Thursday, October 29, 2009

Matino

"Linisin mo muna ang iyong sarili bago ka magsabi sa isang tao na linisin ang kanyang sarili. Sa madaling salita ay punasan mo muna ang baho sa iyong katawan bago ka pumunas ng baho ng ibang tao."


MATINO
Ni: Arvin U. de la Peña

Kung matino ka na tao hindi ka magsasabi
Sa isang tao na siya ay magpakatino
Dahil kung matino ka
Hindi ka makikialam sa buhay ng ibang tao.

Matuto kang tumanggap ng katotohanan
Na ang bawat tao ay iba-iba ang ugali
Huwag kang makialam sa kanya
Lalo at hindi ikaw ang nagpalaki at nagpapakain sa kanya.

Pinapahiya mo lang ang sarili mo
Pati na ang iyong pamilya
Hindi mo hawak sa leeg ang isang tao
Para siya ay pagsabihan mo ng kung ano.

Kung ganyan ka dapat ay maging guro ka
Doon ka dapat sa paaralan
Hindi sa kung nasaan ka ngayon
Para doon ay mangaral ka ng mga estudyante.

Huwag ka ng gumanyan
Ibuhos mo ang atensyon sa iyong sarili na lang
Ito ay isang payong kaibigan lang
Mula sa aking puso.

Sunday, October 25, 2009

Palagay Mo Ba

"May mga tao na akala nila ay sila lang ang kaligayahan ng tao na iniwanan nila. At ang ginawa nilang pag-iwan ay sinasabi pa sa kanilang mga kaibigan. Nagtetext, nag-eemail, o kung ano pang paraan ng komunikasyon para masabi sa kaibigan ang pag-iwan nila sa tao. Birds of the same feather fly together talaga. Sila-sila ay nag-aamuyan ng kani-kanilang mga baho."


Friends may change and friendship may evolve. But it will not truly end because friendship is not merely a one time trip, but a lifetime journey.

PALAGAY MO BA
Ni: Arvin U. de la Peña

Palagay mo ba dahil wala ka na sa akin
ay di na ako makakakilos
Magiging malungkutin na ako
Mistulang isang bato na lang
Palagay mo ba ikaw lang ang
kaligayahan ko wala ng iba
Sa iyo lang ako puwede makaramdam
ng tunay na ligaya.

Palagay mo ba ikaw lang ang nalalamigan?
Palagay mo ba ikaw lang ang nakakatulog
ng may aircon?
Palagay mo ba ikaw lang ang nakakahiga
sa isang malambot at makapal na kama?
Palagay mo ba ikaw lang ang nakakakain
ng masarap na ulam?
Palagay mo ba hindi ko kayang makapag computer?

Palagay mo ba hindi ko talaga ramdam
na ikaw ay isang mata-pobre
Sa mga katulad mo lang ikaw nakikisalamuha
Iniiwasan mo ang sa palagay mo ay isang
hamak na hampas lupa lang
Palagay mo ba nanghihinayang talaga ako
na ikaw ay wala na sa akin
Kung sa palagay mo ay may panghihinayang ako
ay malaki ang pagkakamali mo
Dahil nagpapasalamat ako sa maaga pa lang
na maganda ang ating relasyon
Ay lumabas ang tunay mong pagkatao
Lumabas ang tunay na ikaw
Ang tunay mong kulay.

Palagay mo ba hindi ka rin makakapantay sa iba
Ikaw lang ang angat
Kung ganun ay nagkakamali ka rin
Dahil darating din ang araw
Papantay ka rin sa iba
Ang mga paa mo ay tuluyan ng magpapantay
Hindi na maitataas ang kahit anong paa mo
Para may apakan na tao.

Palagay mo ba wala na talagang pag-asa
pa sa akin
Dahil ang anino mo ay hindi ko na nakikita
Isang kahangalan kung ganun ang iniisip mo
Dahil ang bawat isa kapag iniwanan ay may pag-asa
pang makahanap na papalit sa nag-iwan
Palagay mo ba ano?
Ano sa palagay mo?

Thursday, October 22, 2009

Kagubatan, Ilog, at Dagat

Para po sa blog na http://www.fiel-kun.blogspot.com/ ay gusto ko pong malaman mo na kaya po ako hindi nakakabisita sa blog mo ay dahil bawat open ko ng blog site mo ay na cloclose po siya. Tatlo ng internet cafe ang sinubukan ko ay ganun pa rin po. Ito po ang ipinapakita pag open ko ang blog site mo "internet explorer has encountered a problem and need to close. We are sorry for the inconvenience" at may nakasulat pa na debug, send error report, at don't send. Mga apat na araw ng ganito. Ewan ko kung bakit ganun. Dati naoopen ko naman ang blog mo at nakakapag message ako sa cbox mo o kaya comment. Hindi ko po alam kung hanggang kailan ganito. Pasensya po talaga kung di kita nabibisita kasi ganun po ang nangyayari. Hindi ko tuloy makita ang pangalawa mong bigay na award sa akin. Pag click ang don't send ay ma close ang computer. Sana ay hindi magtagal ang ganito para muli kitang mabisita.

"Ang tula po na ito na sinulat ko ay pinakialaman ng kaibigan kong blogger na si Patola ng isend ko sa kanyang e-mail. Marami po siyang binago na mga salita sa original kung sinulat."






Maglakbay tayo sa isang bansa na maaring tinitirhan mo ngayon o maaring inaabot lang ng iyong imahinasyon. Naririto ka man o milya milya ang layo sa kanya, sariwain natin ang mga bagay na pupukaw sa ating alaala.
Kagubatan, Ilog at Dagat
Ni: Arvin U. de la Peña
iniayos ng nakikialam na si Patola =)
http://www.akosipatola.blogspot.com/

Namulat ako sa bansang maharlika
Ang puso't isipan ng mga tao ay malaya
Mga likas na yaman ay ikinararangya
Diyamante ng kalikasan na sana ay inaaruga.

Sa kagubatan makikita ang kumpol ng mga puno
Pinipigilan ang malambot na lupa sa pag guho
Isang mahika na magliligtas laban sa malakas na ulan
Sa agresibong baha, inililigstas ang sangkatauhan.

Sa kagubatan makikita ang iba't ibang uri ng halaman
Mga hayop na malimit makita ng mga mata ng sino man
Isang misteryo nga na sumasagi sa aking isipan,
Ang hiwaga sapagkat nabubuhay sila ng sila lang.

Halika, Pakinggan mo ang himig ng nagsasayang ilog,
Niyayaya kang makisalo sa pamamagitan ng kanyang tunog
Pagmasdan mo ang ngiti sa mga batang nagtatampisaw sa agos
Damhin mo ang biyaya ng kalikasan na sa puso ay tumatagos.

Madalas sinasabi na ang Dagat ay simbolo ng Kalungkutan
May mga alon na galit at pinapakita ang karahasan
Ngunit para sa akin ang dagat ay repleksyon ng buhay
At para sa iba ay larawan ng isang taong naghihintay.

Madalas sa ilog at dagat kumukuha ang marami ng kabuhayan
Ngunit maraming pagkakataon ring tila ba ito'y basurahan
Isinasantabi ang yaman na ibinigay ng Maykapal
Unti unting pinapatay ang mga isda na dito ay naninirahan.

Ang kasalukuyan ay nakakalungkot isipin
Tayo ang solusyon ngunit tayo rin ang salarin
Sa salapi nga lang ba nasusukat ang yaman?
Natutumbasan nga ba nito ang tama at kamulatan?

Nanirahan ako sa bansang maharlika
Ang isipan lang ng tao ang siyang malaya
Nililimot ang Responsibilidad dahil sa karapatan
Hindi alam ang kabutihan dahil sa salaping gustong makamtan.

Sunday, October 18, 2009

Rosas

"It is better to become a river, because it flows forever. Than a flower that blooms only in summer."


ROSAS
Ni: Arvin U. de la Peña

Mamumulaklak na ang pulang rosas
Unti-unti ng nakikita ang kanyang ganda
Kayrami ng mga paru-paro
Ang umaaligid para makasipsip ng nektar.

Sayang wala ang may-ari
Mabantayan sana ang bulaklak
Hindi rin sana magkakaroon
Nang mga uod na siyang sisira sa rosas.

Kaninong mga kamay kaya
Ang pipitas sa pulang rosas
Sana kung pitasin ay ingatang mabuti
Huwag basta iwanan na lang.

Sapagkat sayang ang pulang rosas
Kung ihulog lang pagkatapos pitasin
Madaming pawis ang tumulo sa may-ari
Sa pagdilig niya kahit may sikat ang araw.

Thursday, October 15, 2009

Mahiya Ka Naman

"Minsan may pangangampanya para ilaglag ang isang tao sa pamamagitan ng sulat. Madalas rin ang ganyan kapag panahon ng halalan."


MAHIYA KA NAMAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Mahiya ka naman sa sarili mo
Ipinagkakalat mo na huwag siyang pakisamahan
Akala mo kung sino ka
Kumakain ka rin naman ng bigas.

Mahiya ka naman sa sarili mo
Bistado na ang iyong ginagawa
Alam na ng tao na sinisiraan mo siya
Dahil sinabihan siya ng kaibigan mo.

Mahiya ka naman sa sarili mo
Namamahagi ka pa ng sulat
At ang nilalaman ng sulat
Ay huwag siyang tangkilikin.

Mahiya ka naman sarili mo
Para kang hindi nag-aral
Sabagay ganun ang tunay mong pagkatao
Walang ibang alam kundi manira.

Mahiya ka naman sa sarili mo
Iyang mga papel na ibinabahagi mo
Walang epekto iyan sa kanya
Ipunas mo na lang iyan sa iyong puwet.

Sunday, October 11, 2009

Tunay Na Pagtulong

"Sometimes it is too late to be hero."



TUNAY NA PAGTULONG
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang tunay na pagtulong ay hindi ipinagmamalaki
Hindi ipinagkakalat sa mga tao
Kung magkanong halaga ang ibinigay
Dahil kung ganun ay di tapat ang pagtulong mo.

Bagkus ikaw ay nagyayabang
Nagmamayabang ka na angat ka sa iba
Mas mayroon kang kakayahan
Magbigay ng maitutulong sa nangangailangan.

Kung tunay kang tumutulong
Dapat nung panahon na kailangan ng tulong
Ay naroon ka sa kanila
Handang ibuwis ang buhay maisalba lang sila.

Tumulong ka ng naaayon
Hindi dahil nagkakaroon lang ng kalamidad
Mas hahangaan ka kung iyon ang gagawin mo
Dahil iyon talaga ang may malasakit sa kapwa.

Thursday, October 8, 2009

Pintasiro

"May mga tao talaga na mahilig pumuna sa ibang tao. Para sa akin ay sila iyong mga tao na hindi muna tinitingnan ang kanilang sarili na mayroon ding dapat punahin. Tandang-tanda ko pa na ang isa kong kaibigan ay binugbog ng isa ko ring kaibigan dahil madalas siyang pagsabihan ng medyo nakakainsulto. Lima kaming nag-iinuman noon ng malasing na ay sinabihan ng isa kong kaibigan ang pintasiro naming kaibigan dahil sa lagi niyang pamimintas sa kanya. Nang pagsabihan ang pintasiro ay nagmalinis pa. Pinagtanggol pa ang sarili niya na tama raw ang ginagawa niya. Nag sabi pa na "ano ang pakialam mo". Dahil nag-init agad ang ulo ng kaibigan ko na madalas punahin ay ayun sinuntok agad ang pintasiro. Nabugbog siya at ng ihahampas na sa ulo ang bote ng beer ay doon umawat na kami. Hindi nakapalag at nakaporma ang pintasiro naming kaibigan. Hindi nga gumanti ng suntok dahil talagang wala siyang laban doon sa pinipintasan niya na kaibigan din namin. Mula noon hindi na siya sumasali kapag nag-iinuman kami. Umiiwas na siya na makainuman ang kaibigan namin na bumugbog sa kanya."


PINTASIRO
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang galing mong pumuna sa buhay ng ibang tao
Para bang ang tingin mo sa iyong sarili
Isa kang napakalinis na nilalang
Kahit konti walang dumi sa katawan.

May makita ka lang o mapansin na di kaaya-aya
Kahit kaibigan mo pa at barkada
Pinipintasan mo siya
Di mo iniisip nakakasakit ka.

Kahit pananamit ay pinupuna mo
Hindi mo muna tinitingnan ang damit mo
Na mayroon ding mantsa
Wala ka talagang hiya.

Ewan ko kung nakakatulog ka ng maayos
Sa pamimintas mo sa iyong kapwa
May pinag-aralan ka man o wala
Dapat di ka makialam sa buhay ng ibang tao.

Bakit di ka tumingin sa salamin
Masdan mong mabuti ang iyong sarili
Nakangiti ka nga ng maganda
Ngunit masaya ka nga ba sa ginagawa mo?

Wednesday, October 7, 2009

Sa Tamang Pagkakataon (by request)

(Ang naging kaibigan ko po sa friendster ay nagrequest siya sa akin sa pamamagitan ng pag text na kung puwede raw ay ilagay ko rin siya sa blog ko. Dahil mahirap para sa akin na tanggihan ang isang request ay pumayag po ako. At ito po ang naisulat kong tula para sa kanya.)

"Kung ikaw ay nabigo sa pag-ibig ay asahan mo na may panibagong pag-ibig uli na darating sa iyo. Dahil ang pag-ibig ay walang katapusan. Umiikot ang pag-ibig sa daigdig. Umiikot sa bawat tao. At Bawat isa sa atin ay kailangan na may isang minamahal."




SA TAMANG PAGKAKATAON
Kay: Janine Quinanahan
Ni: Arvin U. de la Peña

Balang araw ay matatagpuan mo rin
Ang kaligayahan na hanap mo
Kasiyahan dahil sa pagmamahal
Iibigin ka uli sa tamang pagkakataon.

Huwag ka lang mainip sa paghintay
May magmamahal pa rin sa iyo
Ang kabiguan na nangyari sa iyo ngayon
Isipin mo na lang na isang panaginip.

Ang mga di magandang nangyari
Nang ikaw ay makipagrelasyon
Kalimutan mo na ng tuluyan
Para maghilum ang sugat sa puso na dulot niya.

Gawin mong inspirasyon sa buhay
Ang naging pasakit niyang ginawa sa iyo
Para sa susunod mong mamahalin
Ay nakakasiguro kang hindi ka iiwan.

Marami pang iba na may wagas na puso
Tapat sila kapag nagmahal
Binibigyan ng halaga ang minamahal
At isa na ako doon.

Monday, October 5, 2009

Seksi

"Iba ang pakiramdam kapag nakakakita ng seksi. Iyong sa palagay mo ay parang walang katulad ang taglay niyang kaseksihan."


SEKSI
Ni: Arvin U. de la Peña

Napakaseksi mo sa ngayon
Super ang iyong kagandahan
Maraming kalalakihan ang nagpapantasya sa iyo
Pinaparausan ka sa pangarap.

Makita ka lang ay atat na atat na
Halos tumulo ang laway sa kaseksihan mo
Mapang-akit kasi ang iyong ganda
Gusto ka na matikman at maikama.

Lalo na kapag nakikita ka
Na halos hubo't hubad na
Nagdudulot talaga ng libog
Sa mga kalahi ni adan.

Ang dami ng nanghina sa iyo
Madami na ring punla ang nasayang
Kaseksihan mo kailan kaya kukupas
Nang pati ako ay di ka na pantasyahin.

Friday, October 2, 2009

Hinaing Ng Mga Botante

"Masakit kung ang pakikisalamuha ng isang politiko sa mga kababayan niya ay pakitang tao lamang. At sa oras na kailangan na ang tulong niya ay hindi nagpapakita. Kaya dapat talaga kapag panahon ng eleksyon ay pumili ng isang kandidato na talagang maaasahan anumang oras."

HINAING NG MGA BOTANTE
Ni: Arvin U. de la Peña

Ikaw na isang politiko
Kapag panahon ng kampanya
Bawat sulok sa aming lugar pinupuntahan mo
Iniisa-isa mo ang mga kabahayan.

Ang adhikain mo ay tumulong sa mga kababayan
Sinasabi mo iyan sa maayos na pananalita
Sa harap ng maraming mga botante
Pinapahanga mo sila sa iyong mga plataporma.

Ngayon ay kailangan na ang tulong mo
Nasaan ka ibinoto naming politiko
Bakit hindi ka nagpapakita
Nasaan na ang iyong mga pangako.

Sadya bang ganyan ang ugali mo
Ang taguan kami sa panahon na kailangan ka
Takot ka ba makagasto ng sarili mong pera
Kung kaya ayaw mo kaming damayan.

Sabihin mo naman kung ano ang dahilan
Hindi mo pagpapakita sa amin
Mga nakurakot mo di naman kami hihingi
Tulong lang mula sa iyo ang aming kailangan.