang malaking tulong ang FB sa mga tao..ewan ko lang kung mangyari talaga na sa march 15 yata ay mag close na ang facebook..nabalita kasi iyon at makita din sa google..
@tim............thanks..
I smell "love..."
balikan ang nakaraan... magiging masaya ka ba? siguro, mahihrapan.. tulad ng post mo, ramdam ang panghihinayang.. mas mabuting balikan ang nakaraan kung kukunin mo ang aral at iiwan ang masasakit na alala...
magandang araw sayo sir., :)
salamat sa dalaw
ayay! bongga naman...ehhehehe...iba talaga ang facebook....glad you find her....:)
Pasts are the things we cannot hold back... :)
wow naman.. wala na ba chance? Malay mo sa bandang huli, kayo pala hehe.. pero ang importante, magkaibigan pa rin kayo.. salamat sa fesbuk at nagkatagpo ulit kayo :)
permisi, kalau boleh tahu bahasa yang sobat pake ini bahasa apa ya....
saya ngga mudeng....he..he..
galing mu talaga sumulat pareng arvin! promise ko sayo pagnagkabanda na ko, kanta mo ang una kong gagawan ng musika :) Nakikita ko sa likod ng mga salita mo e inlababo ka...hahah
@clai................noon at ngayon may pag ibig..pero hindi na puwede..
@ISTAMBAY..............maganda ang sinabi mo..may punto ka..experience teach us a lesson..ang nakaraan minsan may kasiyahan din na nararamdaman sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw..pero sa huli kalungkutan din ang mararamdaman..
@Sutil Princess...........walang anuman..thanks din sa pagpunta mo uli dito sa blog ko..
@Dhemz..........opo..malaki ang naitulong para ang mga nakaklase ko rin sa hayskul ay makita uli sa facebook na minsan kung reunion lang sa high school nakikita..kahit ang iba na hindi ko nakikita mula ng maggraduate kami ay nakita ko din sa facebook.....kung hindi dahil sa facebook hindi ko siya makikita uli..kahit picture na lang ay ayos na rin iyon..
@Jag...........correct ka..dahil nakaraan na lang ang magagawa na lang ay isipin ang nagdaan..nakakalungkot nga lang din kasi ang mga iyon ay alaala na lang..
@Bambie dear.............wala na pong chance.....ang lahat sa pagiging magkaibigan na lamang..
@Teras Info.............okey..
@jhengpot............ikinagagalak ko kung mangyari iyon..i hope makagawa ka na ng banda..salamat naman..welcome ako anytime magbigay sa iyo ng mga kanta na ikaw ang aawit..napakadami kong love song na naisulat..di ko puwede ipost sa blog,hehe..
ang ganda nga niya.. try mo ligawan lol :P
Hi, Arvs!
Just dropping by to say thank you for the visit.
Happy Friday.
She's pretty! Taken na ba? Buti naman at natagpuan mo sya sa FB.
@Silvergirl...............talagang maganda siya..hindi na po puwede now..bawal na..
@eden...............thank you also for visiting again in my blog..
@anney..............pretty po siya..opo may asawa na po siya ngayon..kung hindi sa facebook hindi ko uli siya makikita..ang laki talaga ng naitutulong ng facebook sa mga tao..
galing naman ng memory mo, siguro crush mo siya arvin kasi you still remember her at you serch pa talaga sa FB ahh.
Post a Comment