Friday, April 27, 2012

Paalam Kaibigan


Naisulat ko ito dahil ang ka batch naming ito sa high school ay nag ungroup sa group namin sa facebook.



"Years will pass and soon the people we meet will just be a part of our memory. But when we grow old, we would be glad to look back. Because we know, that once in our life we got to know you."

PAALAM KAIBIGAN
Kay: Alexis Negado
Ni: Arvin U. de la Peña

Maraming salamat sa iyo na minsan nakasama ka namin sa grupo. Kapag ikaw na ang nagsasalita lahat ay nakikinig. Nagkakaroon ng iba't ibang reaksyon sa bawat bigkas mo. Dahil ang iyong mga salita ay may karisma. Nakakatawag ng pansin sa kapwa. Katulad ng karisma mo pagdating sa pagpapaibig ng kung sinu-sino lang na babae. Na kahit nakilala mo sa chat o text ay kinakatagpo mo. Naaalala ko pa nga noon pinakita mo sa amin ni Aljun ang private friendster account niyo ng babae na nakilala mo sa chat yata na sa call center sa Makati nag trabaho at pinakita mo sa amin mga 4am sa ABC internet cafe dahil nagpaumaga na lang tayo dahil nag inuman ang mga pictures niyo sa Puerto Galera ng babae na meet mo pag uwi mo galing Saudi. Scandal iyon na mga pictures. Nasaan na kaya iyon.

Sa pagkawala mo hindi na magiging masaya ang grupo. Dahil halos lahat ng katuwaan na nangyayari ay ikaw ang nag-uumpisa. Mga nakaraan noong high school lalo na kung patungkol sa pagliligawan kapag inuungkat mo ay nauungkat na lahat. Halos lahat parang alam mo kung sila sino ang nagkagustuhan noon. Halos lahat alam mo kung sino ang crush ng isang tao. Higit sa lahat sa mga naging pangyayari noon at ngayon na naroon ka ay hindi mo nakakalimutan.

Malungkot nga lang isipin na dahil may ka batch tayo na nagtatayo ng sariling grupo kung alumni ay ma disappoint ka dahilan para hindi ka na makiisa sa amin. Pati rin sa kanila hindi ka makikiisa dahil ang gusto mo dapat isang grupo lang tayo. Ilang taon kang nagtrabaho sa Saudi. Kinaya mo ang buhay doon. Hindi ka natakot sa mga Arabo. Ang mga arabo pa ang natakot sa iyo,hehe. Pero sa kanila na nagtatayo ng sariling grupo parang natakot ka dahil hindi na magiging buo ang grupo. Wala kang tiwala sa original group.

Kumbaga sa isang malaking bato sila ay tipak lang. Buo pa rin ang malaking bato. Kaunti lang sila, tayo ay marami. Hindi sila malaking kawalan. Malaki na siguro sa kanila ang sampu. Hindi mangyayari na magiging superior ang grupo nila pagdating sa usapin tungkol sa alumni dahil sila ay B at tayo ay A. Ang tumitiwalag sa original group ay maituturing na taksil. Mga pang gulo lang silang maituturing. Isa pa nasa ating side ang Presidente ng batch natin at ang mga official. Karamihan na magpapadala ng pera para sa alumni ay sa grupo natin. Hindi sa kanila na nagtatayo ng sariling grupo dahil baka sa sariling bulsa lang malagay ang perang ipapadala. Alam mo naman kung sino ang naroon. Maraming members ang nasa likod mo. Ngunit bakit nagkaganun ka. Magiging masaya ka rin naman sa amin dahil kung anuman ang mayroon sila ay mas lalong mayroon ang grupo natin. Kung kaya nilang bumili ng San Miguel Beer kung party ay mas lalong kaya natin. Kahit ilang case pa.

Oo nauunawaan ko ang sinabi mo sa akin na wala ng kasiyahan sa batch natin dahil may ibang grupo na. Higit sa lahat nasisira ang pagkakaibigan. Pero gusto ko malaman mo na dito sa mundo ay walang permamente. May pagbabago ang lahat. Dapat tanggapin ang ganun na pangyayari. Maging sapat sana sa isipan mo na minsan nakasama mo sila at nakabiruan. Higit sa lahat nakasama minsan sa tagay.

Sa huli umaasa kami na sasali ka uli sa grupo. Naniniwala kami na hindi mo pa tinutuldukan ang pakikisama sa grupo. Kung maituturing ngang tuldok ang katapusan.

20 comments:

Noblesse Key said...

ahahhahah...kawawa naman...I wouldn't like to be in his position...ahahaha

w0rkingAth0mE said...

Hmmmm, kung san sya masaya suportahan ko sya heheh .. Kidding aside sana magbalik sya sa grupo nyo =)

Albert Einstein☺ said...

Nakakalungkot naman ito Kuya Arvin, sa Facebook pa niya ginawa na pwedeng malaman ng lahat... I hope na marerealize nya ang kanyang pagkakamali, na sasali sya ulit sa inyong group page sa fb...

More Power to you!

anney said...

Maybe meron syang personal reason kung bakit nya nagawa ito. Sana maayos din ang lahat.

farjah said...

Yan ay hindi alis bilang paalam balang araw babalik din siya pagkat siya'y tao po laamang. "Babalik kang muli nga araw at sandali"

Mai Yang said...

hay ewan..ganyan tlaga ang buhay. he'll come around..

kimmyschemy said...

ay, ang sad naman nyan.. nakaka-relate ako dyan, Arvs, may friend din akong ganyan eh...

a visit from kim!

Maria Gemma Hilotin said...

sad naman...

be kind na lang daw for everyone you meet is fighting a hard battle.

Maria Gemma Hilotin said...

thanks for visiting my site pla! :)

Yen said...

Go Arvs, convinced mo pa ang frend mo ng bonggang bongga para bumalik na sa grupo niyo. kaya mo yan:)

Bka dun sa bagong tayong grupo d na beer ang binibili, branded whisky na. hehe

eden said...

Thank you Arvs for the visit.

Anonymous said...

sana ma ok lahat sa pagitan ninyong magkakabatch..sana isang grupo n lng...kami sa batch isang grupo lang kahit di nakikipaparticipate ung iba/pero ok naman...sana ma ok na yn.

SunnyToast said...

this the time that he need all your support but truly this is a sad story:(

Lady Fishbone said...

babalik din yan... kung hindi man sa group siguradong anjan lang siya.....

Sam D. said...

Nakaka-sad naman ang pag-alis ng kaibigan mo sa grupo niyo. Probably need nya mag-isip muna then who knows babalik din siya later on sa group niyo ulit.

Unknown said...

:( in time siguro babalik din..

TAMBAY said...

umalis din ako sa grupo namin sa FB. isa pa naman ako sa writer ng grupo.. bukod dun may page din kami..

mga banat na malulupet ang name...

sayang..

:)

Nice Salcedo said...

for every goodbye, there will soon come a new hello :) sana babalik siya.

eden said...

Hi, Arvs! Thank you for the visit.

Diamond R said...

nakakalungkot naman ito.Sana naman maayos pa at ikaw ang makagawa noon.Don't give up para sa kanya