Sunday, January 31, 2010

Ang Kaibigan Kong Nagbakasyon (by request)

Nang aalis na ang kaibigan kong ito para bumalik uli sa California ay nagtext siya sa akin kung nagsulat na raw ako ng tula na ang pamagat ay "ang kaibigan kong nagbakasyon". Medyo nagulat ako sa text niyang iyon kasi wala naman kaming usapan na handugan ko siya ng isusulat ko. Ang ginawa ko ay reply ko siya at sinabi ko na "i will try na magsulat ng tula na ganun ang pamagat". Sa dami na rin na post ko sa blog ko na may hinahandugan ako o kaya ay by request ay ako ang nagpapasya ng pamagat. Kaya ang sinulat kong ito ay medyo nahirapan ako kasi siya ang nagbigay ng ipamagat. Ilang araw din bago ko nabuo ang sinulat kong ito. Wala kasing pumapasok sa isip ko na mga salita para sa tula na siya ang nagbigay ng ipamagat. Pero pinilit ko talaga na mapagbigyan ang request niya kasi ilang bote rin ng san miguel beer, red horse, o kaya tuba ang nainom ko dahil sa kanya, hehe. Suko nga ako sa inuman kasi madami lagi ang inumin. Madalas talaga akong malasing noong pagbakasyon niya. Sa post ko noong November 15, 2009 na ang pamagat ay Bahay Ni Kuya ay siya iyong nasa unahan ng picture na may tattoo sa braso.

"Shoes never meet, yet share the same ground. The moon and the sun could not be one, yet cross the same sky. Same with friends who don't meet often, but never stop being friends."

ANG KAIBIGAN KONG NAGBAKASYON
Kay: Felix Arbis
Ni: Arvin U. de la Peña

Masayang alaala ang hatid mo
Hindi lang sa akin kundi sa iba pa
Na mga naging kaibigan mo
Noong tayo ay mga bata pa.

Sa bawat araw na tayo ay nagsasama-sama
Kaharap minsan ang nakakalasing na inumin
Pati na ang mga pagkain at pulutan
Masaya talaga ang pakiramdam.

Muli nating naiisip mga nakaraan
Ang mga pangyayari noong tayo'y bata
Binabalikan ang mga panahon
Kung saan nabuo ang pagiging magkaibigan.

Ikaw na kaibigan ko
Kaibigan namin na nagbakasyon
Maraming salamat sa iyo
Sa muli mong pakikipag-isa sa amin.

Hindi ka namin makakalimutan
Na kahit malayo na ang narating mo
Hindi mo kami kinalimutan
Mabuhay ka, hanggang sa muling pagbakasyon.

(ito nga po pala ang blog ni mitz na siyang nakasagot sa bugtong http://crazylife-mitz.blogspot.com)

Monday, January 18, 2010

Santino

"Noong July 5, 2009 ay post ko dito sa blog ko ang tula kong sinulat na May Bukas Pa. Sa sinulat kong tula na iyon ay marami ang nagkagusto at nagandahan sa tula. Sinulat ko iyon kasi ang palabas na May Bukas Pa sa tv ay sikat at marami ang nanonood tuwing gabi. Ako inaamin ko ay nanonood din ako pero hindi lagi-lagi. Minsan sa isang gabi ay tinatapos ko minsan naman ay hindi. Ngayon ang palabas na May Bukas Pa ay malapit ng mag wakas. Kung di ako nagkakamali ay sa February ang wakas. Basta hindi lang iextend pa. Nabasa ko kasi iyon sa diaryo na next month ay tatapusin na ang teleserye na iyon. Dahil malapit ng magwakas ay nagsulat naman ako ng tula na ang pamagat ay ang pangalan ng bida. Ewan ko lang kung marami rin ang magkakagusto at magagandahan sa sinulat kong tula na Santino katulad ng tula kong sinulat na May Bukas Pa."

http://www.maybukaspaseries.blogspot.com/
http://www.may-bukas-pa.blogspot.com/













SANTINO
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa iyo ay marami ang humahanga
Isang bata na hindi nawawalan ng pag-asa
Kahit ano pang suliranin ang kinakaharap
Lagi kang may kumpiyansa sa sarili.

Maging ang problema man ay patung-patong
Parang balewala lang sa iyo
Sapagkat ikaw ay naniniwala
Na hindi ka pababayaan ng ating panginoon.

Ang ibinahagi mo sa iyong kapwa
Hindi iyon makakalimutan kailanman
Dahil ang iyong paniniwala sa itaas
Tunay na nakakapagaan ng loob.

Hindi ka sana magbago
Dahil ikaw ay kahanga-hanga
Panatilihin mo sana ang pagiging mabuti
Pagkat marami ang umaasa sa iyo.

Taon man ay lumipas
At hindi ka na maging bata
Nakatatak na sa puso at isipan himala mong ginagawa
Sa tulong ng kaibigan mong si Bro!

Friday, January 15, 2010

Hanggang Ngayon

"Sa pag-ibig ay masakit kung ang tao na inaakala mo ay magiging kayo ay hindi mo makakatuluyan."
HANGGANG NGAYON
Ni: Arvin U. de la Peña

Hanggang ngayon pinipilit ko pa rin na iwasan ka
Pinipilit na hindi makausap
Dahil sa hanggang ngayon
Masakit pa rin na hindi naging tayo.

Minahal kita ng sobra
Halos buong buhay ko ay inilaan sa iyo
Kapag magkasama naman tayo
Pansin ko na masaya ka sa akin.

Ang lahat palang kaligayahan
Na ipinapakita mo sa akin
Ay puro pagkukunwari lang
Pakitang tao lang sa akin.

Habang magkapiling pala tayo
Iba ang nasa isip mo
Ang una mong minahal
Bago pa man kita niligawan.

Napakasakit sa akin ang ganun
Kaya hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko
Lalo ng bigla mo na lang akong iwan
At siya ay bigla mong balikan.

Wednesday, January 13, 2010

Paalala

"Sa mundo ay may mga tao talaga na ginagamit ang diyos para sa kapakanan lang nila."


PAALALA
Ni: Arvin U. de la Peña

Hindi ka dapat na magpakadiyos
Dahil ikaw ay tao lang
Ang diyos ay ginagalang
Pero ikaw ay hindi kagalang-galang.

Narating mo lang ang kinalalagyan mo
Akala mo na kung sino ka
Hindi mo man lang iniisip
Na may mataas pa sa iyo.

Tingin mo na sa iyong sarili
Hindi ka na bababa pa
Kailanman ay lagi ka ng nasa itaas
Titingalain ka na palagi.

Tatanda ka rin balang araw
Katulad ng iba pang mga nilalang
Ang pagmamayabang mo ay ngayon lang
Ngayong ikaw ay buhay pa.

Pumasok sana sa isip mo
Na hindi maganda ang ginagawa mo
Hindi mo dapat na gamitin ang diyos
Para sa pansarili mong interes.

Sunday, January 10, 2010

Ballpen

Bago ang lahat ay sana kung sino man si mitz na nakasagot sa bugtong kahit hindi ako nagbigay ng clue ay ipaalam na niya sana sa akin ang kanyang blogsite para naman mabisita ko at maipaalam sa iba ang blog niya.

"Ang ballpen ay isang mahalagang bagay na ating nagagamit lalo na noong tayo ay nag-aaral pa. Nararapat lang siguro na kahit paano ay atin silang pasalamatan."

BALLPEN
Ni: Arvin U. de la Peña

Marami akong naisulat dahil sa iyo
Kapag hawak ka ay naglalakbay ang isipan
Ikaw talaga ang sandalan ko
Kapag nais kong magsulat.

Ngayon ay paubos ka na
Baka ang isulat ko pa
Hindi mo na makayang tapusin
Dahil mawalan ka na ng tinta.

Ganunpaman ay magiging makabuluhan pa rin
Ang huli kong isusulat na gamit ka
Dahil ang huling tinta mo
Handog ko para sa iyo.

Salamat sa iyo aking ballpen
Salamat sa mga sandaling nagagamit ka
Alam ko marami kang katulad
Pero para sa akin ay nag-iisa ka lang.

Hindi ko naman ikaw magamit pa
Itatago ko lang ikaw
Kasi isa kang magandang alaala
Maraming nagbasa sa sinulat kong gamit ka.

Friday, January 8, 2010

May nakasagot sa bugtong

"Pagkatapos po ng bugtong ay post ko ang Balimbing, Pakawala, at Gusto. Ngayon ko lang nalaman na noong January 3, 2009 ay may sumubok na sumagot sa bugtong. Guess lang niya ang kanyang pagsagot pero iyon ay tama. Ang sagot niya ay pare at mangungumpisal. Tama po ang sagot niya. Kasi kung ikaw ay mangungumpisal ay nilalabhan ng pari ang iyong kasalanan. Nililinis ka ng pari para mawalan na ng kasalanan. Sa pagkumpisal mo ay mawawala po ang kasalanan mo. Iyon po ang sagot sa bugtong na "ang naglalaba ay nasa loob, ang nilalabhan ay nasa labas." Ang nakasagot po ang pangalan niya ay mitz. Sad to say ay ng click ko ang name niya ay wala po siyang profile para malaman ko ang blog niya. Siya po ang nakasagot sa bugtong. Si mitz po ang nakasagot. Sa mga sumubok na sumagot sa bugtong ay maraming salamat sa inyo. Kahit mali po ang naging sagot niyo ay na appreciate ko na kahit paano ay nag-isip kayo. Si mitz po ang huling sumagot sa bugtong."
Blogger mitz said...

guess lang ha? pare at mangungumpisal ba?

January 3, 2010 7:52 PM

http://www.blogger.com/profile/02654962223824335152


Para po sa lahat gusto ko pong malaman na ang kasagutan sa bugtong ay pangungumpisal o confession. Ang nakasagot po sa bugtong ay si mitz. Isipin niyo kung kayo ay nangungumpisal. Ikaw ay nasa labas at ang pari ay nasa loob. Sa pagkumpisal po ay nililinis ang iyong katawan sa kasalanan ng pari.

Para sa iyo mitz masasabi kong magaling kang mag guess. Sana ay malaman ko ang blogsite mo ngayong na post ko na sa blog ko na ikaw ang nakasagot. Mabuhay ka mitz. Ang galing mo!

Wala na pong dahilan para ako magbigay ng clue kasi may nakasagot na sa bugtong. Muli sa iyo mitz sana ay malaman ko ang blog mo para mabanggit ko ang iyong blog sa pag post ko sa susunod. Masasabi kong sa lahat ng sumubok na sumagot ay ikaw ang pinakamagaling kasi ikaw ang nakatumpak ng kasagutan kahit walang clue. Bilib ako sa iyo. Siguro ay matalino ka.

Wednesday, January 6, 2010

Gusto

"Palagay ko mas mabuti talaga kung ang isang nahalal na sa isang posisyon sa gobyerno ay hindi na puwedeng kumandidato uli para maiwasan ang tinatawag na kasakiman sa posisyon. Isa pa kung ganun din siguro ay walang mangyayaring mga pangugurakot kasi ang pondo ay itutuon talaga para sa bayan para kung umalis na sila sa puwesto ay may maganda silang maiiwan sa mamamayan. Kasi ang iba ginagawa ang mga proyekto kapag malapit na ang halalan. Kung ang isang opisyal sa gobyerno ay hanggang isang termino lang tiyak pagbubutihin nila talaga ang pagserbisyo kasi nakakaisa lang. Kaya dapat may nagawa silang maganda sa bayan sa termino nila."













GUSTO
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa halalan na darating
Kung puwede lang doon ako
Sa lugar niyo ay boboto
Pupunta sana ako para iboto ka.

Kasi iyon ang gusto mo
Ang laging nasa poder
Nakamit mo na ang mataas na posisyon
Pero hindi ka pa rin kuntento.

Gayong sa iyong panunungkulan
Maraming anomalya ang nangyari
Ang maraming pinoy ay ayaw na sa iyo
Pero hindi mo sila pinakikinggan.

Ano ba talaga ang gusto mo
Bakit ayaw mong mamuhay uli ng normal
Hindi ka naman maghihirap na
Dahil napakayaman mo na.

Mahiya ka na sana sa sarili mo
Huwag ng mag ambisyon na mamuno uli
Dahil hindi ka na talaga nakakatuwa
Nakakainis ka na alam mo ba iyon.

Monday, January 4, 2010

Pakawala

"Sa maruming politika dito sa ating bansa minsan kapag alam ng incumbent sa isang posisyon na malakas ang kalaban niya ay nagpapatakbo siya ng isang tao na katulad din ng posisyon niya at ng kalaban niya para maging tatlo sila. Dahil tatlo na silang kandidato sa iisang posisyon ay malaki na ang tsansa ng incumbent na manalo kasi ang kalaban niya ay mahahati ang boto. Tumbasan pa ng pamimigay ng pera sa mga botante tiyak na talagang panalo ulit siya. Marami ang ganun pero hindi lang masyadong halata pero nararamdaman na pinatakbo lang siya ng incumbent para mahati ang boto ng makakalaban ng incumbent para sa isang posisyon sa gobyerno."
PAKAWALA
Ni: Arvin U. de la Peña

Halata na talaga na ikaw ay pakawala
Manok ng politikong sakim
Na ikaw ay patakbuhin sa halalan
Para siya pa rin ang manalo.

Mukha ka talagang pera
Madali kang masuhulan
Hindi mo inaalintana
Ang kapakanan ng mga mamamayan.

Wala ka talagang konsensya
Hayop kang maituturing
May pinag-aralan ka pa naman
Subalit pera lang ang katapat sa iyo.

Hanggang kailan kang ganyan
Pagiging mukha mong pera hanggang saan
Tigilan mo na sana ang ganyan
Dahil pati ako nandidiri na sa iyo.