Sunday, February 27, 2011

Larawan

"First year college ako na makaboardmate ko ito. Apple of the eye siya namin noon na mga lalaki kasi maganda, 17 years old din siya that time. Hanggang sa lumipat siya sa kaharap na boarding house ay ganun pa rin ang tingin sa kanya. Dalawang taon din ang itinagal ko sa boarding house na iyon. Nang lumipat na ako ng boarding house ay minsan ko na lang ito makita. Nakikita ko na lang siya kung pumupunta ako sa dati kong boarding house kasi may mga kaibigan pa ako doon. Nang matapos na ang pag-aaral ko ay hindi ko na siya nakita pa. Salamat sa facebook at pag search ko ng pangalan niya ay nakita ko siya. Agad ay nag message ako sa kanya at doon sinabi ko din na gusto ko siyang ilagay sa blog ko kasama ng isang sinulat ko. Mabuti naman at pumayag siya. Kahit paano sa ganitong paraan ay masaya ako na nakita ko uli siya kahit sa larawan na lang."
LARAWAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa munting sulyap sa iyo nagpapasaya
Kahit paano naiibsan ang lungkot
Kupas naman ang larawan mong bigay
Alaala mo sa akin buhay na buhay pa.

Hanggang ngayon taglay mo pa rin
Kasimplehan kung bakit nagkagusto ako sa iyo
Nariyan pa rin ang kagandahan mo
Hindi lang ako ang naghangad.

Kung kaya lang ibalik ang nakaraan
Pagsuyo sa iyo pagbubutihin ko
Lahat ng ikasasaya mo gagawin
Pag-ibig mo at pag-ibig ko magkatugma.

Hindi man ako ang minahal mo
Larawan mo sa akin malaking bagay
Ito ang nag-uugnay sa ating dalawa
Sa pagbabalik tanaw sa nakaraan natin.

Thursday, February 24, 2011

New World

"Ang sinuman na matatakot sa sinulat kong ito ay may bahid ng kasamaan sa sarili."














NEW WORLD
Ni: Arvin U. de la Peña

Darating ang araw na lahat ng lugar ay lalamunin ng baha. Magkakaroon ng napakalaking pagbaha sa buong mundo. May mga lugar ngayon na hindi mo akalain babahain pero binabaha. Unti-unti ay may mga pagbaha na sa iba't ibang panig ng mundo. Unti-unti pa lang.

Ang hindi marunong lumangoy ay tiyak sa kamatayan ang punta. Kahit pa marunong lumangoy ay maaari ding mamatay iyon ay dahil maaanod sila o di kaya ay babanggain ng kung anuman na bagay na tinangay ng baha. Kahit pa nasa mataas na building o bahay ay hindi rin tiyak ang kaligtasan. Pagkat maaaring gumuho ang kinatitirikan.

Bago dumating ang araw na iyon dapat handa ka na. Handa ka na sa tinatawag na paghuhukom. Dahil sa paghuhukom lahat na may masamang budhi ay mamamatay. Kamatayan ang sasapitin nila. Ang maiiwan na lang ay iyong mga tao na may magandang kalooban at kahit konti walang kasamaan na nananalaytay sa kanilang dugo.

New world o bagong mundo ang isisilang pagkatapos ng napakalaking pagbaha sa lahat ng sulok ng daigdig. Ang lahat na mabubuhay na puro may ginintuang puso ay magsisimula sa wala hanggang makabangon sa nangyari.

Sa bagong mundo ay wala ng politika. Wala ng magiging lider ng bansa, lungsod, distrito, o kaya barangay. Higit sa lahat wala ng ahensya ng gobyerno na siya lang pinagmumulan ng korapsyon. Ang lahat ay may pagtutulungan at pag-unawa sa kalagayan ng tao at lugar. Uunlad ang bawat nasasakupan kahit walang namumuno. Wala na rin ang mga pulis kasi wala ng tao na dapat pang disiplinahin kasi puro na mga mababait. At higit sa lahat walang awayan na mangyayari dahil ang lahat ay may takot sa diyos.

Masaya sa bagong mundo. Wala kang mararamdaman na problema. Isa lang ang magiging lider ng bagong mundo. Isa lang ang susundin ng mga tao. Iyon ay ang mga kautusan ng ating Panginoon.

Saturday, February 19, 2011

Ibon

First of all I want to thank Umma for sending me in paypal account some amount of dollars for one year for putting ad banner of her two blog "Spices of Life" and "I Love Geeks". That ad banner renewable every year. Anyone who want to put ad banner of their blog in my blog just email me at arvin9595@yahoo.com

Nang makita ko at mabasa ang mga nakasulat tungkol sa mga nasa pictures na dalawang ibon ay nakaramdam ako ng awa. Kaya ayun naisipan ko ang magsulat na ang pamagat ay Ibon. Salamat kay Nene ng http://kimmysdailydigest.blogspot.com sa pagpayag niya na gamitin ko para sa post ng sinulat kong ito ang pictures ng dalawang ibon. Sa blog niya po nakita at nabasa ko ang tungkol sa dalawang ibon. Kung anuman ang tungkol sa dalawang ibon na iyan ay puntahan niyo na lang po ang blog niya.



















IBON
Ni: Arvin U. de la Peña

Katulad ng ibon mahalin ang kauri
Bigyan ng tulong ang nangangailangan
Pag-ibig sa kapwa ang ipakita
Tayo ay iisang lahi lamang.

Katulad ng ibon magkaisa tayong lahat
Magandang mithiin ang ipatupad
Sama-sama nating isulong mabuting programa
Bansa natin ay uunlad.

Katulad ng ibon huwag sumuko sa problema
Maghanap ng magiging solusyon
Bawat pasakit ay may kalutasan
Nariyan ang ating Diyos na handang gumabay.

Katulad ng ibon huwag umasa lang sa magulang
Matuto tayong itaguyod ang sarili
Maghanap ng paraan para may makain
Masarap ang nakakamit na may pinagpaguran.

Katulad ng ibon ituring kapantay ang lahat ng tao
Isinilang tayong walang anuman sa buhay
Kung anuman ang mayroon tayo ngayon
Hindi madadala sa ating kamatayan.

Tuesday, February 15, 2011

Rally

"Ang mababasa ay obserbasyon ko lamang. Walang intensyon na makasakit ng mga nagrarally kasi paraan nila iyon ng pagpapahayag ng kanilang mga saloobin."


RALLY
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa mga pagrarally para tumaas ang sahod ng mga manggagawa ay wala talagang naidudulot na mabuti. Lalo lang nagdudulot ng kahirapan para sa mga Pilipino. Dahil sa mga pagrarally para taasan ang suweldo ng mga manggagawa lalong dumadami ang hindi makakain ng sapat. Lalong dumadami ang nagugutom.

Sa pagtaas ng suweldo, kasabay din ng pagtaas ng mga bilihin. Ang mga negosyante hindi sila papayag na malugi. Kung magtaas sila ng suweldo para sa kanilang manggagawa ay siyempre tataasan din nila ang presyo ng kanilang mga produkto. Kasi kung hindi nila tataasan ang presyo ng mga produkto nila ay malulugi sila. Sa ganun na pangyayari sino ang kawawa? Hindi ba ang mga Pilipino na wala masyadong mapagkitaan o kahit pa kumikita naman pero dahil mahal ang mga bilihin kaya hindi pa rin sapat ang kita sa isang araw.

Kung ang isang bilihin ay tumaas halimbawa ng dalawang piso. Palagay mo ba ay babalik pa iyon sa dating presyo. Kung bumaba man ay hindi aabot ng 25 centavo. Eh, paano kung hindi lang dalawang piso ang itaas ng bilihin. Ang mga bilihin kapag tumaas ang presyo ay tataas na ng tataas iyon. Hindi na bababa kagaya ng sa inaasahan.

Salot sa lansangan ganun kayo na mga militanteng grupo na nagrarally para taasan ang suweldo. Masahol pa kayo sa mga mamamatay tao. Kasi ang mga tao na pumapatay sa lansangan ang pinapatay nila ay may kasalanan naman. Kung inutusan man sila para patayin ang isang tao iyon ay dahil may atraso sa nag-utos. Pero kayo na mga militanteng grupo na nagrarally para tumaas ang suweldo ay kahit walang kasalanan puwedeng mamatay dahil sa inyo. Iyon ay dahil sa pagtaas ng mga bilihin.

Ang pagrarally na nagaganap para tumaas ang suweldo ay sa Manila lang. Mabuti kung sa Manila lang din ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Pero hindi eh. Lahat ng lugar dito sa Pilipinas ay tataas din ang presyo ng mga bilihin. Lahat ng tao dito sa Pilipinas ay apektado na dulot ng pagrarally para taasan ang suweldo.

Ang mga taong nagrarally para sa pagtaas ng suweldo ay iilan lang. Pero napakadaming tao ang naaapektuhan. Bata, matanda, sanggol, at kahit hindi pa isinisilang ay apektado rin dahil sa bilihin na hindi na abot kaya.

Sa huli masasabi ko na ang mga militanteng grupo na nagrarally para tumaas ang suweldo ay hindi tunay na pinoy. Iyo ay dahil ang tunay na pinoy ay may pag-unawa at malasakit sa kapwa. Pero sila ay wala. Kapakanan at sariling interes lang ang kanilang iniisip. Na kapag tumaas na ang suweldo ang iba sa kanila ay mayroon ng pang good time.

Thursday, February 10, 2011

Minsan

"There was one time I feel in love with someone very special and I told myself that I will never give up on that person. But one day I did, why? Kasi ang hirap palang magmahal ng taong masaya naman sa iba."

MINSAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Minsan na tayong nagkahiwalay
Minsan na rin na nagkabalikan
Sa relasyon nating dalawa
Para talaga tayong mga bata.

Nag-aaway tayo tapos nagbabati naman
Sa konting lambing humuhupa ang galit
Muli ating pinapadama sa isa't isa
Ang pag-ibig na hanggat sa abot ng makakaya.

Pero ngayong wala na talaga tayo
Wala ng pagmamahalan pang magaganap
Ang lahat s atin nakaraan na lang
Ngunit alam ko siguro masaya tayo pareho.

Sa bago mong karelasyon ngayon
Matagpuan mo na sana
Ang langit na sa akin di mo nahanap
Sa gayon magningning ang buhay pag-ibig mo.

Hindi naman tayo magkita pa
Tuluyan namang hindi na magkausap kailanman
Isa kang alaala sa akin
Masarap na balik-balikan.

Sunday, February 6, 2011

War Is Business

"The tragedy of war is that it uses man's best to do man's worst."
WAR IS BUSINESS
Ni: Arvin U. de la Peña

Ang mga rebelde kung tutuusin ay kayang lipulin. Magiging madugo nga lang ang mangyayari. Pero hindi iyon ginagawa kasi mawawalan ng mapagkakakitaan ang mga corrupt na mataas ang ranggo kagaya ng General o ano pa. Isawalang bahala na lang ang buhay kasi ang mga rebelde ay buhay din naman ang inuutas nila. Kasi kung mawawala ang mga rebelde ay hindi na maaari pang pondohan ang mga sundalo. Isa pa kung wala ng kalaban ang mga sundalo ay ano pa ang halaga nila.

Maraming pagkakataon ng nangyari na habang nagbabarilan ang mga sundalo at mga rebelde ay bigla magdedeklara ng ceasefire ang lider nila. Kahit nga sa pelikula ay ginagawa din ang ganun. Na kung hindi sana nagdeklara ng ceasefire ay puwede ng mapatay o mahuli ang iba na mga rebelde ng buhay. Kung bakit nagdeklara ng ceasefire sa opinyon ko kasi mawawalan na sila ng kalaban. Sa ganun na pangyayari ang masasabi ko ay parang laro-laro lang ang barilan na naganap pero may buhay na nasasawi.

Kung inyo pang naaalala o kaya napanood niyo ito sa tv. Ilang taon na rin ang lumipas ay may pangyayari po na ang isang simbahan sa mindanao ay nilusob ng mga rebelde. Sumaklolo ang mga militar tapos may back up pang helicopter pero nakatakas pa rin ang mga rebelde. Sa video ay nakita pa ang mga rebelde. Sa insidente na iyon wala yatang nabaril o napatay o di kaya nahuli na rebelde. Nang mangyari iyon at makita ko sa tv nasabi ko nga sa sarili na parang sinadya na patakasin ang mga rebelde.

Business o negosyo na matatawag ang isang digmaan. Kapag may digmaan o barilan ay natutuwa ang mga binibilhan ng mga bala ng baril, granada, o kung ano pa na gamit pandigma. Silang dalawang grupo na magkalaban ay bibili ng kagamitan para sa pakikipagdigma kapag humupa na ang barilan at nakaluwag-luwag na. Sa kalakaran ng pagbili siyempre gusto ng bibili na may kick back siyang makukuha mula sa pera na gagamitin pagbili.

Sa kontrobersya ngayon na kinasasangkutan ng ilang General ng AFP kung totoo nga iyon ay nakakadismaya talaga. Biruin mo silang matataas ang ranggo ay tumatanggap ng ilang milyon na pera gayung kung may barilan man laban sa mga rebelde ay hindi na sila kasali. Ang pakikipaglaban sa mga rebelde na maaari nilang ikamatay ay konti lang ang natatanggap na pera bawat buwan. Kung mag retire naman sila ay ilang buwan muna ang lilipas bago makuha ang retirement. Pero ang mga mataas ang ranggo sa kanila kahit hindi pa magretire ay makakatanggap na ng napakalaking halaga ng pera. Maging ito man ay bawat buwan o iyong tinatawag na "pabaon".

Kung ang isang militar na mababa ang ranggo ay magkasala sa batas ay malaki ang posibilidad na siya ay mawala sa serbisyo o kung hindi man ay ma suspended. Kung wala pang suwerte ay baka makulong pa. Ngunit kung mataas ang ranggo kagaya ng General ay malabo yata na maparusahan ng naaayon talaga. Ganun ka hindi pantay ang hustisya sa kanila kung kasalanan ang pag-uusapan.

Para sa bayan!, ganun ang nasa isip ng mga militar na mababa ang ranggo kapag nakikipaglaban sila sa mga rebelde. Pero ang iba na matataas ang ranggo kagaya ng General ay pakikipaglaban para sa bulsa ang nasa isip.

Tuesday, February 1, 2011

Mara Clara

"Nagpasya akong isulat ito kasi malapit ng magwakas ang pangalawang yugto ng Mara Clara. Ang unang yugto ng Mara Clara ay inabot ng halos limang taon at kalahati. Mula August 17, 1992 to February 14, 1997. Kahit ganun katagal ay marami ang sumubaybay. Hindi pinapalampas ang bawat araw para panoorin. Patunay talaga na maganda ang kuwento ng Mara Clara."














Mara Clara
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa inyo ay marami ang nagkagusto
Maging bata man o kaya matanda
Isang naiibang palabas sa telebisyon
Tungkol sa dalawang sanggol na ipinagpalit ng isilang.

Mara Clara hinangaan kayo ng marami
Bawat makapanood naaantig ang puso
Ang iba naman ay nalulungkot
Lalo na sa mga eksenang madamdamin.

Tunay na kayo ang reyna ng teleserye
Wala ng makakatalo pa sa inyo
Pagkat mula sa makaluma hanggang makabagong panahon
Napakarami pa rin sa inyo ang sumubaybay.

Sa pambihirang kabaitan at kakaibang kasamaan na pinapakita
Kaabang-abang ang bawat araw para kayo panoorin
Itinitigil ng iba ang kanilang ginagawa
Ganyan kasabik ang ibang mga tao sa inyo.

Hindi naman kayo muli mapanood pa
Nasa puso na kayo ng bawat kapamilya
Hihintayin pa rin ang muli niyong pagsulpot
Katulad ng paghintay mahigit labing tatlong taon.