Friday, September 30, 2011

Payo

"Ang isang kaibigan ay maituturing na mahalaga kung siya ay may pagpapahalaga sa iyo."

Sad

PAYO
Ni: Arvin U. de la Peña

Huwag malungkot kung nararamdaman mo man iniiwasan ka na ng mga naging kaibigan mo. Maging ito ay kaibigan na hindi mo pa nakikita. Ibig kong sabihin naging kaibigan dahil sa text, chat, facebook o kung ano pa. Sadyang dito sa mundo ay walang permamente. Ang lahat ay maaaring magtapos.

Unawain na lamang sila. Hayaan ang kasiyahan nila na walang komunikasyon sa iyo. Hayaan ang tinatamasa nilang kasiyahan kapag hindi ka nakikita.Matuto kang umintindi para sa desisyon nila. Respetuhin ang pasya nila. Kapag may nawawala ay may dumarating naman. Makakahanap ka pa rin ng ipapalit sa kanila bilang kaibigan.

Tandaan mo na hindi lang sila ang tao sa mundo. Silang mga nawala sa iyo na kaibigan ay mapapalitan pa. Baka mas marami pang kaibigan ang pumalit sa kanila na dumating sa buhay mo basta makipagkaibigan ka lang. Kung pinagkakaisahan ka man nila para hindi ka kaibiganin ay unawain sila. Hayaan na sila na lang ang magpansinan. Hayaan na sila-sila na lang ang magdamayan sa hirap at lungkot. Hayaan na sila-sila na lang ang magtawanan. Ang mahalaga ay nabubuhay ka kahit wala sila.

Oo mararamdaman mo ang pagka miss sa kanila. Kasi hindi mo na sila madalas na makikita o nararamdaman. Mamimiss mo ang kanilang mga mukha. Pero iyon ay sa una lang. Paglipas ng mga araw mawawala na ang pagka miss mo sa kanila. Dahil unti-unti mararamdaman mo na may pumalit na sa kanila. Dahil doon mapapatunayan mo na sila ay hindi malaking kawalan sa iyo. Dahil kung sila ay nawala sa iyo, nawala ka rin naman sa kanila. Sapagkat dahil ayaw na nila sa iyo ay ayaw mo na rin sa kanila.

Ganun kasimple ang lahat. Sabi nga "kung ayaw mo, huwag mo." Huwag ipagpilitan ang sarili na sana ay nasa iyo sila lagi. Pagkat hindi mo hawak ang buhay nila. Kung saan ka masaya sa mga kasalukuyan mong mga kaibigan ay doon ka. Huwag kang magbago para sa kanila. Maliban na lang kung magbago sila para sa iyo.

Monday, September 26, 2011

Tattoo Artist

Taong 2009 ng magsimula ako mag pa imprinta ng t-shirt na may design tungkol sa blog ko sa kaibigan kong si Kim Reyes. At iyon ang nasa slide show na makita sa side bar ng blog ko. At ang latest kong pa imprinta ng t-shirt wala sa slide show ay iyong makita sa post kong ito kasama na rin ang mga larawan na patungkol sa mga gawa ng kaibigan ko na isa ring tattoo artist. Hindi lang tatto artist na matatawag kundi all around artist siya. Kasi bukod sa pagiging tattoo artist ay trabaho din niya ang gumawa ng streamer, banner, drawing, t-shirt printing, tarpaulin, styrofoam cutting, signages, panaflex billboards, layouting, yearbooks, stage décor, interior design at iba pa. Magaling din siya sa painting. Siyempre bukod sa tunay na pag tattoo ay nag hehenna tattoo din siya. Dito sa Leyte ay sumasali siya sa mga competition sa pag tattoo o kaya body painting. Marami na rin siyang award na napanalunan sa mga sa pagsali sa competition. Dito sa aming lugar napakaraming beses rin na kung saan siya ang kinukuha na mamahala para sa pag celebrate ng Alumni ng isang paaralan. Maraming paaralan na rin ang kumuha ng serbisyo niya. Siya na ang bahala sa lahat if the price is right nga lang. Siya na ang bahala gumawa ng design sa t-shirt, paggawa ng mga streamer para sa alumni, design sa stage at kung ano pa na ikagaganda ng event. Minsan din ay labor lang ang hinihingi niya at ang materyal sa host na lang. Sabi nga kaibigan ko na si Alexis na siya iyong lalaki na model ko sa sinulat kong Isang Linggong Pag-ibig ay unlimited daw ang talent ni Kim Reyes kasi madami talaga siyang alam. Ilan lang ang larawan na makita niyo sa napakarami na niyang gawa. Sa mga larawan ay makita niyo na tinatatoan niya ang kaibigan namin na si Felix Arbis na siya iyong nagrequest sa akin ng papaalis na papunta California na magsulat daw ako ng tula na ang pamagat ay "Ang Kaibigan Kong Nagbakasyon" na post ko noong January 31, 2010. At si Kim Reyes ay willing din siya mag trabaho sa ibang lugar kung kailangan ang serbisyo niya. Just e-mail me at sabihin ko sa kanya.

"You think it, I ink it".
























Sunday, September 18, 2011

Isang Linggong Pag-ibig

Again, I thank Sam of http://www.freddysamsc.com for giving me 15 dollars thru paypal account for the badge of her blog There's No Place That Far that I put in my blog. She is also the owner behind the badge Snap Shots And Tips. Please visit her, visit all My Advertiser. Thank You.

Ang larawan ng lalaki at babae na makita ay mga kaibigan ko. Ang lalaki ay naging modelo ko para sa sinulat kong PAGHIHINTAY noong May 4, 2009. Kapag umuuwi iyan mula ibang bansa ay nagpapainom iyan sa amin na mga kaibigan niya palagi ng san miguel beer o red horse. At ang babae naman ay siya ang kasama ko sa post kong PAIN noong May 25, 2011 at ako ang nagpapainom ng san miguel beer o red horse sa kanya, hehe. Joke lang. Ang kuwento po na mabasa ay gawa-gawa ko lang at walang katotohanan.

"You don't realize how much you care about someone until they don't care about you."





















ISANG LINGGONG PAG-IBIG
Ni: Arvin U. de la Peña

Lunes nasa isang tindahan si Sheryl may binibili bago pumasok sa paaralan ng may pumaradang kotse. Pagbaba ng lalaki ay nagtanong agad sa tindera kung may load daw. Oo , naman ang sagot ng tindera. Dahil nagkatabi sina Sheryl at ng lalaki ay hindi naiwasan ng lalaki na hindi tanungin ang pangalan ng katabi niyang magandang babae. "Puwede ko bang malaman ang pangalan mo", tanong ng lalaki." Sheryl Reyes po", sabi ni Sheryl. "Ako naman si Alexis Negado", sabi naman ng lalaki. "Nice to meet you", tugon uli ng lalaki at nakipag shake hands kay Sheryl. Bago umalis ang lalaki na si Alexis ay hiningi niya ang cellphone number ni Sheryl. Ibinigay din ni Sheryl ang cellphone number niya. Pagkatapos magpaload ni Alexis at sumakay na siya sa kanyang kotse. Kinawayan pa niya si Sheryl bago nagpaandar ng kotse at may ngiti sa kanyang labi.

Martes sakay ng jeep si Sheryl ng bigla ay nag ring ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya ang kanyang cellphone kung sino ang tumatawag ay si Alexis. Ayaw sana niyang sagutin kasi baka hablutin ang cellphone niya ng snatcher pero sinagot niya pa rin. At sila ay nag-usap ng masinsinan.

Miyerkules paglabas ng paaralan ni Sheryl ng laking gulat niya ng makita sa kabilang linya ng kalsada ang nakaparadang kotse ni Alexis. At si Alexis ay nasa may pinto at kinakaway siya. Walang nagawa si Sheryl kundi ang lapitan si Alexis. Hindi na nakatanggi si Sheryl ng siya ay yayain ni Alexis na mamasyal. Maraming magandang pasyalan ang pinuntahan nila. Ipinakita ni Alexis kay Sheryl ang kanyang pagiging mabait, maginoo, at galante.

Huwebes naguguluhan si Sheryl. Balisa ang kanyang isipan. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin ba si Alexis sa panliligaw na nagpapakita naman sa kanya ng magandang loob. Inaalala niya ang kanyang pag-aaral. Dahil baka makasagabal kung magiging boyfriend niya si Alexis. Hanggang sa makatulugan niya na lang iyon.

Biyernes habang sila ay kumakain sa isang restaurant ng sagutin na ni Sheryl si Alexis. Tuwang-tuwa si Alexis ng marinig sa bibig ni Sheryl na siya ay sinasagot na. Paglabas nila ng restaurant ay agad dinala ni Alexis si Sheryl sa isang jewelry shop. Bumili si Alexis ng isang pares ng singsing tanda ng kanilang pagmamahalan.

Sabado ng isama ni Alexis si Sheryl para sa birthday ng barkada niyang lalaki. Noong una ay ayaw ni Sheryl kasi nahihiya siya. Pero siya ay napapayag din ni Alexis. Sa party ay nakita ni Sheryl na sosyal ang mga kaibigan ni Alexis. Madami ang bisita. Lahat na lalaki na kabarkada ni Alexis na naroon sa birthday ay kasama din ang kanilang girlfriend. Napansin ni Sheryl na ang mga babae na naroon ay umiinom lahat. Kaya siya ay uminom na rin sa kagustuhan ni Alexis kasi san miguel beer lang naman ang iniinom. Gabi na ng makiuwi na si Sheryl kay Alexis. Pagtayo niya ay nahilo siya. Muntik ng matumba dahil madami ang kanyang nainom. Inalalayan siya ni Alexis papunta sa kotse.

Linggo ng madaling araw na ng maalimpungatanan si Sheryl sa pagkakatulog. Pagtingin niya sa kanyang sarili ay wala na siyang saplot. Nagtaka siya bakit ganun. Nang pagmasdan niya ang kabuuan ng kuwarto ay nalaman niya na hindi siya nasa kanila. Hinanap niya kung nasaan si Alexis. Tiningnan niya sa banyo baka naliligo, pero wala. Pagtingin niya sa mesa ay mayroon papel. "Sorry ayaw ko na sa iyo. Break na tayo. Laro lang ang lahat." Napahagulgol agad ng iyak si Sheryl. Hindi niya akalain na ganun pala si Alexis. Akala pa naman nya ay sila na ang magkakatuluyan. Pinagsamantalahan lang siya ni Alexis. Lumabas si Sheryl sa kuwarto ng motel na may lungkot sa sarili. At sinabi niya na hindi na siya basta magtitiwala sa isang lalaki.

Wednesday, September 14, 2011

Boulevard

Ang larawan ko po na makita ay kuha iyan sa boulevard. Pagkatapos ng party sa paaralan dahil sa alumni ay pumunta kasama ng ilang kaibigan around 2 am siguro at doon nag continue sa pag inom. Sa aming lugar kasi sa gilid ng dagat ay may tinatawag na boulevard. Isa siyang pasyalan lalo na kung hapon na kasi may mga nagtitinda. Sa mga nagtitinda ay siyempre hindi nawawala ang San Miguel Beer o kaya Red horse. Kasama na rin doon ang mga paninda para sa pulutan, barbecue o ano pa. Ang ibang tao doon na din kumakain pag gabi. Madami ang nag-iinuman diyan. Maraming beses na rin kaming magkakaibigan nag inuman sa boulevard. At ang babae naman na makita sa larawan ay siya ang modelo ko sa sinulat kong LUHA para sa entry ko sa pagsali kamakailan sa pa contest ni iya_khin ng http://susulatako.blogspot.com

"If there is one mistake in my whole life that I can tolerate. It is when I have loved, though I knew it wouldn't be appreciated."

BOULEVARD
Ni: Arvin U. de la Peña

Kaysarap mong balik-balikan
Kasi kahit paano nakakagaan
ka ng loob
Kahit na sa bawat pagpunta sa iyo
Halos maubos ang perang dala.

Habang tinitingnan ang dagat
At ang malayong bukid
Pakiwara talaga kuntento na sa buhay
Lalo kapag iniinom na ang malamig na beer.

Sa bawat pagpunta sa iyo
Kasama minsan ang ilang mga kaibigan
Ay nagdudulot ka talaga ng saya
Sabihin pang nahihilo kami sa pagkalasing.

Minsan isang gabi napadaan ako sa iyo
Akala ko ay sasaya ako
Akala ko lalasingin mo uli ako
Pero hindi, hindi ganun ang nangyari.

Bakit? bakit sa iyong lugar ko pa
Nakita at magkasama na masaya
Ang tibok ng aking puso
At ang karibal ng aking puso.

Hudyat ba iyon para humanap ako ng iba?
Hudyat ba iyon para kalimutan na lang siya?
Hudyat ba iyon para di ko na siya isipin pa?
O, hudyat iyon para unti-unti iwasan na kita?

Oh, boulevard sikat ka ngang puntahan
Nang magsing-irog o nais mag-inuman
Ngunit bakit sa kabila ng lahat na pagpupunyagi ko sa iyo
Binigyan mo ako ng sakit, walang kapantay na sakit.

Thursday, September 8, 2011

Pagsusulat (by request)

Matagal na rin ang request na ito. Noong isang taon pa kasi sa draft ng email ko naka save siya August 28,2010. Kasi minsan ang mga nagrerequest ay save ko sa email ang pagrequest nila para ko matandaan. Minsan naman ay hindi ko save kapag gusto kong pagbigyan agad ang request nila. Sa blog niya ay wala pong picture niya at palagay ko ang nagrequest na ito ay hindi isang Pilipino. Malaman naman iyon sa blog niya. Narito po ang sinabi niya ng mag request.


Teacher Jet: Thanks Arvin. Ui,if you have the time,make a poem about teaching.When we blog,we also teach, right ? Thanks!

http://esllesson.blogspot.com/

PAGSUSULAT
Ni: Arvin U. de la Peña

Minsan na kitang kinalimutan
Minsan na rin na binalikan
Pakiwari ang mundo ay di kumpleto
Kung hindi kita pinagkakaabalahan.

Habang hawak ang lapis o ballpen
Sa pagsulat sa papel ng kung ano
Sumasakit man ang isipan ng konti
Binabalewala na lang dahil mahal ka.

Sa pagkahilig ko sa iyo
Maging sa pagkain ko ay naiisip
Ano ang mga isusulat
Mabuo ang isang magandang obra.

Napakasaya ko talaga sa iyo
Mga likha madami nakakabasa
Lalong masarap ang pakiramdam
Kung bawat humihiling napagbibigyan.

Hilig kong ito sa iyo
Siguro ay walang katapusan
Habang ako ay nakapagsusulat
Patuloy magbibigay aliw sa mga mambabasa.

Friday, September 2, 2011

Lenguahe

Punta kayo google at search niyo James Soriano ng malaman niyo ang tungkol sa kanya at sa kanyang sinulat na naging controversial.

"Kung ikaw ay Pilipino walang masama kung ang salita ay ibang lenguahe. Ang masama ay iyong magnanakaw ng pera ng bayan."





LENGUAHE
Ni: Arvin U. de la Peña

Naging usap-usapan sa ibang internet site o kahit sa ibang blog ang sinulat ni James Soriano na nalathala sa Manila Bulletin. Marami ang nagalit sa kanya at mayroon din naman sumang-ayon sa sinulat niya. Nang mabasa ko ang sinulat niya ay nasabi ko na wala namang masama sa sinulat niya. Dahil mayroon naman talagang basehan ang kanyang artikulo. Masama bang sabihin na "Filipino was the language of the streets, etc., Filipino subject on the other hand was always the other subject., Filipino was a chore, like washing dishes; it was not the language of learning. It was the language we used to speak to the people who washed our dishes. Para sa akin ay hindi. Dahil maraming Pilipino mismo ang hindi tinatangkilik ang sariling lenguahe.

Pumunta ka sa mga mall, sa mga paaralan lalo na iyong sikat, sa mga meeting, sa conference, sa kongreso, o kahit sa kalsada. May maririnig ka na kapwa Pilipino ang palitan ng salita ay english. Lalo na iyong mga sosyal na tao na nakakasalubong mo. Habang kumakain ng ice cream o anong masarap na pagkain ay english ng english. Proud kasi sa sarili kapag magaling mag english. Nasa sariling bansa pero hindi salita sa Pilipinas ang ginagamit. Ang ibang Pilipino nga kahit mali-mali ang pag english ay english pa rin ng english. Hindi tumitigil sa pag english kahit minsan napagtatawanan na dahil mali ang grammar. Pero nagpipilit pa rin dahil pagtagal ay matututo din.

Dito sa bansang Pilipinas iba-iba ang lenguahe. Depende sa kung anong lugar ka. Kagaya ng tagalog, waray, bisaya, o kung ano pang salita. Kung ikaw ay isang waray o bisaya kapag ikaw ay pumunta sa lugar na ang salita ay tagalog. Kapag salita ka ng salita ng waray o bisaya sa kausap mo na tagalog ay pagtatawanan ka. Minsan pa pagsasabihan ka na hindi naiintindihan. Ako nga naranasan ko sa Cebu noon habang nagsasalita ako ng waray ay sanabihan ako ng ka boardmate ko na "huwag daw ako magsalita ng intsik." Pero kung english ang isalita mo ay baka purihin ka pa nila. Ganun kapag ikaw ay magaling magsalita ng english.

Kung ikaw ay nasa ibang bansa. Sabihin na natin USA at ang kausap mo ay Amerikano. Salitang Pilipino ba ang gagamitin mo, di ba hindi? Kasi hindi kayo magkakaintindihan. Ganun din para sa ibang bansa na mapupuntahan. Kasi ang english na salita ay pang worldwide talaga. Maliban na lamang kung sa ibang bansa ang makakausap ay Pilipino din kasi puwede na salitang Pilipino ang gamitin. Ngunit hindi pa rin nakakasiguro na Filipino language pa rin ang maging usapan.

Sa mga transaksyon lalo na sa gobyerno. Ang nakasulat sa bond paper ay english. Pati sa pagpirma na nagdudulot ng korapsyon ang binabasa ay salitang english bago pirmahan. Kapag nag apply ng trabaho ang nakasulat sa resume ay english. Kaya hindi nakapagtataka na naisulat nga ni James Soriano ang nalathala sa Manila Bulletin. Ang salitang Pilipino ay mahalaga din naman para sa isang transaksyon. Iyon ay kung ikaw ay mangungutang ng pera. Kung anong lugar ka at anong lenguahe ay iyon ang isulat sa papel o bond paper ng nagpapautang na katibayan ikaw ay nangutang ng pera at pirmahan mo iyon.

Kung walang apoy, walang usok. Kung may katotohanan rin lang naman ang sinabi ay huwag magalit. Huwag maghangad na linisin ang isang tao kung mismo sa iyong sarili ay may dapat linisin.