Thursday, March 10, 2011

Bomba

"Sa magulong sitwasyon ay bomba ang dapat na katakutan."


BOMBA
Ni: Arvin U. de la Peña

Bomba rito, bomba doon ganun ang madalas na pangyayari sa ngayon. Nakakatakot na baka sa isang sandali ay kasama ka sa masasabugan na dulot ng mga terorista. Mabuti kung mabubuhay ka. Eh, paano kung mamatay ka o di kaya maparalisado ka. Maputulan ng kamay o kaya paa ay malaking problema iyon.

Minsan naiisip ko tuloy wala ng safe na lugar dito sa mundo. Kasi kahit saang bansa yata may pangyayari na may pinapasabog na bomba. Lalo na dito sa Pilipinas. Habang sakay ka ng bus o kaya jeep ay hindi ka komportable sa pagbiyahe kasi hindi mo alam kung may bomba na pasasabugin. Kahit sariling sasakyan mo pa ang gamit ay ganun pa rin kasi maaari kang maapektuhan kung malaking pagsabog ang magaganap sa sinusundan mong sasakyan o kaya sa likod ng sasakyan mo. Mababagabag talaga ang isipan mo dahil sa takot na baka may bombang sasabog.

Ang salitang "mag-ingat ka" ay parang wala ng halaga sa ngayon, wala ng saysay. Iyon ang obserbasyon ko. Nakatayo ka nga, maayos ang pagkakaupo sa sasakyan ero maaaring may hindi magandang mangyari sa iyo dahil sa bomba.

Sa mga nangyayari sa ngayon sa ating bansa para tayong nakakulong. Para tayong nasa loob ng rehas. Nakakulong tayo sa pangamba.

Sa pagbiyahe sa buhay huwag isipin na safe ka dahil daang matuwid ang tatahakin mo. Dahil ang daang matuwid ay puwede iyon na mabaluktot dahil sa bomba.

65 comments:

Anonymous said...

Hayy, tama ka nakakalungkot isipin na maraming mga kalamidad at krimeng nangyayari sa mundo. Dapat tayo mismo ay aware sa mga nangyayari sa ating paligid.

Kim, USA said...

That is why we should not be naive on what is going on sa paligid natin. Marami kasi sa atin basta komportable na sa buhay wala na silang paki kung anong nangyari sa paligid. Di ba sa sabi sa Bibliya "we should be vigilant at all times". Say your prayer kung saan ka man pupunta. ^_^

Sendo said...

parang araw araw kelangan mong mag-alala noh, grabe na talaga. kaya magdasal na lang tayo palagi ^^ God bless you and everyone here

Akoni said...

Dasal lang talaga ang kailangan natin ngayon...magaling pare ang pagkakasulat mo.

=supergulaman= said...

bomba? meron akong alam na bomba noon... mga bombang hindi sumasabog.. kadalasan sa sinehan nakikita...patok sa mga kalalakihan at sa ngayon iba na ang tawag... :D

Chubskulit Rose said...

Very well said Arvin! Ngayon ko lang n nakita may follower ka pala sa ibaba nitong blog hehehe, I am ow following..

If may time ka, kindly visit my daughter's blog, thanks!

Kamila said...

nakakatakot nga.. buti pa mag-bike na lang tayong lahat... hahaha pero sana mukhang joke yun. pero totoo lang yung sinabi mo yun ang unang pumasok ko nung narinig ko na may bombahan na naman sa pinas... naisip ko na shet wala ng safe satin.. nakakatakot umuwi.. madalas pa naman ako bumyahe.. hayunn... dasal na lang tayo.

pusangkalye said...

agaw iksena yung kanta.bwahaha. hihirit palang sana akong magbasa nung tula, humirit kagad si lambada---japanese version. bwahaha. laftrip tuloy ang nangyari arvin.hahaha

emmanuelmateo said...

ito ang nagpapahiwatig na malapit na ang pagbabalik ni Jesus..

tragedy is everywhere and also war..

TAMBAY said...

balak ko pa naman manood ng bomba heheheh

ang pagsasabi ng "ingat ka" para sa isang tao ay paraan na lang ng pagpapakita mo ng concern para sa kanya. gawi na natin un. nagpapasalamat naman tayo pag sinabihan tayo. Madalas naman nagiingat tayo kahit hindi tayo masabihan nyan

yun nga lang, may mga pagkakatong kahit anong ingat natin. maaring may mangyari pa din.. ito ung tinatawag nating aksidente. walang nakakaalam nyan kung kelan mangyayari

sa mga bansa tulad ng iraq, at ung maraming pugad ng terorista. Jan talamak ang bomba. Kahit sarili iniaalay para sa baluktot na paniniwala. sila ung mga Suicide bomber na nagpapauto sa lider..

Dito sa atin, maraming pedeng idahilan kung bakit may nambobomba... maaring terorismo, sabotahe, o wala lang, gumagawa lang ng paraan para maialis ang camera ng media sa issue na tinutukan.

anot ano man, ang buhay natin laging nakaharap sa panganib. walang makapagsasabi, ano ang pedeng mangyari.. mapa bomba man o hindi..

magandang araw po.. :)

Mel Avila Alarilla said...

Wala kang takot kung ikaw ay humahawak sa Panginoon. Pangako Niya na hindi ka niya iiwan o pababayaan at walang sandatang gawa nang tao ang maaaring makasaling sa iyo kung nasa proteksyon ka nang Panginoon. Hindi dapat matakot dahil kung oras mo na ay oras mo na. Salamat sa makabuluhang tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Anonymous said...

tama ka jan arvin, wala na atang safe na place ngyn, haist..:( nkakalungkot.. pray lang palagi.

Ishmael F. Ahab said...

Ang gulo gulo na talaga ng mundo ngayon. May lindol at kung ano ano pa. Tapos may makikibomba pa. Kainis.

Deejimon TV said...

It wont bring any good to something. Bomba talaga oh!

Arvin U. de la Peña said...

@Sutil Princess..............salamat naman..nakakatakot po talaga magbiyahe lalo na kung bus ang sasakyan kasi baka may bomba na sumabog..iyong mga tao na naghahasik ng lagim sa pamamagitan ng bomba ay kadalasan bus ang target nila..

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA.................tama ka....ganun kasi akala naman talaga walang mangyayaring masama..enjoy ang sarili..pero ang di alam may mangyayaring hindi maganda..lalo na iyong bomba na biglaan..pero kahit paano ang pag pray sa pagbiyahe ay nagbibigay din ng sigla sa tao..

Arvin U. de la Peña said...

@Sendo...............opo lalo na sa lugar na may nangyari na talagang pagsabog ng bomba..kasi ang mga nagpapasabog ng bomba kapag may pinasabog na sila ay sa ibang araw naman uli sila gagawa uli ng pagpasabog..kaya ayun dahil hindi natin alam kung kailan mangyayari ay may pangamba tayo..

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni............yah, iba pa rin kapag may pananalig sa Diyos..pero ang ibang mga tao ay kapag kasiyahan sa buhay ay hindi nila inaalala ang Panginoon..naaalala lang nila ang Diyos kapag nasa panganib na sila..naalala ko tuloy ang salawikain na "nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."

anney said...

Sa panahon ngayun mahirap na talagang maging ligtas. Di natin sigurado kung ano mangyayari. Napakaraming masamang tao ang naglipana sa paligid.

Arvin U. de la Peña said...

@supergulaman............hehe..nakapanood na rin ako ng mga ganun na bomba..walang tigil na pagbomba ang ginagawa..sa paglipas ng panahon dahil naging high tech na ay nag iba na ang bomba noon sa ngayon..

Arvin U. de la Peña said...

@chubskulit.............thanks.. maraming salamat sa pag follow mo sa blog ko..ok..puntahan ko ang blog na iyan..

Arvin U. de la Peña said...

@Kamila............sa pag bike ay safe ka talaga except lang kung ang daanan mo na bus o sasakyan ay sumabog..kasi kapag nagkaganun ay tiyak madadamay ka..huwag ka matakot umuwi..mag ingat ka nga lang lalo at sabi mo madalas kang magbiyahe.....

Arvin U. de la Peña said...

@pusang kalye............ganun ba..katunayan po ang kanta na iyon ay marinig sana sa isa kong ipost pa na ang pamagat ay PABANGO..baka next ko na ipost ay iyong PABANGO at ang LAMBADA ang dapat na background music..

Arvin U. de la Peña said...

@emmanuelmateo............ganun ba..huwag naman sana ngayon,hehe..katulad ngayon na may nangyari sa Japan na paglindol at pag Tsunami.....ano kaya kung magkatotoo ang sinulat ko na New World..parang magkakatotoo yata..pero ewan, nakakalito..

Arvin U. de la Peña said...

@ISTAMBAY...............maraming salamat sa mga sinabi mo..kahit paano nakapagbibigay nga din ng sigla kapag sinabihan ka na Mag-ingat..sa ganun na paraan ay masasabi mo sa sarili na may halaga ka sa tao na iyon na sinabihan ka na mag-ingat..mahirap talagang takasan ang insedente..ingat and pray ay iyon na lang ang the best na paraan para hindi sa atin mangyari ang pag bomba..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla.............. super tumpak ang sinabi mo..kapag alam naman talaga natin na hindi tayo pinapabayaan ng ating panginoon ay may kumpiyansa talaga tayo sa ating sarili..may tiwala tayo na magiging maayos ang buhay natin..

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz..........talagang wala na..kasi kahit gaano pa kahigpit ang gawin ng pamahalaan ay nalulusutan pa rin sila ng mga terorista..mautak din kasi ang mga tao na nagpapasabog ng bomba..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab............talagang magulo na..ang nakakatakot na mangyari ay kung magkagulo din sa Saudi Arabia kasi halos buong mundo ay maapektuhan kasi tiyak na tataas ang presyo ng mga bilihin..lalo na iyong milyon na pera..

Arvin U. de la Peña said...

@Super Deej...............sa atin ay wala..pero para sa taong nagpapasabog ng bomba ay kasiyahan nila iyon..achievement nila sa buhay kumbaga..dapat maging matatag lagi..

Arvin U. de la Peña said...

@anney............tama ka..maganda ang pagkakasabi mo..talagang hindi natin alam ang mangyayari sa paglakbay papuntang ibang lugar..may pangamba talaga na baka may bomba na sumabog..

Dhemz said...

korek ka Arvin...hay ang buhay nga naman.

musingan said...

nakakatakot na talaga now.. wala na talagang safe na lugar...

musingan said...

nakakatakot na talaga now.. wala na talagang safe na lugar...

Ang Babaeng Lakwatsera said...

sa panahon nga ngyon puro bomba, giyera, patayan, rally ang nababalitaan ntin sa tv. minsan nga ayoko na manood pero kelangan.. pra maging aware tayo sa paligid.. ipagdasal natin ang kaligtasan ng bawat isa

Ishmael F. Ahab said...

Haay naku, hindi lang langis ang magiging problema kapa nagkagulo sa Saudi.

Masama kapag napaalis ang hari doon at napalitan ng isang radikal na lider. Tiyak gulo yan dahil lalakas ang loob ng Al Qaida.

I am sure, bombahan at patayan na naman ang mangyayari.

goyo said...

nasa tao talaga ang problema. matatanggap ko pa ang mga natural calamity. pero ang mga ganito, walang kakakwenta kwentang pagkamatay. sayang ang buhay.

eden said...

Tama ka Arvs, walang safe na lugar ngayon kahit saan tayo. grabe na talaga, nakakatakot.

Verna Luga said...

Hello Kaibigan... tama ka diyan.. dapat mapagmatyag ang bawat isa.. kaya ako di lumalabas ng bahay dahil takot mabomba.. wahh...salamat sa pasyal..

Armored Lady said...

sino ba kasi nagimbento ng bomba....
and BAD niya....
kung wla sya..hndi lahat ng sakuna mangyayari

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz.............ang buhay ay magulo talaga..exciting na may kaba,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@musingan................wala na nga..kasi kung hindi man bomba ay ligaw na bala naman ang maaaring tumama sa isang tao..alam mo naman ngayon naglipana na ang masasama ang ugali na tao..

Arvin U. de la Peña said...

@Ang Babaeng Lakwatsera......tama ka..kung hindi man ganun ay tungkol naman sa pangungurakot ng tao na nagtratrabaho sa gobyerno ang nababalita..halos ganun palagi sa mga news..kahit anong news channel..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab..........kung matutuloy ang gulo sa Saudi ay buong mundo ay apektado..sabi nga sa news baka daw dumoble ang presyo ng langis sa halaga sa ngayon..hindi kaya ang lahat ng gulo na nangyayari ay sa bansa na pagpapatalsik sa isang pinuno ay nakaplano..motibo ng isang tao para maging magulo ang mundo..duda ako na ganun ang nangyayari eh..

Arvin U. de la Peña said...

@goyo................iyon ay dahil ang mga tao ay wala ng disiplina sa sarili..gumagawa sila ng masama kasi wala silang kinatatakutan..kung mahigpit at malupit lang ang batas para sa mga gagawa ng krimen ay tiyak kokonti ang problema na katulad ng pagbobomba o kung ano pa..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...............talagang nakakatakot kasi sa isang iglap ay maaari tayong madisgrasya ng bomba na dulot ng mga tao na gustong maghasik ng lagim..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz................huwag mong sabihin na kung may gusto kang bilhin ay iniuutos mo lang..kung ganyan na hindi ka lumalabas ng bahay ay tiyak maputi ka na masyado,hehe..alam ko joke mo lang iyan..walang anuman iyon..salamat din sa pagpunta mo uli sa blog ko..

Arvin U. de la Peña said...

@cLai............di ko alam kung sino ang nag imbento ng bomba..kahit pa inimbento iyon kung hindi naman tinangkilik ay wala rin halaga.....dapat hindi tangkilikin ang bomba para wala ng gumawa ng sangkap para sa bomba..

Ishmael F. Ahab said...

Yan din ang duda ko Arvin. May isang tao o grupo ang nagtutulak n'yan na gumawa ng paraan para pabagsakin yung mga lider sa Middle East.

Yung lider ng Libya, ang tinuturo ay ang Al Qaida.

iya_khin said...

ang masasabi ko lang eh...let there be peace on earth and let it begin with me, us!

kimmyschemy said...

siguro there's nothing left to do kundi mag ingat..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab...........parang totoo talaga na may grupo na nais pabagsakin ang mga pinuno ng isang bansa..ng sa ganun magkagulo gulo ang mga bansa..kasi madami ang maaapektuhan..magaling talaga magplano ang grupo ni Bin Laden..kung hindi sila nagtagumpay sa nangyari sa world trade center ay tiyak dito malaki ang tsansa nila na magtagumpay..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu.................oo naman..bomba kasi iyon..hindi iyon paputok na hindi ka masyadong maaapektuhan kahit sumabog sa harapan mo..pero kung bomba ay delikado talaga..

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin..............ganun ba..mabuti kung magkakaganun nga..pero parang malabo yata..kasi ang buhay ay hindi exciting kung walang gulo..ganun ang pinapairal ng ibang mga tao..

Arvin U. de la Peña said...

@simply_kim............tama ka..pero kahit pa mag ingat kung may nakaamba talagang panganib ay maaari kang madamay..kasi ang bomba konting distansya ay puwedeng madamay kapag sumabog..

Silvergirl said...

hay buhay, kaya minsan takot na ako lumabas at gumala gala sa mall or san pa. kasi di mo alam ano mangyayari sa pupuntahan mo..

Mel Avila Alarilla said...

Arvin, okay sina Bambie dear at pamilya niya. Huwag kang mag alala. Nasa isang mall sila sa Tokyo nung lumindol pero safe sila. Mako contact mo siya sa Facebook kung saan siya nagpo post. Ang wala akong balita ay kay Clarissa (Kizuna). I hope she and her family are okay. Kung may nakakakilala kay Clarissa (Kizuna) ay pakibalita naman kung ano ang kalagayan niya at pamilya niya. You can email me at melalarilla@gmail.com. Thank you so much. God bless you always.

Ishmael F. Ahab said...

Sana hindi magtagumpay ang mga balakin ni Bin Laden o kung sino mang grupo ang nasa likod ng malawakang gulo na iyan.

eden said...

Just dropping by, Arvs to wish you a great week and thank you for your nice comment.

tc always.

pusangkalye said...

kaya sometimes---I have this feeling that Islam is a threat to the security of the world dahil sa dami ng extremists. it's just me though

Arvin U. de la Peña said...

@Silvergirl..............ganun ba..pero nakakabagot din iyon..minsan gagala ka naman para maaliw ang sarili mo..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla..........salamat naman at ayos siya at ng kanyang pamilya..nalaman ko rin iyon kasi nag email ako sa kanya..mabuti ng mangyari ang tsunami ay nasa isang mall sila.....sinabi rin sa akin ni Bambie dear na hindi pa makontak si Clarissa..sana naman ay walang nangyaring masama sa kanya..hindi pa rin daw siya nakokontak..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab............sana nga..kasi malaking pinsala ang maidudulot kapag nagtagumpay sila..lalong aangal ang mga tao sa pasahe sa mga sasakyan kasi magtataas ng sobra ang pamasahe..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............thanks again sa pagpunta mo sa blog ko..i really appreciate it..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang kalye.............medyo tama din ang hinala mo..hindi man lang nila iniisip na sa ginagawa nila madami ang naaapektuhan..

geram said...

what happened?? haha..