Sa sinulat kong ito dito ay malaman niyo na si Ferdinand E. Marcos ay hindi masama na naging pangulo ng Pilipinas. Mahal siya ng napakaraming Pilipino. Pagkatapos niyo itong basahin lahat-lahat kasama na ang naka scan na newspaper clip ay umaasa ako na kung may pagkamuhi man kayo sa kanya ay dapat mawala na iyon sa inyong sarili. Dahil kung patuloy niyo siyang kamumuhian ay patuloy niyo rin lang niloloko ang inyong sarili.
Mula sa mga nakakausap ko na tao tungkol kay Marcos at sa mga nababasa sa pahayagan ay naisulat ko ito.
EDSA
Ni: Arvin U. de la Peña
Napapatawa ako kapag nakikita ko sa tv na binibigyan ng selebrasyon ang Edsa 1. Gayong noong panahon ni Marcos ang mga bilihin ay mura. Sabi ng nakausap ko nakaabot daw siya sa panahon ni Marcos na ang isang piso ay puwede ka ng makabili ng dalawa o kaya tatlong bote ng san miguel beer. Ang gasolina rin daw kapag may 50 centavos ka ay puwede ka ng makabili. At ang tinapay din daw noon kung may 10 centavos ka ay makakabili ka na. Kung may sampung piso ka noon ay malaki na ang halaga. Maaari ka ng makabili ng bigas at kung ano pa. Pero sa ngayon ano na lang ang halaga ng sampung piso?
Sa pag celebrate ng Edsa 1 ibig pa lang sabihin hindi dapat na magreklamo ang mga mamamayan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kasi nagcecelebrate sila. Pero bakit halos lahat ng pinoy nagrereklamo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sadya bang plastik ang karamihan na mga Pilipino.
Noong mawala na sa poder si Marcos ay unti-unti ng nagmahal ang mga bilihin. Nawalan ng kontrol ang gobyerno para mapanatiling mura ang mga bilihin. Si Marcos hindi niya iyon hinayaan na magmahal ang binibili ng mga tao. Dahil mahal niya ang mga Pilipino. Gusto niya na abot kaya ng tao ang binibili. Natuwa ang mga negosyante kasi nagagawa na nila ang nais nilang presyo ng walang kumukontra.
Sabihin na natin na corrupt si Marcos. Pero kahit corrupt siya sagana naman ang mahihirap. Masagana ang kanilang pamumuhay. Pero ngayon na wala na siya. Napakarami ng corrupt. Nawalan ng disiplina ang ibang mga tao. Nangurakot sila sa kanilang trabaho. Sa panahon ni Marcos marami ang takot na gumawa ng kalokohan dahil tiyak may paglalagyan siya. Ang mga mayayaman lang naman ang galit kay Marcos.
Sa Edsa 1 nakamit nga ang kalayaan. Pero malaya ba tayo ngayon? Ngayon ay nakakulong tayo sa kahirapan. Noong panahon ni Marcos ay nagsusuplay tayo ng bigas sa karatig na bansa. Ngunit ngayon ay hindi na. Umaangkat na tayo ng bigas sa ibang bansa. Baliktad na ang pangyayari. Ang sabi pa nga noong panahon ni Marcos ay pumapangalawa tayo sa Japan na maunlad na bansa sa Asya. Pero ngayon ay hindi na. Pangalawa na tayo mula sa hulihan.
Kung may patayan man sa panahon ni Marcos ay ganun din naman ngayon. Masyado pa nga yatang malala ang ngayon. Ilan na bang bomba ang pinasabog, ilan na bang mamamahayag ang pinaslang ng mawala si Marcos. Madami na, hindi na mabilang. Naglipana na ang mga drug lord ng mawala si Marcos. Dumami na ang mga nagtutulak ng droga. Na noong panahon ni Marcos hindi masyado makaporma ang mga iyon. Takot ang mga kriminal at pusakal na tao sa panahon ni Marcos. Dumami na ang mga mamamatay tao dahil wala na ang Marcos na kanilang kinasisindakan. Higit sa lahat dumami ang mga magnanakaw.
Kung marami ngang nautang si Marcos ang mga sumunod sa kanya ay nangutang din naman. Hindi lang si Marcos ang nangutang kaya hindi dapat isisi kay Marcos kung malaki man ang pagkakautang ng ating bansa sa ngayon. Dahil bawat nag prepresidente ay nangungutang.
Ang bumabatikos kay Marcos ay hindi tinitingnan ang mabuti niyang nagawa sa bayan. Puro kasamaan lang ang tinitingnan. Iyon ang iminumulat sa mga tao na musmos pa lamang. Hanggang sa pagturo sa mga paaralan ay ganun din na si Marcos ay hindi mabuti na naging pangulo ng bansa. Kung may ginawa man si Marcos na masama sa tao ay iyon ay para disiplinahin lang. Gusto niya na ang tao ay may disiplina sa sarili. Dahil katuwiran niya " ang bansa ay magiging maunlad kung ang mga tao na naninirahan ay may disiplina."
Nang hindi na si Marcos maging pangulo ay nawalan ng disiplina sa sarili ang karamihan na mga tao. Dahil may kalayaan na ay malaya na ang iba na mangurakot, malaya ng pumatay, malaya na ang iba na gumawa ng kasamaan. Iyon ay dahil wala na silang kinatatakutan. Oo nga ay may batas. Ngunit ang batas ay para lang sa may pera. Kapag mahirap ang isang tao ay mailap na makamtan ang hustisya. May mga nakakulong na pinagbintangan lang. Hindi niya maipagtanggol ang sarili dahil walang abogado na makuha dahil walang pambayad. Pero kung mayaman ang isang tao kahit pa siya ang may kasalanan ay maaari siyang maabsuwelto. Lalo na ngayon an uso ang lagayan. Ang humahatol ay puwede na masuhulan para hindi madiin ang isang tao.
Tungkol naman sa mga sapatos ni Madam Imelda Marcos ang mga iyon siguro ay binili niya o kaya ang iba ay regalo. Hindi naman iyon ninakaw. Pero ngayon na panahon ang ibang mga tao na nasa gobyerno o kaya nagsilbi sa gobyerno ay marami ang bahay at pera na kaduda-duda. Alin ang mas malala doon. Hindi ba ang may maraming bahay at pera na kaduda-duda na kung pagbabatayan lang ang sahod bawat buwan ay hindi iyon makakamit.
Nabasa ko nga sa pahayagan na ng mawala si Marcos sa malakanyang ang mayaman ay lalong yumaman. Ang mahirap ay lalong naghirap. Kung may mahirap man na yumaman o nagkapera ay nakuha ang pera mula sa pagtrabaho sa ibang bansa. Hindi dito sa bansang Pilipinas.
Kung noong panahon ni Marcos ay may mga rebelde ganun din naman sa ngayon. Lalo pa ngang dumami ang mga rebelde. Hindi maganda na isisi ng mga rebelde sa administrasyon ni Marcos ang ginawa nila na magrebelde. Ang dapat sisihin ng mga rebelde kung bakit sila nagrebelde ay ang kanilang sarili dahil kulang sila sa disiplina. Hindi sila nakiisa sa hangarin ni Marcos. Naging matigas ang kanilang mga ulo. Kaya ayun dumami tuloy ang mga rebelde.
Sa mga sumali sa Edsa 1 ang kawawa ang mga ordinaryong mamamayan. Kasi unti-unti nalugmok sila sa kahirapan. Pero ang mga nagpasimuno ay hindi siguro naghirap. Ang iba ay nagkaroon pa ng ambisyon sa politika at ito naman ay nanalo. Siyempre sa politika may pera. Mahirap pumasok sa politika kung walang pera ang tao dahil mahihirapan na manalo.
Sila na taumbayan na sumali sa Edsa 1 sa palagay ko ang nagpahirap sa ating bansa. Dahil sa kanila nagmahalan ang lahat ng bilihin. Silang sumali sa Edsa 1 siguro hindi aabot ng 2 milyon na tao. Pero ang apektado sa ginawa nila noong Edsa 1 ay kung ilang populasyon tayo mayroon ngayon. Siguro ngayon ay umaabot na ang populasyon ng ating bansa sa 90 milyon. Pati hindi pa isinisilang ay damay sa taumbayan na sumali sa Edsa 1. Kung wala ang taumbayan sa Edsa 1 ay hindi magiging matagumpay ang hangarin na mapatalsik si Marcos. Dahil sa kanila ay puro reklamo ngayon ang karamihan na mga Pilipino dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung alam lang siguro ng mga taumbayan na sumali sa Edsa 1 ang kahihinatnan ng bansa kung mawala na si Marcos nakatitiyak ako na hindi sila sasali doon sa Edsa 1.
Madre at Pari saan na sila ngayon. Ang mga madre ay maayos ang buhay nila. Lalo na ang mga pari. Hindi sila katulad ng mga taumbayan na ngayon puro angal sa buhay. May nabalita na ba kayo na may madre at pari na nagugutom. Wala naman di ba.
Tungkol naman sa martial law ang umabuso ay ang ibang mga alagad ng batas. Masyadong umabuso ang ibang mga alagad ng batas na lingid sa kaalaman ni Marcos. Hindi naman siya nag-utos na abusuhin ang mga mamamayan. Kung ngayon nga na panahon may mga alagad ng batas na umaabuso sa kapangyarihan. Noon pa kayang may martial law. Kalokohan.
Sa isang column sa newspaper ay may tanong para sa mga mamamayan sa pamamagitan ng pagtext. Ang tanong ay ito, Aling gobyerno ang may pinakamaganda; ang kay Marcos, kay Cory, kay Ramos, kay Erap, kay Gloria, o kay P-Noy ngayon?
Alam niyo ba 98% ng mga nagtext ay pabor sa gobyernong Marcos. Sa 300 po na nagtext sa kolumnista ay 298 po ang pabor kay Marcos. Ang isa kay Cory at ang isa kay Erap. Narito ang tatlo na isulat ko na lang sa blog sa napakaraming text na pinablish sa diaryo ng kolumnista na makita at mabasa din sa newspaper clip na gusto nila ang administrasyon ni Marcos. Ang kolumnista po ay officer ng AFIMA at siya ang director ng National Press Club.
-------Sa aking palagay mas maganda ang gobyerno ni dating Pangulong Marcos. Dahil ang tondo, gumanda sa mag-asawang Marcos lalo na yung Pier. Ang mga sumunod na mga gobyerno ay walang kuwenta. Dahil ang mga sumunod na pangulo ay mga plastik. Naaalala lang kaming taga-tondo pag eleksiyon. E ang mag-asawang Marcos kahit 'di halalan talagang laging nasa Tondo. Nung araw, bata pa ako, pag December nakakapasok pa kami sa Malakanyang dahil may ibinibigay na mga regalo ang mga Marcos. Siguro kung hindi hinudas si Marcos, napakaganda na ng Pilipinas ngayon. Mga mayayaman lang naman ang may problema kay Marcos, pero kaming mga mahihirap sagana kay Marcos. Bata pa ako nun pero nakita ko na ang matinding malasakit ni Marcos sa mahihirap. The best ang pangulong Ferdinand Marcos para sa akin. --09234753...
-----Joey, sa palagay ko, mas mainam ang government ni Marcos kaysa mga sumunod na presidente. Kasi walang nakagawa ng panungkulan ng katulad ng kay Marcos. Halimbawa na lang ang mga sumusunod an ginawa ni Marcos: Kontrolado nya ang mga presyo ng bilihin, mga kriminalidad, may takot ang mga sibilyan na gumawa ng masama at natutulungan ang maraming magsasaka.
Ang masakit lang, nangyari lahat sa kanyang panunungkulan sa ilalim ng batas militar. Pero ang 'di alam ng lahat ay para mapabuti tayong mga pinoy. --09103696...
-----Mas maayos pa noong panahon ni Marcos, kasi ang mga dukha isang kahig, isang tuka. Pagkaalis ni Marcos ang mga dukha ngayon tatlong kahig na wala pang matuka. Paano matuka ng dukha e kinakain agad ng mga buwaya. Dati ang buwaya lang ang nasa kalsada. Ngayon pati pating at piranha nasa kalsada na rin. Elcarte JC ng Ozamiz City
(click niyo ang naka scan ng lumaki at ng mabasa niyo ang mga text na 98% pabor sa panunungkulan ng dating pangulong Ferdinand E. Marcos. Para din malaman niyo kung sinong kolumnista ang tinutukoy ko. Pag mag click na kayo ay ulitin uli pag click para lalong lumaki ang mga letra. February 27 at 28 po ito na isyu ng isang pahayagan para sa column na iyan. Ginupit ko at pinagdugtong sa pagpa scan.)
Thursday, March 3, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
51 comments:
Sana makumbinsi mo ang milyong-milyong kababayan natin na baluktot ang pananaw sa kasaysayan..ehehhe..,
napakalawak ng pilipinas, tinatayang 92,226,600 milyong katao ang naka rehistro sa census,kung ikukumpara naman sa 300 daang texter lang.. sa Jolo Sulu lang 87,998 na ang nakarehistro sa census as of the year 2000... kung iyong hihingin ang kanilang opinyon... isang oras lang ang kakailanganin mo para makakuha ka ng 1000 tao na magsasabi na mainam nang nawala sa pwesto ang iyong idolo... dahil sigurado.. walang taga jolo ang magsasabi na gusto nila si marcos o kahit na sinong pangulo...(ewan ko nalang kung naging pangulo si FPJ.. malamang siya lang nag kikilalanin ng taga Jolo Sulo)...
malawak ang Pilipinas... at makasaysayan... ito ang gusto ko sa pagiging pinoy...
pero pananaw mo yan.. wala na akong magagawa... wala namang nagpipilit sa iyo na mahalin ang kasaysayan ng EDSA... ehehhehe...
pero inpyerness... napagod ako sa kakabasa ng article mo... haba kasi eh... eheheheh...
I agree with you arvin, but people are just so good on blaming their miserabling buhay sa mga tao, lalo na kay marcos. dami pa nga natulong si marcos sa ating bansa kompara sa mga bagong pangulo na puro dakdak at kurakot
infairnes naliwanagan ako dun ng todo todo.. hay... pakiramdam ko din lahat ng naging presidente natin mga plastik. wala lang. mukhang tanga lang. hay :( ang lungkot ng nangyayari sa bansa natin...
Hello Arvin, I am so proud to say I am a Marcos baby, hehe. Dahil naipanganak ako 1966 nagsimula si Marcos bilang Presidente at 1986 siya na wala tukmang nag 20 years old ako. Ewan ko kung ano ang masasabi ni Mel dito, pero I can't compare Marcos sa lahat nang naging presidente natin sa Pilipinas ngayon. Marcos is a very brilliant President, at tama ang mga taong nakausap mo, talagang ang mura nang mga bilihin noon, mantakin mo ang $1 noon ay 7 pesos lang?
Kaya lang dahil nga nag 20 years siya naging Presidente yung mga crony niya eh kung umasta parang Presidente na rin pati ang asawa nya. Doon nag simula ang down fall niya. At later years nag kakasakit na din siya at may time pa noon na di mo mawari kung sino na ba ang Pangulo natin noon ang wife or ang Pangulo or ang mga crony. At ang dami nang mga ginawa nang mga crony na hinde kaayaaya na talaga namang mag REFLECT sa presidente kasi siya ang Presidente and we expect na alam niya lahat ang mga ginawa nang mga tauhan niya.
We even don't know kung ilang years si Marcos nag kasakit kasi ang galing ni Imelda at ang mga crony nila na mag tago nang kalagayan niya. Minsan tataba si Marcos minsan pumayat yun pala may Lupos na siya.
Alam mo bang naiyak ako nung talagang nalaman namin na nagkasakit siya dahil alam nang mga tao na wala na siyang voice sa mga nakapaligid sa kanya. At doon nagsimulang nagka labuan na lahat.
Kaya hanggang ngayon pag may manglait kay Marcos nasasaktan ako pero never na binubuto ko siya dahil first kong pagbuto si Cory na yun, people power na yun. Pero I know Marcos is a very brilliant President. Ito lang masasabi ko "In every success or failure of a man there is always a woman behind" !! O diba malalim na kasabihan yun hehe!
Manang Kim
siguro sapanahon noon.ndi nila iniisip yan ganyan,kasi namamayani ang takot sa kanila noon,takot sila sumuway dahil takot sila mamatay...
at sa pagsasatupad ng people power ay ndi nagatubili ang sambayanang pilipino na makisapi dito..dahil iyon na ang paraan ng para ndi sila mamuhay sa takot...
masaklap lang na nagyari,sa pagkakaroon ng ganap na kalayaan natin sa pagkaalpas sa pamunuang marcos ang paglagapak at simulang pagbagsak ng knyang sinimulan n magagnda na ndi nadugtungan ng sumunod na nanungkulan...
at sa tuluyang paglagapak ng pinas...
pero kanya-kanya paring pananaw at kuro kuro...
magandang umaga sir arvin!
magaling ka!
napaisip ako dito kapatid. kumbensido akong magaling si marcos kaysa ni cory. nung panahon kasi ni cory sabi ng lolo ko, panay brownout dito sa iloilo. anak ng titing yang yellow team!
Nagumpisa lahat nang paghihirap natin nuong regimeng Marcos. Tutuo, tumaas ang bilihin mula nung mawala si Marcos pero mangyayari yun maski sino pa ang maging presidente nang Pilipinas dahil sa epekto nang pagkabaon sa utang nang Pilipinas at pagbagsak nang ekonomiya nung bago mapatalsik si Marcos at mapatay si Ninoy.
Ito ang naging legacy ni Marcos sa bansang Pilipinas:
1. Ang multi billion Bataan Nuclear powered plant na ni hindi natin napakinabangan ngunit iginiit ni Marcos dahil sa bribes;
2. Libo libong nawala, napatay at nagdusa nung Martial Law. Hindi naman hunghang ang korte sa America para iaward ang compensation sa Human Rights victims from the money of the Marcoses;
3. Nagumpisa ang capital flight nuong dekadang 80 pagkatapos mapatay si Ninoy. Duon din nagumpisang maging katulong ang mga Pinay sa ibang bansa;
4. Ang mga namatay at tinabunan nang buhay sa Film Center nang ito ay gumuho para lamang umabot sa deadline nang opening nang Manila International Film Festival ni Imelda;
5. Ang pagkubkob ni Marcos sa mga pribadong ariarian nang mga negosyante nuon, katulad nang SMC, mga ariarian nang mga Lopez katulad nang Meralco at ABS CBN, ariarian nang mga Jacinto, ang pagkuha sa channels 4, 9 at 13; ang monopolya sa coconut (hinawakan ni Danding Cojuangco) at asukal (hinawakan nang mga Benedicto na siya ring humawak nang channel 9 at Daily Express),pagpapasara sa mga diyaryo at publikasyon katulad nang Manila Times at Philippine Free Press, ang pagkontrol sa importasyon nang kotse na namonopolya nang Japanese firms na Toyota, Mitsubishi at Isuzu kung saan nawala ang mga American at European cars dahil sa malaking kickbacks nina Marcos. Kinontrol ni Marcos nuon ang halos lahat nnag industriya at korporasyon sa Pilipinas katulad nang PAL, nuon lumakas ang NPA at MNLF dahil sa korapsyin at abuso nnag mga Marcos na kailangan pang hingin ni Imelda ang suporta ni Kadafi nang Libya par hindi mahiwalay ang Mindanao sa Piliinas.
Ano pa't lahat nang pagkakakitaang industriya ay dinutdot nang gahamang kamay nina Marcos at cronies nila. Walang kalayaan nuon. Kapag nagsalita ka laban sa regimeng Marcos ay kalaboso ka at baka mawala ka na lamang. Lukuhan lang ang eleksiyon nuong panahon ni Marcos kaya mas pinili nang nakararami na iboycott na lamang ang mga eleksyon. Kontrolado nila ang paglabas at pagpasok nang mga Pinoy sa bansa. Para makalimutan nang mga tao ang kahirapan nang buhay ay nagpapalabas sila nang mga malalaswang palabas na experimental daw. Habang naghihirap at namamatay sa gutom ang mga magsasaka sa Negros at Iloilo dahil sa pagbagsak nang industriya nang asukal ay hayon at nagje jet set si Imelda at pinapasara ang mga department stores sa America habang siya'y namimii o nagdidisko kaya. Ang lahat nang paghihirap natin ngayon ay nag ugat nuong regimeng Marcos. Ang culture of corruption na isinusuka natin ngayon ay nag ugat nuong panahong Marcos. Ang nakikita natin ay ang mga kaganapan after Marcos pero ang hindi natin nakikita ay yung paghihirap at kawalang kalayaan nung Martial Law. At least ngayon may kalayaan yayo ng magpalit nang regimen samantalang nung panahon ni Marcos ay magkikimkim ka na lamang nang sama nang loob dahil wala kang karapatang ibulalas ito. Siuportahan natin si Pres. Noy sa kanyang krusada sa amatguwid na landas at ibaon na natin sa limot ang bangungut nang regimeng Marcos. Ito ay hindi opinyon na nakalap lamang sa ibang tao. Ito ay naramdaman ko nuong regimeng Marcos. Salamat sa kontroversiyal na lathalain. God bless you always.
tanong ni Jessica Soho kay BongBong:
mahirap ba mging Marcos (twing EDSA day)?
kung ikas si bongbong, ano isasagot mo? =)
baby p ako noon kaya wla akong muwang s mga bagay n ito.. ang alam ko lng nkkbili ako ng 3 pcs of bubble gum for 5 cents.. biruin mo ang mura lng.. pero sbi ng tatay ko mas gusto nya c Pres. Marcos dahil s mgnda nyang pamamalakad s ating bansa.
nalula ako sa haba ng entry.
masyadong kontrbersyal ang paksang ito, masyadong sensitibo. Ano mang opinyon ay maaring tama at maaring mali.
Sa aking opinyon, maituturing na maganda ang pamumuno ng marcos noon, batay sa iyong nabanggit, kahanga hanga ang kanyang nagawa. Pero sya ang ating nakikita, ang ekonomiya ng bansa ang sinasabi. Ang mamamayan, ang mamuhay sa takot ay daig pa ang mataas ng bilihin. Ang walang kalayaan ihayag ang iyong damdamin, ang nais mong mapakainggan ang iyong panawagan ay isang krimen. Kawawa ang iyong maiiwan.
Kung sakaling panahon pa ni marcos ngayon.. nananatili ang diktadurya. Mapanatili kaya ang mababang bilihin? Kung sakaling kontrolado ng pamahalaan noon ang presyo ng bawat bilihin.. iyon ay dito sa atin.. pero umaangkat tayo ng langis na syang pangunahing kailangan ng naglalakihang establisemyento sa bansa. Apektado nyan ang produksyon. IYan ang unang dahilan ng pagtaas na bilihin. Naisip ko, kung sakali.. baka masahol pa sa LIBYA ang kaguluhang nagaganap dito sa atin ngayon.
naku, masyadong maselan talaga ang isyung ganito. Sa mga opinyon natin, walang mali.. syempre.
Magandang araw sayo parekoy.. magand itong iyong lathalain.. :)
NICE TO BE HERE AGAIN, kaibigan =)
i wonder why it reflects i am a spammer whenever i post in your tag board?! i am most definitely not!
anyways...see my other blog with new post bad breath what do u think?
as for your post...I AM GLAD WE ARE FREE OF MARCOS...but then we are not of the successors that are just as selfish. still, I AM PROUD OF BEING A FILIPINO because in other countries, if you have seen the news, they fire at will to whoever does goes against them. people still have conscience here...people still believe in God.
God bless Philippines na lang...*sighs*
ang haba ng entry mo grabi.. hehe! may point ka din kaibigan.. evryone is entitled to their own opinion..
masasabi ko lang.. mabuhay ang pilipinas! atin ito lahat kaya mahalin natin.. :)
hayz, arvin, nosebleed nman ako d2^_^. last week lang may assignment ang anak kong 1st year HS. sino daw ang sa tingin ay may pinakamagandang nagawa bilang presidente natin? hindi nman ako nhirapan sa aking sagot sapagkat ang tinuran ko ay..."WALA"...e bakit nga dw b kz pinagaaralan pa ang mga taong wala nmang mgandang nagawa sa bansa? mas nhirapan akong sagutin iyon ^_^
maraming naiambag ang marcos sa pilipinas..kso mas nakikita ng tao ang masamang image nila...
@musingan..............nasa kanila na lang iyon kung sasang ayon sila sa akin.....pero kung kanilang tatanungin mga tao na nakaabot kay marcos karamihan ay pabor sa pamumuno niya ang isasagot..kahit ganun din ang gawin sa Jolo Sulu ganun din ang isasagot siguro mas gusto nila ang panahon ni Marcos..subukan mo magpatanong doon..tiyak nagsisisi na ang mga taga jolo sulu kung may galit man sila kay Marcos..papadami pa ng papadami ang populasyon at sila na madadagdag ay apektado pa rin ng nagawang pag taas ng mga bilihin..
@Mama Ko.........salamat sa pag agree mo sa sinulat kong ito.....tama ka diyan..tingnan na lang ang nangyari kay Erap..hindi natapos ang termino dahil pinatalsik..
@Kamila...........siguro nga..kasi nakamit na ang mataas na posisyon kaya puwede ng magpakitang tao lang..pero as I said the best pa rin si Marcos..magulo na talaga sa bansa..kahit sa iba naman yata..nakaka inis na nga manood ng news......puro ganun na lang na mga balita..
@JBar..........thank you..
@Kim, USA............si Marcos ang pinakamatalino na naging presidente ng ating bansa..wala ng tatalino pa sa kanya..mautak talaga siya..iyon din ang nabalitaan ko..madaming tao na malapit kay Marcos ang umabuso sa kapangyarihan..pero ok lang naman iyon basta ba ang mamamayan ay sagana naman at hindi naghihirap..kumpara sa ngayon nga madami nga ang nasa may kapangyarihan pero ang mga mamamayan ay halos puro na lang reklamo sa gobyerno..ang nagplano para siya pabagsakin ay siguro inggit lang sa tinatamasa niyang kapangyirahan..
@Jay RuLEZ..............noon ang dapat sumunod lang naman sa gusto..huwag sumuway..hindi naman iyon mag uutos na tumalon sa tulay..hindi naman iyon mag uutos na tumalon sa buildin..bakit naman matatakot kung wala kang ginagawa na masaman..kung may ginawa kang masama sa panahon ni Marcos ay doon dapat kang matakot..ang ganyan na sinasabi mo dito sa aming lugar hindi naman iyan ng nangyari na matakot ang tao..dapat sumunod lang para walang problema..ngayon din naman marami ang takot na tao dahil baka magawan sila ng masama ng ibang tao..tama ka diyan..bumagsak ng unti unti ang ekonomiya ng bansa ng mawala na sa poder si Marcos..kung nanatili siya siguro hindi mangyayari ang ganun..kung mag umento man ay kaunti lang..abot kaya pa rin ng mga mamamayan..
@Omel...........sa anong dahilan naman laging brownout diyan..baka naman dahil sa mga rebelde kaya ganun na lang ang nangyari..pinasasabog ang mga poste ng kuryente..
@Mel Avila Alarilla............salamat sa mga sinabi mo dito..ang mahalaga naman sa lahat ay kung ano ang buhay ng mga mamamayan sa panahon ni Marcos..noon napakadami ang hindi naghihirap..ang mga taong nagpabagsak sa kanya ay inggit lang sila sa kalayaan na tinatamasa ni Marcos at ng iba pa niyang malapit sa buhay..gusto ng mga tao na mawala sa poder si Marcos para sila naman ang may kalayaan na gumawa ng kung anuman..kung ang tao ay sumusunod sa gusto niya ay hindi naman siya maaano....kinuha niya ang ari arian na iyon para siya ang mag control.....tutal para rin naman sa mamamayan ang gagawin niya..ngayon malaya na nga tayo sa kamay ni Marcos pero anong buhay mayroon dito sa Pilipinas..kahit naman sino na tao ay magagalit kung may magsusulat ng masama laban sa kanya..noon ay malaya ka naman magsulat ng kung ano pero huwag lang kontra sa mga Marcos..kahit nagpapalit ng liderato ganun pa rin naman..may mga dayaan pa rin naman sa halalan.may mga vote buying pa rin naman..may mga panloloko pa rin naman kung halalan..biruin mo si FPJ na zero sa Maguindanao..imposible iyon na mangyari kasi mahal siya ng mga taga Mindanao..dinaya siya..iyon ba ang maganda na ang tao ay may kalayaan na..dahil may kalayaan na ay puwede ng mandaya ang mga tao na maimpluwensya..
@Chyng..............ang isasagot ko ay ito...." masakit kasi tuwing edsa anniversary ang masamang imahe ng aking ama ang nasa isip ng karamihan na tao..lalo na iyong isinilang na hindi nakaabot sa panunungkulan niya....kasi sila na isinilang sabihin na natin lampas ng 1987 ang namulat na sa isipan nila ang di maganda sa aking ama..hindi nila alam malaki ang nagawang kabutihan ng aking ama para sa mga mamamayan.....ang mga taong nagpabagsak sa aking ama ay para naman sila ang maghangad ng kapangyarihan.."
@Nene............mura pa nga noon..ngayon ang 5 cents mo wala na yatang mabibili..ang bubble gum ngayon 50 centavos na yata o kaya piso..tama ang tatay mo..maganda nga ang pamamalakad ni Marcos para sa bansang Pilipinas..
@ISTAMBAY..............ito na po ang pinakamahaba kong post....tama ka..dahil walang perpekto para sa lahat..anuman ang sabihin ay mayroon talagang hindi sang ayon at mayroon naman sang ayon..ang mga taong takot noon na panahon ni Marcos ay iyon ang mga tao na gusto na gumawa ng masama pero hindi magawa..ngayon na malaya ng makagawa ng masama kaya ayun ginagawa nila ang gusto nila na perwisyo lang sa bayan..umaangkat nga tayo para sa mga produkto..pero nakakasiguro ka ba na walang patong na malaki para sa presyo.......makokontrol pa rin iyon ni Marcos..kung tumaas man ay hindi malaki...except sa langis ang iba na mga bilihin ay mapapanatili na mababa ang presyo kasi nasa ating bansa ang paggawa..
@JENIE..........di ko alam paano nangyari iyon..tiningnan ko ang tagboard ko at naka spam ka nga..pero click ko ang naka spam para mawala tapos update..siguro now hindi ka na naka spam..try mo na lang mag message uli..napakadami po naka spam sa tagboard ko..wala naman ako ginagawa sa tagboard ko..be proud pa rin bilang pilipino saan man tayo marating..
@Jag.................ok.....anyway kahit ganun ang nangyari ay madami pa rin ang naipagmamalaki ang ating bansa para sa ibang bansa..
@mommy-razz...............mahaba nga..hindi ko ito isusulat kong wala akong point sa mga nasabi ko dito..kasi napakadami kong natanungan ay pabor sila sa panahon ni Marcos kasi mura daw ang mga bilihin..siguro ang hindi pabor sa pamumuno ni Marcos ay iyong mga tao lang na may nais na gawin na hindi maganda at hindi magawa gawa dahil nandiyan si Marcos na hahadlang..
@promdi...........now na nabasa mo na ang sinulat kong ito ay sabihin mo sa anak mo na si Marcos ang may pinakamagandang nagawa sa ating bansa..
@cLai.............iyon ang hindi maganda..ang negative side lang ang minumulat ng mga tao kay Marcos..ang positive side ay hindi..Kahit sa tv napapansin ko na ganun din..
@Arvin: sensya kana pare, pero sa tingin ko kung magtatanong tanong ako.. hindi ako magsisisi, dahil ang alam ko, ayaw nila kay Marcos? pano ko nalaman? dahil taga Jolo Sulu ang tatay at nanay ko!!! eheheheh...
Tama si MEL Avila, nagsimula ang paghihirap ng philipinas noong panahon ni marcos, ehhehe... kahit sino naman ang tatanungin natin yundin ang isasagot, bilang patunay, my selebration tayo ng EDSA...
huwag din po nating kalimutan na maraming buhay na naghirap... inabutan ko ang Martial Law.. ni isang bigas wala kaming pambili... sobrang hirap ng Zamboanga Noon... walang suporta sa pamahalaan...
tunay nga mura ang bilihin noon, pero siya rin ang naging dahilan ng pagbagsak nito...
uu hindi siya ang gumawa ng kaguluhan... pero siya ang pinagmulan at dahilan... walang maniniwala kung sasabihin nating hindi alam ni marcos ang mga nangyayaring kaguluhan?
hindi kong sinabing mali ka sa pananaw... pananaw mu yan... kahit kailan walang makakapagpabago niyan....
ang sa akin lang... napagod ako sa pagbasa ng blog mo... sobrang haba pare.... eheheheh...
I agree with what others said, ang haba ng post na ito. College ako noon ng naganap ang EDSA. Tuwing tuwa pa kami kasi na postponed ang test namin...hehehe (I think that was about 3 days na walang klase.
Salamat sa dalaw at mga comments. Have a great weekend.
Hmmmm...nasa kabilang panig ako boss Arvs. :-D
Ako sa tingin ko, ang pagkilos ng mga tao noong unang People Power ay isang pagkilos ng mga taong pagod na rin sa pamunuan ni Marcos.
Laganap na kasi ang pang-aabuso noong panahon niya. Marami rin ang nag take advantage kay Marcos at nagpasasa sa kapangyarihan at pera. Maraming tao ang pumunta sa EDSA kahit malaki ang posibilidad na barilin sila ng mga sundalo at sagasaan sila ng mga tangke.
Hindi ko alam ang kalagayan ng panahon ni Marcos dahil isinilang ako pagkatapos ng EDSA 1. Pero masasabi ko na ang pagkilos na iyon ng mga tao ay may ibig sabihin at ang ibig sabihin noon ay hindi sila pabor sa mga nangyayari sa pamunuan ni Marcos.
Ang dasal ng mga tao noon ay pinakinggan ng Diyos. Ang nangyari nga lang ay sinamantala naman iyon ng kabilang grupo ng mga politiko at mga elite at sila ang pumalit sa grupo ni Marcos. Kaya heto tayo, lagpak ang Pilipinas at maraming problema.
Nangyari ang EDSA1 at tapos bigla na lang nawala ang mga tao dahil bigla na lang umasa ang mga tao kay Cory at sa pumalit na pamunuan imbes na patuloy na kumilos at iparamdam sa gobyerno ni Cory at sa mga bagong lider na lagi silang nagmamatyag.
Ang Pinoy noon ay para natulog na lang pagkatapos ng EDSA 1.
Goodluck to our country :)
kuya, grabe ang cool mo talaga XD
@musingan................ganun ba..dito sa leyte hindi naman ramdam ang bagsik ng martial law o kaya ni Marcos.....sa mga lugar ang siguro na ayaw ng pamumuno niya nagkakaganun kaya ayun militar ang kalaban..sumuway sa gusto kaya gumaganti..
para sa akin ng mawala si Marcos doon unti unti ng naghirap ang mga pilipino..sino ba ang namumuno sa pag celebrate ng Edsa..hindi ba iyong mga tao na ninais patalsikin si Marcos para sila naman ang magkaroon ng kapangyarihan sa gobyerno..ninais nila na ang kalayaan ay marami ang makinabang..kaya ayun ito ang napala ng ating bansa ngayon..
ganun din naman ngayon..may mga lugar na walang suporta ng gobyerno kahit na naghihirap ang bayan..
madami pong hindi alam si Marcos na pinaggagawa ng mga tauhan niya..lalo na iyong mga alagad ng batas..dahil nasa kamay nila ang batas kaya ganun nalang kung gumawa..
naiintindihan ko ang saloobin mo..walang anuman iyon sa akin..
@eden..................ito na nga ang pinakamahaba kong post..may agree at disagree dito sa sinulat ko..alam ko naman na mangyayari iyon kasi may anti marcos at pro marcos..ganun ba.....nakakasaya nga kapag bigla hindi magkakaroon ng klase..walang anuman iyon..
@Ishmael Fischer Ahab.......nauunawaan ko ikaw..tama ka na ang pumalit kay Marcos ay gusto na sila naman ang maghari sa ating bansa..pati na ang mga tao na dahilan para si Marcos mapatalsik ay pumasok din sila sa politika at nagtagumpay naman..ayaw nila kay Marcos dahil siya lang ang nakikinabang..gusto nila ng mga nagpatalsik ay marami ang makinabang..pero ano ang kinalabasan ng ating bansa..bumagsak dahil unti unti nagtaasan na ang mga bilihin......palagay ko din may nag udyok sa mga taumbayan para makiisa sa hangarin na mapatalsik si Marcos..
@CHEEN...........umaasa pa rin ako na may magandang patutunguhan itong bansa natin sa ngayon na iba na ang namumuno..unti unti ng naglalabasan ang mga katiwalian na nangyari sa nakaraang administrasyon..sana maging matagumpay ang hangarin na maparusahan ang mga taong nangurakot..
base sa mga nabasa kong libro tungkol sa mga Marcos, tutuong naging mabuti siyang pangulo.at kung ikukumpara siya sa ibang mga presidente, eh lumalabas na mas mabuti siyang tao...
Iba iba tlga opinyon ng bawat mamayan, ano man yun we should respect that. Para sakin, Kalimutan nalang natin ang nakaraan, lets move on humanap nalang tayo ng solusyon sa mga nangyayari ngayon. Tapos na martial law, nagkaron na ng Edsa, if were complaining because we don't see any changes in our government today, lets not fret, instead lets make a difference to uplift this country:-) PEACE!
akoy nakikidalaw lang nang saglit....salamat sa bisita.
wow super haba ng entry na to Arvs, but thanks for the post.
Just dropping by here.
Everyday Blogger
@simply_kim................mabuti naman talaga siya..siniraan lang siya ng mga tao na gusto na sila naman ang maging maimpluwensya sa ating bansa..
@Yen.................mahihirapan na po ang ating bansa na harapin ang bukas dahil sa nangyari sa edsa.....masyado ng naging iba ang lahat tungkol sa bansa mula ng mapatalsik si Marcos.......
@Dhemz................salamat sa pagbisita mo uli sa blog ko..
@Umma...............yes, ito na po ang pinakamahaba kong post..may kasama pang newspaper clip para patunay ng tungkol sa mga sinulat ko dito..
hahaha...maka-marcos ka pala!
it was been written in the hearts of the filipino people kung gaano kasama si marcos; edsa 1 is a historical event in the country wherein the filipino people revolted againsts the corrupt, despotic and fascist marcos regime; he ruled the country for 22 years, he oppressed and exploited the filipino people, particularly the poor workers and farmers...
para sa akin, lahat ng naging pangulo ng pinas ay corrupt at pasista; from marcos to the present government wala silang ginawa kundi ilugmok sa kahirapan ang mamamayang pilipino; lahat sila walang pinagkaiba...
ang mga nakinabang sa edsa na yan e mga negosyante lalo sila yumaman at ang mhihirap ay naging kontraktuwal na sa trabaho kaya malimit na walng trabaho kaya nag snatch na lang sila at nagnanakaw sa banko tutal d namn sila makukulong. dahil malaya na ang lahat ng magnanakaw dahil sa edsa 1 na yan.
ang mga nakinabang sa edsa na yan e mga negosyante lalo sila yumaman at ang mhihirap ay naging kontraktuwal na sa trabaho kaya malimit na walng trabaho kaya nag snatch na lang sila at nagnanakaw sa banko tutal d namn sila makukulong. dahil malaya na ang lahat ng magnanakaw dahil sa edsa 1 na yan.
i analyze lang natin ang nangyari kung matalino ka reese na realize mo ang mga nagawa ni marcos diba ang mayayaman lang galit kay marcos dahil hindi sila makaisa sa sambayanan
Post a Comment