"May mga taong minsan lang dadaan sa buhay natin. Minsan makikilala, makakasama, at mamahalin. Pero kadalasan ang minsan na iyon habang buhay na sa alaala natin. Parang SIYA, minsan lang dumaan sa buhay ko pero habang buhay ng nakaukit sa alaala ko."
MARAHIL
Ni: Arvin U. de la Peña
Marahil hindi tayo ang nakatadhana
Minahal kita ng lubusan
Lahat naibigay sa iyo
Humantong din lang sa paghihiwalay.
Pinaglaban at pinagtanggol ko ikaw
Nagtitiis at naghirap ako
Hinarap ko ang mga pagsubok
Ngunit ako ay iniwan mo pa rin.
Sa ibayong lugar doon pinuntahan ko
Bawat tulo ng pawis ikaw ang inspirasyon ko
Sa gabing malamig na hindi ka kasama
Tinitiis ko ang mag-isa.
Mga nagpaparamdam sa akin iniiwasan ko
Tukso pilit kong nilalayuan
Ayoko na mahumaling sa iba
Pagkat ikaw lang ang tangi kong mahal.
Wala ka naman sa piling ko
Kailanman di naman maging tayo
Alaala mong naibahagi sa akin
Sakit man kapalit isipin ko pa rin.
44 comments:
wagas na wagas sa tula a. kip it up! mukang lalim ng pinaghuhugutan ha.
Ang lalim ng ugat ng tula mo... Sana mabasa nya toh... :p
nice poem
kuya nakakarelate ako ahahaha :D sobra. mm, mahusay ka parin magsulta. bongga :D
lovely poem. talent mo talaga to.
Ganoon talaga sa pag ibig may magkatuluyan at may hindi. Nice poem. Well written.
Awww sana mabasa nya ito at ng malaman nya kung gaano mo pa rin sya kamahal ngayon....
Ang sakit naman nito...mukhang may pinaghuhugutan, meron ba?
Galing talaga, tagus hanggang buto!!!
napaka-touching naman nito..
a visit from kim!
@Yen.............salamat....talagang may pinaghugutan ang sinulat kong ito kasi para ito sa mahal ko dati.....
@Untied Escape...........talagang mababasa niya ito kasi mag message ako sa kanya sa facebook.......
@Pala kanton.......salamat....kumusta naman po kayo diyan...
@CHEEN............talaga.....kung ganun ba ikaw din ay iniwan ng minsan minahal mo na tao........
@michi...........mahilig lang talaga ako magsulat ng madamdamin....mapa kuwento man o tula......salamat sa sinabi mo..
@eden..........oo nga eh.....hindi talaga lahat na nagmamahalan na ay nauuwi sa magandang pagsasama....dumadating talaga ang time na nagkakaroon ng pagsasawa....
@Kristeta............mababasa niya po ito......ang mahirap lang kung hindi na siya uli puwede para sa akin...
@Noblesse Key...........di ko sadya kung tinamaan ka man sa sinulat kong ito,hehe....opo mayroon....ang babae na makita sa larawan.....
@simply kim...........mas iba nga ito kumpara sa mga nauna kong sinulat na madamdamin......kasi ito nangyari talaga sa akin.......
sino ba inspiration mo? haha
Hindi pa huli ang lahat, malay mo kayo pa rin sa huli =)
ganun talaga ang taong minsang minahal natin ng sobra eh hindi pala nakatalaga para sa atin.
Haaay! ang bigat! pero dat's Life!
Move on! minsan talaga kung sino pa yung pinakaminahal natin ng husto, kung sino pa pinagbuhusan natin ng matinding emosyon, sya pa yung pinaka makakasakit sa atin...
ika nga nila " You are my strength and yet my weakness"...
Ngunit maniwala pa rin at manalig na, kapag may nawawalang bagay na mahalaga sayo siguradong may dadating na tunay namakakapagpaligaya ng lubos sa iyo...
Just dropping by to say, thank you for the visit.
cgurado may darating na mas higit pa...
@Mai Yang...........madami po....bukod sa mga personal na kakilala at mahal ay iyong mga tao na sumusubaybay sa blog ko....at isa ka na doon,hehe...
@wOrkingAthOmE.........sa pagkaalam ko ay may bago na siyang mahal.....mahirap kung pumasok pa ako....baka awayin pa ako....
@Avee..........tama ka diyan....iyon ang masakit lalo na kung may nakaplano talaga para sa kinabukasan.......minsan kasi nagkakaroon ng pagsasawa para sa ating mahal..........at minsan nahuhumaling sa iba dahilan para mag away at magkahiwalay......
@Palomah........maganda ang sinabi mo....dahil nga sa ating mahal siya ang ating inspirasyon....kaya natin na mahirapan para sa kanya....pero puwede na manghina tayo dahil sa kanya kung sa kabila ng ganun ay lolokohin pa rin tayo..
@eden...........thanks for visiting again my blog.......
@Keatodrunk..........may darating talaga...hindi lang naman siya ang babae,hehe..
Good memories last forever talaga.
cool.... ikaw na idaol ko
Masyado naman akong na inspire sa blog mo, bukod sa sobrang makahulugan at talagang may punaghuhugutan, ay saludo ako sa perpektong tagalog mo.
Ilokano ako:))
Salamat sa pagdalaw sa aking abang blog, sana dalawin mo ulit:))
Have a good weekend, Arvs!
First time ko narinig ang background music mo ah. Meron pala. kaya nman pala, luma luvsong, inlababo kaso, sana lang aware siya..
@anney.........haha.....tama ka diyan sa sinabi mo.........siyempre mahirap makalimutan ang masayang alaala kapiling minsan ang minahal..
@Colors and Grays........salamat kung ganun.......
@sherene..........salamat naman kung na inspire ka ng makita ang blog ko....ako po ay waray at kadalasan kong post ay tagalog talaga....huwag kang mag alala at muli ay puntahan ko ang blog mo.....
@eden............thanks for visiting again my blog.......ganun din po sa iyo...
@Mitch..........ganun ba....salamat naman pinakinggan mo ang background music ko ngayon.....nabasa na niya po ang sinulat kong ito...
ang lungkot naman!
Spanish Pinay
thank you for your visit, arvs. I will just go back to read your new post because I have to sign off shortly.
thank you for your mother's day greetings.
ganyan talaga ang buhay.. we gain some, we lose some.. sometimes we need to let go din.. life life life
Lovely :)
Post a Comment