"May pagkakataon talaga na minsan bigla nag-iiba ang pagtingin ng isang lalaki para sa babaeng minahal niya. Dahilan para makipaghiwalay.."
GLENDA: ANG BABAENG SEPARADA
Ni: Arvin U. de la Peña
Walang
nagawa si Glenda ng bigla siya ay iwanan ni Jake at sumama sa ibang
babae. Kahit anong uri ng pagmakaawa at iyak ang ginawa niya ay hindi pa
rin siya pinakinggan. Tuluyan pa rin siyang iniwan. Binigyan siya ng
kaunting halaga ng pera at siya na lang daw ang bahala magpalaki sa
kanilang anak na tatlong taong gulang na babae.
Sa pag alis ni
Jake doon ay naunawaan ni Glenda na tama ang sinabi ng mga magulang niya
na hindi mapagkakatiwalaan si
Jake dahil babaero. Hindi iyon pinansin ni Glenda dahil mahal na mahal
niya si Jake na limang taon ang agwat sa edad niya at nasa Landbank ang
trabaho. Iyon ang dahilan kung bakit kinontra siya ng kanyang mga
magulang at hindi na sinuportahan.
Gustong umuwi ni Glenda sa
kanyang mga magulang para hindi na umupa ng apartment
dahil alam niya mauubos din ang pera na bigay ni Jake pero natatakot
siya na pagagalitan lang. Dahil mula ng magsama sila ni Jake pagkatapos
niyang mag graduate ng college ay parang itinakwil na rin siya ng mga
magulang niya. Kahit ng ikasal sila ni Jake ay hindi dumalo ang mga
magulang niya. Ang nag-iisa niya lang na kapatid ang laging bumibisita
sa kanya.
Hindi nawalan ng pag-asa si Glenda. Paglipas ng ilang
araw ay nagpasya siyang maghanap ng mapagkakakitaan. Pinapunta niya muna ang kanyang kapatid sa kanyang apartment para mag-alaga sa anak
niya. Dahil may pinag aralan naman ay hindi hindi siya nahirapan sa pag
apply bilang call center agent. Dalawang araw bago siya mag umpisa sa
pag trabaho ay kumuha siya ng yaya na kamag anak lang din nila para sa
anak niya. Nalaman din niya na masaya ng nagsasama sina Jake at ang
bagong babae.
Nagkaroon ng trabaho si Glenda. Naging masipag siya
at hindi umaabsent. Kahit masama ang
pakiramdam ay pumapasok si Glenda sa trabaho. Minahal niya talaga ang
kanyang trabaho bilang call center agent. Hinangaan siya hanggang sa ma
promote bilang supervisor. Kasabay ng pagiging supervisor niya ay
pinatawad na rin siya ng kanyang mga magulang. Pinatira na rin siya sa
kanilang bahay kasama ng anak niya na limang taong gulang na. Naging
masyadong masaya si Glenda kasi muli ay makakasama na niya ang kanyang
mga magulang at kapatid lagi.
Dito sa mundo ang pag-iwan sa atin
ng ating minahal minsan ay siyang dahilan para mag improve ang ating
sarili. Ang siyang dahilan para tumuklas tayo ng ibang mamahalin. Hindi
man sa pisikal na anyo kundi sa paraan na kumikita tayo ng pera dahilan
para tayo ay may mabili, may makain, at higit sa lahat ay mabuhay kasama
ng pamilya.
Saturday, July 28, 2012
Saturday, July 21, 2012
Muling Mahalin (by request)
Sa post ko pong Sana'y Laging Magkapiling (by request) ay nag comment ang blogger na si Mai Yang ng parang nagpaparamdam na maging bahagi sa portion ng by request sa blog ko. Narito po ang sinabi niya at ang blog niya ay http://www.florathemostawesomegoddess.com/
Mai Yang said...
fanatic ka pala ni April Boy? hehe..
hmmm..bakit sya lang? hahahah!
MULING MAHALIN (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña
Pagmamahal muling pinanabikan
Halik at yakap nais uli madama
Pag-iibigan na minsan nangyari
Binabalik tanaw sa bawat araw.
Nagawang pagkakamali pinagsisisihan
Mga pagkukulang ay pinagdurusahan
Hapdi at kirot na nararamdaman
Kakayanin hanggang sa huling sandali.
Tukso at pang-aakit pilit lalayuan
Iiwasan hindi mahumaling sa iba
Kapalit man ng lahat ay pighati
Walang pag-alinlangan na tanggapin.
Muling mahalin ang tangi lang hangad
Wagas na pag-ibig ang ialay
Sa minsan naging bahagi ng buhay
Mahal pa rin hanggang ngayon.
Lilipas ang mga araw
Maraming mangyayari sa isa't isa
Tanging hiling lang sa maykapal ay patawarin
Pag-ibig muling maghahari sa puso.
Mai Yang said...
fanatic ka pala ni April Boy? hehe..
hmmm..bakit sya lang? hahahah!
July 9, 2012 11:09 PM
It hurts when the one you love left you and say....."you deserve someone better" then all you can say is "maybe I do". But deep inside you are crying because you know you cannot find better if you already found the best.
MULING MAHALIN (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña
Pagmamahal muling pinanabikan
Halik at yakap nais uli madama
Pag-iibigan na minsan nangyari
Binabalik tanaw sa bawat araw.
Nagawang pagkakamali pinagsisisihan
Mga pagkukulang ay pinagdurusahan
Hapdi at kirot na nararamdaman
Kakayanin hanggang sa huling sandali.
Tukso at pang-aakit pilit lalayuan
Iiwasan hindi mahumaling sa iba
Kapalit man ng lahat ay pighati
Walang pag-alinlangan na tanggapin.
Muling mahalin ang tangi lang hangad
Wagas na pag-ibig ang ialay
Sa minsan naging bahagi ng buhay
Mahal pa rin hanggang ngayon.
Lilipas ang mga araw
Maraming mangyayari sa isa't isa
Tanging hiling lang sa maykapal ay patawarin
Pag-ibig muling maghahari sa puso.
Sunday, July 15, 2012
Buwaya Sa Lungsod
"Minsan sa politika mas pinapaboran ang pera kaysa kadugo. Kaya hindi
nakapagtataka na tuwing halalan may mga lugar na bigyan lang ng pera
ang mga botante ay iboboto ka na kahit hindi ka karapat-dapat iboto."
Natatawa ako minsan sa ilang tao na nagpapakita ng pagmamahal sa kanilang lungsod na gusto ng magkaroon ng pagbabago ng liderato. Paanong hindi ako matatawa kung mismo ang tunay na dapat talagang magmahal na pinuno at mga opisyales dahil ibinoto ng karamihan na naninirahan ay hindi masyadong mahal ang lungsod. Hindi naman sa lahat pero may ilan na inuuna muna ang pansariling kapakanan.
It is too late to be hero, ganun ang maituturing ko para sa ilan na mga tao na masyado ng mahal ang kanilang lungsod gayong noong una pa lang ay suportado ng sobra-sobra ang namumuno. Ikinakampanya ng mabuti para manalo. Tapos pagtagal ay kokontra dahil hindi nagugustuhan ang ginagawang pagserbisyo sa lungsod. Kagaguhan ang ganun, balimbing na maituturing.
Ang ganun na pangyayari ay hindi katanggap-tanggap kahit magsisi pa. Kahit lumuhod pa sa harap ng mga mamamayan at humingi ng tawad. At kahit pa ipagsigawan sa plaza gamit ang mikropono sa ginawang maling pagsuporta.
Ang pagpasok sa politika ay hindi biro. Gagasto ng malaki para talaga manalo. Namimigay ng pera para sila ay iboto. At kung sakali man na manalo ay hangad talaga na hindi na maalis sa puwesto dahil doon ay mababawi ang mga nagasto sa halalan at kikita pa ng malaki. Pagkat may pera sa politika. Kaya kahit ano pa ang gawin ng ilang mga tao para maalis sa puwesto ang hindi nagugustuhan na namumuno ay mahihirapan talaga dahil mayroon ring mga sumusuporta para sa nais na mapatalsik sa puwesto. Aalis lang sa puwesto kung tapos na ang termino. Pero ang papalit ay kakampi din. At puwede pang bumalik paglipas ng ilang taon kung naisin.
Matutong magtiis kung anuman ang inyong nakikita na hindi maganda na ginagawa ng namumuno sa lungsod. Dahil walang ibang dapat na sisihin kung hindi ang tao na talagang ginamit ang impluwensya para manalo ang kandidato at ang mga bumoto din mismo. Mayroon din naman nagagawang mabuti ang namumuno sa inyong lungsod. Hindi niyo lang napapansin. Ang pinapansin niyo lang ang kamalian. Sabi nga "we are a very good lawyer for our own mistakes, and a very good judge for others mistakes."
BUWAYA SA LUNGSOD
Ni: Arvin U. de la PeñaNatatawa ako minsan sa ilang tao na nagpapakita ng pagmamahal sa kanilang lungsod na gusto ng magkaroon ng pagbabago ng liderato. Paanong hindi ako matatawa kung mismo ang tunay na dapat talagang magmahal na pinuno at mga opisyales dahil ibinoto ng karamihan na naninirahan ay hindi masyadong mahal ang lungsod. Hindi naman sa lahat pero may ilan na inuuna muna ang pansariling kapakanan.
It is too late to be hero, ganun ang maituturing ko para sa ilan na mga tao na masyado ng mahal ang kanilang lungsod gayong noong una pa lang ay suportado ng sobra-sobra ang namumuno. Ikinakampanya ng mabuti para manalo. Tapos pagtagal ay kokontra dahil hindi nagugustuhan ang ginagawang pagserbisyo sa lungsod. Kagaguhan ang ganun, balimbing na maituturing.
Ang ganun na pangyayari ay hindi katanggap-tanggap kahit magsisi pa. Kahit lumuhod pa sa harap ng mga mamamayan at humingi ng tawad. At kahit pa ipagsigawan sa plaza gamit ang mikropono sa ginawang maling pagsuporta.
Ang pagpasok sa politika ay hindi biro. Gagasto ng malaki para talaga manalo. Namimigay ng pera para sila ay iboto. At kung sakali man na manalo ay hangad talaga na hindi na maalis sa puwesto dahil doon ay mababawi ang mga nagasto sa halalan at kikita pa ng malaki. Pagkat may pera sa politika. Kaya kahit ano pa ang gawin ng ilang mga tao para maalis sa puwesto ang hindi nagugustuhan na namumuno ay mahihirapan talaga dahil mayroon ring mga sumusuporta para sa nais na mapatalsik sa puwesto. Aalis lang sa puwesto kung tapos na ang termino. Pero ang papalit ay kakampi din. At puwede pang bumalik paglipas ng ilang taon kung naisin.
Matutong magtiis kung anuman ang inyong nakikita na hindi maganda na ginagawa ng namumuno sa lungsod. Dahil walang ibang dapat na sisihin kung hindi ang tao na talagang ginamit ang impluwensya para manalo ang kandidato at ang mga bumoto din mismo. Mayroon din naman nagagawang mabuti ang namumuno sa inyong lungsod. Hindi niyo lang napapansin. Ang pinapansin niyo lang ang kamalian. Sabi nga "we are a very good lawyer for our own mistakes, and a very good judge for others mistakes."
Wednesday, July 11, 2012
Dolphy
"Sa buhay ay mahirap ang magpatawa sa iyong kapwa."
DOLPHY
Ni: Arvin U. de la Peña
Paalam na sa iyo Dolphy
Ikaw ang hari ng komedya
Sa bawat nagiging pelikula mo
Nanonood masayang lumalabas sa sinehan.
Hindi ka man perpektong tao
Mayroon rin mga kahinaan
Ginagampanan mo sa pelikula at telebisyon
Nakakawala ng lungkot na nadarama.
Ang tulad mo mahirap ng mapantayan
Wala ng makakagaya sa iyong klase ng pagpapatawa
Isa kang alamat na maituturing
Malaki kang kawalan sa industriya na pinasukan mo.
Paalam na sa iyo Dolphy
Bilang isang nilalang hindi ka nagpabaya
Ginampanan mo ng mabuti naging tungkulin mo
Bilang isang ama at para sa mga tagahanga.
Wala ka naman sa lupa
Iyong alaala na naiwan hindi malimutan
Sa langit na naroon ang tunay na kaligayahan
Makapiling mo na ang hari ng lahat.

Saturday, July 7, 2012
Sana'y Laging Magkapiling (by request)
Ito ay pagbibigay daan para sa sinabi ng isang blogger para sa sinulat kong Walang Hanggan (by request). Sa iyo ay pasensya na kung ngayon lang kita napagbigyan. Narito po ang comment niya at ang blog niya ay
http://esteryaje.blogspot.com
Ester Yaje
said...
kakahiya naman. parang gusto ko ring ma feature. in fairness, ang galing mong gumawa ng tula
April 1, 2012 7:29 PM

"When I miss you sometimes I listen to music or look at pictures of you, not to remind me of you but to make me feel as if I'm with you. It makes me forget the distance and capture you."
Sana'y Laging Magkapiling (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña
Bawat araw ay nais na makasama
Minamahal ay mayakap
Paghihirap ng puso
Hangad na ito ay matapos.
Sa gabi na nag-iisa
Mga alaala lang ang kasama
Larawan na laging dala
Kalungkutan ay nababawasan.
Malayong distansya pilit pinagdudugtong
Pag-iibigan hindi nawawala sa isip
Patuloy na ginugunita
Pagmamahal sa isa't isa.
Sa araw at gabi hangad ang mahal umuwi na
Pagtrabaho sa ibang lugar matigil muna
Kung hindi lang para sa kinabukasan
Dalawang puso na nag-isa hindi magkakalayo.
Ilang tag-araw at tag-ulan man lumipas
Pag-aalala ay hindi nawawala
Makapiling muli ang mahal
Siyang laging hangad bawat sandali.

Thursday, June 28, 2012
An Iroy Nga Banwa
Ako ay isang Waray. Ibig sabihin ang salita ko talaga ay waray. At ito ang una kong pagsulat para dito sa blog ko ng salitang waray. Translate ko sa tagalog para din maintindihan ng marami.
"Para sa akin ang isang hindi maganda sa politika ay ang requirement na one-year residency. Napakasakit kung ang nanalo sa inyong lugar sa halalan ay hindi masyado taga roon o kaya tumira lang doon para magbakasakali na manalo sa kung anuman ang takbuhan sa halalan. Lalong masakit kung hindi naging maganda ang panunungkulan at naging corrupt lang."
In Waray:
AN IROY NGA BANWA
sinurat ni: Arvin U. de la Peña
An iroy nga banwa natubo bisan diin
Bis ano pa kalimpyo an tuna pagtutubuan
Kon papabay-an nagtitikadamo
Kon mauran malaksi la tumubo.
Kon pagdadaluson amo la gihapon
An banwa matubo la liwat
Ha katikangan la maupay kitaon
Pira ka adlaw maraot na liwat siplatan.
An iroy nga banwa sugad hin mga tawo nga politiko
Bisan diri ira tuna nga gintubuan
Ira pag ookoparan nga masakop
Waray kaawod awod ha mga molupyo.
An iroy nga banwa nga mga politiko purisyo
Kay mga tawo ha bungto at uma puwede nira mauwat
Natuod ha mga istorya ngan kinakarawat hinahatag nga kuwarta
Kabalyo diri pagserbisyo hin maupay, pangurakot la.
Bisan anun reklamo han mga nangungukoy ha tuna waray nahihimo
Mahitungod nga hira bayad man
An iroy nga banwa diri makakatubo kon may semento
Pero an iroy nga banwa nga politiko maturok la gihapon.
Mintras nakakalakat pa iton iroy nga banwa nga mga politiko makandidato gud
Kay kada lugar may gamot nira nga mabulig para hira magdaog
An iroy nga banwa makuri gud mapuo
Banwa nga natubo ha tuna o banwa nga mga politiko.
In Tagalog:
PESTENG DAMO
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang pesteng damo sumisibol kahit saan
Kahit gaano pa kalinis ang lupa
Kung hahayaan lang ang damo
Kapag maulan mabilis tumaas.
Kung tanggalin ay ganun pa rin
Ang damo ay sisibol din
Sa umpisa lang magandang tingnan
Paglipas ng ilang araw ay pangit na.
Ang pesteng damo parang tao na mga politiko
Kahit hindi lupang sinilangan
Kanilang sasakupin ang lupain
Walang kahiya-hiya para sa mga mamamayan.
Ang pesteng damo na mga politiko ay pahamak
Dahil ang mga tao sa lugar ay kaya nilang mauto
Naniniwala sa mga pangako at tinatanggap ang pera para sa pagboto
Kapalit ay pagserbisyo ng hindi maganda at pangungurakot lang.
Kahit anong reklamo ng mga naninirahan walang nagagawa
Iyon ay dahil sila ay binayaran sa halalan
Ang pesteng damo hindi makasibol sa semento
Subalit ang pesteng damo na politiko ay sisibol.
Hanggat nakakalakad pa ang pesteng damo na politiko ay tatakbo pa rin sa halalan
Dahil ang lugar na sasakupin ay may mga ugat na tutulong sa kanila para manalo
Ang pesteng damo mahirap talagang malipol
Damo na sumisibol sa lupa o damo na mga politiko.

Wednesday, June 20, 2012
Mangingisda
"Isang masarap na ulam ay ang isda."
Sa isang maliit na isla ay isa si Mang Kanor na maituturing na mangingisda talaga. Kasi sa bawat araw ay nangingisda siya. Hindi katulad ng iba na bihira lang.
Si Mang Kanor ay nag-iisa lang sa buhay.Wala na ang kanyang asawa na noong malapit ng manganak at ililipat niya sa kabilang isla na doon ay may hospital ay hindi niya nasagip ng tumaob ang bangka isang gabi ng bigla ay lumakas ang alon.
Ang mga nahuhuling isda ni Mang Kanor ay binibenta niya sa mga kalapit na bahay. Kung walang perang pambili ay bigas na lang ang kapalit ng isda. Minsan naman ay utang lang muna para sa isda. At kung minsan na konti lang ang huli ay hindi lahat ng mga suki niya ay napagbebentahan niya ng isda. Sa ganun na paraan si Mang Kanor ay nakakaraos sa buhay. Nakakaipon pa siya ng kaunting pera. Araw-araw iyon ang gawain ni Mang Kanor basta wala lang bagyo dahil para sa kanya ay may obligasyon siya sa mga kababayan niya na kailangan niyang gampanan. Dahil kung hindi siya mangisda ay naiisip niya ang iuulam ng mga tao na pinagbebentahan niya ng mga isda. Lalo at may pagkamahal ang presyo ng karne at manok. Kaya sa kanilang isla si Mang Kanor ay kilalang-kilala.
Minsan isang gabi na medyo masama ang panahon dahil may paparating na bagyo si Mang Kanor ay nagpuwersa na mangisda. Hindi niya inalintana ang paparating na bagyo. Papunta pa lang siya sa laot para mangisda ay ayos pa ang panahon. Ngunit ng siya ay nasa gitna na ng dagat at nag uumpisang ihulog ang lambat ng bigla lumakas ang hangin. Kasabay din ng paglakas ng alon dahilan para tumaob ang bangka ni Mang Kanor. Sa sobrang lakas ng alon ay aksidenteng nahampas ang ulo ni Mang Kanor ng kanyang bangka.Dahilan para siya ay masawi sa dagat.
Kinabukasan ay nakita ang bangkay ni Mang Kanor sa dalampasigan. Napaiyak ang ilan lalo na ang mga malapit sa kanya. Nanghihinayang ang karamihan dahil wala na si Mang Kanor na laging nagbebenta ng mga huling isda sa kanila.
Dito sa mundo lahat tayo ay may obligasyon. Ngunit dapat din natin isipin ang ating sarili. Walang masama sa pagharap sa obligasyon basta hindi manganganib ang ating buhay. Iba pa rin kapag tayo ay nag-iingat.
MANGINGISDA
Ni: Arvin U. de la PeñaSa isang maliit na isla ay isa si Mang Kanor na maituturing na mangingisda talaga. Kasi sa bawat araw ay nangingisda siya. Hindi katulad ng iba na bihira lang.

Subscribe to:
Posts (Atom)