Wednesday, March 30, 2011

Kay Intsik at Kay Pinoy

"Maganda sana kung pinairal ng bansang China ang kasabihan na for every rule there is always an exemption."

Kay Intsik at Kay Pinoy
Ni: Arvin U. de la Peña

Chinese Government hanga ako sa batas niyo. Kasi pinapatupad niyo talaga kung ano ang batas. Kagaya ng pagbitay kay Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva at kay Elizabeth Batain. Sila ay nahulihan ng droga sa bansa niyo. At dahil nararapat ang parusang kamatayan ay ginawa niyo. Dahil doon bilib ako sa saligang batas niyo. Pero gusto ko malaman niyo na wala kayong puso. Hindi kayo naawa sa tatlong pilipino. Hindi kayo naawa para sa kanilang pamilya. Maaari naman iyon na habambuhay na pagkabilanggo na lang ang ipataw na parusa pero hindi niyo ginawa. Sila na tatlo ay puwede makatulong para mahuli ang drug syndicate na siyang nagpapadala ng droga para sa ibang mga OFW. Puwede silang mahingan ng impormasyon para mabuwag na ang sindikato na iyon. Pero hindi niyo iyon ginawa. Kung kalahi niyo ang gaganunin ay matutuwa ba kayo? Kung ang bansang Pilipinas ay may pinapatupad din na death penalty ay gagawin niyo pa rin ba ang pagbitay sa tatlong pilipino? Palagay ko baka hindi eh. Kasi ang gagawin niyo na lang ay makikipagpalitan ng preso. Ngunit dahil walang death penalty sa Pilipinas ay ginagawa niyo ang parusang kamatayan.

Chinese Government isipin niyo sana na napakaraming kalahi niyo ang sanhi ng pagkalulong ng droga ng maraming pilipino. Napakaraming kalahi niyo ang nahuhulihan ng pinagbabawal na gamot. Kung ang lahat ng iyon ay bibitayin din ay masisikmura niyo ba iyon? Maraming buhay ang nawasak dahil sa mga kalahi niyo. Pero may pilipino ba na winasak ang buhay ng isang chinese. Kung mayroon man ay konti lang. Pero ang mga kalahi niyo napakaraming pilipino ang naapi at nawalan ng direksyon dahil sa kanila, dahil sa droga kagaya ng shabu. Kung may mga nareraid na shabu laboratory ay mga kalahi niyo ang may-ari. Mga kalahi niyo Chinese Government ang nag ooperate ng shabu laboratory dito sa Pilipinas. Dahil sa mga shabu na iyon nagkaletse-letse ang buhay ng taong gumagamit. Naaapektuhan ang pamilya nila. Dahil din doon dumami ang karahasan dahil sa shabu na halos lahat talaga ay mga kalahi niyo ang nag susupply o gumagawa dito sa Pilipinas.

Chinese Government dapat pa nga kayong magpasalamat sa gobyerno ng Pilipinas dahil ang mga kalahi niyo na nahuhulihan ng droga ay kinukulong lang. Ang iba naman ay dinideport pabalik sa bansa niyo.

Philippine Government magsilbing aral sana sa inyo ang nangyari sa pagkabitay ng tatlong pilipino sa kasong drug trafficking. Paigtingin na sana ng lubos ang seguridad para walang makalabas ng bansa mula paliparan ng may dalang droga. Kung sa NAIA pa lang ay nalaman ng may droga ang maleta hindi sana mangyayari ang ganun na sila ay mabibitay sa China. Sa ating bansa lang sana nila pagdudusahan ang kasalanan.

Philippine Government ibalik niyo na sana ang death penalty lalo na para sa mga nahuhulihan ng droga. Kapag nangyari ang ganun ay tiyak madaming intsik ang mabibitay sa ating bansa. Kapag mayroon ng death penalty ay puwede din iyon para sa palitan ng isang bibitayin sa ibang lugar halimbawa na lang sa China. Huwag kayong matakot kung hindi man maging maganda ang kalabasan sa relasyon sa China. Kapag may mga binitay na intsik sa ating bansa ng dahil sa droga ay hindi naman iyon magiging dahilan para mag aklas ang mga lahing intsik dito sa ating bansa para hindi na tumira o mamuhunan. Pagkat malaking kawalan iyon sa kanila kung sakali man na hindi na sila magnegosyo dito sa ating bansa. Ultimo nga 25 centavos kapag bumili ka sa tindahan ng intsik ay sisingilin ka. Sakto talaga sila kung mag sukli. Ayaw nila na sobra kahit 10 centavos ang isusukli nila. Mas gusto pa nila na magkulang ang kanilang isukli kahit centavo. Ang mawalan pa kaya ng libu-libo o milyon-milyon dahil sa pag negosyo sa ating bansa.

Philippine Government pumasok sana sa isip niyo na ngayong panahon hindi na uso ang pagka awa para sa isang tao o kaya sa pamilya. Ipatupad ang batas na mahigpit talaga. Parusahan ang magkakasala sa batas.

61 comments:

uno said...

nakaklungkiot tlagang isipin hindi ko alam kong anu dapat ang sasabihin ko.

pero wala na atyong magagwa dahil ang pilipinas ay mahirap sa tingin nyo ba kung ang pina say isa sa piankamayaman na bansa sa mundo magagaw akaya ng china yun? hindi db

para sa china tayo ay isang bubuwit lamang walng kwenta...

Arvin U. de la Peña said...

@uno...........kung ang ating bansa ay mayaman ay nakakatiyak akong hindi iyon bibitayin..kasi matatakot sila sa atin..pero dahil mahirap lang ang ating bansa ay kaya nilang apakan..

Dhemz said...

korek...nakakalungkot talagang isipin...salamat for sharing Arvin...ang haba...ehehehe!

Akoni said...

Philippine Government ibalik niyo na sana ang death penalty lalo na para sa mga nahuhulihan ng droga. Kapag nangyari ang ganun ay tiyak madaming intsik ang mabibitay sa ating bansa.

sang-ayon ako!

Nanaybelen said...

kayang kayanin ang 'pinas kasi maliit lang ang tingin nila sa mga pilipino pero ano kaya sa tingin nila napala nila sa pagbitay ng mga tatlong pinoy? hindi naman mga ito ang mga big time drug traffikers...
djgg

☆Mama Ko☆ said...

Nakakalungkot kasi mga taong yun namatay na malayo sa kani kanilang pamilya. daming mga drug lord na intsik na namumugad sa pinas pero hindi sila binibitay.

Anonymous said...

nakakainis!

wala silang puso...
ndi marunong pakiusapan

sana lang ndi mangyari kababayan nila yung ganun...

ibalik ang death penalty!

emmanuelmateo said...

hindi ako sang ayon sa Chinese government. Wala silang karapatan pumatay ng tao..im so much affected sa nangyari sa tatlo,naaawa ako

btw, wala ka bang followers?hindi kita ma update tuloy.dko makita yung mga bago mong post!!

Anonymous said...

hayy nakakalungkot talagang isipin kaya lang wala tayong magagawa kasi batas nila yon.

Sana lang maging lesson na ito sa iba pang mga pinoy na nasa ganyang bisnis.

Umma said...

This is sad news to all Filipinos. But we cant do anything now kasi nabitay na. China is indeed one intimidator who are putting more efforts in spreading its clout all over the world.

There's a news these days that they were trying to silence those political bloggers and pro democracy journalists who were believed to be launching the "Jasmine revolution".

Eveyrday Blogger

Kamila said...

parang naiiyak naman ako dito.. di ko kase alam kung ano mga pangyayari.. pero parang ang unfair.. hay mga tsino.. badtrip sila..

Anonymous said...

sana nga ibalik ang death penalty d2 sa pinas para maubos mga taga china kasi cla gumagawa ng shabu dito sa atin..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.................nakakalungkot po talaga..kasi pati nga ireregalo para sa isang bibitayin ay hindi pinagbigyan ng chinese government na maibigay ng mga magulan....ewan ko lang kung nakokonsensya sila kapag ginagawa nila ang ganun..

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni..............salamat sa pag sang ayon mo na dapat ng maibalik ang death penalty para madami ang matakot na gumawa ng sobrang labag na sa batas..

Arvin U. de la Peña said...

@Nanaybelen..............maliit nga ang tingin ng bansang tsina sa ating bansa......kasi mahirap ang bansa natin...tingin nila ay nakasalalay sa bansa nila ang kaunlaran ng ating bansa.........di ko alam kung may binitay ng amerikano sa tsina..

Arvin U. de la Peña said...

@Mama Ko..............doon sila nahulihan ng droga kaya doon din ang parusa sa kanila..tama ka..ang mga iyon na drug lord hindi mahuli o kaya ang iba naman nakakulong lang..dapat sa kanila ay bitayin din..

Arvin U. de la Peña said...

@JaY RuLEZ...............sobrang nakakainis iyon kasi unfair po talaga iyon.....sa batas nila ay bibitayin talaga pero dito sa atin ay hindi.....ang mga nareraid na shabu laboratory at may nahuhulihan na intsik ay kung sa bansa iyon na may death penalty baka patayin agad kasi kasi sobrang dami ang nakukuha na droga.....

Arvin U. de la Peña said...

@emmanuelmateo.............wala nga silang karapatan na pumatay ng tao pero may sinusunod silang batas..pero ang batas na iyon ay puwede naman sundin kung gugustuhin nila..pero hindi nila ginawa..parang ang turing nila sa tatlong binitay ay mga hayop..

Arvin U. de la Peña said...

@Sutil Princess................tama ka..batas nila iyon na dapat respetuhin..pero masakit po iyon para sa ating mga pilipino........dapat ay may batas din tayo na death penalty para naman remespeto din sila..pero palagay mo ba kung may bibitayin na intsik ay rerespetuhin din ng bansang china ang batas natin..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma.............wala na nga tayong magagawa kasi nabitay na sila..ang mabuti na lang gawin ay dapat mabuwag ang sindikato na iyon..dapat hindi na sila makaulit sa mga pilipino na magdala ng droga para sa ibang bansa.......ganun ba..ang daming blogger naman ang masasaktan kung ganun,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Kamila...........ganun ba..hindi ko sadya iyon,hehe.....sinulat ko lang ito kasi dahil sa pagbitay sa tatlong pilipino..siguro 95 percent na pilipino ay badtrip ngayon sa china..

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz...............sana nga..dahil ang death penalty lang ang magiging paraan para mag lie low na ang mga gumagawa at nag ooperate ng bawal na gamot..

w0rkingAth0mE said...

Nakakalungkot talaga ang mga pangyayari kahapon sana nga ibalik na ang death penalty para naman maraming matakot na gumawa ng krimen hindi lang sa droga pero lahat ng illegal na gawain.

Fex said...

I agree... yung nga lang nakakalungkot isipin, ni sinuman wlang karapatan kumuha ng buhay ng isang tao dahil ang Diyos lamang ang may karapatan..Sana nga lang pamhabang buhay nalang ang ipapataw sa kanila.. nakakaawa tuloy ang mga pamilyang naiwan. Sa nangyaring ito, nagsilbing leksyon na rin ito sa mga pinoy na pumunta sa ibayong lugar na dapat dobleng ingat na dahil ang hirap pag nagkaproblema ka sa ibang lugar.

Unknown said...

a, e,si si ano na ngang pangalan ng walang kakwenta kwentang kongresista na iyon, a, e,si singson nga pala...sana isinunod na din...hehe

Mel Avila Alarilla said...

Nagawa nang China na bitayin ang tatlo nating kababayan dahil na rin sa mahirap at mahina ang bansang Pilipinas. Wala silang katakot takot sa atin. Maaaring kung Americano ang nahulihan na nagpupuslit nang droga sa China ay maaaring hindi sila nabitay. Nakakalungkot lang na parang inutil ang ating bansa na ipagtanggol ang ating interes laban sa China. Kung hindi nadiskubre yung pakana ni Gloria nuon ay muntik nang nabenta ang Spratly at Palawan sa China. Ipanalangin na lamang natin ang ating mga kababayan lalo na yung 227 pang nasa death row nang China. Sana hindi sila mabitay. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Armored Lady said...

nakakalungkot un gbalita
sabi nila...gumanti lang ang mga intsik dahil sa nangyari sa grandstand...
T_T

Chubskulit Rose said...

It's hard to accept that our kababayans ended up dead in foreign country like China but we have to respect their Batas...

Philippines should impose stricter rules para mabawasan ang crime dyan sa tin...

Just my one cent of though Arvin..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu..............ang sinulat kong ito ay pagpapahayag lang ng damdamin ko bilang pilipino......hindi man sumang ayon ang bansang china sa sinulat kong ito ay wala na akong magagawa.....kung sumang ayon man ang bansang Pilipinas sa sinulat kong ito ay mabuti..

Arvin U. de la Peña said...

@wOrkingAthomE............halos lahat siguro na pilipino ay nalungkot sa nangyari..lalo na nalaman nila na bibitayin sila mismo sa araw na iyon..kung maibabalik ang death penalty ay tiyak madami na ang matatakot na gumawa ng karahasan..

Arvin U. de la Peña said...

@Fe..............siguro may galit ang bansang china sa pilipinas kaya hindi habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw..puwede naman iyon..kaso nagmatigas talaga sila.......talagang mahirap pag magka problema sa ibang bansa..dito nga lang sa ating bansa doon pa kaya.......

Arvin U. de la Peña said...

@imriz.............ang kay singson ay konti lang ang nakuha na droga kaya hindi siya mabibitay.....siguro kung umabot ng limang kilo ay maaari siyang maparusahan ng bitay......

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla........tama ka diyan.....maliit lang tayo kumpara sa China......kung ibang lahi kagaya ng amerikano ay baka nga hindi iyon binitay.....sana dumating na ang panahon na lumaban na tayo sa China......parusahan din ang mga intsik na nakakulong dito sa ating bansa..hindi puwede na habambuhay ay under nila tayo..pilipino ang dugo natin at lahing matapang kaya huwag ng magpa api sa China....i hope hindi na masundan pa ang nangyari sa tatlong pilipino..

Arvin U. de la Peña said...

@cLai...............bukod doon ay may malalim pa sigurong dahilan kung bakit nagpasya ang gobyerno ng China na bitayin ang tatlo..baka may hindi nagustuhan sa ating gobyerno sa ngayon..

Azumi's Mom ★ said...

Super ako sumasang ayon sa yo. Nakakainis dahil wala man nagawa ang gobyerno natin sa pagtulong sa mga nabitay. Ganun tayo kahina. Sana lang maging super higpit na sa airport kaya lang parang malabo yata dahil bigyan mo lang ng pera ng patago, palulusutin ka. Tuwing umuuwi ako, hindi pweding hindi ako medelihensyahan ng mga tao dun. Ako naman, naiintindihan ko naman kung bakit sila pasimple humihingi kaya binibigyan ko talaga. Hay mnako pero kung tutuusin hindi talaga tama.. nakakainis.

Arvin U. de la Peña said...

@chubskulit............ok..iyon talaga ang maganda..dapat may strikto tayong batas na tutuparin talaga..kung ang kasalanan ay nararapat ng bitay ay bitayin..ang pagbabalik ng death penalty ay isang magandang paraan iyon para madami ang matakot gumawa ng matinding karahasan..

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear............kung mahigpit ang sa airport natin hindi mangyayari ang ganun para sa tatlong pilipino.....nakapagtataka na sa airport natin ay nakalabas sila na may droga..pero doon sa China na airport ay nalaman na may dala silang droga..dapat maimbestigahan kung bakit nakalusot sila papunta ng China na may droga......ganun ba...mahirap naman kung hindi ka magbigay ano,hehe..tingin siguro ng mga tao na iyon ay mayaman ka ng sobra..baka nga naman super mayaman ka..

anney said...

Di ako sangayon sa bitay. Di namn sila pumatay ng tao para patayin din. Wala namn tayo magagawa at yan ang batas nila.

Glenn said...

note: mga **** DRUG LORDS PA MGA INSTIK NA YAN. What they did to the 3 filipinos is sooooooooooo much iniquitous!

We were once conquered by the Spaniards thus making most of us Christians kaya d tayo pumapatay ng mga tao. d ka2lad sa mga ibang bansa such as China, Saudi, etc.. They think that thru killing (beheading, guillotine, l.injection) will serve the justice. It is so unjust to kill people

Ishmael F. Ahab said...

The sad thing napaka-lax natin pagdating sa pagpapatu[ad ng batas. Kung mahigpit lang sa ating mga airports eh dito pa lang sa Pinas ay huli na agad yang tatlong kababayan natin na nabitay sa China.

Sabi sa balita, mga 1000 drug mules ang nagpapasok ng droga sa China araw araw. Meron ding balita na may nahuli na naman daw na 2 Pinoy sa China dahil sa drug smuggling.

Kelan pa ba tayo matututo? Kelan pa ba tayo mag-iisip na ang tamang pagbuhay sa ating sarili at pamilya ay sa pamamagitan ng pagiging responsable at pagsisipag at pagtatiyaga. Marami kasi sa atin ang nasisilaw sa biglang pagyaman eh.

eden said...

Nakakalungkot talaga ang nangyari sa tatlong Pinoy. Di naman sila pumatay, pinarusahan pa ng kamatayan. Dapat yong mga drug lord ang hulihin nila at paparusahan.

Super Kristal! :D said...

As in! Tama talaga to.
Masakit tlga sa damdamin ang nangyarin 'yon. Lalo na sa kanilang family. Diyos ng bahala sa mga may sala.

kimmyschemy said...

napakalungkot naman talaga.. sana lang dumating ang panahon na nasa ating mga Pilipino naman ang desisyon para sa buhay at kamatayan ng mga foreigner..

Arvin U. de la Peña said...

@anney.............hindi lang ikaw kundi marami ang hindi sang ayon sa bitay.....ginagawa iyon para matakot ang isang tao na gumawa talaga na maaari niyang kahantungan sa pagbitay.....opo, iyon ang batas nila....batas na malupit..

Arvin U. de la Peña said...

@Glenn Kun............madami pong drug lords na intsik......talamak sa kanila ang negosyo na ganun kasi bigtime agad kapag nagtagumpay..ang tulad ang nagpapahamak sa isang pilipino na madaling masilaw sa pera at sa droga..nakakaadik kasi ang drugs,hehe.....

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab.....tama ka diyan......ang batas natin ay hindi talaga masyadong mahigpit..kasi ang nagpapatupad ay puwede na masuhulan ng pera..hindi nabibitay ang tatlo kung sa airport natin sila nahuli......biruin mo ilan sila na nakakalabas ng droga sa ating bansa..ibig lang sabihin talaga may koneksyon sa loob para hindi masita.. kung totoo man ang balita na iyan ay tiyak may masusundan pang bibitayin na pilipino..kasi sinusunod nila ang kanilang batas..ang pilipino ay mahirap matuto sa pagkakamali ng iba......oo ngayon walang magdadala ng droga papunta ibang bansa..ngayon lang..pero pagtagal ay balik ang ganun na gawain..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........talagang nakakalungkot..lalo na kapag pinapakita sa tv ang pamilya ng biktima..nakakalungkot din na nalaman ng tatlong pilipino na bibitayin na sila ay sa araw ding iyon mismo.....ang mga drug lord kapag nahuli dapat ipakain agad ng buwaya,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Super Kristal! :D............ang mga tao na naging ugat para ang tatlong pilipino ay mabitay ay ewan ko lang kung sila ay nakokonsensya..dapat sila na lang ang nagdala ng droga papunta ng china para nila maramdman ang sakit ng nahuhuli..

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim.............may nabasa ako sa diaryo na may ipinapanukala na batas tungkol sa death penalty....dapat daw ang death penalty ay selective..ibig sabihin ay para lang sa mga foreigner na nagkakasala ng mabigat.....swak sa panukalang ito ang mga dayuhan katulad ng intsik na nagbebenta o gumagawa ng droga sa ating bansa..

Yen said...

Hay nakakalungkot na pangyayari, Diyos na lang bahala sa kanila. Wala na tayong magagawa nang yari na ang di dapat nangyari.:-(

Siguro its an ee opener na sa gobyerno natin na wag magbulag bulagan, wag nang i beybi ang mga dayuhang nakakulong dito satin na nagpapasakit satin at sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.

S-H-Y said...

Nako nabitay na pala cla? late na ako masyado sa news, nako nakakaawa nmn cla..mga tsino wlang mga puso dapat if may nadakip na tsino na drug dealer bitayin din..kakainis!!

Nikki said...

super tama ka talaga kuya, pede sana un nila gamitin sila sally para makakuha nan imformation bout sa drug syndicate na un. tss. pero, agree din talaga ako sa batas nila.

Dhemz said...

nakikidalaw ulit Arvin....dropping by!

Kim, USA said...

Dapat lang na pag may mahuli dyan na mga intsik sa mga raid ay dapat na bitay din. Ganun lang yun!

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.............tama ka.....nangyari na nga iyon..ang maganda na lang na gawin ay may bitayin din para naman makaganti..mahirap naman kung tayo lang ang agrabyado......ang mga iyon na binibaby na mga nakukulong na intsik ay maempluwensya..madami ang pera..may kaya para isuhol sa awtoridad para sila makagalaw ng parang hindi preso..

Arvin U. de la Peña said...

@S-H-Y.............opo nabitay po sila..sa araw ding iyon mismo..hindi na pinagbigyan pa ang apela ng ating vice president....dapat talaga para matakot na ang mga intsik na magnegosyo ng droga sa ating bansa..

Arvin U. de la Peña said...

@CHEEN.............yah, pero hindi iyon ginawa ng China..talagang malupit ang batas nila..mahigpit pa masyado..biruin mo ang regalo ng mga magulang ni Sally ay hindi hinayaan na maibigay......ganun sila kawalang puso para sa pilipino na bibitayin..

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz..............salamat po sa muli mong pagbisita sa blog ko......

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA............sana nga..kaso wala ng death penalty sa ating bansa....at sana may death penalty na para mayroon ng matakot gumawa ng mabigat na krimen......kasi dahil walang death penalty ay hindi natatakot ang mga intsik na gumagawa halimbawa ng shabu sa ating bansa..

PB Woot Woot said...

Uhmm... ayoko mang sabihin pero pabor ako sa ginawa ng China. Kapag may kasalanan, parusahan. Ang problema ay nasa Pilipinas. Masyadong sentimental. Masyadong makitid ang pananaw.

PB Woot Woot said...

hi arvin! i made a blog post about you and your blog as a thank u for all the support. check it out here: http://crazyandcreamy.blogspot.com/2011/04/written-feelings-by-arvin.html