Thursday, March 24, 2011

Pangarap, a song (by request)

Nang mangyari ang malakas na lindol at pagkaroon ng tsunami sa Japan agad ay nag-alala ako kay Bambie dear. Kasi isa ko siyang kaibigan dito sa mundo ng blog. Kung anu-ano ang naisip ko sa kanya ng mangyari ang trahedya. At ng maisip ko na ano kaya kung kasama siya sa mga nabiktima agad ay nalungkot ako. Higit sa lahat ay nakonsensya ako. Kung bakit nakonsensya ako kasi ang request niya sa akin noong December 12, 2009 ng mag post ako ng tungkol sa mga sinulat kong kanta ay hindi ko napagbigyan. Kasi ayaw ko talaga na mag post dito sa blog ng tungkol sa mga sinulat kong kanta. Umaabot po ng sobra 200 ang na compose ko ng kanta. Ang lahat ng tungkol sa mga kanta ko para sa inyong kaalaman ay makita dito http://arvin95.blogspot.com/2009/12/kanta-ko-reveal.html o di kaya punta kayo sa google at search niyo KANTA KO, WRITTEN FEELINGS at tiyak makita niyo iyon agad. Doon sa post ko na iyon ay makita niyo ang rin ang email sa akin ng manager ng Aegis Band tapos ang tungkol sa Alpha Records.

At ng malaman ko mula kay Sir Mel Avila Alarilla at mismo kay Bambie dear na ligtas siya dahil nag email ako sa kanya dalawang araw pagkatapos ng trahedya agad ay nasabi ko sa sarili na salamat at ligtas siya. Higit sa lahat ay pagbibigyan ko na ang request niya sa akin ng mag post ako ng tungkol sa mga sinulat kong kanta. Bambie dear my dear ito na po ang pagbibigay daan sa request mo sa akin ng mag post ako sa blog ko na ang pamagat ay Kanta Ko (reveal). I hope magustuhan mo itong sinulat ko na kanta noong July 20, 2005. Hindi po ito lovesong pero ito ay nakaka inspire na kanta na mas maganda pa sa lovesong.


Bambie dear ★ said...

Siguro nga chickboy ka or habulin ka lang na babae.. at palagay ko kaya ka nakaka-compose ng mga lovesong dahil sa mga girls na nagpapa-inspire sayo. Sana minsan marinig ko na sa radyo ang mga composition mo. Yung Muslim ay ok lang, maganda at medyo nakakatawa pero baka maraming magalit, lalo na mga kapatid nating muslim. Parang mas interesado ako sa mga lovesongs mo, pa-post naman minsan



"Ang awiting ito ay inihahandog ko para sa mga tao na nagpipilit maabot ang kanilang pangarap sa buhay sa kabila na marami ang balakid para matupad."

PANGARAP
Composer: Arvin U. de la Peña


Intro:

Bawat isa sa atin ay may pangarap
Minimithi na nais maabot
Kahit na masaktan pa
Basta makamtan lang ang nais.


chorus:
Kanya-kanyang pangarap
Kanya-kanyang diskarte
Nagtitiis, nagsisikap
Pagsubok ay di alintana
Marating lang ang hinahangad
ay ayos na.


(do stanza chords)
Sabihin pa man na mahirap
Malayo na matupad
Di na lang pinakikinggan
Hinahayaan na lang sila
Ang mahalaga ay makamit
Mula pagkabata na dinadalangin.


repeat chorus

(do stanza chords)
Ngunit kung kailan mangyayari
ay hindi alam
Patuloy lang na nakikipagsapalaran
Sa agos ng buhay.

repeat chorus

*INSTRUMENTAL*

repeat chorus
repeat chorus

coda:
marating lang ang hinahangad
ay ayos na
.

(Ang sinumang tao na gustong awitin ang compose kong ito ay pagsabihan ako. Huwag awitin ng hindi nagpapaalam sa akin dahil mayroon tayong intellectual property rights. Magrereklamo talaga ako kung ito ay mapakinggan kong inaawit ng walang koordinasyon sa akin. Makipag ugnayan sa akin dahil baka magkasundo tayo. Mag email kayo sa akin sa arvin9595@yahoo.com)

22 comments:

musingan said...

nice maganda... lagyan mo ng musica... anong malay mo... madikober ka....

Azumi's Mom ★ said...

Nakaka-touch ka naman Kuya Arvin :) Nahiya tuloy ako. Thank you pala sa pag-aalala mo, at pasensha na rin kasi napag-alala ko kayo. Tutal napagbigyan mo na rin ang request ko ipost ang mga ibang composition mo, sa susunod, may music naman hehe.. Marunong ka ba mag-gitara? Salamat ng marami ha.. Maganda itong Pangarap, sana talaga ay marinig na natin sa radyo.. malay mo.

w0rkingAth0mE said...

Thanks God she's ok .... composer ka pala congrats

Akoni said...

Wow isa ka palang song writer? wow. as in wow...ang galing naman...Sana makilala ka! ano pre my kinanta na ba sa songs mo ang aegis? may narecord na ba ang Alpha records?

Mel Avila Alarilla said...

Ang galing mo naman Arvin. Henyo ka nga dahil hindi ka lang isang makata at manunulat nang kwento kundi isang kompositor pa. Sana naman ay madinig namin ang aktuwal na pagkanta nang komposisyon mo either ikaw mismo o ibang tao at i upload mo sa youtube para mapakingganm nang lahat nang readers mo. Malay mo baka madiskubre ka rin katulad nila Alyssa Alano, Moymoy Palaboy at Maria Aragon. Mabait talaga at maganda si Bambie dear at worthy siyang handugan nang isang awitin mula sa iyo. Sayang nga lang at hindi kami nagkita nung umuwi sila ni Anzu sa Pinas at nagdaos siya nang get together sa Dau, Pampanga dahil mahina na ang katawan ko at hindi ko na kayang magbiyahe papuntang Pampanga nuon. Salamat sa nakatutuwang lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

Kamila said...

nice arvs..ikaw pala ay isang song composer... nice nice.. at malamang magaling ka.. oo nga ilagay mo sa youtube ang mga gawa mo... :)

jedpogi said...

Tol arvs baka pwede ko kantahin yang kanta mo... iupload ko lang sa youtube pero lahat ng merits sau.. ikaw ang composer eh hehehehe... kung papayag ka email mo sa akin ang chords... jhnrcdqn@yahoo.com... isa ka palang malupit na singer composer tol?? bow ako sayo! Cheers!

eden said...

Nice song, Arvs. I will visit to the link you give. Thank you for sharing this. Nakaka inspire naman ito..

Anonymous said...

song writer ka pala, gawan mo naman ako ng kanta ow.. haha! nice arvin..
hi bambie dear!

jhengpot said...

bilib talaga ako sayi kuya arvin. MAdai kasi ang paggawa ng mga letra at salita, ang mahirap e ang paglapat ng tono at kanta.. at ayun ang nakita ko sa compo mo n may flow n ng chorus at instrumental.Yaan mo pag may banda na ko compo mo ang unang orig cover namin..hehe..e kung sumamaka kaysa sa banda? galing mo at may offer na sayo!

jhengpot said...

http://heavenknowsmj.blogspot.com/2011/03/epic.html

punta k jan

Anonymous said...

ang galing galing ng mga tagalog entries mo, madamdamin.

fiel-kun said...

Wala ka pa rin talagang kupas sa paglikha ng mga tula at awitin parekoy! nice nice!!! sana in the near future, ay may isang music company ang magpatugtog ng mga awitin mo. Goodluck!

Dhemz said...

ayay! ang galing naman nito...very pretty ang fan mo Arvin...eehhehehe!

Chimmie said...

waw, gumagawa ka paala ng kanta. sana mrineg ko yung tono niyan.

Fex said...

ganda naman nito arvin...

Yen said...

Galing naman. Sana marinig din namin ang nota nito so we can sing along with your work of art, and that we could proudly say na " Frend ko nag compose niyan" galing nya no? hehe, keep it up, lalo ka pang nahahasa ang talent mo habang tumatagal. Happy for you:-)

Jag said...

Bosing maganda ang knta gawan mo sana ng himig tas iparinig mo sa amin hehehe...

iya_khin said...

composer ka din pala!!! wow naman!!

eden said...

Hi, Arvs! Just dropping by to say thank you for your visit and nice comment.

pusangkalye said...

madami-dami ding naapektuhan ang tsunami sa Japan--hope makapag-rebuild na sila and makapagpatuloy sa buhay.

Verna Luga said...

oo nga they're safe buti nalang.... nice piece kaibigan.. salamat sa pasyal..