farjah said...
Hi Kuya Arvin ako'y napadaan na naman ulit dito sa tinaguriang kong tambayan na blog. Ang kagandahan ay tila hindi naman nasusukat sa kapanglabasan na anyo ng isang tao at ang isang ngiti ng isang nilalalang ay mahirap sukatin ng kagandahang loob. Pero "infairness" ha naka swerte ka yata maganda siya at nakakalesbi sana ako naman maipost dito sa blog mo hehehe. yung pic ko lang, joke!
"Ang tunay na pag-ibig iyong hindi mo alam kung bakit mo siya nagustuhan. Pero minahal mo siya sa hindi mo maipaliwanag na dahilan."
WALANG HANGGAN (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña
Pag-ibig ay ibinigay
Katawan pinagkaloob
Sakripisyo ay hinarap
Ang pagluha pinipigil.
Mahal gusto mang iwanan
Sarili ay palayain
Puso kusang humaharang
Taksil ayaw na iwanan.
Walang hanggan magtitiis
Pagmamahal di bitawan
Iniibig mamahalin
Gumabi man at umaraw.
Tutol hindi pakikinggan
Magulang ay hindi sundin
Maging kapalit man poot
Lahat ng iyon tanggapin.
Mundo man maging kalaban
Pagkaisahan ng lahat
Sino man di makahadlang
Para sa puso ay tibok.
33 comments:
kakahiya naman. parang gusto ko ring ma feature. in fairness, ang galing mong gumawa ng tula
ang galing naman Arvin...I love that teleserye...ehehhe! infinity!
ganda kaya nang requester...hehhee!
huwow! isa na namang obra maestro ha. hehe
Ganda nang naka feature dito ^_^ Secondly, huwag ipagkaloob ang katawan ninyo pag hinde sure! ^_^ Hinde yan LOVE pag ask nang ask ang mga boyish dyan. Ang tunay na LOVE ay maka-paghintay.
touching naman ang tulang ito..
by the way, do you mind checking out on Happy Birthday To My Most Beautiful Sister?
Ang galing mo, Arvs. Nice poem na naman.
gusto ko ung quote bago ung tula.. :D
haha..uu nga eh..
sa love, ang daming standards pero pag dating sa tunay na pag ibig, bigla nlng naglalaho ang lahat at hahamakin ang anumang hadlang masunod lang ang nilalaman ng puso..
lols
nice one :)
anyway, mm..someone posted about this word verification thing..if you don't mind, pwdi kayang tanggalin to? haha..I mean, kung okay lang naman, minsan kc nakakainis eh :D
Hi Kuya Arvin una sa lahat salamat sa pag feature dito sa blog mo, naging busy sa school ka grad lang ng high school, :-) Ang galing mo talaga Kuya ako'y taas no'o sayo.
Para ka din si Joe D' Mango kung mag Tula believe talaga ako sayo.
@Ester Yaje.........ganun ba.....malaman mo na lang kung ikaw ay na lagay na dito sa blog ko...
@Dhemz..........salamat sa sinabi mo....isa ngang teleserye ang walang hanggan.....at marami big star ang cast sa palabas na iyon....
@jhengpot........maraming salamat sa sinabi mo.....nakaka inspire iyon sa akin na magsulat pa....
@Kim, USA..........haha......iba na rin ngayon......bago ang kasal ay kung anu ano na ginagawa........
@simply_kim..........naantig ko pala ang damdamin mo sa sinulat kong ito....ah ok...puntahan ko ang link...
@eden...........thanks....kumusta ka na diyan.....
@cLai.........ang quote na iyon ay send lang din sa cellphone ko.....salamat at nagustuhan mo ang sinulat ko...
@Mai Yang.......kumusta naman ang buhay pag-ibig mo.......lahat nga gagawin talaga para sa minamahal.....hindi ko alam kung paano iyan tanggalin na verification code....noon ay wala naman iyan....sa google lang siguro iyan kagustuhan.....kung alam mo ay turuan mo ako para mawala iyan na kailangan pang mag verify ng code...
@farjah............walang anuman iyon....pasensya na rin at matagal bago ko ikaw napagbigyan.....congrats sa pag graduate mo.........
check
@Mai Yang.............salamat sa pagturo mo sa akin para mawala ang word verification para sa pag comment...
i followed back na po! ^__^
a quick visit here Arvin...happy easter!
Hi, Arvs!
Thank you for the visit.
hiyee! im just new here... in fairness, maganda ang pagkakasulat ng tula. ^^
hay, nangyayari talaga yan, minsan ay puso lang ang pinapakinggan natin. pero sabi nga nila, kaya daw inilagay na mas mataas ang ulo kesa puso eh upang mabalanse at matimbang nito kung tama ba ang sinasabi ng puso. ;)
Ang galing!
@AegyoDayDreamer............salamat sa pag follow mo sa blog ko.....
@Dhemz.............ah ok....salamat pagbisita mo uli dito sa blog ko...ganun din sa iyo...
@eden..............kumusta na.....saan ka nag holy week....siguro sa ibang lugar,hehe...
@iamjessiegarcia............salamat naman at napuntahan mo ang blog ko....di ko alam saan ka galing at napadpad ka dito....sana muli ay bisitahin mo pa rin ang blog ko...salamat sa sinabi mo na maganga ang pagkakasulat ko..
@icedgurl............sa iyo ay salamat din at napadpad ka dito...puntahan ko rin ang blog mo..
@ThePinayWanderer.....yah...sa pag ibig ay kadalasan puso talaga ang nasusunod....hahamakin ang lahat masunod lang ang tibok ng puso.....
@Kristeta...........salamat sa sinabi mo....nakapagbibigay iyon ng inspirasyon na magsulat pa ako ng magsulat para sa blog ko..
Post a Comment