"Disiplina ang kailangan para sa ikauunlad ng bansa."
SWEET SIXTEEN
Ni: Arvin U. de la Peña
Kung ako lang ang pangulo ng bansa ay kapakanan ng mamamayan ang iisipin ko. Kapakanan ng nakararaming pinoy. Kung kailangan na pumatay o magpakulong para sa kapakanan ng mga tao ay gagawin ko. Magdedeklara din ako ng martial law kung kinakailangan.
1.) Unang-una kong gagawin ay ipapatigil ko ang pagbabayad ng mga sasakyan sa NLEX at SLEX at kung magrereklamo ang mga nagpapatakbo ay akin agad ipakukulong. At kung gumamit sila ng dahas ay kamay na bakal naman ang gagamitin ko sa kanila. Ang bawat nagmamaneho ng sasakyan dapat may karapatan siyang tumawid papunta sa ibang lugar ng hindi nagbabayad. Ang pag maintain sa kaayusan ng daan na NLEX at SLEX ay ipapamahala ko sa DPWH.
2.) Pangalawa kong gagawin bilang pangulo ng bansa ay kukunin ng gobyerno ang pamamahala ng Shell, Caltex, Petron at iba pang kompanya ng langis. Kung magreklamo sila agad ay sa kulungan din ang bagsak. Wala ng batas para doon. At kung mag question ang mga abogado nila sa hakbang na gagawin ay dadamputin agad ng mga alagad ng batas para ikulong. Sa ganun ay ibababa ko ang presyo ng produktong langis sa presyo na abot-kaya. Kung ano ang nararapat na presyo base sa pag-angkat sa ibang bansa ay iyon ang presyo. Wala ng patong-patong sa halaga. Nang sa ganun ay bumalik sa mura ang pasahe ng mga sasakyan.
3.) Pangatlo kong gagawin ay ipalilipol ko ang mga NPA, MILF, MNLF, Abu Sayaff, at iba pang grupo ng mga rebelde. Ipalulusob ko kahit pa saang sulok hanggang sa magkabarilan. Patay kung patay sa putukan. Walang ceasifire na mangyayari. Marami at magagaling ang mga alagad ng batas kaya tiyak talo sila. At kapag may mahuli ng buhay ay pasok agad sa kulungan. Walang pagkaawa sa kapwa dahil ipatutupad ko na ang Pilipinas dahil iisang dugo tayo dapat ay may pagmamahalan sa kapwa.
4.) Pang-apat kong gagawin lahat na mga kompanya ng mga produkto na nasa pangangailangan ng tao bawat araw ay ipababa ko ang presyo sa abot kaya ng mamimili. Kasama na rito ang mga medisina. Kung umayaw naman ang may-ari ay ipakukulong ko at aagawin ang pamamahala ng gobyerno kung kinakailangan. Wala na rin iyong pinapataw sa pagbili na kung tawagin ay EVAT.
5.) Panglima kong gagawin lahat na empleyado ng gobyerno na may kaso ng pangungurakot at kahina-hinala ang kayamanan ay ipapatanggal ko agad sa trabaho. Ipapabusisi ko ang statement of assets and liabilities ng bawat empleyado. Kung hindi tugma ang kinikita nilang pera o malaki ang agwat sa SAL ay ipapakulong ko. Dahil ang katuwiran ko kung ano ang sahod ng isang manggagawa ay dapat pagtiyagaan niya iyon. Hindi sila puwede na mangurakot o kaya tumanggap ng lagay.
6.) Pang anim kong gagawin bawat tao na mahuli na nagnanakaw maging ito man ay sasakyan o kahit na ano ay ipapaputol ko ang kamay. Puputulin talaga para hindi na umulit pa na magnakaw at higit sa lahat ay hindi tularan.
7.) Pang pito kong gagawin. Lahat na tao na mang rape ay parurusahan kaagad without investigation at desisyon ng korte. Wala ng kaso pa na mangyayari. Sino mang kumontra ay sa kulungan ang bagsak. Kapag napatunayan sa medical certificate ang panggagahasa ay sapat na. Ang parusa ay ilalagay siya sa malaking kulungan na maraming askal na aso na pawang mga gutom. Ilalagay siya doon hanggang siya ay kuyugin ng mga aso. Ang mga tao na manonood na kinakagat ng mga aso ang nang rape ay puwede na mag inuman. Sa ganun na paraan na bawat mag rape ay mapapatay ng mga kagat ng aso ay siguro wala ng manggagahasa. Matatakot sila sa mga pangil ng aso at rabbies.
8.) Pang walo kong gagawin lahat na nagmamaneho ng sasakyan na makabangga sa kalsada ay papuputulon ko ng isang paa para hindi na makapag maneho uli. Sa ganun na ay tiyak bawat driver ay mag-iingat na sa pag drive Hindi na magda drive na masyadong mabilis. Tiyak maiiwasan na ang mga insidente sa daan.
9.) Pang siyam kong gagawin ipapahuli ko ang mga nagbebenta at gumagawa ng bawal na gamot. Kapag napatunayan na totoo ang ginagawa nila ay ipalalagay ko sila sa kulungan na mayroon sampung tigre na bawat isa ay gutom. Kapag umabot ng isang oras na hindi sila nilapa ng mga tigre ay laya na sila. Absuwelto na sila sa kaso tungkol sa droga. Ang sampung tigre ay kaunti lang kung pakakainin.
10.) Pang sampu kong gagawin ay ipapa legal ko ang lahat ng sugal. Kasama na diyan ang jueteng. Sa ganun na paraan ay makakalikom ng pondo ang gobyerno. Pero siyempre hindi puwede ang mga pulis na humingi ng lagay sa sugal o sa mga jueteng operator dahil tiyak mapaparusahan sila kapag napatunayan. Higit sa lahat ay hindi puwede na magnakaw para may ipantaya sa sugal dahil may kaparusahan din.
11.) Pang labing-isa kong gagawin ay uutusan ko ang mga mamamahayag na magsulat ng kung anuman kahit pa laban sa akin. Hindi ko pagbabawalan ang kanilang damdamin para ipahayag ang kanilang saloobin. Maaari nilang isulat ang kung anuman mula sa aking pamumuno.
12.) Pang labing-dalawa kong gagawin ay ipabababa ko ang pamasahe ng MRT at LRT. Pasahe na hindi sila magrereklamo. Ikokonsulta ko sa mga mamamayan kung magkano ang gusto nilang pasahe. At iyon ang susundin.
13.) Pang labing tatlo kong gagawin ay ipapahanap ko ang mga kayamanan na naiwan dito sa Pilipinas na kung tawagin ay Yamashita Treasure. Bawat makukuha ay ibabayad sa utang ng Pilipinas. Napakadami pang kayamanan ang hindi pa nahuhukay na iniwan ng mga hapon at ang mga iyon ay sapat o sobra pa para makabayad sa utang ang Pilipinas. At ang masosobra na pera ay ipondo ng gobyerno para sa mga kompanya na maaagaw ang pamamahala.
14.) Pang labing-apat kong gagawin ay ipag-uutos ko sa mga kapitan na dapat maging malinis ang kanilang barangay. Dapat walang basura sa lansangan na nakakalat. Lalo na iyong mga daanan ng tubig kapag umuulan para hindi umapaw ang tubig. Para din maiwasan ang pagbaha. Kung hindi sila sumunod sa gusto ko ay hindi ko sila pabibigyan ng sahod.
15.) Pang labing-lima kong gagawin ay ipag-uutos ko na bumaba ang singil sa tubig at kuryente. Iyong hindi masyadong mahihirapan ang mga mamamayan. Magkakaroon ng pagboto sa kung magkano per kilowatts ang nais ng mamamayan at kung anong presyo ang marami ang boto ay iyon ang ipatutupad.
16.) Pang labing-anim at huli kong gagawin bawat magkikilos protesta sa kalsada para ako ay patalsikin ay huhulihin at ikukulong agad. Dapat silang maghintay hanggang matapos ang aking termino bilang pangulo dahil baka sa huli ay magsisi lang sila. Katulad ng nangyari kay Erap na ang ibang mga nagpatalsik ay nagsisi sa huli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
41 comments:
hahaha tinapos ko tlga ang pagbabsa maganda ang iyong mga hangarin kaso alam mo nmn ang pinas...
wala ng pag-asa... pagbabago...
alam nmn na natin ang dapat gawin kas wala eh kanya kanya tayo
pare, sharia law ang tinutukoy mo.
maliban sa 8, 10..natawa ako sa 9..hahaha...
may nasulat din akong plano sa pilipinas kung ako ang magiging presidente...hehe
check mo if my time ka..hehe
http://akonilandiya.blogspot.com/2011/02/pilipinas-future.html
wow...malupit kay marcos ha...
naiintindihAN ko ang mga hangarin mo
at agree ako sa mga sinabi mo...
pag nangyari baka maging 1 is to 1 na din ang peso sa dolyar...
magandang umaga arvin!
nakakatakot ka naman.. pero tingin ko meron pa rin namang ibang pamamaraan para sa ating bansa..bukod sa pamamaraan ni marcos
Yung mga panukala mo ay imposible kaya itunuring ko na lamang na biro. Maski si Marcos ay hindi napigilan ang pagtaas nang krudo at bigas dahil ang mga ito ay itinatakda nang law of supply and demand. Kung sapilitan mong kukunin ang mga kumpanya nang langis ay iboboycot ka nang lahat nang kumpanya nang langis at saan ka ngayon kukuha nang langis. Kung sapilitan mo ring kukunin ang SLEX at NLEX ay wala nang gagawa nang proyekto sa Piulipinas gamit ang BOT o build operate at transfer scheme. Kung sapilitan mong ibababa ang pasahe nang MRT at LRT ay hindi rin ito tatagal dahil malulubog sa utang at pagkalugi ang mga ito. Kung ipapaputol mo naman ang kamay at paa nang mga kriminal ay para mo na ring ginawang muslim na bansa ang Pilipinas katulad nang Saudi. Hindi nakukuha sa magandang intensyon ang pagpapalakad nang bansa at lalong lalo na hindi makukuha ito sa diktadurya. Matutulad ka lamang kay Moammar Ghadafi na inalsahan nang sarili niyang mga kababayan. Mabuti na yung demokrasya na may kalayaan tayong magpalit nang gubyerno hindi katulad nang diktadurya na sapilitan ang panunungkulan nang pinuno maski ayaw na sa kanya nang tao. Para kang isang lalaki na sobrang umibig sa babae at sapilitang inangkin iyon maski laban sa kalooban nang babae. Masarap mangarap pero mas mainam na tayo ay gising. Salamat sa lathalain. God bless you always.
Bilang isang Presidente ng bansa ay napakalaking pananagutan. Hindi sa lahat ng pagkakataon ang gusto natin ang syang masusunod. Bawat gustong gawin ay may batas na sinusunod, may porseso. Ang aking iniisip ay hindi lang interest ng mamayan kundi ng Pilipinas. Kung ang ating desisyon ay batay lang sa ating kagustuhan, hindi natin tinitingnan ang maaring maidulot nito sa ating bansa, maaring wala tayo lalong patutunguhan.
Malaya ang bansa natin, sa ibang nabanggit mo bumabalik tayo sa panahon ng diktadurya. Sa pagkakataong ganito, maaring magkaron ng pang aabuso. ]
Sa sistema natin ngayon, ang sesisiyon ay hindi nanggagaling sa iisang tao, sa pinakamataas kundi ito ay dumadaan sa bawat sangay na may kinalaman sa paksa. Binabalanse ang interest ng mamamayan at ng gobyerno.
Magandang araw sayo sir...
susuportahan po kita kung ikaw ang magiging pangulo..maganda ang mga Insights mo..
hahaha... takot ako sa yo Arvs...:)
Anyway, I agree with the other posters particularly on the gas and crude prices. Both are being controlled by supply and demand. Here sa US, umaabot ng $4+ ang gas ngayon triggered by the political unrest sa Middle East.
Yet glad to know your agenda :)
Everyday Blogger
natawa ako sa ibang gusto mong mangyari, hehe! naalala tuloy yong blog din ng anak kong c akoni, kong siya din maging presidente, natawa din ako don..
lamo ba ung iba jan e nagaganap sa gitnang silangan, yan ung sharia law..
yan ang problema arvin sa economic system na capitalism ... kaya gusto ko ang communism ...lahat pantay walang lamangan.. kahit maging presidente ka kung capitalismo parin ang ipaiiral mu.. talo pa rin.. hahaha.. salamat sa pasyal.
saludo ako sa hangarin mo Arvin...ehehhee....ang habaaaa!
parang nanindig naman ang balahibo ko Sir sa balak mong gawin though you had great plans for our country...
anyway, thanks for the visit and the lovely comment you left blog.
tol isa lang masasabi ko.... sa darating na halalan kumandidati ka at tiyak na iboboto kita hehehehe.. cheers!
Alam mo Arvin, hindi ka tatagal ng isang araw kapag ginawa mo ito. :-P Maraming kokontra.
wala akong planong maging presidente ng kahit na anong bansa... masalimoot ang larangang yan... ayaw ko... pero kung sakaling tatakbo ka... boboto ako sa iyo...
@uno.............ganun na talaga dito sa atin..kanya kanay talaga lalo na kung medyo nagigipit na..pinaiiral na ang laglagan..halimbawa na lang iyong mga tao na magkakutsaba sa pangungurakot o sa anumang gawain na masama..kapag nahuli na ay ikakanta ang kasabwat..pero ang kasabwat ang sasabihin ay hindi alam ang sinasabi ng nag aakusa sa kanya..nilalaglag na ang kasamahan..
@Akoni...........ganun ba..malupit pala kung ganun,hehe..pero kapakanan naman ng nakakarami ang kalalabasan..tiningnan ko ang sinasabi mo....ang hirap maging presidente kasi dapat may alam sa 200 languages..
@Jay RuLEZ.............malupit pa nga ito sa kanya..pero alam ko na para din ito sa nakakaraming mga pilipino..hindi iilan lang ang makikinabang sa hangarin kong ito..
@Kamila.............ang matatakot lang nito ay ang mga tao na hindi nag iingat at saka masama..kung wala ka naman ginagawa na labag ay hindi dapat matakot..ang paraan pong ito ang maganda kasi marami ang matatakot na gumawa ng karahasan kasi may kaakibat talaga na parusa..
@Mel Avila Alarilla............salamat sa mga sinabi mo..ito lang naman ang hangarin ko kung sakali na ako nga ang magiging pangulo ng bansa..sa tingin ko hindi naman siguro iboboycot ng kompanya ng langis ang Pilipinas kasi malaking kawalan na rin naman iyon sa kanila..kung sakali man na iboycot ay aangkat na lang ng langis sa ibang bansa.....madami rin naman pong dayaan na nangyayari sa halalan..may mga lugar po na kahit inaayawan na ang isang politiko kapag halalan ay nananalo rin naman dahil namimili ng boto..sa ganun na sitwasyon ay parang wala ring saysay na malaya tayong makapagpalit ng isang tao para sa gobyerno..
@ISTAMBAY..............sakali man ay bago ito gawin ay ipapaalam muna sa lahat ng mga tao..hindi naman agad agad ay ipatutupad ito..kung alam na lahat ng mga pilipino ang tungkol sa sweet sixteen at sila ay gumawa pa o nakagawa ng karasahan ay parurusahan agad sila..kasi hindi sila sumunod sa batas..
@emmanuelmateo.........salamat naman kung ganun na ako ay susuportahan ko kahit ang magiging hangarin ko ay masyadong malupit..
@Umma..............matatakot ka kung hindi mo susundin ang batas ko..pero kung susundin mo ay hindi ka matatakot kasi magiging maayos ang lahat..maiibsan ng malaki ang krimen at ang tungkol sa mga drugs..
@mommy-razz..........ayos at natuwa ka sa ibang nakasulat..tiningnan ko po ang post ng anak mong si Akoni sakali na siya ang president..maganda rin ang hangarin niya..mahirap nga lang ang requirement para maging presidente kasi dapat may alam na 200 languages..
@Vernz...............nauunawaan ko ang sinabi mo..pero ngayon na nangyayari ay palagay mo ba walang lamangan sa kapwa.......araw araw may mga balita ng tungkol sa korapsyon o ano pa..hindi ba ang korapsyon ay panlalamang iyon..kung ang batas na isinulat ko ang masusunod ay tiyak walang magiging corrupt..
@Dhemz............maraming salamat sa pag saludo sa nais ko kung halimbawa man ako ay isang pangulo ng bansa natin..
@Genejosh............sa umpisa lang iyon na masisindak talaga..kapag nangyari na iyon at madami na ang takot gumawa ng labag sa batas ay magiging maayos na ang lahat..walang anuman iyon..muli ay pupuntahan pa rin kita.....
@jedpogi..............thanks in advance.......salamat sa suporta..
@Ishmael Fischer Ahab.........ang bawat kokontra ay may kaparusahan naman agad..walang sinuman ang kokontra dahil may kalalagyan sila..ang militar ay kampi sa akin kahit anong mangyari..
@musingan............mahirap nga ang maging presidente kasi responsibilidad mo ang iyong bansa..bawat problema ay nakasalalay sa iyo paano mo iyon malulutasan..kung ganun ay salamat sa iyo..salamat at kahit pa alam mo na magiging malupit ang batas ko sakali na ako ay maging presidente ay iboboto mo pa rin ako..
Sana maging pangulo ka arvin para lahat ng pangako mo mangyari hehe
Ang Haba!.. hahahah at infairnes talagang tinapos ko hanggang dulo.. gusto ko yung ipapakain sa tigre.. hahahah hahahaha..
maganda ang vision mo
prang gnawa mo itong post out of frustration
hindi kailangan may mamatay
nakakatakot ka pala maging pangulo
hahahaha
wala lang pagkakaisa ang pilipino
nagkanya kanya kasi...
Akala ko kung ano ang "sweet sixteen" title pa lang, sounds interesting na.. this is one of your longest posts, Arvs at binasa ko lahat. Nice ang mga plano mo and thank you for sharing.
@Mama Ko............parang mahirap yata na mangyari iyon..pero kung ako talaga ang magiging pangulo ay gagawin ko kung anuman ang nakasulat sa sweet sixteen......gagawin ko ng walang pag aalinlangan..
@Ang Babaeng Lakwatsera...........salamat sa pagbasa hanggang sa dulo..mahaba nga din ang post kong ito..ang tungkol sa pagpapakain sa tigre ay malupit iyon na batas.....masuwerte kung ang magkakasala ay makakaligtas sa mabangis at laging gutom na tigre..
@cLai.............nagkawatak watak nga ang mga pilipino kaya hindi naging maganda ang kinalabasan..pero kung ang sweet sixteen ang maipatupad ay tiyak magkakaroon ng pagkakaisa ang mga pinoy..
@eden..............hehe......sweet sixteen ang ginamit kong pamagat kasi 16 sila na nais kong maipatupad kung ako ang pangulo ng bansa..nalinlang ka pala dahil sa pamagat na ginamit ko..
@Marvin.............alam ko maraming tao ang aangal kapag naipatupad nga ito kung ako ang pangulo..pero pagtagal makakasanayan rin naman iyon..titino na ang mga tao sa pilipinas..magiging maayos na ang kalakaran ng lahat..ok walang problema..puntahan ko ang blog mo..
Madaling sabihin mahirap gawin, sabagay pangarap nga di ba? hehe. Di kita iboboto pag ikaw ang tatakbongg presidente, kasi ayoko ng sugalan. mas mabuti nang discreet sila kesa maging sugarol capital tayo if in case. Yung sinabe mo namang papaputol mo ang kamay pag nag nakaw at , babarilin sa plaza ang nakapatay, mahirap yata yun a. Diyos lang may karapatan sa buhay natin, kung may mga taong nang agaw ng buhay, di ang pagkitil sa buhay ng kriminal ang solusyon. Sa pagdating naman sa gov't opisyal agree ako sayo, patanggal sa pwesto ang mga napatunayang mga anay sa gobyerno. peace!:-)
@Yen..............okey lang kung hindi mo ako iboto kung sakali nga..napakadami namang botante..paraan iyon para ang tao ay tumino..kasi kung hindi gaganunin ay patuloy pang may mangyayaring trahedya na dulot ng mga taong ganun..okey lang ang pagsugal basta ba hindi nagnanakaw para sa pangsugal..kasi kung magnakaw ay may kaparusahan naman.
Post a Comment