"Ang mga taong nagkakasala sa atin ay patawarin natin. Ngunit huwag nating kalimutan ang kanilang pangalan."
VIZCONDE MASSACRE
Ni: Arvin U. de la Peña
Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang Vizconde Massacre na nangyari noong 1991. Sa panahon na iyon ang ibang nakikita natin ngayon na mga gadget ay wala pa. Kagaya ng cellphone, ipon, ipad, laptop at kung anu-ano pa. Ewan ko lang kung may blog na noong nangyari ang massacre na iyon. Pero nakatitiyak ako na wala pang friendster, twitter, at facebook.
Nakulong ang inakusahan na si Hubert Webb at ang iba niyang mga kasamahan. Nagdusa sila sa kulungan. Maraming taon din na sa paggising at bago matulog ang makikita muna ay rehas. Hindi makatulog ng maayos kasi nakakulong nga. Ang hinihigaan ay ibang-iba kaysa sa bahay nila.
May kasalanan man sila o wala ay nararapat lang siguro na sila ay patawarin na. Mang Lauro Vizconde ngayon na sila ay laya na huwag ka na sanang maghangad pa na sila ay maibalik sa kulungan. Isipin mo na lang na hanggang doon lang ang sentensya nila at laya na ng tuluyan. Oo masakit ang mawalan ng asawa at mga anak. Pero dito sa mundo ang buhay natin ay hiram lang. Ang buhay ng iyong asawa at dalawang anak ay hanggang doon lang talaga. Kung hindi sila namatay sa massacre ay maaaring namatay sila sa ibang paraan. Maraming beses ng nangyari na may tao na kung iisipin talaga ay malabong mabuhay dahil sa insidente. Pero sila ay nabuhay pa rin. Kung bakit sila ay buhay pa rin sa kabila na malagim ang ginawa sa kanila iyon ay dahil hindi pa nila oras. Kailangan pa sila dito sa mundo.
Kung ang diyos ay marunong magpatawad, tayo din na tao lang dapat matuto din na magpatawad. Ang tao na nabubuhay sa nakaraan ay hindi mararating ang bukas na puno ng kasiyahan. Ang poot mo sa mga sangkot sa krimen kung sila nga ang gumawa kasi ang hatol ng korte suprema ay hindi sila ang gumawa dapat iwaksi mo na.
Tumulad sa ibang tao na sa kabila na may krimen na nangyari sa pamilya ay nakapag move on. Kinalimutan ang nangyari at hinarap ang mga hamon sa buhay na puno ng pag-asa. Dahil kung patuloy silang magkikimkim ng sama ng loob sa may kagagawan ay patuloy lang masasaktan ang kanilang sarili.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
whoa, mahirap ito..
That time wala pa atang internet pero kung meron man ang mahal siguro nang arkila per hour. I remember may cable tv na pero yun lang rich ang makaka-afford noon. For sure wala pa din yung blogging hehe.
I also can't remember kung kelan sila napunta sa kulungan pero if they spend 20 years inside the prison it's not enough pa rin. They have killed 3 innocent people. Nobody could bring them back to life while these Hubert and the gang has life waiting for them, it's unfair. For me life imprisonment yan.
sana mabigyan na nang katarungan ang mga biktima.
salamat naman at bumalik ka ulit Arvin..:)
btw, You are cordially invited to join my giveaway contest. Come and check it out! Thanks....:)
Kaibigang Arvin sorry but I still feel bad for the Vizconde's. Tama ka na dapat ng mag-move on siya pero for me it's easy to forgive than to forget. Basta ako happy na bumalik ka na ulit sa pagsusulat. regards to your family.
masakit nga talaga yun ano....pero gusto ko ung sabi mo na "magpatawad wag lang kalimutan ang pangalan" hehe....
Tama ang payo mo kay Lauro Vizconde. Ke me kasalanan man o wala ay mahabang panahon ding nagdusa sina Hubert Webb at mga kasama niya. Ang masakit ay paano kung talagang wala silang kasalanan?. Ang lahat nang bagay ay nangyayari dahil pinahintulutan nang Diyos. Hindi natin matatarok ang Kanyang tunay na kalooban. Kung me mahuli mang iba at mapatunayan na silang tunay na salarin ay mabuti. Pero huwag kang umasang mapaparusahan pa sina Hubert Webb maski mapatunayan sa muling imbestigasyon na sila nga ang may sala. Ito'y dahil sa prinsipyo nang double jeopardy o hindi pwedeng ihablang muli ang isang taong nahusgahan na. Thanks for the post. God bless you always.
Yes, I can still remember about this massacre.
Gusto ko din yon sabi mong "magpatawad wag lang kalimutan ang pangalan"
Salamat sa dalaw.
Hinahangad ko na mabigyang hustisya ang mga biktima at mahuli na ang mga taong may sala.
Hindi rin natin masisisi ang mga kaanak ng biktima kasi talagang masakit ang nangyari, mahirap talagang magpatawad.
naguguluhan nga ako dito sa case a ito. Akala ko tapos na at convicted na...
Hay naalala ko na naman kung panu kami nag di bate nang jowa ko about this case recently. Sabi niya, panu kung wala ngang kasalanan yung mga accused, Sabi ko naman, Are you questioning the decision of the higher courts before, when the accused party was given the verdict of life sentence. Anyway, tapos na yun, Mag patawaran na lang,Kung di man nakuha ni Mr Visconde ang justice dito sa mundo, I believe God is fair and just He can have that peace of mind and justice in his walk with God.
Granted na the accused party ay talagang guilty, pero di pa ba sapat na they spent half of their lives in the prison? May buhay pa sila, let us not kill them. If we are to give them another chance to live and to start a new life, maybe we could make a difference, Everyone of us deserves a second chance no matter how bad are we, Isipin nalang natin na kung ang Diyos kaya tayong tanggapin paulit ulit sa kabila ng mga wickedness natin,Tayo pa kaya? Kaya Sana tayo din, Yes, its hard to forgive those people who crashed us into pieces, but nothing is impossible with God. So sana matutung magpa tawad sa kapwa natin. Di na maibabalik pa ang mga buhay na nawala, Let God, take care of everything. :-)
Mahirap talaga for both parties ang nangyari...Ipagpasa Diyos na lang natin ang lahat...
masyadong malungkot ang pangyayaring ito. pero tama ka, kung tutuo man na may kasalanan talaga ang grupo ni Hubert Webb ay nagdusa na sila..
I could not help but comment on the comment of Yen. She is so right in her point of view. Although she condemns the killings of the Vizcondes and although she still believes that Hubert and his co-accused were really guilty, she has sounded off a conciliatory plea for everyone to forgive them in the context of divine pardon. Yen is on her way to be really spiritual. Thanks again for the post. God bless you always.
nako kaibigan, long time no see.. sensya na...tingin ko lang ha.. baka naman talaga hindi si hubert yung me sala... kaso masyadong nakatuon sa kanya yung angulo kaya di na nakita yung iba pa.... salamat sa pasyal kaibigan..
we share the same sentiments over here arvin :D thanks for the visit!
A Time To Weep and A Time To Laugh
Heartifying!
Bata pa ako noong pumutok yung issue na iyan kaya di ko alam kung ano talagang nangyari.
Anyways, sa tingin ko may nagkamali sa prosecution. Na-pulitika ang isyu na ito ng Vizconde Massacre.
Si God na ang bahala kung ang mga napawalang sala e talagang may kasalanan.
nakikidalaw lang arvin...thanks for joining my giveaway contest...wish you luck!
I can't blame Mr. Vizconde... his whole family is gone in one blink of an eye tapos the crime is that brutal pa. He deserves justice. His family deserve justice.
Ang sad pa nito, parang planned ang lahat kung bakit nakalaya yung mga accused. How coincidental naman na evidence (samples from the victim/s that could directly point the criminal) are missing and it's saktong 20 years na before they opened up the case again to release the suspects? Kasi a case should only be put to trial if the crime happened within 20 years. If lampas na, wala na. Oh diba? How very convenient.
Post a Comment