Sunday, May 30, 2010
Maskara
MASKARA
Ni: Arvin U. de la Peña
Ang iyong paglantad sa publiko
Upang isiwalat na may dayaan sa nangyaring halalan
Hindi kabayanihan para sa iyo
Kundi iyon ay katatawanan.
Bakit kailangan kang magmaskara
Gayong mayroon ka naman mukha
Kung totoo ang sinasabi mo
Dapat ikaw mismo ay magpapakatotoo rin.
Walang duda na nanggugulo ka lang
Sa naging resulta ng botohan
Dahil kung hindi ganun ang pakay mo
Tatahimik ka na lang.
Huwag ka ng gumanun
Uusigin ka ng iyong konsensya
Alalahanin mong marami ang naaapektuhan
Sa pagsasalaysay mong nakatago ang pagkatao.
Tandaan mo na ang tunay na bayani
Hindi takot malaman ng mga tao
Dahil ang hangad nila sa kapwa
Sila ay pamarisan sa kabayanihang nagawa.
Monday, May 24, 2010
Lapis
Lapis
Ni: Arvin U. de la Peña
Natuto akong magsulat na ikaw ang una kong ginamit
Isang pansulat na ayos lang kung magkamali
Dahil ikaw ay mayroon pambura
Sakaling hindi tama ang naisulat.
Iba ka sa ibang mga ginagamit pagsulat
Dahil kailangan pa na maging matulis
Para maisulat sa papel
Ang nais mabasa na letra o salita.
Hindi ko naman ikaw ngayon nagagamit
Ang iyong anyo hindi ko pa rin nalilimutan
Lalo na kung ako ay nakakakita
Nang mga batang estudyante.
Lapis maraming salamat sa iyo
Sa napakalaking halaga mo
Habang ang tao ay buhay bata
Musmos at wala pa masyadong alam.
Sa sandaling ikaw ay ginagamit
Hanggang sa ikaw ay di na mapakinabangan
Malaki ang iyong naiaambag na kaalaman
Para sa isang batang gustong matuto.
Monday, May 17, 2010
Bata
BATA
Ni: Arvin U. de la Peña
Bata huwag kayong malulungkot
Kung ganun ang naging kapalaran niyo
Malayo sa ibang mga bata
Matiwasay ang kanilang pamumuhay.
Tanggapin niyo ang inyong kinamulatan
Hindi kagustuhan ng magulang niyo
Kayo ay maging ganun
Magtiis at magsikap na lang kayo.
Paglaki niyo ay inyong mauunawaan
Bakit naging ganun kayo noong bata pa
Ang mahalaga sa ngayon
Unawain kung anuman mayroon kayo.
Iwasan niyo ang mainggit sa iba
Lalo na sa ibang mga bata rin
Maganda ang damit at madaming laruan
Ang mga iyon ay kukupas din pagtagal.
Ganun man kayo ngayon
Mga bata na kapus-palad
Mahalaga pa rin kayo sa lipunan
Dahil sa inyo nakasalalay ang bukas.
Wednesday, May 12, 2010
Boto
BOTO
Ni: Arvin U. de la Peña
Paanong hindi ka mananalo uli sa halalan
Namili ka ng mga boto
Namudmod ka ng maraming pera
Sa mga kababayan mong ganun ang habol.
Huwag mong sabihin na mahal ka nila
Kung bakit ka ibinoto
Dahil kung hindi sa pera mo
Malabo ka talagang magwagi.
Sapagkat ikaw ay hindi mabuti
Walanghiya ka na isang politiko
Sariling kapakanan mo lang ang iniisip
Wala kang malasakit sa iyong kapwa.
Sa kabila ng marumi mong imahe
Tinatangkilik ka pa rin sa halalan
Dahil ang pera mong pinamimili ng boto
Malaking tulong sa iyong kapwa.
Sa pera mo kahit paano nagkakalaman ang tiyan
Nakakabili sila ng kailangan sa buhay
Kaya bawat halalan lagi ka pa rin magtatagumpay
Lalo kung ang katunggali walang pambili ng boto.
Saturday, May 8, 2010
Tag-araw (by request)
http://melavilaalarilla.blogspot.com/
Hi Arvin,
Tutuo ang sinabi mo. Baka naman pwedeng makapag compose ka nang isang tula para sa ating inang bayan na laging sinasalanta nang kalikasan. Salamat sa dalaw. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.
February 21, 2010 12:41 PM
TAG-ARAW
Ni: Arvin U. de la Peña
Hanggang saan tayo patutungo
Hanggang saan tayo hahantong
Itong nangyayari sa kasalukuyan
Hanggang sa dulo ba ng walang hanggan.
Bawat araw tayo ay nakikipagsapalaran
Nilalabanan natin mga hamon ng buhay
Hindi tayo umuurong sa ganun
Pagkat ang lahi natin ay lahing matatapang.
Hirap na bigay ng kalikasan
Pasakit na nagbibigay lungkot
Huwag tayo na magreklamo
May katapusan din iyon.
Tag-araw man ngayon ang nararanasan
Mainit man na panahon ang nararamdaman
Bigla rin iyon mawawala
Dahil may tag-ulan rin na darating.
Atin lang lahat isipin
Na ito ay bahagi ng ating buhay
Bilang mga alagad ng diyos
Na siyang lumikha ng lahat.
Saturday, May 1, 2010
Aking Iboboto
AKING IBOBOTO
Ni: Arvin U. de la Peña
Kung may gusto man akong iboto
Ngayong darating na halalan
Walang iba kundi ikaw
Dahil ramdam ko magiging mabuti ang bayan.
Baguhan ka nga lang sa politika
Pero sinsero ang iyong layunin
Upang ang bayan ay umunlad
At maibalik ang dating kinang.
Hindi katulad ng katunggali mo
Matagal na nga sa politika
Pero ang bayan ay nalugmok
Nagdulot pa ng malaking kahihiyan.
Ikaw na nais kong iboto
Kapag ikaw ang nanalo
Huwag mo sana akong biguin
Sa hangad ko sa iyong panunungkulan.
Dahil nakahanda akong talikuran
Pag idolo ko sa iyo ngayon
Kung habang nakaupo ka sa posisyon
Katiwalaan at pangungurakot lang ang alam gawin.