"Sinulat ko ito hindi dahil galit ako sa mga NPA. Masama lang ang loob ko sa kanila."
NPA
Ni: Arvin U. de la Peña
Bata pa ako ng mabalitaan ko na ang tungkol sa mga NPA. Nakakatakot daw sila kasi pumapatay ng mga tao. Pero ang pinapatay nila ay mga tao na gumagawa ng kaapihan sa kapwa. Kapag may inaabuso kang mga tao ay tiyak ang gaganti sa iyo ay mga NPA. Papadalhan ka muna nila ng sulat at kapag hindi ka nakinig sa kanila ay lilikidahin ka na nila. Nasabi ko noon na maganda ang layunin nila kahit nasa bundok. Hinangaan ko ang mga NPA noong bata pa ako.
Ngayong malaki na ako ay nawala na ang paghanga ko sa mga NPA. Hindi ko gusto ang ginagawa nila na papatay ng tao kahit mabuti naman ang ginagawa. Ang mga NPA ay nasa bundok. Minsan ang gumagawa ng illegal logging ay kakampi pa nila o kaya ay kamag-anak o di kaya ay hinihingian nila ng pera ang illegal logger para hindi sila galawin. Kung ikaw ay isang opisyal ng barangay na malapit sa bundok ay huwag kang mangangahas na harangin ang tao na nagdadala ng kahoy galing bundok para makumpiska ang kahoy dahil tiyak ang makakalaban mo ay mga NPA. Papatayin ka talaga nila kapag umulit ka ng umulit sa pagharang sa nagdadala ng mga kahoy lalo na kung sinulatan ka na nila at hindi ka nakinig. Dahi doon ay okey lang pala sa mga NPA na magkaroon ng landslide kahit maraming mamamayan ang maaapektuhan. Ang illegal logging ay puwedeng matigil kung gugustuhin ng mga NPA kasi nasa bundok sila. Ngunit hindi nila ginagawa. Hinahayaan nila na makalbo ang kagubatan.
Sa mga nangyayari sa ngayon napakadami ang dapat patayin na tao dahil sila ay salot sa lipunan. Gumagawa ng hindi mabuti sa kapwa. Bakit hindi makayang patahimikin ng mga NPA. Gayong noong bata pa ako ang akala ko talaga ang pinapatay nila ay mga tao na nang-aapi sa kapwa. Nasaan na ba sila?
May mga politiko na hindi mabuti ang pagserbisyo sa mamamayan. Ang kanilang bayan o lugar na nasasakupan ay walang pag-asenso. Kahit inaayawan na nga mga botante ay nananalo pa rin dahil namumudmud ng pera. Binibili ang mga boto para manalo. Bakit ang mga politiko na iyon hindi magawang patayin ng mga NPA. Palibhasa napapansin ko ang mga NPA ngayon ay bayaran na. Para na silang mga pokpok na bayaran lang ng pera ay puwede ng magamit. Binabayaran sila ng ibang mga politiko para hindi galawin. Tatanggap ng pera ang mga NPA sa isang politiko tapos okey na kahit anong gawin ng politiko sa kanyang nasasakupan. Ang mga NPA ngayon mga mukhang pera na. Pinagkakakitaan na nila ang kanilang pagiging rebelde.
Nariyan ang mga taong corrupt. Dahil sa mga tao na iyon malaking pera ang nawawala sa gobyerno. Na ang pera na iyon ay maitutulong sana sa mga mahihirap na mamamayan. Pero bakit hindi sila magawang patayin ng mga NPA. Dapat ang mga corrupt na tao ay pinapatay ng mga NPA para hindi pamarisan ng iba.
Sa paglipas ng panahon napapansin ko ibang-iba na ang mga NPA. Hindi na katulad ng mga nalalaman ko sa kanila noong bata pa ako. Humihingi ng pera sa mga negosyante, sinusunog ang mga cellsite ng cellphone na dahil doon ay maraming mamamayan ang maaapektuhan pagkat mahihirapan na makatext o tawag dahil walang signal. Higit na hindi ko nagugustuhan ay ang pag-aambush nila ng mga sundalo o mga alagad ng batas. Traydor sila kung lumaban. Dapat sila ang makakauna. Marami pa sila kung umatake sa kalaban kumpara sa iilan lang na kanilang inaambush. Minsan nasasabi ko tuloy sa sarili na ang mga NPA ay duwag. Kung bakit sinabi kong duwag ay hindi sila lumalaban ng parehas. Tapos kung alam naman na sila ay tagilid sa barilan ay umaatras na. Ganun sila na mga NPA. Takot silang mamatay pero wala silang takot kung pumatay.
Walang silbi, ganun ang turing ko ngayon sa mga NPA. Nawala na sa puso nila ang tunay na dahilan kung bakit naging rebelde. Kapakanan na lang nila ngayon ang kanilang iniisip. Balewala na lang sa kanila ang ibang mga tao kahit na ito ay apihin pa. Ang mabuti sa kanila na mga NPA ay kagatin bawat isa ng makamandag na ahas kagaya ng cobra.
Tuesday, January 25, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
54 comments:
Wow! Very strong words Arvs!
Yeah, agree ako sa mga sinasabi mo. Ibang iba na ang mga NPA ngayon. Naging pnagkaraniwang tulisan na lang sila.
Nagpapasabog ng cellsite, nanununog ng bus, tapos pumapatay ng mga taong kontra sa kanila.
Sinasakop nila ang mga barangay at pinipilit bugawin ang mga sundalo pero kapag panahon naman ng kalamidad, sa mga sundalo rin naman sila umaasa para kumuha ng relief goods at makatanggap ng tulong. Kung sila ang sumakop sa isang barangay, bakit hindi sila ang mag-bigay ng tulong doon?
Maganda ang layunin kung bakit ngkaron ng NPA, pero yan ay noon. Ngayon malabo na, maaaring iyon pa din ang lyunin subalit iyon ang nasusulat na lamang.
Nakakatakot na talaga ang NPA, salot na at hindi na tagapagtanggol ng MASA..
Tama ka! Ang mga NPA ngayon ay mga pirated pirates na LOLZ!
Iba sila sa mga naunang NPA. Noon, may pinaglalaban sila. Ngayon, ewan. Hays!
@Ishmel Fischer Ahab........medyo matapang nga ang sinulat kong ito..may pagka delikado sa mga NPA,hehe..pero sabi nga ang tamaan ay huwag magagalit..sa isang barangay na nasasalanta lalo na at malapit sa bukid ay tiyak ay may mga NPA din iyo..di lang malaman kasi naka sibilyan..ang mga NPA kasi mapag disguise na tao..
@ISTAMBAY..........tumpak ang sinabi mo..sa mga pelikula na may rebelde mapapansin mo talaga ay kapag may nang-aapi ay kinakalaban nila..pero sa ngayon ang mga rebelde ay ibang iba na..Pareho lang ang tawag sa kanila ang noon at ngayon NPA..pero ang layunin nila sa noon at ngayon ay magkaiba na..napakalaking pagkakaiba..
@Jag.............ang mga NPA ngayon parang sumabay na sa agos ng panahon......nagpaka high tech na rin..kung may patayin man sila minsan dinadaan pa sa pagbomba gamit ang cellphone,hehe..
ganoon din ang pagkakaalam ko noong bata pa ako kaya hindi ako natatakot sa mga NPA. Ewan ko sa ngayon kasi wala naman akong masyadong balita sa mga nagaganap sa atin kasi wala akong TFC at minsanan din akong bumasa ng balita sa atin sa internet. But I talked to one of my relatives few days ago kasi I am planning to buy a lot sa atin at may lugar sa amin na sinasuggest ko at sabi ng kapamilya kong ito na huwag daw doon kasi maraming NPA. Once din may ko worker ako at sabi niya na maymalaki daw silang lupa sa bundok at maraming tanim pero hindi na nila pinuntahan dahil daw inangkin ng mga NPA.
I hope na ang mga NPA na may magandang layunin ay sila ang pumaibabaw kaysa doon sa may hindi mabuting layunin.
Nawala na talaga nang silbi ang NPA dahil naging mangungulimbat na lang sila. Wala na silang pinagkaiba sa Abu Sayaf. Ang gusto nilang mangyari ay pataubin ang gobyerno at sila ang mamuno sa bansa. Pero lalong lulugmok ang isang bansa kapag mga komunista na ang nagpapalakad. Nakita ito sa Cambodia nuong panahon ni Pol Pot at sa bansang North Korea na naiwanan na nang South Korea sa pagunlad. Tama ka sa pagsasabing tinotolerate nang NPA ang illegal logging sa bansa. Pati pagtatanim nang marijuana ay isinusulong na nila. Nangongotong din sila sa mga legitimong negosyante at kapag hindi nagbigay sa kanila ay sinusunog nila ang mga ariarian nito. Kulang na lang na mangidnap na rin sila katulad nang Abu Sayaf. Tama ka rin na sila ay traidor at ayaw lumaban nang patas. Sila ngayon ay matuturing na isa nang organisasyon nang mga tulisan. Salamat sa makabuluhang lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Hi Arvs, I can't say so much about this one. Yon din ang alam ko noon but since I arrived here, I miss a lot of news about NPA. Last Dec I read a news about the ambush of our military by the NPA at 10 daw ang patay. it is complicated. i sometimes think na may dalawang grupo ang NPA.
NPA?gnyan ang isa naming kapitbahay. NPA.palipat lipat ng bahay sa mga kmag-anak.no permanent address hehe
Naku dati yan ang panakot sakin kaya ayaw akong papayagan pumunta sa mga probinsya at baka nga daw ma NPA kami.
@ayu.................ang NPA ay NPA..kung ano ang NPA sa isang lugar ay ganun din sa ibang lugar....pare pareho ang kanilang layunin......gaya ng sabi ko ang layunin nila ngayon ay ibang iba na kaysa noon..dapat lang na sila ay lahatin kasi NPA din naman sila..
@analou..................dapat ka ng matakot sa mga NPA ngayon.....lalo na at ikaw ay nasa ibang bansa..akalain nila ay madami kang pera..baka kikilan ka nila o hingan ng kung ano..talagang mahirap tumira sa may mga NPA kasi hindi ka matatahimik..kasi bigla magkakaroon ng barilan sa pagitan nila at sa mga sundalo kung lusubin..ginagamit na ng NPA ang kanilang posisyon para agawin minsan ang isang taniman..kawawa ang mga magsasaka na hinihingian nila ng bigas o kung ano pa..
@Mel Avila Alarilla.........yah..parang mga pirata na rin ngayon ang mga NPA.....walang kahihinatnan na maganda ang ating bansa kung sila ang mamumuno..kasi baka sandamakmak na nakawan sa gobyerno ang mangyayari..may mga NPA na nagsusugal.....nagsasabong..puwede nga na sila ay magtanim ng marijuana kasi nasa bundok sila at sila lang ang makakaalam saan nila tinanim..problema talaga sila ng bawat administrasyon..
@eden............palagay ko isa lang ang grupo ng mga NPA..kasi isa lang naman ang pinaka pinuno talaga nila..kung ang isang lugar ay madami ang puwede hingan ng NPA ay hihingi talaga sila ng hihingi..pero kung konti lang ay hanggang doon lang sa abot ng makakaya ang matatanggap nila..
@emmanuelmateo.........haha..ganun din ang sinasabi namin noon..ang sinasabi namin sa salitang NPA ay no permanent address....pagsasabihan ang isang kaibigan.. NPA ka ano? no permanent address..tapos tawanan na..
@anney.............try mo minsan..ingat nga lang..di naman lahat ng probinsya may NPA..ibang parte lang ng probinsya ang NPA..pero sila ay palipat lipat ng lugar..malas mo kung sa lugar na mapuntahan mo ay doon pumunta ang mga NPA,hehe..
hindi kami mukang pera, pag di ka tumigil sa sinasabi mu, papatayin ka namin... Pag di mo sinunod ang sulat na toh... magdasl kana...
nagmamahal,
NPA
joke! hahaha
Pumatay ka ng masamang tao, pumatay ka ng mabuting tao,
pumatay ka ng inosente.
PAgpatay pa din yun...
Di ako pabor... hehehe...
Pero kung papatay na lang din cla, aba yung worth it naman mamatay!yung mga tulad nila! hahaha
I agree with jag....iba na yung NPA ngayon k sa sa dati....
Well, they sucks. Those we're morbid people trying to destroy our lives, because their lives had been wrecked by their own deeds as well. I don't like the way they abused people.
Sa mga 70's and 80's talagang sikat na sikat ang NPA, pero noon pa man hinde na ako hanga sa layunin nila. Kagaya nga sa sinabi mo na sila pa ang po-protekta sa mga illegal loggers dahil bibayaran sila. Ang kanilang ideology noon ay to protect the poor and to punish the people in the government na corrupt, eh wala namang nagawa sila. Sa ngayon hinde ko alam kong ano ang ginawa nila dyan sa Pinas. Pero basi sa nabasa ko sa tula mo para na nga silang mga tulisan at extortionist big time. Dapat lang na lipunin yan sila kawawa ang mga taong mga inosente.
akala ko talaga iba sila. ngayon nagiba na talaga tingin ko sa kanila. grabe na sila aa. over na talga. major major na nagagawa nilang damage. tss.
i love yer new post kuye XD
i just wonder whether you had a chance to talk to even one of them, because I HAD. But that was more than 10 years ago, if it's true that they have changed, then maybe what you feel about them is justified, still, i would only make my position if i get to talk to any one of them again...
@jhengpot...........parang iyon talaga ang sinusulat ng mga NPA sa isang tao..akala ko nga sa una ay para talaga sa akin......tama ka sa sinabi mo na dapat ang papatayin ay iyong karapat dapat talaga..kung ang tulad nila ang papatayin ay baka malipol nga ang NPA,hehe..kasi sila sila magbabarilan..
@Dhemz..........kumbaga sa DVD ay maganda talaga ang original kasi malinaw at hindi pa putol putol.....ang mga NPA ngayon ay di mo talaga malaman ano talaga ang layunin nila..
@tim............ang mga NPA ay ayos naman sila basta ba nasa tama ang kanilang ginagawa......kasi ngayon madami ang tao talaga na dapat patahimikin kaso hinahayaan na lang nila..eh noon ang pagkakaalam ko ang mga tao na dapat patahimikin ay pinatatahimik talaga nila..ngayon sila ay nagiging biktima ng sarili nilang kagustuhan..
@Kim,USA............talagang kinatatakutan sila noon..dumating kasi iyong time na ang mga NPA ay binabayaran na ng mga tao na masama at mapera kaya ayun nagkaganun na hinahayaan na lang sila..may mga NPA po na protektor sa isang tao na masama..ganun po iyon..obserbasyon ko po at sa mga nabasa na rin..
@CHEEN............salamat sa pag like mo sa post kong ito...abangan mo ang post ko sunod na ang pamagat ay BAWAL NA GAMOT.......at umaasa ako na walang magagalit sa akin dahil sa mga nakalahad sa sinulat..halos bawat araw ay laman sila ng balia.....major major na pinsala na talaga ang nagagawa nila..
@simply_kim.........wala pa akong nakakausap na NPA..ewan ko lang kong NPA sila..hindi naman iyon aamin..pero madami akong nakakasalamuha at sinasabi ng iba na NPA daw..pero hindi agad agad ako naniniwala..kapag may nakausap ako na umamin talaga na NPA ay maniniwala ako..pero minsan may mga tao na sinasabi lang na NPA siya para katakutan at resputuhin kahit hindi naman NPA.....sana nga dumating iyong time na muli may makausap kang NPA para mo matanong kung ano na talaga ang layunin nila sa ngayon..
wow, really bash this post. Cruelty hover everywhere. This people sucks.. Can't find any good words to say, i felt so terrified not because they can kill me, but because they we're destructor.
Parang scene sa mga superhero tong post mo ah. YUng bang tipong sila kunwari ang naapi pero ang totoo sila ang nang aapi. Nakatikim na kasi sila ng sarap sa pamamagitan ng mga armas nila, because the civillian don't want to mess up with them, kaya binibigay nalang ang mga gusto nila. Hay ewan ba, ganun yata talaga, life is not fair ika nga. PAg pray nalang natin silang mga matatapang dahil may mga armas na sukbit sa balikat.
well all i can say is time change people change...
hindi ntin masisi kung naligaw ng landas ang npa it is because even their leader nawawala na hahaha nagtatago sa ibang bansa ayun nakulong na so wala na tlga pati ung mga generals nila db bumalik na sa gobyerno... so ung mga mababang member ayun naiwan sa bundok how can they living all they was fighting hahaha db kaya gumagawa na rin sila paraan para mabuhay... hindi nmn pede bumababa ng bundok kais wanted sila db... haaaaaaaaay
hirap!
Nice! Thanks for sharing!
Yeah i heard it too especially in the mountain. Yung mga teacher nga na naka assign sa mountain they can't discipline the kids well because the NPA bumibisita daw at nanakot sa mga guro
Sumasangayon ako sa nakikita mong pagkakaiba ng NPA noon at ngayon. Minsan nga naiisip ko na masyado ng mapagsamantala sila sa lugar na kaya nilang sakupin tapos isisisi nila sa gobyerno ang mga bagay bagay na dapat sila ay makiisa o tumulong upang umunlad ang ating bayan
madami talagang tao sa mundong ito na di garapalan na kung gumawa ng kasamaan. ang ugat pera lang. Ang ilang mga pinunung inaasahan nating aayos ng ating bansa ay nangunguna sa mga ito. tulad din ng mga ordinaryong tao tulad natin, kapulisan o kawal meron ding mga NPA na may ganitong ugali.Sana magbago na sila bago mahuli ang lahat.
Panalangin nalang natin silang mga NPA na magbago.
they only have selfish motives than they think they have goals for the masses.
btw, i added you in my list already :D
A Time To Weep and A Time To Laugh
Heartifying!
@tim.............salita pa lang ay nakakatakot na..kasi NPA at ang mga ginagawa nila ay nakakatakot talaga..lalo na ngayon..madami ang balita ng tungkol sa mga pag ambush ng mga NPA sa mga pulis..
@Yen............hehe..ganun ba......pero hindi sila ang mga bida dito..korek ka..ang mga NPA ngayon ay sagana na..pagkain nga nila siguro masasarap..kasi puwede silang humingi sa mga may pera..tatakutin at kapag hindi magbigay ay papatayin..at ngayon ay nakakabili na ng matataaas na kalibre ng armas ang mga NPA..at siguro may mga cellphone na rin bawat isa sa kanila..
@uno.............may punto ka..sa pag usad ng bagong panahon ay nagbago na rin ang paniniwala ng mga NPA......wala na sa direksyon ang mga ginagawa nilang pag ambush..delikado talaga ang mga patrol car kapag dumaan sa lugar na may mga NPA..ang lider ng mga NPA siguro ngayon nagpapakasarap lang sa ibang lugar,hehe..may mga NPA naman po na bumababa ng bundok pero hindi nagdadala ng baril..hindi kasi sila mahalata na NPA..puwera lang kung sa pakikipagbarilan ay namukhaan sila at hindi talaga sila pupunta sa kabihasnan kasi baka may poster na nakakalat at wanted..
@Deej Ecdao..........walang anuman..salamat din sa pagbasa mo nito..
@Mama Ko.............ganun ba..ibig palang sabihin ang mga anak ng NPA ay nag aaral..ewan ko lang kung ang pinag uusapan sa klase ay tungkol sa mga NPA kung mag react ang anak nila,hehe..siguro tikom ang bibig nila kung silang mga NPA ang topic sa klase..
@supermommyjem............salamat sa pag sang ayon mo......kung ang isang lugar ay kaya talagang sakupin ng mga NPA ay sinasakop talaga nila kasi doon ay marami silang magagatasan..puro nga sila reklamo sa gobyerno hindi man lang nila naisip na sila din ay problema ng gobyerno......mahirap yatang mangyari na ang mga NPA ay makikiisa na sa gobyerno..sa ngayon malabo talaga..
@Diamond R............money is a root of all evil.....ganun talaga..kung hindi dahil sa pera siguro walang NPA........kaya naman sila naging rebelde dahil palagay nila walang kinabukasan na maganda ang naghihintay sa kanila..pero kung sa pagkasilang palang nila ay marami ng pera palagay ko hindi sila magiging rebelde..
@Presel Maker.............may mga nananalangin talaga na magbago sila..pero parang malabo yata iyon..
@Jona...........korek ka..sariling interes lang nila ang kanilang iniisip..hindi na nila iniisipa na marami ang nadadamay sa ginagawa nila..maraming salamat sa pag add mo sa akin..
JUST AN OPINION GUYS :
Nakakatawa kung paano mag diskurso ang mga tao nang walang sapat na pagsusuri.
Dumaan ang kilusan (CPP-NPA-NDF noong early 90s sa isang krisis. Nagkaroon ng purging at pagsunog, maging extortion dahil napasok sila ng mga ahente/ agent na ang motive ay sirain ang maningning na kasaysayan ng kilusan. Dumating ang 1995 at nagkaroon ng pagwawasto sa mga pagkakamali. Ito na ngayon ang bagong mukha ng NPA.
Sa ngayon, maraming mga grupo ng tulisan ang gumagamit sa pangalan ng NPA (o nagpapanggap na NPA) para manikil at kumuha ng pera sa mga komunidad. Nagkaroon ako ng chance na mag interview ng mga miyembro ng NPA para sa isang documentary. At hindi totoo ang mga naibabalita. Kung pupunta ka sa sulok ng mga probinsya, yung mga walang kuryente, walang daan at atrasado ang pamumuhay, makikita mo kung paano pinapalaya ng mga NPA ang mga komunidad mula sa mga malalaking kumpanya ng minahan, [pang-aabuso ng militar, at paghahari ng mga pulitko.
I work for the government, and i had the chance to actually visit some areas, poverty-stricken areas which are victims of military operations, PRIVATE ARMIES/ GOONS extortions(who guise themselves as NPAs...causing friction with the military).
Malinaw naman sa ating lahat ang dahilan kung bakit patuloy ang digmaan.
Just like the Chinese Communist Party (CCP), NPA's are there claiming that they are fighting for the sake of the welfare of the people but if you study communism very carefully, Karl Marx describes that in order to achieve liberation from poverty and injustice, you should establish Class-Struggle, Dictatorship of the Proletariat, Atheism, Discrimination against different class in the society, Establishment of armies in the workplace/agriculture and so on, just what states in the Communist Manifesto. You will see that it's all evil action. Evil cannot fight evil, you should fight Evil with Good, according to the Bible and other religions believe also to this. China, during the time of Mao, The Communist Government order the peasants to seize lands from private owners but at the end, the peasants became 'dehado' because the Chinese government are the one's who benefited from the agricultural produce while the peasants are not allowed to eat from their produce and they should provide separately for their own. This shows that communists are experts of deception kaya't kaya nila magsinguwaling na di sila gumawa ng krimen, normal na sa kanila iyon, naapektuhan pati yung tiwala nila sa isa't-isa. May time na nadiskubre ang isang malaking kampo ng NPA sa Samar at natagpuan ang mga uniporte ng army, saan ba nila gagamitin iyon? Pwede nilang gamitin para ipalabas na sundalo sila para pumatay ng mga aktibista at palabasin na ang militar ang gumawa ng extrajudicial killings. Oo at may pang-aabuso ng militar at ng mga private army pero isipin din natin na ang panlilinlang ay kasama sa pakikibaka ng mga komunista. Para maunawaan pa, basahin: www.ninecommentaries.com
hello! nabasa ko ang message mo sa fb, sorry di na nakapagreply na-busy kasi ako lately - marami kasing NPA na namatay sa Quezon last week of June, iyong isa dun dinala dito sa Maynila at binigyan ng parangal
i was really sad of this post as well as the comment of your readers...it looks like that all of you really believe the government's black propaganda
well, i will just respect your opinion
what can i say...what you described here is not the characteristics, attitude and activities of NPA
i know them - they are kind and obedient, mahal sila ng mga magsasaka...sila ang tunay na hukbo ng bayan, i believe of what they fight for
sorry, can't email you, don't know your email
salamat po sa bisita and for following my fb page
Nais kong ipabatid sa sumulat nitong blog na ito at sa mga mambabasa na hindi niyo alam ang totoong mga kwento sa likod ng mga iyong hinihaing mga balita na nabalitaan mo. Para sa kaalaman mo lahat yan palabas ng gobyerno lalo na noong panahon ni GMA. Ngayon ko lang nabasa tong blog mo bilang nag-search ako tungkol sa kanila. Alam ko kung ano ang tunay na pagkatao nila dahil alam ko at namatay ang kapatid ko dahil siya ay isa sa kanila. Di mo alam ang totoo kaya klaruhin mo muna mga pahayag mo. Hindi dahil yun ang narinig mo maniniwala ka na sa mga yun. Hangga't di ikaw mismong nakakita at ikaw mismong nakasaksi.
new people's army is a one way to stablish a new a better and much progressive government. Hindi LNG ISA kundi marami cla ay NASA kanayunan Kung Saan andun ang pag abuso ng Mga pascist army, they don't kill for nothing they kill for the betterness of the people most importantly peasants and workers whose rights are being torned. Npa also have various activity for the good of the people medical missions and giving food to the children who dnt have parents to name a few. So why does some people tells everything bad unto npa? Simply they don't know what really lies upon the heart of those who live and die in the mountain for their idiologies and for the better of the people. come to think that why they have to leave their love ones just to fullfill their idiology. Hndi magbabago ang kalagayan hanggat NASA ilalim ang naghihirap n mamamayan. mabuhay ang bagong hukbong bayan!
Post a Comment