Tuesday, June 29, 2010

Pag-alis

"May giveaway contest po ang kaibigan na blogger na si Dhemz. Kung puwede po ay sumali kayo. Malay niyo isa kayo sa mga mananalo. Walo po ang puwede na manalo. Madali lang po ang pagsali kaya sali na kayo. Ang blog niya ay ito po bisitahin niyo http://demcyapdiandias.blogspot.com/ at ang tungkol sa giveaway contest po niya na mula pa sa Las Vegas ay malaman dito. Click niyo lang itong nasa ibaba na picture,hehe."


Photobucket

"Sometimes you have to let go to see if there was anything worth holding on to"

PAG-ALIS
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa aking pag-alis dala-dala ko ang alaala niyo
Kayo na aking mga naging kaibigan
Kahit pa saan man ako mapunta
Dahil kayo ay nagbigay din ng saya sa akin.

Mga magagandang nangyari na kayo ay kasama ko
Magbibigay lalo iyon ng inspirasyon sa akin
Na kahit hindi ko na kayo makita pa
Nasa puso ko pa rin kayo.

Hinihiling ko lamang sa inyo
Sa kasiyahan niyo kahit sandali isipin ako
Pagkat malungkot man ako o masaya
Hindi ko kayo makakalimutan.

Kahit pa maging sa kamatayan ko
Habang lalagutan na ng hininga
Iisipin ko muna kayo
Kasabay pagpikit ng aking mata.

Sa inyo maraming salamat talaga
Naging bahagi kayo ng makulay kong buhay
Alaala man lang ang matira sa pag-alis ko
Malaking tulong pa rin iyon sa akin.

Tuesday, June 22, 2010

Chocolate

"Sa mga bata kung kayo man ay bibigyan ng chocolate ng hindi niyo magulang ay tanungin niyo ang nagbibigay kung ang pagbibigay ay bukal ba sa puso at walang hinihintay na kapalit pagtagal. Sa mga nagbibigay naman ng chocolate sana huwag niyong ipaalala sa isang tao na binigyan niyo ng chocolate ang ginawang pagbibigay lalo na kung nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Kasi lumalabas na parang nagsisisi pa na nagbigay pa ng chocolate."

CHOCOLATE
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa iyo ay maraming nanggigigil
Kahit pa ang kapalit maghirap muna
Matikman ka lamang masaya na
Balewala na ang pawis na naranasan.

Ang nagnanais sa iyo ay pumapayag
Kahit ano pa ang iutos basta kaya
Sadyang malakas ang karisma mo
Malaki o maliit ka man.

Halos ang kulay mo ay iisa lang
Ngunit ang sarap mo iba-iba
Nakakabaliw ang iyong lasa
Lalo na sa mga kabataan.

Ang hindi lang maganda sa iyo
Ang nagmay-ari sa iyo para ka ibigay
Paglipas ng panahon nanunumbat
Sinusumbatan minsan mga taong kumain sa iyo.

Ipinapaalala mga pagbibigay sa iyo
Kulang na lang ay murahin
Na kung hindi dahil sa kanila
Hindi makakatikim ng iba't ibang tulad mo.

Thursday, June 17, 2010

Paniki

"Noon at kasama ng iba pang mga kaibigan ay mahilig kami manirador ng ibon. Tapos minsan kapag malapit na mag gabi ay nasa kalsada kami at tinitirador namin ang mga paniki na nagliliparan sa itaas galing sa kisame ng ibang mga bahay. Mahirap nga lang sila na matamaan. At iyon ang nag inspire sa akin para maisulat ito."

Vampire Bat Pictures, Images and Photos

PANIKI
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa paglubog ng araw
Magsisilabasan na kayo
Sa mga bahay na inyong pinagkukublihan
Para namnamin ang tamis ng pag gabi.

Napakarami niyo sa itaas
Hindi mabibilang ng sinuman
Iba't ibang direksyon ang patutunguhan
Para maghanap ng makakain.

At kung kayo ay mga busog na
Nasa inyong tinutulugan na kayo
Bago pa man mag umaga
Bago pa sumikat ang haring araw.

Mga paniki sa gabi nabubuhay
Sa araw ay nagkukubli
Ganyan man ang uri niyo
Hindi kayo dapat na katakutan.

Nararapat pa rin kayo na ituring
Katulad ng iba't ibang ibong lumilipad
Kahit ang anyo niyo
Parang sa kampon ng kadiliman.

Tuesday, June 15, 2010

Ewan Ko Ba

Opinyon ko lang po ito. Para sa akin ang dapat na nanalo sa ginanap na Pilipinas Got Talent Grand Finals ay si Alakim. Hindi si Jovith Baldivino na mang-aawit. Pero magaling rin naman si Jovith Baldivino umawit. Dahil para sa akin ay talented talaga si Alakim. Kasi ang ginagawa niya pong pag magic ay mahirap po iyon na magaya. Ang pagkanta ay marami ang may alam. Ang mga inawit ni Jovith Baldivino ay makakaya iyon na awitin ng isang tao lalo na kung may banda siya. Halos bawat kalye ay mayroon marunong kumanta. Hindi nga lang gaano kagaling. Napakarami pong mga aspiring band. Magagaling din kumanta ang mga vocalist. Hindi nga lang sila nabibigyan ng pagkakataon para sumikat at makilala ng nakakarami. Pero hindi sa halos lahat ng kalye ay mayroon marunong mag magic. Sa ginawa niyang pag magic na nagkakaroon ng mga butterfly ay nakakamangha po talaga iyon. Iyong pamaypay naging isang ibon pa at naging dalawa pa ang ibon tapos naging butterfly pa ng ihagis pataas. Nagkaroon po ng maraming butterfly sa stage kapag nag mamagic siya. Ngayon magagawa ba iyan ng isang ordinaryo lang na tao. Higit sa lahat ay iyong ginawa niya na mula sa stage ay nalipat siya doon sa gitna ng mga manonood. Tingnan niyo ang video na makita rin sa youtube. Kayo na lang ang bahalang humusga kung palagay niyo tama ba na ang nanalo ay ang itinanghal talaga. Ang pag mamagic na bihira lang ang nakakaalam o ang pag-awit na marami ang nakakaalam. Alin sa kanila ang talent talaga?

Alakim magic







Jovith Baldivino





Friday, June 11, 2010

Notebook

"Kung malaki ang bahagi ng lapis at ballpen para sa isang estudyante ay di hamak na mas malaki ang bahagi ng notebook, hehe."

NOTEBOOK
Ni: Arvin U. de la Peña

Habang ang tao ay nag-aaral
Ikaw ang sinusulatan ng dapat matutunan
Sa mga itinuturo sa paaralan
Nang guro para sa isang subject.

Napakahalaga mo kahit ganyan ka lang
Dahil lagi kang bahagi
Sa bawat araw na may klase
Pagkat ang tulad mo laging dala-dala.

At kung minsan na umuulan
Sa kung papasok at lalabas ng paaralan
Ginagawa kang panangga sa ulan
Para hindi mabasa ang ulo.

Kapag mainit naman ang panahon
Ginagawa ka ring pamaypay
Para hindi na pagpawisan
Ang nais na magkaroon ng kaalaman.

Notebook binabasa ng mga mag-aaral
Iba't ibang larawan ang makikita
Manipis o makapal ka man
Bahagi ka lagi sa buhay estudyante.

Saturday, June 5, 2010

Bagong Kasal

"For better, for worse, for richer, for poorer; in sickness and in health; to love and to cherish, till death do us part."


BAGONG KASAL
Ni: Arvin U. de la Peña

Nagkakilala, nagligawan, nagmahalan, nagpakasal
Hangad ko ang tagumpay
Ang pagsasama ay hindi mawasak
Yumabong nabuong pag-iisang dibdib.

Magkakapamilya at magkakaroon ng mga anak
Sa mga kakaharaping problema
Huwag panghinaan ng loob
Upang laging matibay ang samahan.

Isipin lagi ang kapakanan
Nang pinagsama na buhay
Alalahanin na marami ang umaasa
Maging matagumpay ang bagong kasal.

Bilang parte ng komunidad
Maging mabuti kayong ehemplo
Iwasan niyo ang makapag iskandalo
Hindi iyon maganda sa pandinig.

Maghanda lagi para sa kinabukasan
Huwag na maging maluho
Iba pa rin ang sa oras ng kagipitan
May nadudukot dahil nag-ipon.

Tuesday, June 1, 2010

Hangad Na Pagbabago

Paunawa: Sinulat ko ito ng walang intensyon na makasakit ng tao na bumuboto na sa halalan. Ngayon kung may masaktan man na botante sa sinulat kong ito ay hindi ko na iyon problema. Problema niya na iyon.

HANGAD NA PAGBABAGO
Ni: Arvin U. de la Peña

Malayo pa ang halalan nagkaroon na ng hangarin na pagbabago. At halos lahat ng mga tao dito sa ating bansa na nais ng pagbabago ay karamihan mga botante. Kung bakit nais na magkaroon ng pagbabago ay dahil sa mga politiko. Dahil ang mga politiko na iyon ang dahilan kung bakit sila ay naghihirap. O kung bakit hindi umuunlad ang bansa o kaya lugar na nasasakupan ng politiko. Dahil may mga pagkakataon na binubulsa lang kung anuman ang perang nakalaan para sana sa proyekto sa kanilang lugar. Nais talaga ng pagbabago dahil sa mga corrupt na politiko.

Nakakalungkot isipin ng magkaroon ng resulta sa halalan ay napakarami pa ring mga na politiko na datihan ang nagwagi. Kung bakit naghangad ng pagbabago ay dahil sa mga iyon na politiko. Pero sila pa ring iba na datihan ang nanalo. Sila pa rin ang ibinoto. Paano na ang hangad na pagbabago kung sila pa rin ang mauupo sa puwesto.

Bawat halalan ay may mga kandidato na baguhan lang sa politika sa bawat lugar. Karamihan doon o kaya halos lahat na unang sabak sa politika para sa puwesto na nais ay gusto na maglingkod ng tapat. Pero hindi natin sila binigyan ng pagkakataon. Hindi tayo nagkaroon ng tiwala sa kanila. Mas ibinoto pa rin natin ang mga politiko na datihan. Kahit alam natin na hindi maganda ang kanilang pagseserbisyo. Dahil kung maganda nag pagserbisyo nila ay hindi na tayo maghahangad ng pagbabago malayo pa man ang halalan.

Masakit man isipin pero ang totoo ay tayong mga botante ay minsan BOBO para sa ating mga sarili. Mga bobo tayo minsan lalo na pagdating sa usaping politika. Alam na natin na hindi siya mabuti na politiko pero siya pa rin ang ating ibinoboto. Sabihin na natin na namigay ng pera. Ngunit sapat ba iyon para ipagpalit mo ang pagbabago na hangad halos ng mga tao para sa pera na galing sa pangungurakot.

Sapat ba para ipagpalit mo ang pera na bigay ng kandidato para sa loob ng tatlong taon na pag-upo sa puwesto. Kung nagkaroon ka ng pera sa halalan para iboto pa rin ang datihan ng politiko ng P1,000. Ang P1,000 na iyon sa loob ng tatlong taon ay mayroon ka lang P1.095 bawat araw. Masisikmura mo ba iyon na sa loob ng tatlong taon na panunungkulan ng politiko dahil sa kanya naghangad ka ng pagbabago ay nagkakahalaga ka lang ng P1.095 bawat araw. (365 days x 3 years ay 1,095 days. 1,095 days divided by P1,000 is P1.095)

Kung masisikmura mo iyon na ganun lang ang halaga mo para sa pagserbisyo ng isang politiko ay ibig lang sabihin na mukha kang pera na botante. Ang hangad mo ay pera hindi pagbabago. Paano pa kaya kung hindi umabot ng P1,000 ang pera mong natanggap sa halalan. Magkano lang ang halaga mo bawat araw. Hindi ba kaunti lang. Ang halaga na iyon na hindi nga umaabot ng dalawang piso ay puwede mo iyon makita bawat araw.

Sa susunod na halalan huwag na sanang maghangad ng pagbabago. Kasi nakakahiya lang lalo na at nababalita pa sa mga TV. Dahil wala rin namang nangyayari. Sapagkat ang tunay na pagbabago ay hindi dapat mag-umpisa sa pangkalahatan. Kundi sa pansarili.