Tuesday, September 29, 2009

May Pag-asa Pa

"Sa bawat pagsubok na dumadating sa buhay ng tao ay may pag-asa na ito ay malampasan."
























MAY PAG-ASA PA
Ni: Arvin U. de la Peña

Kapag ikaw ay datnan ng problema
Huwag malungkot at magdamdam
Dahil sa bawat paghihirap na dinaranas
May pag-asa pa na malampasan iyon.

Huwag lang mainip sa paghihintay
May magandang bukas pa para sa iyo
Ang unos na dumating sa iyo ay pansamantala lang
Hindi iyan pang matagalan.

Magpakatatag ka lang lagi sa buhay
Hindi habang panahon madilim ang iyong mundo
Harapin ng buong tapang ang pagsubok
Dahil hindi ka nag-iisa sa iyong pakikibaka.

Lahat tayo ay nakakaranas ng suliranin
Dahil kasama na iyon sa buhay ng tao
Lagi lang isa-isip na lahat ng pasakit ay may katapusan
Magtiis at maghintay lang kung kailan matatapos.

Saturday, September 26, 2009

Kapal

"May pagkakataon talaga na ang sinabi ng isang kandidato sa kanyang pangangampanya ay hindi niya tinutupad kapag nanalo na."


KAPAL
Ni: Arvin U. de la Peña

Ibinoto ko ikaw sa pag-aakala ko
Na tutuparin mo ang iyong pangako
Uunlad ang iyong nasasakupan
Magiging maayos na ang lahat.

Ngunit ng ikaw mailuklok sa iyong posisyon
Mistulang parang bula na naglaho
Ang iyong mga sinabi
Hindi mo tinupad salita ng nangangampanya ka.

Pangungurakot sa bayan ang ginawa mo
Sa halip na kaayusan
Kung anu-anong proyekto naiisipan mo
Magkaroon ka lang ng malaking komisyon.

Ngayon ay nagpapasaring ka
Na ikaw ay tatakbo uli
Gusto mo na ikaw ay muling maihalal
Sa nais mo na posisyon sa gobyerno.

Nais mo na manalo pa
Makapaglingkod uli sa taumbayan
Kay kapal naman ng mukha mo
Muli ay ilahad platapormang di totoo.

Tuesday, September 22, 2009

Ikaw Na

"Kapag nagmahalan ang dalawang tao na bigo sa una nilang pag-ibig ay gagawin talaga ang lahat ng paraan para di maghiwalay. Masakit kaya ang mabigo sa pangalawang pagkakataon."

IKAW NA
Ni: Arvin U. de la Peña

Marahil ay ikaw na ang buhay ko
Sa iyo ay masaya ako
Nagmahalan tayong dalawa
Mula pagkabigo sa unang pag-ibig.

Itong sa ating dalawa ngayon
Sana ay wala ng wakas
Makakaasa ka sa akin
Na hindi kita paluluhain.

Mahal na mahal kitang tunay
Iyong-iyo na ang puso ko
Pinapangako ko hanggang sa huli
Ikaw ay aking mamahalin.

Hindi ako mag-iiba sa iyo
At lalong hindi ako magbabago
Ikaw na ang lahat sa akin
Ang nasa puso at isipan lagi.

Sunday, September 20, 2009

Libog

"May tao talaga na minsan suko siya sa kanyang kapartner pagdating sa pribadong gawain."


LIBOG
Ni: Arvin U. de la Peña

Napakalibog mo na tao
Kahit ayaw ko na pinipilit mo ako
Gusto mo lagi kang niroromansa
Hanggang ikaw ay makaraos.

Di mo iniisip kapaguran ko
Hayop ka para sa akin
Sobra ang iyong resistensya
Pagdating sa pagtatalik.

Hindi mo inaalintana
Na may mga gawain pang iba
Ang mahalaga lang sa iyo
Ikaw ay malabasan ng likido.

Ang akala ko noon
Na ako ang malibog sa atin
Ay mali pala ako
Mas malibog ka pa pala.

Nang gusto kong makipaghiwalay sa iyo
Hindi mo ako pinayagan
Ako lang daw ang mahal mo
Wala ng iba pa.

Pero pansin ko talaga
Kaya ayaw mo maghiwalay tayo
Iyon ay dahil gusto mo rin
Ang aking pagpapaligaya sa iyo.

Sobra mo na kalibugan
Sana ay mabawasan na
Huwag ka ng makipagtalik lagi
Tao lang ako may kahinaan din.

Thursday, September 17, 2009

Para Sa Iyo

Sa post ko pong Paglimot ay sinabi ko doon na may isa pa akong sinabihan na blogger na kung puwede ko siyang handugan ng tula ay pumayag siya at ito na nga po. Para po sa kanya ang tula na ito. Isa po siyang modelo. Sa blog niya ay makita doon sa isa niyang post na siya ay interview. Ang blog niya po ay
http://www.paui.blogspot.com/

"Basta para sa ating pinakamamahal ay kaya nating tiisin ang lahat"

PARA SA IYO
Kay: Paulette Quinto
Ni: Arvin U. de la Peña

Tinitiis ko ang lahat para sa iyo aking mahal
Kahit masakit sa akin ay kinakaya ko
Dahil ayoko na ikaw ay masaktan
Dahil mahal kitang tunay.

Kahit minsan sa pagkain
Mas importante sa akin na makakain ka
Kaya kong tiisin ang gutom
Kaysa mag-alala ako na hindi ka busog.

Maging maligaya ka lang ay ayos na
Hindi na ako naghahangad pa ng iba
Ang malaman ko lang na masaya ka sa isang araw
Masayang-masaya na ako.

Basta para sa iyo lahat kakayanin ko
Buong buhay ko ay ibibigay at iaalay
Dahil ayoko na makaramdam ka ng lungkot
Sapagkat ang iyong ngiti ay nagpapasaya sa akin.

Para sa iyo ay hindi ako mag-iiba
Kahit ano pa ang mangyari
Hinding-hindi ko ikaw iiwan
Dahil mahirap ng makahanap ng tulad mo.

Monday, September 14, 2009

Taong Palabuy

"Mahirap kapag maging isang taong palabuy-laboy"



TAONG PALABUY
Ni: Arvin U. de la Peña

Basurang lumalakad kung ako ay tawagin. Kung bakit basura? Iyon ay dahil wala na akong silbi sa lipunan. Lahat ay iniiwasan ako. Kapag ako ay naglalakad iniiwasan nila ako na makasalubong. At kapag ako naman ay nagpapahinga at dinadaanan nila ang kanilang ilong kadalasan ay tinatakpan nila.

Palabuy-laboy lang ako sa kung saan. Wala akong permamenteng tirahan. Kapag may nakikita na puwedeng makain sa basurahan o sa kalsada iyon ay pinupulot ko para kainin. Minsan lang kung may magbigay sa akin ng pagkain o kaya pera para ko ipambili ng pagkain. Kulang na lang talaga sa akin ay mamatay na. Pero natatakot ako na magpakamatay. Kaya mahirap man ang kalagayan sa tulad ko ay nilalabanan ko na lang para mabuhay.

Minsan ay nangangarap din ako na may tumulong sa katulad ko. Para naman makawala na ako sa pagiging "taong grasa". Nang sa ganoon ay makakain ako ng tatlong beses sa isang araw. May matulugan na sapat na higaan at mamuhay kahit isang ordinaryong mamamayan lang. Ngunit hanggan pangarap na lang yata iyon. Dahil pinagtatabuyan na nga ako, tutulong pa kaya.

Sana isang araw ay magising talaga ako na maayos na ang buhay ko. Bagong gupit, hindi marumi, at maayos ang damit na suot. Higit sa lahat nakikisalamuha sa mga tao. Kung hindi naman dumating ayos na rin sa akin. Alam ko naman na may katapusan ang lahat ng ito sa akin. Kung kailan, iyon ay kung hindi na ako humihinga.

Friday, September 11, 2009

Plano

"Minsan sa buhay pag-ibig ang babae na ang gumagawa ng paraan para siya ay magustuhan ng lalaki."


PLANO
Ni: Arvin U. de la Peña

Magkatabi ng kuwarto na paupahan sina Lester at Kristine. Ngunit magkaiba ang paaralan na kanilang pinapasukan. Si Kristine ay kasama niya ang kanyang kapatid at pinsan. Samantala si Lester ay nag-iisa lang sa kanyang kuwarto. Dahil si Lester ay medyo mayaman at kumukuha ng kursong abogasya. Sa loob ng halos tatlong buwan na nila na magkatabi ng kuwarto ay hindi man lang sila nagkakausap ng masinsinan. Dahil si Lester ay mahiyain sa babae kahit na guwapo! At si Kristine naman nahihiya na siya ang lumapit kay Lester para makipag-usap dahil baka sabihin na siya pa ang nagpapakita ng motibo. Pero si Kristine ay crush niya si Lester. Gayundin si Lester may lihim siyang pagtingin kay Kristine.

Minsan isang gabi pag-uwi ni Lester galing sa paaralan ay nakita niya na may bisitang lalaki si Kristine. Nag-uusap silang dalawa sa sala at parang masayang-masaya si Kristine. Agad ay nakadama ng selos si Lester. Pagpasok niya sa kanyang kuwarto agad ay nagsisisi siya kung bakit hinayaan na lamang niya ang pagtingin na nadarama kay Kristine. Ayan tuloy, mauunahan pa yata siya.Kinabukasan paggising niya at pagpunta sa canteen para kumain nakasabay niya sina Kristine.

Habang pumipili si Kristine ng pagkain nila na bibilhin ay naglakas-loob na nagtanong si Lester kay Kristine."Kristine, sino ba ang lalaki na bisita mo kagabi?"."Ah, si Junjun kaklase ko", sagot ni Kristine."Nanliligaw ba siya sa iyo?" tanong uli ni Lester."Medyo," mahinang sagot ni Kristine kay Lester"Ganun ba?", malungkot na sinabi ni Lester kay Kristine sabay puwesto na sa upuan para kumain,.

Habang siya ay kumakain hindi siya mapalagay. Nagtatalo ang puso niya at isipan. Sa isipan niya ayaw niya munang magmahal dahil magiging abala iyon sa kanyang pangarap na maging isang abogado. Ngunit sa puso niya ay nag-uudyok na ligawan na si Kristine. Dahil noon pa man na makita niya ito ay nagkaroon na siya ng pagtingin sa dalaga pero inililihim lang niya.
Kinagabihan muli ay bumisita na naman si Junjun. Ang masakit siya pa ang napagtanungan kung nandiyan ba si Kristine dahil nakatayo siya sa may pinto. At ilang sandali pa nagselos na naman siya.

Pagkabukas dahil sa hindi na niya talaga makaya na pigilan na lang ang nararamdaman kay Kristine ay niyaya niya ito na mamasyal. Laking pasasalamat niya ng si Kristine ay pumayag. Nasundan pa iyon ng nasundan. Bawat imbita niya kay Kristine ay pumapayag ito at sa bawat pamamasyal nila masayang-masaya siya, gayundin si Kristine. Ang ipinagtataka niya bakit mula ng mamasyal sila ni Kristine ay di na muli pang bumisita si Junjun.

Hanggang isang araw na hinihintay niya si Kristine na dumating galing sa paaralan ay nakipagkuwentuhan muna siya kay Rhea na pinsan ni Kristine. Sa pag-uusap nila doon ay nalaman niya na si Junjun ay kaibigan lang pala ni Kristine sa paaralan. Kinasabwat na kunwari ay manliligaw sa kanya para siya ay magselos ng sa ganun maglakas-loob na ipadama ang nararamdaman niya kay Kristine dahil mula pa raw noong una alam na ni Kristine na siya ay may pagtingin.

Pagdating ni Kristine ay napatawa lang si Lester. Nasa isip niya na naisahan siya ni Kristine. Nalaman ni Kristine na siya ay mayroon talagang pagtingin. Kaya si Kristine na ang gumawa ng plano para mangyari ang nais dahil si Kristrine crush din siya. Magpaganun pa man walang pagsisisi na minahal niya si Kristine dahil hindi iyon naging sagabal sa kanyang pag-aaral kundi naging inspirado pa siya.

Hanggang sa maging sila.

Monday, September 7, 2009

Maling Akala

"Masakit kung ang inaakala mo na magiging iyo na tao ay hindi mo makakatuluyan dahil may minahal siyang iba."


MALING AKALA
Ni: Arvin U. de la Peña

"Wala na siya rito sa ating lugar. Umalis na siya, matagal na. Siguro mga dalawang taon na at mula noon hindi pa siya bumabalik. Nangyari ang pag-alis niya rito isang buwan pagkatapos mong magpasya na sa Maynila mag-aral ng panibagong kurso sa kolehiyo". Para akong nasabugan ng sabihin ng kaibigan ko ang mga salitang iyon. Ang dahilan kung bakit nagbakasyon ako ay hindi ko pala makikita. Si Maryjane hindi ko pala siya makakausap tungkol sa aming naputol na magandang relasyon.

Sino nga ba si Maryjane sa buhay ko? Well, siya ang dahilan bakit naging makulay ang buhay ko. Siya ang taong nagmahal sa akin ng totoo. Hindi siya katulad ng iba kong nakarelasyon na puro dusa ang inabot ko. Nandun ang pagkakataon na ako ay paiiyakin, sasaktan, at higit sa lahat nakakakita ako ng dahilan para ako ay magselos. Ngunit kay Maryjane hindi ko naranasan ang mga iyon. Masayang-masaya talaga ako sa kanya.

Noong una hindi ko pansin si Maryjane. Paano?, isa ko siyang kababata. Magkalapit lang ang aming bahay. Madalas ay magkasama kami noon kung maglaro. Kahit nagpapasaring siya noon binabalewala ko lang. Mas pinansin ko ang mga pasaring ng mga babae na malayo sa aming bahay. Iyon pala hindi ako magiging masaya sa piling nila. Kay Maryjane ko pala matatagpuan ang kaligayahan ng tunay na pag-ibig.Nagkalayo lang kami ng magpasya ang mga magulang ko na sa Maynila ako mag-aral sa bago kong kukunin na kurso. Wala kasing nangyari sa una kong natapos sa kolehiyo. Nang sabihin ko kay Maryjane iyon ay di niya tanggap. Dahil kami raw ay magkakalayo. May kurso naman daw dito na malapit lang sa aming lugar ang kukunin ko sa Maynila, bakit doon pa raw ako mag-aaral.

Sinabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit doon ako mag-aaral ngunit hindi pa rin siya kumbinsido. Hanggang sa ako ay paalis na patungong Maynila hindi pa rin niya tanggap na doon talaga ako mag-aaral. Ngunit sinabi niya sa akin na mahal na mahal niya ako na sinang-ayunan ko naman dahil mahal na mahal ko rin siya. At sinang-ayunan ko rin ang sinabi niya sa akin na huwag lang kaming magsulatan dahil malulungkot lang siya kapag may matatanggap na sulat na galing sa akin na malayo ako sa piling niya.Habang nasa Maynila ako siya ang inspirasyon ko sa pag-aaral. Dahil umaasa ako na sa aking pagbalik o pagbakasyon ay may Maryjane na naghihintay sa akin.Subalit heto ako ngayon sa aming lugar nagbabakasyon ng isang buwan pero wala si Maryjane na aking inaasahan. At ramdam ko na mula ng kami ay magkarelasyon ngayon lang ako nakadama ng lungkot.

Masaya na sana ako dahil ang nasa isip ko pumunta lang sa malayong lugar si Maryjane para magkaroon ng magandang buhay para sa muli naming pagkikita ay mapag-usapan na namin ang para sa aming pagsasama ng bigla ay may nabalitaan ako isang linggo pagkaraan ng aking bakasyon. Kagigising ko lang ng malaman ko sa aking kapatid na si Maryjane ay umuwi pero may kasamang lalaki. Parang sasabog ang dibdib ko ng marinig ko iyon. Gusto kong puntahan si Maryjane sa bahay nila kung bakit niya ako pinalitan gayong wala namang break-up na nangyari sa aming relasyon.

Hanggang sa makita mismo ng dalawa kong mga mata na totoo ang sinabi ng aking kapatid. Si Maryjane may iba ng lalaki at pinalitan na ako. Akala ko pa naman hindi siya tutulad sa mga nakarelasyon ko. Tumulad din pala siya.Bukas aalis na lang ako papuntang Maynila. Hindi ko na lang tatapusin ang isang buwan ko na bakasyon.

Sana malimot ko ang alaala namin ni Maryjane pagdating ko roon. Masakit pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan na hindi siya para sa akin.

Saturday, September 5, 2009

Aking Inang Bayan (by request)

"Sa post ko pong Paglimot ay nagrequest si Grace sa comment na isang blogger sa amerika na kung puwede daw ay gawan ko siya ng sinulat ko para sa kanyang birthday ngayong linggo. Nagbigay pa siya ng theme sa tema ng isusulat ko kahit daw maikli lang. Ito po ang sabi niya

Hi! I'm Grace said...
Ang galing mong gumawa ng tula, Arvin. Pwede mo kaya ako gawan para sa kaarawan ko sa linggo? Kahit maikli lang.Gusto kong theme ay ang pagkahiwalay ko sa bayan natin para lang makasama ang minamahal ko dito sa amerika. Thanks. I'll give you the credit.(Filipino language)

September 4, 2009 9:16 PM

Blog po ni Grace ay http://grace1331.blogspot.com/

So Grace ito po ang naisulat ko para sa iyong request.


AKING INANG BAYAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Aking inang bayan mahal ko ikaw
Ikaw ay aking ipinagmamalaki
Ipinagtanggol ka ng aking mga ninuno
Nang minsan na nais kang sakupin.

Aking inang bayan kahit ako ay narito
Sa ibang bansa naninirahan
Kapiling ng aking pamilya
Hinding-hindi ko ikaw nakakalimutan.

Aking inang bayan pagtratrabaho ko dito
Para rin po sa inyo
Dahil ako ay isang pilipino
Sa inyo ay nagmula.

Aking inang bayan babalik din ako
Muli ay aapak din ako sa lupa mo
Hindi nga lang alam kung manirahan na lagi
O babalik pa sa ibang bansa.

Friday, September 4, 2009

Paglimot

(Ang tula pong ito ay isa sa dalawa na lang na para sa bloggers na sinabi ko na dati. Nang sinabihan ko po siya kung puwede ay handugan ko siya ng tula at ipost ko sa blog ko ay pumayag siya. Ang pagpayag niya po ay nasa comment sa post kong Paalam. At ito po ang sabi niya

bangz said...
aus lng nman oh cge gwan mo ko hahaa..bzta mgnda ha..eto nga pla ead kosimpleng_aburido@yahoo.com..
August 10, 2009 7:17 PM

Nasa friendster ko na rin po siya. Pagkatapos po ng isa pa ay hindi na ako magsasabi sa bloggers na kung puwede ay handugan ko sila ng sinulat ko dahil ayoko ng maulit pa ang nangyari dati. Sa mga kaibigan ko na lang ako maghahandog o sa mga nakikilala sa friendster kung sakali man na gustuhin ko na may handugan.)

"Kapag naghiwalay na ang naging magkarelasyon ang susunod na hakbang sa buhay nila ay ang paglimot na sa isa't isa. Inihahandog ko ang tula na ito para sa isang blogger na ang blog niya ay http://www.bangzunlimited.blogspot.com/"


PAGLIMOT
Ni: Arvin U. de la Peña

Pinipilit ko ang hindi ka na isipin
Dahil nasasaktan lang ako
Lalo na at alam ko
Wala ng pag-ibig pa sa atin.

Hindi ko na gusto na maalala pa
Ang lahat na may kaugnayan sa atin
Na sa kabila ng pagmamahal ko sa iyo
Iiwan mo ako at ipagpapalit sa iba.

Hindi ko alam ano ang nakita mo
Sa kanya na wala ako
Akala ko pa naman ay tayo na talaga
Dahil unang pagkikita pa lang ay may pag-ibig na agad.

Hindi pala sukatan ang labis na pagmamahalan
Para sabihin na kayo na
Minahal ko ikaw ng sobra
Pero hindi pa rin naging maganda ang kinalabasan.

Nauwi sa wala ang mga pangako natin
Sumapaan na habambuhay mag-iibigan tayo
Sa pag-iwan mo sa akin
Ewan kung may pagsisisi ka.

Wednesday, September 2, 2009

Kaarawan

"Sa lahat na mga nakilala ko lang sa chat, sa friendster, sa blog, sa text o sa ano pa man na hindi ko pa nakikita ng personal lalo na iyong sasapit ang kaarawan na malayo sa mahal sa buhay ay para para po sa inyo ang tula na ito."


KAARAWAN
Ni: Arvin U. de la Peña

Maligayang kaarawan sa iyo
Hindi man tayo nagkikita ng harapan
Malugod ko pa rin ikaw na binabati
Dahil ikaw ay kaibigan ko.

Sa pinakamahalagang araw ng buhay mo
Sana ay maging masaya ka
Kahit konti ay hindi makaramdam ng lungkot
Kahit na hindi kapiling ang iyong pamilya.

Alam ko na maaalala mo
Mga kaarawan mo na kasama sila
Masaya na nagsasalo-salo sa inihanda
Maging ito man ay engrande o simple lang.

Nauunawaan ka naman nila
Kung bakit wala sila sa tabi mo
Dahil ang iyong paglayo pansamantala
Para rin naman sa kabutihan nila.

Marami pa sanang kaarawan
Ang sa iyo ay dumating
Huwag mo sanang kalimutan na magpasalamat
Sa ating poong maykapal.