Thursday, February 24, 2011

New World

"Ang sinuman na matatakot sa sinulat kong ito ay may bahid ng kasamaan sa sarili."














NEW WORLD
Ni: Arvin U. de la Peña

Darating ang araw na lahat ng lugar ay lalamunin ng baha. Magkakaroon ng napakalaking pagbaha sa buong mundo. May mga lugar ngayon na hindi mo akalain babahain pero binabaha. Unti-unti ay may mga pagbaha na sa iba't ibang panig ng mundo. Unti-unti pa lang.

Ang hindi marunong lumangoy ay tiyak sa kamatayan ang punta. Kahit pa marunong lumangoy ay maaari ding mamatay iyon ay dahil maaanod sila o di kaya ay babanggain ng kung anuman na bagay na tinangay ng baha. Kahit pa nasa mataas na building o bahay ay hindi rin tiyak ang kaligtasan. Pagkat maaaring gumuho ang kinatitirikan.

Bago dumating ang araw na iyon dapat handa ka na. Handa ka na sa tinatawag na paghuhukom. Dahil sa paghuhukom lahat na may masamang budhi ay mamamatay. Kamatayan ang sasapitin nila. Ang maiiwan na lang ay iyong mga tao na may magandang kalooban at kahit konti walang kasamaan na nananalaytay sa kanilang dugo.

New world o bagong mundo ang isisilang pagkatapos ng napakalaking pagbaha sa lahat ng sulok ng daigdig. Ang lahat na mabubuhay na puro may ginintuang puso ay magsisimula sa wala hanggang makabangon sa nangyari.

Sa bagong mundo ay wala ng politika. Wala ng magiging lider ng bansa, lungsod, distrito, o kaya barangay. Higit sa lahat wala ng ahensya ng gobyerno na siya lang pinagmumulan ng korapsyon. Ang lahat ay may pagtutulungan at pag-unawa sa kalagayan ng tao at lugar. Uunlad ang bawat nasasakupan kahit walang namumuno. Wala na rin ang mga pulis kasi wala ng tao na dapat pang disiplinahin kasi puro na mga mababait. At higit sa lahat walang awayan na mangyayari dahil ang lahat ay may takot sa diyos.

Masaya sa bagong mundo. Wala kang mararamdaman na problema. Isa lang ang magiging lider ng bagong mundo. Isa lang ang susundin ng mga tao. Iyon ay ang mga kautusan ng ating Panginoon.

52 comments:

Akoni said...

magaling pare, magaling...Na-realized ko kailangan palakasin ang koneksyon natin sa taas bago pa dumating ang baha na yan.

Kamila said...

dami din pala akong kakilala na kaklase jan na kasali..ngayon ko lang nalaman... ni like ko naman yung kaibigan mo.

hindi ako natatakot mamatay, at least ngayon hindi.. wag ko lang siguro makikita kung paano ako mamamatay..baka dun ako matakot... at ang kinatatakutan ko eh ang maiwan mga mahal ko sa buhay... kung ang bagong mundo ay malinis..walang halong baboy na pulitika... eh di maganda yun...

musingan said...

kailangan na talaga nating pangalagaan ang inang kalikasan..

Umma said...

hi Arvin.. thanks for the visit.. kakatakot naman your prediction about the baha...but its gradually taking place now all over the globe.

My new blog:
Everyday blogger

Chubskulit Rose said...

Meron kayang matitira? I agree, we should be prepared of the judgement day.

""rarejonRez"" said...

The Bible tells everything about what that new world is going to be. If only everyone has takes time to read it! :)

iya_khin said...

you wanted to be ready and be prepared?!! look up you'll see the answer how.

Mel Avila Alarilla said...

Medyo taliwas ang sinulat mo kaibigan sa nasasaad sa Book of Revelation sa Bible. Ang mundo ay hindi magugunaw sa baha although maraming pagbabahang mangyayari. Ang mundo at kalangitan ay magugunaw sa apoy tulad nang nasasaad sa Book of 2 Peter 3:10 at sa Revelation. Ang sinasabi mong bagong mundo ay ang New Jerusalem na bababa mula sa langit. Ang maghahari duon ay ang Panginoon. Ito ay nasasaad sa Chapter 21 nang Book of Revelation. Hindi ko gustong kontrahin ang sinulat mo kaibigan. Gusto ko lamang ihayag ang nilalaman nang Bibliya para ang paghahanda natin ay naaayon sa Salita nang Diyos. Salamat sa makabuluhan mong sinulat. Pagpalain ka nag Diyos sa tuwina.

TAMBAY said...

dahil naka block ang FB dito sa opisina eh sa bahay ko na lang siya i like hehehe

Ang mga pangyayari sa ating kapaligiran ay bunga na din na kalapastanganan ng tao. Ito ang bagsik na ganti ng kalikasan. Walang sinisino.

pusangkalye said...

scary naman nung picture. me news nga sa yahoo na ""the world will be unrecognizable by 2050""scary

riZa d' hoLic said...

agree ako...but kahit na maganda ang 'yong kalooban pero pag di mo pa na submit sarili mo sa kanya...pwede na ring di ko masasali sa New World na 'yan...NEw Jerusalem dibuh? New Earth haya...hehe la lang...

Nikki said...

awesome kuya :))

Verna Luga said...

boring din siguro dun kaibigan wala akong kaaway.. hahaha.. pero magaling.. magaling... salamat sa pasyal...

Nene said...

Agree po ako ky kuya Mel, ako po ay isang bible student s ngaun.. ipinangako ng Diyos n ndi n nya muling gugunawin ang mundo s pamamagitan ng baha bagkus ito ay gugunawin s pamamagitan ng apoy.
ayon din s bible, ndi lahat ng mababbait ay maliligtas. Si Kristo ang ulo at ang church ang katawan ni Kristo. Sino man ang pumasok s knyang katawan ay syang sigradong maliligtas. Pano mangyayari un eh libo libo ang church(relihiyon) n naitatag s panahon natin pero iisa lng ang tama at kikilalanin ng ating panginoong Diyos. S akin opinion lamang, turo ng bibliya ang basehan upang mkpagpaturo s atin kung ano at saan mttgpuan ang tunay na katawan ni kristo. Maganda ang naisulat mong ito Arvin..

w0rkingAth0mE said...

nakakatakot kapag dumating ang araw na ito at mukhang nangyayari na in different countries, personally masasabi ko hindi pa ako ready.

Anonymous said...

ang galing..

dapat may baon tayo bago dumating sa oras na yan kasi baka hndi sa buhay na walang hanggan tau mapunta.. hehe!

Armored Lady said...

hindi pa nmn ako marunong lumangoy...
kaya magdadasal na lang ako
hindi nmn ako pababayaan ni Lord

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni.........dapat talaga na tayo na nasa lupa ay magkaroon ng sapat na koneksyon sa ating panginoon.....kasi ngayon madami pa rin ang binabalewala na lang ang kaalaman tungkol sa ating panginoon..para sa ganun ay lagi tayong handa para sa kanya..

Arvin U. de la Peña said...

@Kamila........salamat sa pag like sa contest na sinalihan ni ayu sa facebook mo..ganun ba..dami palang estudyante ang sumali........kahit sino naman siguro takot makita o kaya maramdaman paano siya pinapatay,hehe....unti unti na sakit..sa bagong mundo doon ay malinis at walang politika..

Arvin U. de la Peña said...

@ayu.........walang anuman..siguro masaya ka na kasi napagbigyan ko ikaw,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@musingan..........iyon ang dapat..katulad na lang ng mga basura na tinatapon lang sa kung saan..kapag umuulan ay nagdudulot ng baha kasi nababara ang daanan ng tubig..at isa pa ang mga illegal loggers dapat ng huminto sa pagputol ng mga kahoy..

Arvin U. de la Peña said...

@Umma...........salamat din sa pagbisita mo uli sa blog ko......ang sinulat kong ito ay malabo yata na mangyari na sabay sabay babaha ang mga lugar sa mundo..gawa gawa ko lang ito..pero di natin alam baka din magkatotoo,hehe..joke..

Arvin U. de la Peña said...

@chubskulit.........kung mangyayari ay may matitira po.....at ang mga matitira iyong may ginintuang puso at walang bahid ng kasamaan sa dugo..

Arvin U. de la Peña said...

@rarejonRez..........hindi po ako mahilig magbasa ng bible.....kung salungat man ang sinulat kong ito sa nakasaad sa bibliya ay hindi ko iyon sadya..nagawa ko ang sinulat na ito kasi may mga pagbaha na sa ibat ibang lugar.....at naisip ko na ano kaya kung babaha sa buong mundo..doon ay nabuo ko na ang sinulat na ito..

Arvin U. de la Peña said...

@iya_khin............sa ngayon siguro hindi pa ako handa kung sakali man na mangyayari talaga ang sinulat kong ito..ewan ko lang kung ang iba ay handa sila..

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla........maraming salamat sa mga sinabi mo..di ko iyon alam kasi di ako mahilig magbasa ng bibliya....may natutunan ako sa mga sinabi mo dito..nakakatakot naman kung ang mundo ay magugunaw ng dahil sa apoy.....sobrang init ang mangyayari kung magkaganun..

Arvin U. de la Peña said...

@ISTAMBAY.......salamat naman na pag uwi mo ay elike mo sa facebook ang contest na sinalihan ni ayu..tama ka..sobra sobra na ang ginagawang paninira ng mga tao sa kalikasan..madami ng bundok ang kalbo talaga dahil sa pamumutol ng mga kahoy para ibenta..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang kalye.......ang picture ay sa goole ko lang kinuha....2050 ay matagal pa..madami pang mga mangyayari sa mundo..

Arvin U. de la Peña said...

@riZa d hoLIc.........thanks sa pag agree mo.........ang mabubuhay kung sakali man na mangyari talaga ay mga tao na wagas at dalisay ang puso..at sigurado na kung may wagas at dalisay na puso ang isang tao ay malapit siya sa panginoon..

Arvin U. de la Peña said...

@CHEEN.................ganun ba..nakaramdam ka ba ng takot o kaba habang binabasa mo ito,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Vernz...............sa bagong mundo ay hindi po puwede doon ang mahilig makipag away..doon ay mababait talaga ang mga tao..

Arvin U. de la Peña said...

@Nene........ako din ay nagandahan sa mga sinabi ni Sir Mel....gaya ng nasabi ko na sa pagsagot sa pag comment ay gawa gawa ko lang ito..ang pinagbasehan ko dito ay iyong mga pagbabaha sa ibang lugar na hindi mo akalain ay babahain..dahil doon ay nakapag isip ako ng sulatin na dadating ang panahon na lahat ng lugar ay lalamunin ng mga pagbaha..nirerespeto ko ang opinyon mo..

Arvin U. de la Peña said...

@workingAthome............talagang nakakatakot..kasi wala kang mapuntahan na safe na lugar iyon ay dahil lahat ng lugar ay lalamunin ng baha..at isa pa nakakatakot din iyong mga maaanod na malalaking bagay na tiyak kapag tamaan ka maaari mong ikamatay kung masama ka na tao..

Arvin U. de la Peña said...

@mommy-razz.............kung biglaan ang pagbaha ay hindi na makakapaghanda para sa mga dadalhin sa mapupuntahan kasi nakakabigla iyon..matataranta talaga..ang dadalhin lang ay ang kaya ng sarili...

Arvin U. de la Peña said...

@cLai................dapat ka na sigurong matuto sa ngayon na maglangoy..para naman kapag may outing ang mga kaibigan mo para maligo sa isang lugar ay marunong ka ng lumangoy..

Azumi's Mom ★ said...

nakakatakot na talaga mga nangyayari sa mundo... my gas, lagi na lang kaguluhan or kaya disasters ang napapanood ko sa news.. sana handa na tayo lahat kung dumating man ang sinasabi nila paghuhukom.

Happy weekend

Kim, USA said...

Ang alam ko sinabi nang Diyos na pagbutihin natin at arugain ang natural resources na binigay niya sa atin. Ano ang ginawa natin ngayon, saang sulok nang mundo makikita natin how people become so greedy to the point that they change the landscape of a certain place. So what we expect to live happily ever after? No way! Ang daming abuso na nangyari sa ating kapaligiran lalo na doon sa mga may pera. Kaya kung ano man ang mangyayari sa atin, ito na yun. Ang kakawawa lang is the young and the innocent who knew nothing.
Will just all pray that we all be spared. ^_^ Ganda nang poem mo nakaka-antig nang damdamin.

Ishmael F. Ahab said...

Malaki ang aking pananalig sa darating na paghuhukom.

Maraming tao ang pinagtatatwanan ang mga taong naninwala dito. Pero ang hindi nila alama na ang tunay na pinagtatawanan nila ay ang sarili nila dahil sila ang mapapahamak sa ikalawang pagbababalik ni Jesus Christ.

eden said...

Nice poem, Arvs. A great reminder for all of us that we should be prepared always. And always pray to God.

Salamat sa dalaw at nice comment.

Arvin U. de la Peña said...

@Bambie dear.............talagang nakakatakot na..mahirap ng unawain at intindihin..katulad na lang sa pangyayari na ang isang pinuno ng bansa ay nais patalsikin..pagkatapos bumaba sa trono ang isang pinuno ng bansa ay ibang bansa na naman ang gagaya..nakakasakit lang ng ulo..

Arvin U. de la Peña said...

@Kim, USA..............iyon ay dahil maraming mga tao ang hindi masunurin..kulang sila sa disiplina..madami ng bundok ang kalbo dahil sa walang humpay na pamumutol ng kahoy..talagang kawawa ang mga bata pa at musmos o ang isisilang pa dahil sila din ay maaapektuhan..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab...........ganun ba..pero parang matagal pa siguro bago iyon mangyari..naalala ko tuloy na taong 2000 may grupo na nagtago talaga sa kuweba dahil ang sabi ng pinuno nila ay uulan ng apoy..pero hindi umulan ng apoy..madami ang nagkasakit at isa pa naging mabaho sa loob ng kuweba..nang lumabas na sila at tinanong ang pinuno nila ay ito ang sabi... "wa man ko mag ingon na muowan ug kayo..ingon nako muowan kaayo."....

nagawang katatawan ang sinabi niyang iyon..kung sa tagalog ay ganito ang sinabi ng pinuno.."hindi naman ako nagsabi na uulan ng apoy..sabi ko uulan ng sobra."

kayo means apoy sa tagalog
kaayo means sobra

kayo at kaayo parang magkatulad ang pagkakasabi..

Arvin U. de la Peña said...

@eden...............thanks po sa iyo..salamat uli sa pagpunta sa blog ko..good luck lagi sa iyo..

Anonymous said...

basta ako ayaw kong mamatay ng panget.

Ishmael F. Ahab said...

Di naman boss Arvin. Hindi natin masasabi na matagal pa iyon dahil wala namang nakakaalam kung kelan talaga mangyari iyong Second Coming ni Cristo.

Malay natin, mamayang hapon eh bigla siyang dumating.

Nice Salcedo said...

wow .. sang-ayon na sang-ayon talaga ako sa mga sinabi mo dito, kuya arvin! only we, ourselves, can make a difference. :D

done supporting ayu! :)

Yen said...

Totoo meron nang mga binabaha na dati ay di naman katulad nangyari sa jeda. Pero alam mo,naniniwala ako sa sinabe ni Lord, na hindi na niya gugunawin ang mundo sa pamamagitan ng baha, promise niya yun nung panahon ni noah, sabi niya ang bahag hari daw ang tanda ng kanyang pangako na hindi na niya gugunawin ang mundo sa pamamagitan ng tubig baha. :-)

Arvin U. de la Peña said...

@Sutil Princess............hindi nga mabuti sa pandinig at sa mata ng tao kung mamamatay sa kahindik hindik na paraan..kung mangyayari nga ang nakasulat dito ay malagim iyon na trahedya na ikamamatay ng napakaraming tao sa mundo..pero hindi naman lahat..

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab..........hehe..parang gusto mo na rin yata na mangyari ang sinasabi na second coming ng ating panginoon..maghintay lang tayo at darating din iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@nice..............maraming salamat kung ganun..salamat din sa pagsuporta kay ayu..sana manalo siya sa contest na iyon..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen..............opo..may mga lugar talaga na di ko sukat akalain babahain pero binabaha..nakakatakot sa akin ang ganun..ayaw kong ma experience iyon..nakakatakot lalo kung may buwaya na nakawala at nasa baha..

Ishmael F. Ahab said...

Syempre naman. Gusto ko nang makita si God. Sana nga lang sapat na ang Faith ko para harapin siya.