Mayroon po akong ginawang page sa facebook. Kung sino man po ang may sinulat na poems o short story ay puwede niyo po doon ipost kahit na ba naipost na iyon sa blog niyo. Kung mag post po kayo doon ay ilagay niyo ang pangalan niyo bilang nagsulat at sa pinakaibaba ng sinulat niyo ay ilagay niyo ang blog site niyo. Ang page po sa facebook ay ito www.facebook.com/writtenfeelings
"Our prime purpose in this life is to help others. And if you can't help them, at least don't hurt them."
BASA
Ni: Arvin U. de la Peña
Halos bawat araw ay laging naliligo ng dagat si Elmer na sampung
taong gulang. Basta maganda lang ang panahon ay asahan na siya ay nasa
dagat. Lahat na uri ng paglangoy ay alam niya. Masayang-masaya siya
kapag nakababad sa dagat lalo na kung pumapailalim siya.
Sa
kanyang pagkahilig sa paliligo ng dagat iyon ang dahilan kung bakit
galit ang kanyang mga magulang sa kanya. Hindi na nga siya nag-aral
tapos hindi pa laging tumutulong sa kanyang pamilya dahil ilang oras din
ang tinatagal niya sa dagat lalo na kung madami ang naliligo.
Minsan
isang araw mainit ang panahon halos siya lang mag-isa sa dagat ng may
pumaradang sasakyan. Mga tatlumpung metro din ang layo niya. Kita niya
na mula sa sasakyan ay bumaba ang isang ina at anak na siguro kasing
edad lang din niya. Kitang-kita niya na ang batang lalaki naligo sa
dagat na masaya namang pinapanood ng ina. Habang pinagmamasdan ni Elmer
na tuwang tuwa ang ina sa anak na marunong lumangoy ay nakaramdam siya
ng lungkot dahil siya ay hindi man lang pinapanood ng kanyang ina kung
nasa dagat man siya. Kusa na lang siyang umuuwi sa kanilang bahay dahil
hindi naman siya pinupuntahan para umuwi na.
Sa
ganun na sitwasyon dahil nalungkot siya ay pumailalim siya sa dagat.
Mga dalawang minuto siyang nasa ilalim ng dagat ng pumaitaas siya para
huminga ng marining niya sumisigaw ang ina ng tulong dahil nalulunod
ang anak. Agad ay dali-dali siyang lumangoy para tulungan ang halos
kasing edad din niyang bata. At nasagip niya naman ang batang lalaki sa
muntik na pagkakalunod.
Pinasalamatan si Elmer ng ina ng bata
dahil kung hindi sa kanya ay nalunod na ang anak. Dahil siya na ina ay
hindi rin makakasaklolo dahil hindi marunong lumangoy. Binibigyan si
Elmer ng kaunting halaga pero hindi niya tinanggap. Sinabihan na lang
niya ang ina na sa susunod ay huwag papupuntahin sa malalim na bahagi
ang anak kung maliligo man ng dagat.
Napakalawak
ng mundo. Malaking bahagi ay dagat. Sa ating pagharap sa agos ng buhay
dapat ay mayroon tayong determinasyon. Huwag tayong patatangay sa
kawalan ng pag-asa. Tandaan na kung maalon man sa ngayon ang dagat iyon
ay hindi palagi. Ang minsan na pagtulong sa kapwa ay nagbibigay iyon
malaking utang na loob kahit na ba ikaw ay basa.
Saturday, May 19, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
35 comments:
nice and inspiring story about hope. kudos to your writing skills! ;-)
Spanish Pinay
I'm definitely going to visit that FB account of yours! :)
Nice story...
done visiting your fb page mate.
Very nice story at may aral sa bandang huli!
nice piece arvin, inspiring!
about your comment - ang plano sa lugar ay modernization at privatization ng pier (north harbor), project ito ni danding cojuangco...
kawawa talaga ang maralita, pinapalayas sa sariling bayan upang bigyang daan ang negosyo ng malalaking negosyante
I could not agree more Arvin...We should strive hard and be determined... This is such an awe-inspiring story...
BTW, I like the beach very much. I could spend a day swimming!!!
Nice poem.
Naalaala ko tuloy nong bata pa ako, palagi ako naliligo sa dagat.
inspiring story na naman eto arvin..will visit your fb also..thank you for sharing :-)
yes, what's the purpose of a skill if we're not going to use it to help others..
a visit from kim!
@Spanish Pinay......salamat....sana nga may marami ang ma inspire para sa sinulat kong ito na mga magbabasa....magaling ka rin naman mag sulat...
@jelai.............salamat kung puntahan mo nga ang page ko sa facebook....i hope mag like ka din doon,hehe...
@Lawrence...........thanks.....kung may sinulat ka man na poems o short story ay puwede mo doon ipost.....ilagay mo ang name mo at blog site..
@anney...........salamat din sa sinabi....sa pagbabasa ay may nakukuha talaga tayong aral....umaasa ako na may inspire talaga para sa sinulat kong ito about isang bata na mahilig maligo ng dagat..
@reese...........may mga pagkakataon po talaga na kung ayaw umalis ng mga tumitira ay gumagawa ng paraan ang may ari ng lupa para makaalis.....sana nga lang ang mga mawawalan ng bahay ay may malipatan sila....
@Noblesse Key.........thanks....noon ay mahilig ako sa dagat....kami ng mga barkada ko sa kabataan.....ngayon hindi na....madali kasi ako mag itim,hehe....
@eden................haha...kasi di ba sa dumaguete ka....napapalibutan nga ng dagat ang lugar niyo.....
@Malou............nakakainspire nga po ito.....kahit bata ay dapat hanggat kaya ay tumulong para sa kapwa kung nangangailangan....hindi hadlang ang kabataan para sa pagsagip ng tao...
@simply kim..........tama ka diyan.....ginamit nga ng bata ang skill niya sa paglangoy para tulungan ang nalulunod......isa siyang magandang halimbawa para sa ibang kabataan.....
Bigla ko naalala sa kwento mo na to ang muntik ko nang pagkalunod sa dagat,creepy yun kasi biglang hampas ng malakas na alon nag panic ako bigla, buti mga boyscout mga kasama ko.Kaya lesson sakin,I still love the beach hehe. Nice story.
Haha! Actualy, maglalaunch din ako ng literary section sa blog ko... Haha!
Hi kababayan. I was honored naman na you like my blog and want to exchage link with me. And now I am following you. Eto pa lang nababasa ko sa post mo ay na in love na ko sa mga sinulat mo. Very inspiring. Galing mo kababayan and lalo lang akong naging proud as a Filipino pag nakaka meet ako ng katulad mo. I am going to read more of your posts:)
clap clap, ang galing hehehe :)
cooooooool, is it a true story kuya ? :D
Buti pa yung bida sa kwento mo marunong lumangoy. :-)
buti na lang marunong lumangoy asawa ko kaya sila magkasama lagi ng anak ko magswimming. taga picture lang ako. hehe!
Have a great weekend, Arvs!
@Yen............ganun ba..kaw kasi madalas kang mag beach.......dami mo rin kaya income sa tatlo mong blog dahil sa pag advertise mo ng mga product,hehe......
@MC Richard Paglicawan........mabuti iyon.....abangan ko iyon sa blog mo....para mabasa ko din mga post mo..
@joy............maraming salamat sa mga sinabi mo.....opo gusto kong makipag exchange link sa iyo.....add ko ikaw sa blog list ko....marami po akong naisulat na dito sa blog ko....feel free to read.......
@Jessica...........kumusta ka na....musta ang pag aaral mo at ang work mo....
@CHEEN............hindi po ito true story na sinulat ko....gawa gawa ko lang ito mula sa imahinasyon ko.....
@Ishmael Fischer Ahab.........ibig mo bang sabihin ikaw ay hindi marunong lumangoy.....
@michi...........hehe....siguro naman minsan nagbababad ka rin sa dagat o sa swimming pool kasama ang pamilya mo....
@eden.............thanks...ganun di po sa iyo...kumusta na..
One nice story!
Post a Comment