"Napakasarap ng pakiramdam kung sa dami ng kasabayan mo sa panliligaw sa gusto mo ay ikaw ang pinili niya. Higit na masarap kung sa lahat ng pagkakataon ay kanya ka pang ipinagtatanggol."
HABANG BUHAY
Ni: Arvin U. de la Peña
Hindi ako ang magaling mong manliligaw
Nakapagbibigay sa iyo ng kung anu-ano
Pero sa kabila ng kasimplehan ko
Pinili mo ako na siyang mahalin.
Binalewala mo ang maaaring magandang buhay sa iyo
Ako ang pinakisamahan mo
Sa kabila na ang pagsasama natin
Kailangan na kumayod ng husto para mabuhay.
Buong puso mo akong tinanggap
Hindi ka nag alinlangan
Hindi ka nakinig mga payo ng magulang mo at kapatid
Sa simula pa lang ayaw na sa akin.
Walang pangamba kang naramdaman
Baka ikaw ay itakwil at talikuran
Ipinaglaban mo talaga sa kanila
Ang pagmamahal ko sa iyo.
Mahal ko makakaasa ka kung ano ang nagustuahan mo
Habang ako ay nanliligaw pa lang sa iyo
Hanggang pagtanda natin ay hindi mag iiba
Pag ibig ko sa iyo ay habang buhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
26 comments:
sana maraming lalake
and tulad ng nasa tula...
ang sarap siguro ng feeling kapag natagpuan mo na yung makakasama mo habang buhay...
First of all, WELCOME BACK!!
- Itong bang post mo is like against all odds na pag mamahalan? hehe kasi sabe mo di siya nakinig sa magulang niya para lang ikaw ay pakisamahan, Hay, nawa'y siya na nga ang iyong inaantay at pag aalayan ng iyong wagas na pag ibig:-)
Happy New Year!
hahahaha.. Sana it is real, pero sa panahon ngayon bihira na..
welcome back, pareng arvin. tagal ata ng hiatus mo ah! lolz! nice tong tula mo ah...siguro base on experience to noh!!! hahhaha
ingat
kaya pala ang tagal nawala . dahil may pinagkakabalahang importanting bagay.
welcome back.
wala akong masabi sa mga nabangit mong salita.umaapaw ang saya.
NKKAINLOVE NMAN...tapat na pagmamahl ang tanging nais ng mga babae (altho d lahat :))) )
have a happy week, arvin.
Makabuluhang tula mula sa isang pusong tunay na umiibig. Talagang lahat nang tao ay may katapat na iniirog. Maghintay lamang at dadating din siya sa buhay mo. At kapag siya ay dumating na ay huwag magaksaya nang sandali na makapiling siya habang buhay. Salamat sa madamdaming tula. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
Hi Arvin, it is so nice to see you back on. We miss you so much. :)
Siya ba ang dahilan ng iyong pamamahinga sa pagba-blog? Ikaw ba itong "maswerteng lalaki"? Kung ganun, masaya kami para sa iyo, Arvs.
Happy New Year. :)
WELCOME BACK kapatid...hayyyy sarap naman talaga kapag buong puso kang nagmamahal. Lam mo hindi naman mahalaga ang mga material na bagay sa pagsasama. Ang mahalaga walang lokohan di ba??? :-) Miss you my friend
Hi, Arvs!
Nice to see you back. That is true love, ang suwerte ng lalaki pag ganoon. Nice poem..
Happy New Year.Thank you for the visit.
Bigla kong naalala ung theme song ng BOYSEN TV Commercial. :)
Nice. I guess nakakapressure ang ganyan. Pero piece of caka lang yan kasi ikaw napili eh. :D
happy new year!
pare.. maligayang pagbabalik.. masaya ako para sa iyo!
Hello Arvin welcome back to blog land!! I like your poem!! Happy Monday!
sweet naman nito arvs! kakilig!
ayay! ang pag babalik ni Arvin...musta na friend? hope all is well...happy new year!
Welcome back! happy New year!
Kaytagal mo mang nawala...babalik ka rin...
Ika nga sa isang kanta. At bumalik ka nga. Welkam back tol. ^_^
At maganda ang pangbungad mo sa amin ngayon ah. Apir!
Naks, ang sweet sweet naman ng binata dyan oh hehehe. Goodluck to you and your sweetheart Arvin!
Nakaka inlove naman yata ng post mo, it will encourage other guys to court the girl they like. Welcome back arvin
ang sweet naman!, ang sarap talagang ma-inlove! :)
Just dropping by to say, thank you for the nice comment. Have a nice day always.
Thanks Arvin for visiting my site: http://tvseriescraze.blogspot.com
You can even be one of my followers if you like. And I'm also open for a link exchange just inform if you like.
You can also visit mu other blogs and follow them. THanks!
welcome back arvin ;-)
Dud, your so COOL.. Ang pagibig naman talaga eh hindi namimili kung ano mang katayuan mo sa buhay.. Kaya, man with that sincerity of yours.. you'll surely capture the heart of the lucky one.. hmmp.. keep going.. anyway, you may want to read this interesting article about - Humility
Post a Comment