Monday, October 17, 2011

Sasakyan

"Sa pag-alis ng isang ilaw ng tahanan minsan ay ang pag-aliw din sa sarili ng iniwanan. Hindi naman nakapagtataka na mangyari ang ganun dahil ang umalis baka nag aaliw din. Napakarami ng pangyayari na ang isang pamilya ay nasira dahil may nangaliwa o kapwa nangaliwa habang malayo sa isa't isa.


SASAKYAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Linisin mo iyan
Dahil diyan ay nabubuhay ka
Pati na ang iyong pamilya
Diyan sa trabaho mo umaasa.

Kung may dumi alisin mo
Dahil walang sasakay sa iyo
Kung kailangan ay pabanguhin mo
Para marami kang pasahero.

Huwag kang mandidiri sa paghawak
Kung halimbawa man may ikakarga
Hanap mo ay pera
Kaya kasama na ang ganyan.

Kinikita mong pera subaybayan mo
Tahakin mo ang daan saan napupunta
Dahil baka ang pinagpapawisan mo
Sa walang katuturan lang napupunta.

Maging mabaho ma ang daan
Tiisin mo ang amoy
Dahil ang daan na dinadaanan mo
Kasing lapad ng kamay mo pagdating sa pera.

Thursday, October 13, 2011

Bigong Paghahanap (by request)

Bago ang lahat nais ko po sanang elike niyo sa facebook ang kaibigan ko na official candidate siya sa HCCC Miss United Nations 2011. Kasi palagay ko naman maraming blogger ang may facebook din. Sampung segundo lang ang hinihingi ko sa inyo kasi sa sampung segundo ay magagawa niyo na ang pag like. Sa sampung segundo na iyon ay malaki na ang maitutulong niyo sa pag like na kung sakali manalo din siya para sa isang parangal din na Facebook Choice Award ay bahagi kayo. Bahagi kayo na sumuporta sa kanya sa kanyang tagumpay. Kasi makikita naman kung sila sino ang nag like. Kayo na sumuporta ay hindi makakalimutan. Lalo na at minsan lang ang pagsali niya ng ganun. Kung maaari din po sana ay mag message din kayo na mga kaibigan ko sa blog sa mga kaibigan niyo na elike siya sa facebook o di kaya mag post sa wall ng facebook niyo. Copy paste lang ito

PAKILIKE NAMAN PLEASE...click the link and like..thanks

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=171050426313070&set=a.171049356313177.44830.171012709650175&type=1&theater

Sa inyo po na mga kaibigan ko na blogger o nagbabasa sa blog ko ako humihingi ng pag like kasi kung dito sa aming lugar ay mahirap kasi ay siyam silang candidate at puro taga aming lugar pa. Siyempre kung sino ang pinsan o malapit na kamag-anak o kaibigan ay doon mag like. Sa October 24, 2011 pa po ang pageant night. Sa sampung segundo ay makakatulong na kayo sa kaibigan ko. Click niyo lang po ang link na nasa side bar ng blog ko sa itaas na makita po sa itaas ng picture ng candidate. Ang pangalan po ng kaibigan ko ay Barby Dell Jao. Please like my friend in facebook. Malayo man at hindi pa nakikita ng personal ay maipakita sana ang pagtulong. Thank you........

Ang sinulat kong ito ay pagbibigay daan din sa request ng kaibigang blogger na si Cacai M. Narito po ang sinabi niya ng magrequest sa akin.



Cacai M.: P.S. Can I also request a poem? --- that is if you nver mind. Thanks again Arvin. God bless!

http://www.thoughts-ideas-resources.com/
http://www.cacai-m-place.net/

Bigong Paghahanap
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa madilim na daan naglakad
Kaliwa at kanan tiningnan
Hinahanap anak na naglayas
Ang masakit hindi maaninag.

Tinahak ang liwanag na daan
Umaasa na masusulyapan
Kabiguan lang ang naging hatid
Sa suwail walang nakakaalam.

Mga pahayagan ay tiningnan
Binasa nilalaman sa loob
Walang balita para sa anak
Nakakalito na sa isipan.

Magulang hindi mapalagay
Nais ng sumuko sa paghanap
Nagsisisi nagawa sa anak
Sana ay hindi pinagalitan.

Nagtanong-tanong sa nadaanan
Nagbabakasakaling may alam
Kapighatian lang naging dulot
Sa kahahanap dusa kapalit.

Saturday, October 8, 2011

Maalaala Mo Kaya (my blog 3rd anniversary)

Ngayong araw October 8, 2011 ay 3rd anniversary ng blog kong ito. Dahil dito nais kong magpasalamat sa mga tao na bumibisita sa blog ko at lalo na doon sa mga nagiging bahagi ng bawat post ko. Maraming salamat talaga sa inyong lahat.

Ngayong buwan din ay pag celebrate ng 20th anniversary ng the longest-running, top-rating and multi-awarded drama anthology ng abs-cbn ang Maalaala Mo Kaya. Maraming henerasyon na rin ng tao ang nagdaan na naging bahagi ng palabas na iyon. Maraming tao ang napaibig, napaiyak, napaluha, napatawa, nalungkot, naging matatag ang loob sa mga pagsubok, nagkaroon ng inspirasyon sa buhay, at ano pa ng dahil sa Maalaala Mo Kaya. Sa bawat programa ng Maalaala Mo Kaya ay nagkakaroon ng aral para sa mga manonood.












"I hate endings! It's not because I'm left alone or I'm not loved anymore. I hate endings because endings left me thinking of how and when to start again."

MAALAALA MO KAYA
Ni: Arvin U. de la Peña

Maalaala mo kaya ang isang tulad ko
Kung dumating ang sandali nasa kanya ka na
Iyo pa rin bang maiisip
Nakalipas na tayo ay nagkakasama.

Mga pagmamagandang loob ko sa iyo
Kabaitan at pagmamahal kong pinapadama
Ang lahat ng iyon mawala ba sa isip
Sakali siya ang piliin mo.

Tanggap ko naman may kahati ako
Bukod sa akin mayroon ding may gusto sa iyo
Hangad rin na makuha ang pag-ibig mo
Simulat't sapul akin ng ninanais.

Maalaala mo pa kaya ako
Kung kayong dalawa ay nagsasama na
Pagmamahalan niyo ay nagkaroon na ng bunga
Ang lahat sa akin may halaga pa ba.

Maalaala mo pa ba ako aking sinta
Kung sa kanya masaya ka naman
Wala ng mahihiling pa sa sarili
Maalaala mo kaya.

Friday, September 30, 2011

Payo

"Ang isang kaibigan ay maituturing na mahalaga kung siya ay may pagpapahalaga sa iyo."

Sad

PAYO
Ni: Arvin U. de la Peña

Huwag malungkot kung nararamdaman mo man iniiwasan ka na ng mga naging kaibigan mo. Maging ito ay kaibigan na hindi mo pa nakikita. Ibig kong sabihin naging kaibigan dahil sa text, chat, facebook o kung ano pa. Sadyang dito sa mundo ay walang permamente. Ang lahat ay maaaring magtapos.

Unawain na lamang sila. Hayaan ang kasiyahan nila na walang komunikasyon sa iyo. Hayaan ang tinatamasa nilang kasiyahan kapag hindi ka nakikita.Matuto kang umintindi para sa desisyon nila. Respetuhin ang pasya nila. Kapag may nawawala ay may dumarating naman. Makakahanap ka pa rin ng ipapalit sa kanila bilang kaibigan.

Tandaan mo na hindi lang sila ang tao sa mundo. Silang mga nawala sa iyo na kaibigan ay mapapalitan pa. Baka mas marami pang kaibigan ang pumalit sa kanila na dumating sa buhay mo basta makipagkaibigan ka lang. Kung pinagkakaisahan ka man nila para hindi ka kaibiganin ay unawain sila. Hayaan na sila na lang ang magpansinan. Hayaan na sila-sila na lang ang magdamayan sa hirap at lungkot. Hayaan na sila-sila na lang ang magtawanan. Ang mahalaga ay nabubuhay ka kahit wala sila.

Oo mararamdaman mo ang pagka miss sa kanila. Kasi hindi mo na sila madalas na makikita o nararamdaman. Mamimiss mo ang kanilang mga mukha. Pero iyon ay sa una lang. Paglipas ng mga araw mawawala na ang pagka miss mo sa kanila. Dahil unti-unti mararamdaman mo na may pumalit na sa kanila. Dahil doon mapapatunayan mo na sila ay hindi malaking kawalan sa iyo. Dahil kung sila ay nawala sa iyo, nawala ka rin naman sa kanila. Sapagkat dahil ayaw na nila sa iyo ay ayaw mo na rin sa kanila.

Ganun kasimple ang lahat. Sabi nga "kung ayaw mo, huwag mo." Huwag ipagpilitan ang sarili na sana ay nasa iyo sila lagi. Pagkat hindi mo hawak ang buhay nila. Kung saan ka masaya sa mga kasalukuyan mong mga kaibigan ay doon ka. Huwag kang magbago para sa kanila. Maliban na lang kung magbago sila para sa iyo.

Monday, September 26, 2011

Tattoo Artist

Taong 2009 ng magsimula ako mag pa imprinta ng t-shirt na may design tungkol sa blog ko sa kaibigan kong si Kim Reyes. At iyon ang nasa slide show na makita sa side bar ng blog ko. At ang latest kong pa imprinta ng t-shirt wala sa slide show ay iyong makita sa post kong ito kasama na rin ang mga larawan na patungkol sa mga gawa ng kaibigan ko na isa ring tattoo artist. Hindi lang tatto artist na matatawag kundi all around artist siya. Kasi bukod sa pagiging tattoo artist ay trabaho din niya ang gumawa ng streamer, banner, drawing, t-shirt printing, tarpaulin, styrofoam cutting, signages, panaflex billboards, layouting, yearbooks, stage décor, interior design at iba pa. Magaling din siya sa painting. Siyempre bukod sa tunay na pag tattoo ay nag hehenna tattoo din siya. Dito sa Leyte ay sumasali siya sa mga competition sa pag tattoo o kaya body painting. Marami na rin siyang award na napanalunan sa mga sa pagsali sa competition. Dito sa aming lugar napakaraming beses rin na kung saan siya ang kinukuha na mamahala para sa pag celebrate ng Alumni ng isang paaralan. Maraming paaralan na rin ang kumuha ng serbisyo niya. Siya na ang bahala sa lahat if the price is right nga lang. Siya na ang bahala gumawa ng design sa t-shirt, paggawa ng mga streamer para sa alumni, design sa stage at kung ano pa na ikagaganda ng event. Minsan din ay labor lang ang hinihingi niya at ang materyal sa host na lang. Sabi nga kaibigan ko na si Alexis na siya iyong lalaki na model ko sa sinulat kong Isang Linggong Pag-ibig ay unlimited daw ang talent ni Kim Reyes kasi madami talaga siyang alam. Ilan lang ang larawan na makita niyo sa napakarami na niyang gawa. Sa mga larawan ay makita niyo na tinatatoan niya ang kaibigan namin na si Felix Arbis na siya iyong nagrequest sa akin ng papaalis na papunta California na magsulat daw ako ng tula na ang pamagat ay "Ang Kaibigan Kong Nagbakasyon" na post ko noong January 31, 2010. At si Kim Reyes ay willing din siya mag trabaho sa ibang lugar kung kailangan ang serbisyo niya. Just e-mail me at sabihin ko sa kanya.

"You think it, I ink it".
























Sunday, September 18, 2011

Isang Linggong Pag-ibig

Again, I thank Sam of http://www.freddysamsc.com for giving me 15 dollars thru paypal account for the badge of her blog There's No Place That Far that I put in my blog. She is also the owner behind the badge Snap Shots And Tips. Please visit her, visit all My Advertiser. Thank You.

Ang larawan ng lalaki at babae na makita ay mga kaibigan ko. Ang lalaki ay naging modelo ko para sa sinulat kong PAGHIHINTAY noong May 4, 2009. Kapag umuuwi iyan mula ibang bansa ay nagpapainom iyan sa amin na mga kaibigan niya palagi ng san miguel beer o red horse. At ang babae naman ay siya ang kasama ko sa post kong PAIN noong May 25, 2011 at ako ang nagpapainom ng san miguel beer o red horse sa kanya, hehe. Joke lang. Ang kuwento po na mabasa ay gawa-gawa ko lang at walang katotohanan.

"You don't realize how much you care about someone until they don't care about you."





















ISANG LINGGONG PAG-IBIG
Ni: Arvin U. de la Peña

Lunes nasa isang tindahan si Sheryl may binibili bago pumasok sa paaralan ng may pumaradang kotse. Pagbaba ng lalaki ay nagtanong agad sa tindera kung may load daw. Oo , naman ang sagot ng tindera. Dahil nagkatabi sina Sheryl at ng lalaki ay hindi naiwasan ng lalaki na hindi tanungin ang pangalan ng katabi niyang magandang babae. "Puwede ko bang malaman ang pangalan mo", tanong ng lalaki." Sheryl Reyes po", sabi ni Sheryl. "Ako naman si Alexis Negado", sabi naman ng lalaki. "Nice to meet you", tugon uli ng lalaki at nakipag shake hands kay Sheryl. Bago umalis ang lalaki na si Alexis ay hiningi niya ang cellphone number ni Sheryl. Ibinigay din ni Sheryl ang cellphone number niya. Pagkatapos magpaload ni Alexis at sumakay na siya sa kanyang kotse. Kinawayan pa niya si Sheryl bago nagpaandar ng kotse at may ngiti sa kanyang labi.

Martes sakay ng jeep si Sheryl ng bigla ay nag ring ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya ang kanyang cellphone kung sino ang tumatawag ay si Alexis. Ayaw sana niyang sagutin kasi baka hablutin ang cellphone niya ng snatcher pero sinagot niya pa rin. At sila ay nag-usap ng masinsinan.

Miyerkules paglabas ng paaralan ni Sheryl ng laking gulat niya ng makita sa kabilang linya ng kalsada ang nakaparadang kotse ni Alexis. At si Alexis ay nasa may pinto at kinakaway siya. Walang nagawa si Sheryl kundi ang lapitan si Alexis. Hindi na nakatanggi si Sheryl ng siya ay yayain ni Alexis na mamasyal. Maraming magandang pasyalan ang pinuntahan nila. Ipinakita ni Alexis kay Sheryl ang kanyang pagiging mabait, maginoo, at galante.

Huwebes naguguluhan si Sheryl. Balisa ang kanyang isipan. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba si Alexis sa panliligaw na nagpapakita naman sa kanya ng magandang loob. Inaalala niya ang kanyang pag-aaral. Dahil baka makasagabal kung magiging boyfriend niya si Alexis. Hanggang sa makatulugan niya na lang iyon.

Biyernes habang sila ay kumakain sa isang restaurant ng sagutin na ni Sheryl si Alexis. Tuwang-tuwa si Alexis ng marinig sa bibig ni Sheryl na siya ay sinasagot na. Paglabas nila ng restaurant ay agad dinala ni Alexis si Sheryl sa isang jewelry shop. Bumili si Alexis ng isang pares ng singsing tanda ng kanilang pagmamahalan.

Sabado ng isama ni Alexis si Sheryl para sa birthday ng barkada niyang lalaki. Noong una ay ayaw ni Sheryl kasi nahihiya siya. Pero siya ay napapayag din ni Alexis. Sa party ay nakita ni Sheryl na sosyal ang mga kaibigan ni Alexis. Madami ang bisita. Lahat na lalaki na kabarkada ni Alexis na naroon sa birthday ay kasama din ang kanilang girlfriend. Napansin ni Sheryl na ang mga babae na naroon ay umiinom lahat. Kaya siya ay uminom na rin sa kagustuhan ni Alexis kasi san miguel beer lang naman ang iniinom. Gabi na ng makiuwi na si Sheryl kay Alexis. Pagtayo niya ay nahilo siya. Muntik ng matumba dahil madami ang kanyang nainom. Inalalayan siya ni Alexis papunta sa kotse.

Linggo ng madaling araw na ng maalimpungatanan si Sheryl sa pagkakatulog. Pagtingin niya sa kanyang sarili ay wala na siyang saplot. Nagtaka siya bakit ganun. Nang pagmasdan niya ang kabuuan ng kuwarto ay nalaman niya na hindi siya nasa kanila. Hinanap niya kung nasaan si Alexis. Tiningnan niya sa banyo baka naliligo, pero wala. Pagtingin niya sa mesa ay mayroon papel. "Sorry ayaw ko na sa iyo. Break na tayo. Laro lang ang lahat." Napahagulgol agad ng iyak si Sheryl. Hindi niya akalain na ganun pala si Alexis. Akala pa naman nya ay sila na ang magkakatuluyan. Pinagsamantalahan lang siya ni Alexis. Lumabas si Sheryl sa kuwarto ng motel na may lungkot sa sarili. At sinabi niya na hindi na siya basta magtitiwala sa isang lalaki.

Wednesday, September 14, 2011

Boulevard

Ang larawan ko po na makita ay kuha iyan sa boulevard. Pagkatapos ng party sa paaralan dahil sa alumni ay pumunta kasama ng ilang kaibigan around 2 am siguro at doon nag continue sa pag inom. Sa aming lugar kasi sa gilid ng dagat ay may tinatawag na boulevard. Isa siyang pasyalan lalo na kung hapon na kasi may mga nagtitinda. Sa mga nagtitinda ay siyempre hindi nawawala ang San Miguel Beer o kaya Red horse. Kasama na rin doon ang mga paninda para sa pulutan, barbecue o ano pa. Ang ibang tao doon na din kumakain pag gabi. Madami ang nag-iinuman diyan. Maraming beses na rin kaming magkakaibigan nag inuman sa boulevard. At ang babae naman na makita sa larawan ay siya ang modelo ko sa sinulat kong LUHA para sa entry ko sa pagsali kamakailan sa pa contest ni iya_khin ng http://susulatako.blogspot.com

"If there is one mistake in my whole life that I can tolerate. It is when I have loved, though I knew it wouldn't be appreciated."

BOULEVARD
Ni: Arvin U. de la Peña

Kaysarap mong balik-balikan
Kasi kahit paano nakakagaan
ka ng loob
Kahit na sa bawat pagpunta sa iyo
Halos maubos ang perang dala.

Habang tinitingnan ang dagat
At ang malayong bukid
Pakiwara talaga kuntento na sa buhay
Lalo kapag iniinom na ang malamig na beer.

Sa bawat pagpunta sa iyo
Kasama minsan ang ilang mga kaibigan
Ay nagdudulot ka talaga ng saya
Sabihin pang nahihilo kami sa pagkalasing.

Minsan isang gabi napadaan ako sa iyo
Akala ko ay sasaya ako
Akala ko lalasingin mo uli ako
Pero hindi, hindi ganun ang nangyari.

Bakit? bakit sa iyong lugar ko pa
Nakita at magkasama na masaya
Ang tibok ng aking puso
At ang karibal ng aking puso.

Hudyat ba iyon para humanap ako ng iba?
Hudyat ba iyon para kalimutan na lang siya?
Hudyat ba iyon para di ko na siya isipin pa?
O, hudyat iyon para unti-unti iwasan na kita?

Oh, boulevard sikat ka ngang puntahan
Nang magsing-irog o nais mag-inuman
Ngunit bakit sa kabila ng lahat na pagpupunyagi ko sa iyo
Binigyan mo ako ng sakit, walang kapantay na sakit.