Saturday, May 12, 2012

Pagbagsak Ng Popularidad


"Ang isang tunay na politiko ay pagserbisyo sa mamamayan ang tunay na hangarin. Hindi ang pagnanakaw ng pera."


PAGBAGSAK NG POPULARIDAD
Ni: Arvin U. de la Peña
 
Likas na sa pagkatao ni Wilson ang pagiging matulungin. Bata pa lang siya ay ganun na ang pagkatao niya. Matulungin sa pamilya at sa mga nakikita na tao na nahihirapan magdala ng kung ano. Ayaw na ayaw niyang nakakakita ng nahihirapan sa dinadala. Maging sa anumang uri ng pagtulong ay ginagawa niya. Kaya kilalang kilala siya sa kanilang lugar. Masipag pa siyang mag-aral.

Nang siya ay kumandidato bilang SK chairman sa kanilang barangay ay nanalo siya. Bagamat wala siyang pera para ibigay sa ibang mga botante na hindi niya masyadong kilala ay siya pa rin ang nanalo sa pakiusap ng mga magulang ng ibang botante na siya ang iboto. Hindi nagkamali ang mga bumoto sa kanya bilang SK chairman dahil naging maayos ang pamamalakad niya. Maraming events ang nangyari sa pamumuno niya para sa mga kabataan na hindi nagawa ng mga naunang SK chairman. Katulad ng basketball tournament, volleyball, chess, at kung ano pa na ikasasaya ng mga kabataan at paghubog na rin ng natatagong talento.

Pagkatapos ng kanyang termino bilang SK chairman ay nagpasya siyang tumakbo bilang konsehal sa kanilang barangay. Muli siya ay nanalo sa kabila na hindi man lang siya namili ng boto. Mahal talaga siya ng mga tao sa kanilang lugar. Sa loob ng tatlong termino ay maayos ang performance niya bilang konsehal.

Ganundin ng siya ay mahalal bilang Kapitan ng kanilang barangay. Sa loob ng siyam na tao ay tapat ang panunungkulan niya sa kanilang barangay. Lahat na problema at hinaing ay naaayos niya.

Dahil hindi na siya puwedeng tumakbo bilang kapitan sa kanilang barangay ay nagpasya siyang tumakbo bilang Vice Mayor. Doon ay tinulungan na siya ng ibang mga tao na nakakakilala sa kanya para sa kanyang pagtakbo bilang Vice Mayor. Pagkat mahihirapan siyang manalo kung hindi man lang magbigay ng kaunting pera para sa mga botante. Iyon ay dahil lungsod na ang pinag-uusapan. Hindi katulad ng sa barangay na masyado siyang kilala. Kahit hindi bumili ng mga boto ay iboboto pa rin siya. Marami ang tumulong sa kandidatura niya bilang Vice Mayor dahilan para siya ay manalo.

Bumilib ang mga tao sa kanilang lugar sa kanya bilang Vice Mayor. Naging idolo siya ng mga kabataan. Kaya pagkatapos ng tatlong taon na paninilbihan bilang Vice Mayor ay tumakbo siya bilang Mayor. Bago ang desisyon niya sa pagtakbo sa mataas na posisyon ay nakiusap pa sa kanya ang kasalukuyan na Mayor na kung puwede ay mag Vice Mayor na lang muna siya dahil last termna niya at tatakbo pa siya. Ngunit hindi iyon pinakinggan ni Wilson at tumakbo pa rin siya sa pagka Mayor. Sa kabila ng mabuting pamamalakad ng kinalaban niya pagka Mayor ay tinalo pa rin niya ito sa tulong na rin ng mga taong sumusuporta sa kanya.

Naging Mayor si Wilson sa kanilang lungsod. Sa unang termino niya bilang Mayor ay masyadong maganda ang kanyang mga nagawa para sa kanilang lungsod. Naging maunlad ang kanilang lungsod. Madaming proyekto ang nagawa na nakinabang ang taumbayan. Naging bukambibig ang pangalan niya sa kanilang lungsod maging sa malapit na lungsod. Kaya sa muli niyang pagtakbo bilang Mayor ay hindi siya nahirapan. Nanalo siya uli.

Ngunit sa pangalawang termino ni Wilson ay nag-iba na siya. Dahil kampante siya na mahal siya ng mga tao sa kanilang lungsod ay nagpagawa siya ng mga proyekto na overpriced talaga. Siya ang nasusunod sa lahat kahit tutol ang mga konsehal ng lungsod. Pinapangakuan ng malaking halaga ng pera ang mga konsehal para  pumayag sa mga proyekto. Sa mga proyekto na naaaprubahan ay milyon-milyon ang nagiging kita nila Wilson. Yumaman siya dahil sa mga overpriced na mga proyekto. Dahil mayaman na ay nag-iba na ang pakikitungo niya sa mga tao. Hindi na siya gaya ng dati na mahilig pumansin sa mga kababayan. Naging corrupt public official na siya.

At sa pangatlong pagtakbo ni Wilson bilang Mayor ay namili siya ng boto dahil alam niya na ayaw na sa kanya ng mga tao. Malakas din ang hatak sa taumbayan ang kalaban niya pagka Mayor dahil anak mayaman at kilala pang matulungin. Sa kabila na ilang milyon ang nagasto ni Wilson sa halalan siya ay natalo. Doon ay unti-unti ng bumagsak ang popularidad niya. Tumakbo siya ulit pagka Mayor sa sumunod na halalan pero talo pa rin siya.

Tumakbo din siya sa pagka Vice Mayor ng maghalalan uli at hindi pa rin siya nanalo. Kahit sa pagtakbo niya pagka Konsehal ng lungsod ay ganun pa rin ang kinalabasan. Talo pa rin siya. Ayaw na talaga ng mga botante sa kanya. Nagsisi siya sa nangyaring pagbagsak ng kanyang popularidad.

Bilang isang tao dapat nating tanggapin kung ilang pera lang ang dumating sa atin. Maliit man na suweldo o kita ay pagyamanin. Tanggapin natin na iyon lang talaga ang para sa atin. Ang paghangad ng malaki na suweldo o kita ay hindi naman masama basta hindi nakakasakit sa kapwa.
 

27 comments:

Unknown said...

Naku marami talagang katulad ni wilson na kinakain ng sistema. Tama ka hindi mahalag mag hangad ng malaking sweldo o pera basta wala kang sinasagasaan sa pagkamit mo nito. :)

Unknown said...

Naku marami talagang katulad ni wilson na kinakain ng sistema. Tama ka hindi mahalag mag hangad ng malaking sweldo o pera basta wala kang sinasagasaan sa pagkamit mo nito. :)

Noblesse Key said...

hhmmmm...this seems to be a serious topic...

It is a sad reality that politicians are indeed corrupt. I have encountered first hand. But I am still hopeful that this will change.

kimmyschemy said...

ganyan naman talaga ang sakit ng mga politiko. nagsisimula sila sa magandang hangarin pero pag nalunod na sa kapangyarihan eh nauuna na ang pansariling interes..

a visit from kim!

Yen said...

Nakakasilaw daw talaga ang lapangyarihan kaya kadalasan ng na tatapatan ng sinag nabubulag. Ikaw ba pag binigyan ka ng pagkakataong mabigyan ng kapangyarihan , ano gagawin mo kaya? :)

anney said...

hay.. corrupt kasi kaya di umaasenso!

pusangkalye said...

sandali ha.ko-comment lang ako--pero hindi sa post mo pero sa blog mo.at halatang namiss ko.pero nung inopen ko biglang nag play yung mga songs at napa-indak ako.hahaha.natuwa ako talaga sa mga song.so naka-open lang blog mo kasi nag sa-soundtrip parin ako til now.lols

Tal | ThePinayWanderer said...

Nakakalungkot pero nangyayari talaga ito sa totoong buhay, di lang sa pulitika. Nagbabago ang tao kapag nakatikim ng tagumpay na sya naman ulit na magbabagsak sa kanya. :(

Salamat sa pagdalaw sa blog ko Arvs, meron ako friend na kasama sa hiking/galaan na taga-Leyte rin, sana ay madalaw mo rin blog nya (galangbisdak.blogspot.com). Sala-much!! :))

Arvin U. de la Peña said...

@mayen............marami nga kasi dahil nasa posisyon na ay puwede ng gumawa ng paraan para maka kick back ng malaking halaga....alam mo naman sa politika hindi ka gagasto ng malaking halaga para manalo kung makaupo na sa posisyon ay hindi iyon babawiin....sa pagbili lang ng boto ay malaking halaga na....parang negosyo na rin kasi ang politika.....

Arvin U. de la Peña said...

@Noblesse Key..........papalapit na kasi ang halalan kaya naisipan ko na magsulat ng may patungkol sa politika....may mga susunod pa....bihira na lang ang politiko ngayon na hindi corrupt...

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim...........tama ka diyan sa sinabi.....pakitang tao lamang ang mga una nilang gawa na kabutihan.....gagawa ng mga proyekto na ikagaganda.....pero pagtagal ay kung gumawa na ng proyekto ay malaki na ang mapapasakamay nila.....ang corrupt public officials ay hindi mawawala sa ating bansa..

Arvin U. de la Peña said...

@Yen.............hehe....kung ano ang mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng kapangyarihan para magsilbi sa bayan o sa aking lugar ay tapat akong magseserbisyo....hindi ako magiging kurakot,hehe.......kasi mahirap na kung ako ay mapatalsik dahil sa pagiging corrupt......pero tanggapin ko pa rin ang sahod ko.....

Arvin U. de la Peña said...

@anney..........dahil sa napakadaming corrupt kaya ang ating bansa ay hindi umuunlad.....mas inuuna pa kasi ang sariling bulsa ng mga politiko kaysa pagsilbi ng tapat sa mamamayan..

Arvin U. de la Peña said...

@pusang kalye......salamat at muli ay pinuntahan mo ang blog ko....madalas ko pa rin puntahan ang blog mo at hanga ako sa mga pictures mong post.....

Arvin U. de la Peña said...

@The PinayWanderer.........hindi nga lang sa pagdating sa politika nagbabago ang isang tao......minsan din sa pagtagumpay nila sa buhay....kapag may pera na ay nag iiba na ang pakikitungo sa mga kaibigan o sa kapwa....ganun ba....puntahan ko ang blog niya..........

SunnyToast said...

Sad but its true...politicians are indeed corrupt:(

Unknown said...

Lahat naman 'ata ng tumataas, may chance na bumagsak....

Pero kung nagbubild ka ng strong foundation... Especially kung pinagbubutihan mo ang bawat galaw mo sa pagtaas, hindi ka matatakot na bumagsak kasi alam mo... anumang mangyari, may sasalo sa iyo...

Lady_Myx said...

very well said kuya. gandang umaga :)

Latest: Saffron, A Most Valuable Plant

Spanish Pinay said...

Nakakalungkot isipin na ang tao ay nagbabago dahil sa pagdami ng kanyang pera...

Spanish Pinay

eden said...

Huli na ang pagsisi. Dahil lang sa pera nagbabago na ang lahat. He cannot be trusted anymore.

Arvin U. de la Peña said...

@Sunny Toast...........hindi naman lahat corrupt....may ilan pa rin na hindi pangungurakot lang ang habol sa pag lingkod sa isang posisyon.....

Arvin U. de la Peña said...

@Mc Richard Paglicawan.........unang una salamat sa pagpunta mo sa blog ko...maganda ang sinabi mo...tama ka diyan.....may tao din na ganun talaga kapag umasenso na ay nagbabahagi ng nakamtan niya para sa ibang tao especially sa mga kaibigan niya.............nagtatayo din ng mga negosyo para kahit mawala na siya sa trabaho ay may pagkukunan pa rin siya ng pera..

Arvin U. de la Peña said...

@Lady_Myx.........salamat....kumusta po kayo.....balang araw ay puntahan ko ang blog mo....busy pa kasi sa ngayon,hehe..

Arvin U. de la Peña said...

@Spanish Pinay........yah, ang iba kapag nagkapera na talaga ay yumayabang na.....iyon ang nakakainis..

Arvin U. de la Peña said...

@eden.........sadyang ang pagsisisi ay nasa huli.....bago sana gumawa ng hakbang ay iniisip muna ang magiging kalalabasan....para kung malaman na hindi maganda ang magiging epekto ay hindi itutuloy...

Mai Yang said...

ganun tlaga eh.

joy said...

true story ba to? sori kung la kong alam...